Share

Safe

Author: Lathala
last update Last Updated: 2025-08-31 22:21:07

Sakit ng katawan.

Iyon ang unang dumapo kay Selene pagkagising niya. Para bang bawat himaymay ng kalamnan niya ay binugbog ng paulit-ulit.

Mabigat ang mga talukap ng mata, tuyo ang lalamunan, at ang pakiramdam niya’y parang may dumadagundong na makina sa paligid. Kasabay noon, sumalubong ang matapang na amoy ng alcohol at gamot.

Pinilit niyang dumilat. Unti-unti, lumitaw ang puting kisame na may ilaw na nakakasilaw. Sinubukan niyang igalaw ang kamay pero tila ba may mabigat na nakadikit dito. Pagtingin niya, halos mapalundag ang puso niya nang makita ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa kanya.

Bago pa man siya tuluyang lamunin ng kaba ay bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang lalaki. Moreno, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Malapad ang balikat, matikas ang tindig, at animo’y mga ukit sa bato ang kanyang braso. Ang buhok nito’y bahagyang kulot, maayos ang gupit na bumagay sa matikas na panga. At ang mga mata… ay parang nangungusap ng magtama ang paningin nila.

“You
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Fragments of Memories

    Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Matapos ang mahabang araw ng paglalaro, tawanan, at kalokohan ng dalawang bata ay ngayon ay mahimbing na natutulog sina Kiel at Zia sa kani-kanilang mga kwarto. Sinigurado niya munang malalim ang tulog ng mga ito bago isa-isang hinalikan sa noo at kinumutan pagkatapos ay sinara ang pinto ng kwarto nila. Hindi niya maiwasang mapangiti na dahil sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog agad ang mga ito.Ngunit kahit gaano siya kasaya, hindi pa rin mapigilan ni Selene ang bigat sa kanyang dibdib. Kaya heto siya ngayon, mag-isa sa balcony ng kanilang kwarto, nakaupo sa isang rattan chair habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nilalaro-laro niya ang tasa sa kanyang mga palad at nakatitig lang sa malayo. Ang mga ilaw mula sa malalayong bahay ay kitang kita mula rito habang ang hangin naman ay malamig at may dalang kakaibang lungkot.Dumako ang kanyang tingin sa kalangitan. Puno ito ng mga bituin, pero kahit ganoon ay parang may kulang. Sa

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Mommy! Mama!

    “Mommy!”“Mama!”Dalawang maliliit na tinig ang sabay na sumigaw na puno ng saya at sigla. Tumakbo nang mabilis sina Kiel at Zia papunta kay Selene, na abala noon sa pag-aayos ng merienda sa mesa sa terasa ng bahay. Hawak-hawak niya ang mga baso ng juice at nakahanda na rin ang platito ng paborito nilang sandwich.Agad niyang iniwan ang tray at ibinukas ang dalawang braso para salubungin ang mga batang pawis na pawis sa paglalaro. Niyakap niya ang mga ito nang mahigpit sabay ngiti.“Aba, aba! Ang aamoy niyo na dahil sa pawis!” pabiro niyang sermon habang kunwari’y pinipisil ang ilong ng dalawang bata. Napangiti si Kiel, apat na taong gulang na talagang sobrang lumilikot na ngayon.“Eh kasi po Mommy, natalo ko si Zia sa taguan pero ayaw niyang magpatalo kaya gusto niya na naman ng new round!”“Not chwue, Mama!!” mabilis na sagot ni Zia na kunot-noo pa habang nakapamewang. “Ako po yung nanalo kashi hindi niya ako nakita kahit nasha likod lang ako ng puno! Kuya Kiel, loser!”Natawa si

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Her Baby Warrior

    Tatlong buwan.Tatlong buwang halos araw-araw ay inuulit ni Selene sa sarili ang bilin ni Zefron na “Magpahinga ka, palakasin mo ang katawan mo para sa anak mo.” Kaya iyon ang naging buhay niya. Wala siyang ibang pinanghahawakan kundi ang pag-asa na magiging maayos ang lahat sa oras ng kanyang panganganak.Hindi naging madali. Maraming gabi ang pinuno ng pag-iyak dahil sa nararanasan niya dahil sa pagbubuntis niya samahan mo pa ng nangyaring trahedya sa kaniya na minu-minuto niya ring iniisip. Ngunit lagi ring naroon si Zefron. Kapag umuuwi ito galing ospital, kahit pagod, ay inaalalayan pa rin niya si Selene. Tinupad nito ang pangakong sasamahan niya si Selene sa kahit ano.Dahil wala pa ring naalala ay tuluyan nang kinupkop ni Zefron si Selene sa kaniyang bahay.“Selene,” sabi nito minsan habang magkatabi silang kumakain ng hapunan, “Gusto kong ipaalala na hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. May mga tao tayo para sa gawaing bahay.”Ngunit napasimangot lang si Selene at baha

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Safe

    Sakit ng katawan.Iyon ang unang dumapo kay Selene pagkagising niya. Para bang bawat himaymay ng kalamnan niya ay binugbog ng paulit-ulit. Mabigat ang mga talukap ng mata, tuyo ang lalamunan, at ang pakiramdam niya’y parang may dumadagundong na makina sa paligid. Kasabay noon, sumalubong ang matapang na amoy ng alcohol at gamot. Pinilit niyang dumilat. Unti-unti, lumitaw ang puting kisame na may ilaw na nakakasilaw. Sinubukan niyang igalaw ang kamay pero tila ba may mabigat na nakadikit dito. Pagtingin niya, halos mapalundag ang puso niya nang makita ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa kanya.Bago pa man siya tuluyang lamunin ng kaba ay bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang lalaki. Moreno, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Malapad ang balikat, matikas ang tindig, at animo’y mga ukit sa bato ang kanyang braso. Ang buhok nito’y bahagyang kulot, maayos ang gupit na bumagay sa matikas na panga. At ang mga mata… ay parang nangungusap ng magtama ang paningin nila.“You

  • The Billionaire’s Temporary Wife   The Ocean

    “What the fuck did you say?!”Nag-echo ang boses ni Levi sa loob ng mansyon. Hawak niya ang cellphone na halos mabali na sa higpit ng pagkakakapit nito rito.“Sir, nakita po yung plate number… tugma sa sasakyan ni Mrs. Thompson,” sabi ng boses sa kabilang linya na may halong kaba at alanganin pang magpatuloy sa pagsasakita.Nanlaki ang mga mata ni Levi. “Ano’ng ibig mong sabihin?! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Selene is safe. Do you hear me? Safe siya!” halos pasigaw niyang tugon, pilit pinapaniwala ang sarili sa mga salitang iyon.“W-Wala pong bangkay na narecover, sir. Pero… may kotse pong natagpuan sa ilalim ng bangin. Nasunog. Ang plate number… tumutugma.”Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ni Levi. Nanikip ang dibdib niya, pakiramdam niya’y may mabigat na batong bumulusok sa sikmura niya. Para siyang naestatwa sa gitna ng sala. Hindi siya makagalaw at hindi makapaniwala.Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula ang pinakamasakit na tagpo sa buhay niya. Simula nang

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Bangin

    Natutuyo na ang mga luha ni Selene sa kaniyang pisngi pero hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib niya. Napagod siya sa kaiiyak kaya nakatulog rin sa wakas. Naging malalim ang tulog niya pero nang imulat niyang muli ang kanyang mga mata ay madilim na ang paligid.Napasinghap siya nang mapansing tuloy-tuloy pa rin ang andar ng sasakyan. Nakakunot ang noo niya at agad siyang umayos ng upo at tumingin sa bintana.“Gabi na…” mahina niyang bulong sa sarili, ramdam ang bigat ng kaba sa dibdib. Sa tantiya niya, mahigit ilang oras na silang bumabyahe. At ang dinadaanan nila ay tanging mga puno na lamang. Wala nang kabahayan o kahit na anong building nakatayo rito. Nasaan sila?Bahagya niyang inusog ang sarili palapit sa harapan. “Kuya, saan po tayo pupunta?” tanong niya sa kalmadong boses.Ilang oras na rin kasi silang bumabyahe at sonrang sakit na ng buong katawan niya. Ang sabi niya kanina ay malapit na probinsya lang at kahit isang oras ay may mapupuntahan naman silang malapit na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status