The Mafia King's Deadly Bargain

The Mafia King's Deadly Bargain

last updateLast Updated : 2026-01-12
By:  NightshadeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

The moment you saw my face, you lost your freedom. Now, you only have two choices, Be my wife... or be a corpse." — Kalix Valerio Si Isla Moretti ay isang simpleng pastry chef na ang tanging pangarap ay mapalago ang kanyang maliit na bakery. Ngunit ang tahimik niyang buhay ay magugulo nang aksidente siyang makapasok sa isang hotel suite na pagmamay-ari ni Kalix Valerio, ang kinatatakutang “Reaper” ng underworld. Nakita ni Isla ang isang bagay na hindi dapat makita ng kahit na sino. Sa mundo ng Mafia, ang mga saksi ay pinatatahimik... permanenteng pinatatahimik. Ngunit sa halip na tapusin ang buhay ni Isla, isang mapanganib na deal ang inalok ni Kalix. Dahil sa gulo sa loob ng kanyang organisasyon at ang banta ng pag-agaw sa kanyang posisyon, kailangan ni Kalix ng isang alibi, isang asawang magsisilbing “front” niya sa harap ng kanyang mga kaaway. Ang kundisyon? Magpapanggap si Isla na asawa ni Kalix sa loob ng anim na buwan. Kapalit nito ay ang kanyang kaligtasan at ang pondo para sa kanyang pangarap. Mabubuhay kaya si Isla sa isang mansyong puno ng baril at sikreto? O magagawa niyang paamuhin ang isang demonyo na ang tanging alam ay pumatay? Sa mundong puno ng traydoran, matutuklasan ni Kalix na ang pinakamalakas niyang kalaban ay ang sarili niyang puso na unti-unting sumusuko sa kanyang inosenteng asawa. ﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋ Welcome to the dark, seductive world of The Mafia King’s Deadly Bargain. Follow an ordinary woman caught in a dangerous criminal empire, filled with high-stakes action and a slow-burn romance. If you love possessive alphas and strong, witty heroines, this is for you! Don't forget to add this to your library and leave a comment. Happy reading!

View More

Chapter 1

KABANATA 1: THE ACCIDENTAL WITNESS

Isla Moretti POV

Sabi nila, ang mga malas na araw ay nagsisimula sa pagbangon mo sa maling panig ng kama. Pero sa kaso ko, nagsimula ang kamalasan ko sa isang tray ng double-chocolate cupcakes na may extra-thick strawberry frosting.

​Alas-diyes na ng gabi, at dapat ay sarado na ang maliit kong bakery, ang Moretti’s Sweets. Pero dahil sa sunod-sunod na hospital bills ni Nanay, hindi ako pwedeng tumanggi sa kahit anong order. Kahit pa ang order na iyon ay galing sa isang VIP client sa Diamond Hotel, isang lugar na hindi para sa mga taong amoy harina at vanilla ang buong pagkatao.

​"Kaya mo 'to, Isla. Isang delivery na lang, may pandagdag ka na sa pambili ng gamot," bulong ko sa sarili ko habang maingat kong inilalagay ang huling kahon sa aking delivery basket.

​Dali-dali akong sumakay sa lumang motor ko. Pagdating sa Diamond Hotel, halos malula ako sa ginto at kristal na paligid. Pero wala akong oras para mag-sightseeing. Kailangan kong maihatid ito sa Suite 808.

Pagdating ko sa 8th floor, napansin ko agad ang kakaibang katahimikan. Walang mga staff, walang ibang guests. Ang carpeted hallway ay tila s********p sa tunog ng aking mga hakbang.

​"806... 807... Heto na, 808."

Bahagyang nakabukas ang pinto. "Special Delivery po! Ang cupcakes ninyo ay narito na..." sabi ko habang dahan-dahang itinutulak ang pinto gamit ang aking siko dahil puno ang mga kamay ko.

Pero ang eksenang bumungad sa akin ay hindi isang gutom na kliyente.

​Sa gitna ng marangyang kwarto, may isang lalaking nakaluhod sa sahig. Duguan ang kanyang mukha, nanginginig, at nagmamakaawa. At sa tapat niya? Isang lalaking tila kinuha mula sa isang dark luxury magazine. Matangkad, malapad ang balikat, at suot ang isang itim na tuxedo na mas mahal pa yata sa buong bakery ko.

Pero ang mas nakakatakot ay ang hawak niya. Isang itim na baril. Nakatutok iyon mismo sa ulo ng lalaking nakaluhod.

Wait. Shooting ba ito? Movie set ba 'to? lumingon ako sa paligid pero wala akong nakitang camera.

“S-sorry... maling kwarto yata ako,” pabulong kong sabi. Ang boses ko ay parang kuting na naiipit.

Mabilis na lumingon sa akin ang lalaking may baril. Ang mga mata niya... kulay abo na parang langit bago ang isang malakas na delubyo. Matalas at malamig.

“Who the hell are you?” angil niya. Ang boses niya ay malalim na baritono na yumanig hanggang sa mga buto ko.

“I-Isla... Isla Moretti po. I’m the owner of the bakery... magde-deliver lang ng cupcakes. Room 808... d-dito ba 'yun?” Halos maiyak na ako. Gusto kong tumalikod at tumakbo pero ang mga binti ko ay parang naging semento.

“Do you think you can just walk away after seeing this?” Sabi niya habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin.

Bawat hakbang niya ay parang tunog ng hatol ng kamatayan. Sa sobrang takot ko, hindi ako makagalaw. Pero napansin ko ang lalaking nakaluhod. Bigla itong bumunot ng kutsilyo mula sa kanyang medyas at tatangkain nitong saksakin ang lalaking nakatutok sa akin!

“Look out!” sigaw ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Binuhat ko ang mabigat kong delivery basket at buong lakas na iwinasiwas ito sa ere.

THWACK!

Eksaktong tumama ang matigas na gilid ng basket sa mukha ng lalaking may kutsilyo. Bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay. Ang mga cupcakes ko? Ayun, nagliparan sa ere at nagkalat sa mamahaling carpet.

Napatingin ang estranghero sa paanan niya, sa lalaking napatumba ko, at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin. Ang talim ng tingin niya ay napalitan ng gulat.

“Did you just... neutralize a hitman with a basket of cupcakes?” tanong niya.

Nanginginig ang mga kamay ko. “S-sayang ‘yung cupcakes ko... b-bayaran mo ‘yan. Eight hundred pesos ang isang set niyan.”

Gusto kong sapukin ang sarili ko. Heto na, baka mamatay na ako, pero presyo pa rin ng cupcakes ang iniisip ko. Sino ba talaga ang lalakeng ito? Bakit siya may baril?

Isang madilim na tawa ang kumawala sa kanya. Mabilis siyang lumapit at isinandal ako sa pader. Ang isang kamay niya ay nasa gilid ng ulo ko, at ang dulo ng baril niya ay dahan-dahang idiniin sa ilalim ng panga ko.

“You have guts, Little Bird. Pero dahil nakita mo ang mukha ko, hinding-hindi na kita hahayaang makalabas dito.”

“Wala akong nakita! Malabo ang mata ko! Sino ka ba talaga? Pulis ka ba?” tanong ko habang nanginginig.

Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit ang mga tauhan niya. “Don Kalix, the Council is here. Papunta na sila sa kwartong ito.”

Nagmura ang lalakeng ito, si Kaliz raw? Sino ba ang 'Don' at 'Council' na 'yan?

“Shut up and play along if you want to live,” utos niya sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong matatandang lalaki na seryoso ang mga mukha. Mukha silang mga business tycoon pero may kakaibang dilim sa kanila.

“Don Kalix? What is the meaning of this?” tanong ng isa.

Biglang hinapit ni Kalix ang baywang ko. Sa sobrang lapit namin na nararamdaman ko ang tibok ng puso niya. Bago ako makapagsalita, hinalikan niya ako sa noo.

“My apologies, gentlemen. My woman here is a bit... clumsy. We had a little fight,” sabi ni Kalix sa isang boses na napakalambing pero nakakatakot. “Meet Isla Moretti. My fiancee.”

Nanlaki ang mga mata ko. Fiancee? Mas pipiliin ko pang magpakasal sa isang oven kaysa sa lalakeng ito!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status