Share

The Billionaire's Secretive Servant
The Billionaire's Secretive Servant
Penulis: SweetAga16

Chapter 1 - Aiko Belle Velasco

Aiko Belle POV

Parang nagliliyab ang buong katawan ko dahil sa ginagawa ng nobyo sa aking hiyas.

Para akong nahihibang na d*******g sa bawat mapang-ahas niyang paggalaw. Hindi nakikilala ang sariling boses. Bago ang lahat ng ito sa akin at hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang sarap na hatid sa akin ng init na mula sa lalaking sigurado akong aangkinin ako ngayong gabi

.

Mahaba-haba ang gabi na ito at kung sa lalaking iniibig naman ibibigay ang sarili ko ay malugod at walang pagtutol ang aking puso.

D*****g ako nang d*****g habang ang daliri niya ay maingat na inilalabas-masok sa loob ko.

Para bang iniingatan ako.

Masakit noong una subalit napalitan ang sakit ng sarap lalo’t napakahaba ng mga daliri niyang nakabaon sa akin.

I like this; I like the pleasure I am feeling every time he touches me in between my legs. It seems he knows where my weakness is.

Nakakabaliw.

“God! Oh!” d***g ko. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang ulo.

Tanging nagawa ko lang ay ibaon ang mukha ko sa malambot na unan na para bang doon kumukuha ng lakas.

Dahil nakapikit ang mga mata, ramdam ko ang sarap nang bawat pagpasok ng daliri niya sa loob ko na para bang may gustong maabot.

Epekto man ng alak na nainom kanina sa bar o hindi, gusto ko ang nangyayari sa mga sandaling ‘to.

“Ah! Fudge!” Nilaro na naman ng aking nobyo gamit ang malayang mga daliri ang hiyas ko.

“Oh! Oh! Ah!” Palakas nang palakas ang ungol ko habang palapit nang palapit ang gustong lumabas sa loob ko.

“Fudge,” my boyfriend said in a baritone voice.

Hindi ko alam kung nagkakamali lang ako ngunit mas masarap at maganda sa pandinig ang baritonong boses ng lalaking nagbibigay ng kakaibang init sa katawan ko ngayon.

Malabo ang mga mata ko, madilim sa silid at nahihilo na rin ako dahil alam kong naapektuhan na ako ng alak.

“Oh! Wait lang! France! Naiihi ako,” tarantang sabi ko at sinubukan na alisin ang mga kamay niya sa maselang bahagi ng katawan ko.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang inialis ng aking kasintahan ang kamay niya doon at tila may bakal na idinikit sa aking hiyas.

Sinubukan kong silipin kung ano ang mahabang-bagay na ‘yon na itinatama niya sa kaselanan ko.

“Don't move. Kapag sa iba ko ‘tong butas naipasok, kasalanan mo,” baritonong sabi niya sa akin kaya napalunok si ako ng ilang beses.

Napapikit ako ng madiin at ninamnam ang sarap na nalasap nang maramdaman kong bahagyang hinawi pa niya lalo ang basa ko ng panty na nakatakip sa kaselanan ko tsaka walang sabi-sabing ipinasok nang pabigla ang kan'yang kahandaan kaya napahiyaw ako sa sobrang sakit na lumukob sa akin.

Para akong hinati sa dalawa.

Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko at kinagat ang pang-ibabang labi dahil sa sakit.

Sobrang sakit.

Hindi ko man nakita ang pagkalalaki niya ay alam kong napakalaki no’n lalo’t punong-puno ako ngayon.

Ngunit naramdaman kong natigilan siya. Bakit nagulat si France?

Palagi ko namang sinasabi na wala pa akong karanasan.

“Why didn’t you tell me that you’re a virgin?” he asked dangerously.

“What do you mean? S-sinabi k-ko na s-sa ‘yo noon.”

Hindi ko na narinig ang sinabi ng nobyo ko nang dahan-dahan na siyang umulos. Atras-abante ang ginawa niyang aksyon dahilan kung bakit napakagat ako sa ibabang labi.

Maya-maya lang ay sinasalubong ko na ang malalakas na pagbayo ng lalaking aking kaniig.

“Ah! Oh! Fudge!”

“Fudge! Ang sarap,” baritono niyang sabi.

“Ah! Ah!”

“Aiko!”

Bigla akong napabalikwas sa pagkakaupo nang biglang sumigaw ang kaibigan ko sa aking harapan.

“Gaga! Ano ‘yan? Nananaginip ka ng gising?” tanong niya sa akin kaya naman napahawak na lang ako sa noo ko at dahan-dahan na napalunok nang maalala ang gabing sumira ng buhay ko ngunit binago rin nito ang pananaw ko sa buhay.

“Huh?”

“Huh? Huhtdog! Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka nagsasalita kaya gusto kitang pektusan sa utak e,” sabi ni Jay-jay. Ang kaibigan kong transgender.

“Pasensiya ka na, may iniisip lang ako,” mahina kong sabi habang nakatitig sa mga baso sa harapan ko.

Naalala ko na naman ang pangyayaring sumira sa tiwala sa akin ng mga magulang ko.

Mamaya-maya lang ay tapos na ang oras ng pahinga ko. Palagi na lang kapag natutulala ako ay naaalala ko ang bagay na 'yon.

Ako kasi ay isang cashier sa isang kilalang fast food chain dito sa Baguio at oras ng pahinga ko ngayon kaya naman naiibalik na naman ang ala-ala ko sa gabing nawala ang balak kong ibigay sa lalaking pakakasalan ko.

Manager naman ang kaibigan kong si Jay-jay samantalang ang isa pa naming kaibigan ay isang Engineer na kapapasa lang sa board exam.

Haynako, ayon na nga, ang chika natin ay magpapakasal na ako,” sabi niya kaya naman napataas ang kilay ko.

Bago ko naman naalala ang gabi kung saan isinuko ko ang aking pinakainiingatan noon ay naalala ko naman kahit papaano ang sinabi ng kaibigan ko na may nakilala siyang gwapo sa Tinder, isang dating app. Suking-suki na doon ang kaibigan ko.

Samantalang ako ay nagkakasala sa nobyo ko ngayon dahil iniisip ko pa rin ang lalaking kumuha ng pagkababae ko nang gabing ‘yon.

Dahil naging alipin ako ng alak ay inakala kong ang dati kong nobyo ang kumuha sa pinakainiingatan ko.

“Gaga! Kakakilala mo pa nga lang tapos pakakasal ka na?” tanong ko rito habang inaayos na ang uniform ko.

“Oo nga! Inaaya na nga ako sa Canada e,” tumatawang sabi niya kaya napahawak na lang ako sa noo ko.

“Hoy hindi ka ba natatakot? Nakapag-video call na ba kayong dalawa?”

“’Yon lang ang problema natin, marsh,” sabi niya at malakas na tumawa.

“Gaga ka naman kasi. Huwag kang basta-basta nagtitiwalang boba ka naman d’yan. Gusto mo bang umuwi na nakakahon?” tanong ko lalo’t karamihan sa napanood kong balita ay patungkol sa mga pilipinong sinasaktan at pinapatay ng lalaking nakilala online.

“E ang pogi naman kasi!” malakas na sabi ni Jay-jay. “Kung kailan naman nagkaroon ng puke ang bakla ng taon ay tsaka naman walang bebe!”

Natawa ako dahil sa sinabi niya bago napailing-iling ng ilang beses.

“Nakakainggit naman kasi kayo ni Megan. May mga nobyo na kayo samantalang ako, bokya,” napangusong sabi niya kaya napailing na lang ako lalo.

Hindi naman niya kailangan na mainggit sa aming dalawa ni Megan.

“Baka para ka talaga sa babae,” tumatawa kong biro sa kaibigan kong transgender na kulang na lang ay libutin ang lahat ng dating app.

“Bobo ka ng taon talaga, hindi ako gumastos ng libo-libo para lang magsisi at mamili ng kipay ah. Sampalin kita e,” tumatawang sabi niya kaya naman tumawa na rin ako.

Sabagay sayang nga naman ang mga ginastos niya para maging babae lang.

“At hindi mo rin naman kailangan na mainggit sa amin ni Megan,” sabi ko at naawa na naman sa isa ko pang kaibigan dahil alam kong si Megan at ang nobyo niyang manloloko ang idadaldal sa akin ni Jay-jay.

Buti na lang ay swerte ako kay Vance dahil tinanggap niya ako ng buong-buo. Kung sino ako at kung sino rin ang mga mahal ko sa buhay.

“Ang Engineer na ‘yon patay na patay sa lalaki niya e ilang beses na siyang niloko,” sabi ni Jay-jay katulad na lang ng inaasahan ko.

“Wala naman tayong magagawa kundi maging balikat niya kapag pinaiyak na naman siya ng lalaking ‘yon. Nagkataon na may ipagmamalaki sa buhay kaya kung manapak ng tao ay gano’n-gano’n na lang,” mahinang sabi ko. Maling pinagchi-chismisan namin siya subalit hindi ko lang talaga matanggap na nagpapaloko siya.

Haynako sinabi mo pa. Minsan ang sarap din paluin sa ulo si Megan para matauhan,” sabi ng kaibigan ko.

Napangiti naman ako lalo’t alam kong ganito lang si Jay-jay na magastos sa sarili at prangka ngunit ayaw na ayaw niya na nasasaktan kaming dalawa ni Megan. Nagkataon kasing nakahanap ito ng panibagong pamilya sa amin ni Megan.

“O siya! Dalian mo na dahil ano’ng gagawin natin?! Balik na sa trabaho!” sabi niya sa malanding boses at tinulak ako papalabas sa loob ng locker room namin.

Pinalitan ko naman agad si Fiona.

“Hello Madam, good afternoon. Welcome to McDonald's. May I take your order please?” I smiled widely when someone immediately queued up in my line.

“Good morning, Alipin ko. One large French fries-please and one medium size mcfloat,” Megan said with a smirk.

Umirap naman ako sa hangin ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko dahil may nakasunod sa pila ng kaibigan kong si Megan.

Hindi ko alam kung ano na naman ang trip ng kaibigan ko at pumunta siya rito. Nagpapahinga kasi siya bago humanap ng trabaho lalo’t kakapasa lang niya sa board exam.

“Is that for here or to go, Ma’am?” I asked sarcastically.

“For here please. Tsaka pwede ka rin bang bilhin?” tumatawa niyang tanong sa akin kaya muli akong napairap.

“Bobo,” mabilis na sabi ko kaya mas natawa si Megan.

“Okay! Okay! Bad service. Attitude ah!” Mas lumakas ang tawa niya at hindi man lang nahihiya.

Sa limang taon naming pagkakaibigan ay sanay na sanay na kami sa isa’t-isa. Isa ‘to sa tumulong sa akin at sa totoo lang ay mas nauna kong naging kaibigan si Megan kaysa kay Jay-jay ngunit parehas ang pagmamahal na nararamdaman ko sa dalawa.

“One hundred three pesos in total, Ma’am, meron po ba kayong VIP-Discount card?” I asked again.

“Hala may pa-gan'yan? Ba’t wala ako niyan e lagi akong nandito? Nasaan ‘yong Manager niyo? Kakausapin ko?” tanong ni Megan kaya napairap na lang ako ulit pero maya-maya lang ay tumigil na rin siya matapos magbayad at nakuha ang order niya.

Alam kong nag-order lang ito para magtagal sa loob. Sigurado akong hihintayin niya ang out ko sa trabaho.

Sanay na sanay na ako sa mga kaibigan ko.

Napatingin ako kay Jay-jay nang lumapit siya sa akin nang matapos makuha ng nakapila sa linya ko ang order niya.

“Inuman daw mamaya sabi ni Megan. Sagot ng gaga,” sabi ni Jay-jay.

“May kasama bang iba?” tanong ko lalo’t nagka-trauma na ako dahil sa nangyari anim na taon nang nakakalipas.

Hindi na pwedeng maulit ‘yon ulit. Hindi na pwede.

“Tayong tatlo lang daw lalo’t tapos naman na sila ng iba pa niyang mga kaibigan. Ipabantay mo na lang kay Lola si Asher at magpaalam ka na lang lalo’t gusto ng overnight ng gaga,” sabi ni Jay-jay kaya naman napabuntong hininga ako bago tumango.

Hindi naman ako makakahindi e.

Walang lalaki sa aming magkakaibigan kaya makakampante ako lalo’t hindi ko alam ang ginagawa ko kapag nakainom.

Transgender naman si Jay-jay kaya lalaki rin ang hanap niya. Hindi magiging problema si Jay-jay.

Hindi na ako uminom ulit ng gano’n kalala simula nang ibigay ko sa hindi kilalang lalaki ang iningatan ko na maging ang dating nobyo ko ay hindi nakuha.

Ngayon... ayon lumobo ang t’yan ko matapos ang gabing ‘yon nang hindi man lang alam kung nasaan na o kung sino ang Ama ni Asher maliban sa mukha ay wala na akong alam sa binatang nakatalik nang gabing 'yon.

'Pero gwapo naman, kaya okay lang.' Gusto kong matawa sa iniisip ko.

Nabuntis ako dahilan kung bakit iniwan ako ng dati kong nobyo, tinakwil ng magulang, naghirap at naging sentro ng chismis sa lugar namin.

May kaya ang pamilya ko ngunit hindi ako ng mga ito tinulungan nang tinakwil ako ng mga ito.

Oo, nabuntis ako ng isang hindi nakikilalang lalaki na may malaking bayag!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status