Atty. Lincoln × Arch. Garcia
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M