Bago sila lumipad pabalik ng Maynila ay dumaan sila sa opisina ni Anthony para ibilin nito ang ilang trabaho sa personal secretary nito na noon niya lang nakita dahil naka-leave ito ng isang linggo. Hindi nakaligtas sa kanya ang maiksing palda nito na bakat pa ang pantyline kapag naglalakad. Pinalampas niya ang malalagkit nitong tingin kay Anthony kapag akala nitong hindi siya nakatingin pero nanggagalaiti siya sa inis hanggang makarating sila sa Maynila. Na kung bakit hindi naman napansin ni Anthony ay hindi niya alam.
Pagkatapos ng mahigit isang buwan ay ikinasal sila ni Anthony sa isang simbahan sa Dumaran. Sa Hacienda Falcon ginanap ang reception na dinaluhan ng maraming bisita na karamihan ay kasosyo sa negosyo at mga kaibigan ng pamilya Falcon. Ang tanging bisita lang niya ay ang ina at si Perly na umalis din kaagad pagkatapos ng reception. Naroon din si Maddox na hindi napigilang lumapit kay Anthony habang nakikipag-usap ang asawa niya sa isang kaibigan ng pamilya. Hindi pa rin mawala ang panibugho niya sa babaeng iyon dahil alam niyang matagal itong naging karelasyon ni Anthony.
October 1980Dumaran, Palawan."Kapag sinamahan mo ang babaeng iyon ay hindi ka na makakatapak pang muli sa lupaing ito, Antonio," pagbaba
January 2001Tondo, Manila"Hi, babe!" Inabot ni Anthony sa girlfriend ang isang tangkay ng rosas na pinitas nito sa paso ng nanay niya.
Sinusundo ni Anthony si Andrea sa school kapag maaga siyang nakakauwi. Tulad ngayon, dahil wala ang professor nila sa huling subject ay dumeretso siya sa school nito na malapit lang din sa tirahan ng kasintahan.Nakita niya si Andrea na kausap ang kaklase nito na isa rin nitong masugid nitong manliligaw. Napasimangot siya. Bukod sa ayaw pang tumigil ng lalaking ito sa kasusuyo kay Andrea ay napakapresko nito at lagi niyang nakakaaway sa basketball sa
"Gaano ba kaseryoso yang sinasabi mong pagsasara ng pabrika Antonio at tila mabigat ang mukha mo?" tanong ni Margarita sa asawa habang nagliligpit sa hapag-kainan."Nag-file na pala ng bankrupcy ang kumpanya, Margarita. Sa susunod na linggo ay kakausapin na kaming mga empleyado dahil hindi na kakayanin pang umabot ng isang bwan ang operasyon."
Dumaran, PalawanPresent time... Nakatanaw mula sa balcony si Anthony sa bulwagang nasa labas lamang ng mansion. It's Tiffany's eighteenth birthday, his cousin from his Aunt Ariela. Alas onse na ng gabi pero nagkakasayahan pa ang mga kabataan. Karamihan ay mga kaibigan at kaklase ni Tiffany mula sa isang sikat na unibersidad sa Puerto Princesa.
Alas nueve ay nasa opisina na siya ng FGC sa Puerto Princesa. May twenty floors iyon kung saan naroon ang opisina ng Falcon Hotels and Resort, Mining, Travel Agencies, Manpower Services at iba pa. Sa 16th floor ang conference room kung saan nagtitipon ang shareholders para sa isang meeting tulad ngayon. Falcon Group of Companies just built a new 28-storey condominium in the city of Puerto Princesa. At next month na ang launching nito.His father Antonio is a good businessman. Bago pumanaw ang Lolo niya a year ago ay nakita nit
Kakatapos lang ni Andrea ng huling shooting nila para sa teleseryeng ipapalabas na inabot ng madaling araw. She felt tired and exhausted dahil sa sunod-sunod na project; commercial photoshoot, mall shows, presscon at kung ano-ano pang social gatherings na kailangan niyang daluhan para sa ikatatagumpay ng bago niyang teleserye. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at pumikit. Wala pang limang minuto ay nakatulog na siya.Alas dos na ng hapon siya nagising. Umupo siya sa eggchair na nasa balcony ng condong inuupahan niya mula nang