Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Uncle

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-27
Oleh:  DeigratiamimiTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
32 Peringkat. 32 Ulasan-ulasan
92Bab
5.8KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang kasal na nagsimula sa isang kasunduan… pero paano kung ang puso ay hindi marunong sumunod sa kontrata? *** Nang matuklasan ni Belle ang pagtataksil ng kanyang kasintahan, hindi niya inasahang ang lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya ay walang iba kung 'di ang misteryosong billionaire na tiyuhin nito—Damian Villareal. Isang pormal na kasunduan, isang papel na kasal—iyon lang dapat ang namamagitan sa kanila. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagkakaroon ng kahulugan ang kanilang pagsasama. Sa likod ng malamig na maskara ni Damian, natuklasan ni Belle ang lalaking may malalim na sugat sa puso. Sa kabila ng kanyang sariling pangamba, hindi niya napigilang mahulog sa isang lalaking hindi naman dapat mahalin. Ngunit paano kung ang nararamdaman nila ay hindi na kayang itago ng kahit anong pirma sa papel? Sa larong ito ng kapalaran, sino ang tunay na panalo—ang puso o ang kontrata?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Belle's POV

Dala ang isang kahon ng paboritong cookies ni Adrian at isang bote ng wine, excited akong umakyat sa condo niya. Sinadya kong hindi mag-text o tumawag. Gusto ko siyang sorpresahin pagkatapos ng isang linggo naming hindi pagkikita dahil sa trabaho. Miss na miss ko na siya at alam kong matutuwa siya kapag nakita niya ako.

Pero hindi ko inaasahan ang sorpresa na sasalubong sa akin.

Pagpasok ko, agad akong nagtaka kung bakit may mga nakakalat na sapatos na pambabae sa may pintuan—hindi naman sa akin ang mga 'to, hindi rin sa kanya. Sa loob-loob ko, baka may bisita siya, pero nang marinig ko ang mahinang halakhakan mula sa loob ng kwarto niya, may kung anong kaba ang sumiksik sa dibdib ko.

Dahan-dahan akong lumapit, pilit pinakakalma ang sarili, pilit tinutulak ang anumang masamang hinala. Ngunit nang marinig ko ang mahihinang ungol at mas malakas na tawa mula sa loob, halos hindi ko na kinaya ang panginginig ng mga kamay ko.

Huminga ako nang malalim bago marahas na binuksan ang pinto.

Ang sumalubong sa akin ay isang eksenang hindi ko kailanman inakala—ang eksaktong bangungot na hindi ko pinangarap na magiging parte ng buhay ko.

Si Adrian. Ang boyfriend ko. Hubo’t hubad. Nasa ilalim ng puting kumot. Kasama ang isang babaeng hindi ko kilala, pero malinaw ang nangyayari sa kanila.

"Putangina mo, Adrian!" sigaw ko, halos maiyak sa matinding galit at panlulumo.

Hindi ko namalayan na nabitawan ko na ang hawak kong kahon at bote ng wine. Malakas itong bumagsak sa sahig, kasabay ng pagbagsak ng puso ko sa milyon-milyong piraso.

Nagulat si Adrian, pero hindi siya agad bumangon. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala na nakita ko silang dalawa sa ganitong sitwasyon. Samantalang ang babaeng kasama niya, agad na tinakpan ang sarili at umusog palayo, halatang nagulat pero walang bahid ng pagsisisi sa mukha.

"B-Belle…" Biglang nataranta si Adrian habang bumangon at pilit inaabot ang suot niyang pantalon. "Hindi ito—hindi ito ang iniisip mo."

Napatawa ako nang mapait. "Talaga? Anong iniisip ko, Adrian? Na niyayakap mo lang siya para hindi siya ginawin? Na binigyan mo siya ng kama kasi nahirapan siyang matulog sa sahig? Ano? May prayer meeting kayong dalawa at dito pa mismo sa condo mo? Tangina, huwag mo akong gawing tanga!" Napakuyom ako ng kamao habang tinitingnan siya—ang lalaking minahal ko nang buong puso, ang lalaking pinagkatiwalaan ko. "Gaano katagal, Adrian? Gaano mo na ako katagal niloloko?"

Pinigilan ko ang pagbagsak ng namumuong luha sa mga mata ko.

Hindi siya sumagot. Hindi makatingin nang diretso sa akin. Doon ko napagtanto na hindi lang ito isang beses na pagkakamali. Matagal na. Pinagplanuhan. Matagal niya na akong niloloko. Halos magpakuba ako sa pagtatrabaho para lang maibigay lahat ng mga pangangailangan niya, pero ito ang ibabalik niya sa akin.

"Belle, makinig ka muna," aniya, lumalapit sa akin habang hawak-hawak ang kanyang pantalon.

Umatras ako, pinigilan ang sariling hindi magpadaig sa sakit na nararamdaman. "Makinig saan, Adrian? Sa kasinungalingan mo? Sa paliwanag mong walang saysay?" Muling bumagsak ang mga luha ko, pero agad ko ring pinahid ang mga iyon. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong masyadong nasasaktan.

"Lahat ng gusto mo ay binigay ko sa 'yo, lahat ng pagmamahal ko, wala bang halaga sa ‘yo, Adrian?" Muli akong humagulgol, hindi na kayang pigilan ang sakit na bumalot sa buong sistema ko. "Paano mo nagawa ‘to sa ‘kin?"

Nakayuko siya, parang nahihiya, pero hindi sapat ang pagsisisi niya para burahin ang sakit na nararamdaman ko.

Dinig na dinig ko ang kabog ng puso ko habang dahan-dahan akong umatras palayo sa kanya. "Alam mo, Adrian… hindi mo lang sinira ang relasyon natin. Sinira mo rin ako."

Sa huling pagkakataon, bago ako tuluyang lumabas sa impyernong ito, tiningnan ko siya nang buong galit at poot.

"Sana, Adrian, kung ano man ang hinahanap mo sa kanya… masulit mo. Dahil hindi mo na ako kailanman mababalikan."

Lumabas ako ng condo niya nang hindi lumilingon. Pero bawat hakbang palayo, ramdam ko ang bigat ng mundo sa balikat ko.

Pagkalabas ko ng condo, pakiramdam ko ay para akong sinasakal ng sariling emosyon. Parang may mabigat na bato sa dibdib ko, isang piraso ng sarili kong pagkatao ang naiwan sa kwartong iyon—kasama ng lalaking akala ko ay mamahalin ako habang buhay.

Habang naglalakad ako sa mahabang hallway ng building, naramdaman ko ang biglang pagbilis ng hakbang sa likuran ko.

"Belle, sandali!"

Tangina. Siya na naman.

Hindi ko tinigil ang paglakad. Hindi ko kayang marinig ang kahit anong paliwanag niya. Ano pa bang masasabi niya? Na hindi niya sinasadyang ipasok ang sarili niya sa pagitan ng hita ng ibang babae?

Pero kahit anong bilis ng hakbang ko, naabutan pa rin niya ako sa may elevator.

"Belle, please, mag-usap tayo," habol-hiningang sabi ni Adrian habang hinawakan ang braso ko.

Dahil puno na ako ng galit at hinanakit, hindi ko napigilan ang sarili ko—malakas kong inalis ang kamay niya at marahas na sinampal ang mukha niya. Malutong. Malakas ang tunog na kahit ang receptionist sa lobby ay siguradong narinig.

"Anong gusto mong pag-usapan, Adrian? Kung paano mo ko pinagpalit sa babaeng ‘yon? Kung paano mo ako ginawang tanga habang niloloko mo ako sa likod ko? O kung paano mo nagawang sirain ang lahat ng pinaniwalaan ko?" Nanginginig ang boses ko sa galit at sakit.

Napayuko siya, hawak ang pisngi niyang namula sa sampal ko. "Belle, hindi kita gustong saktan…"

Natawa ako—mapait, puno ng pangungutya. "Pero ginawa mo pa rin, ‘di ba?"

Nang bumukas ang elevator, agad akong pumasok. Pinipigilan ang sariling muling lumingon sa kanya. Pero bago sumara ang pinto, narinig ko pa ang mahinang bulong niya.

"Mahal kita, Belle..."

Para bang sinaksak ako sa dibdib. Ilang taon kong hinintay na marinig ang mga salitang ‘yon mula sa kanya, pero ngayon, wala na silang halaga.

Napasandal ako sa malamig na pader ng elevator, pilit nilulunok ang bumababad na sakit sa lalamunan ko. Hindi ko dapat iniiyakan ang isang lalaking hindi marunong makuntento. Pero ang puso ko? Hindi ganoon kadaling utusan.

Paglabas ko ng building, malamig ang hangin ng gabi, pero tila ba nasusunog pa rin ang loob ko sa poot at hinanakit.

Ang tanga ko.

Sobra akong naniwala sa kanya.

Pumasok ako sa kotse ko, pero imbes na magmaneho pauwi, ibinagsak ko ang noo ko sa manibela. Hindi ko na napigilan ang pagluha. Sinasakal ako ng reyalidad. Sinasaksak ako ng katotohanan—iniwan ako ni Adrian sa paraang pinakamasakit.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(32)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
32 Peringkat · 32 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
Deigratiamimi
Happy 5K Views! Maraming salamat po 🫶
2025-05-21 23:02:24
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 4.2K Views! 🫶
2025-05-14 22:42:18
0
user avatar
Deigratiamimi
May 14, 2025 May pop up banner! Salamat GN!
2025-05-14 21:27:15
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 3.2K Views!
2025-05-13 09:57:42
0
user avatar
Mariafe Fernández
salamat po
2025-04-29 05:13:50
0
user avatar
Deigratiamimi
Date Finished: April 27, 2025
2025-04-27 01:37:30
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 2.2k views!
2025-04-13 22:30:34
0
user avatar
Deigratiamimi
Happy 2.1K Views!
2025-04-12 15:35:37
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 2k views!
2025-04-09 12:26:53
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 1.9k views!
2025-04-05 22:01:38
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 1.8k views! 🫶...️
2025-04-04 23:54:06
0
user avatar
Mariafe Fernández
hays salamaaaat naman may update na
2025-04-03 02:04:41
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 1.6k views!
2025-04-02 02:17:24
0
user avatar
Deigratiamimi
happy 1.5k views!
2025-04-01 00:22:54
0
user avatar
Mariafe Fernández
wala na bang update?
2025-03-28 17:03:56
0
  • 1
  • 2
  • 3
92 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status