Share

Chapter 26: You're Mine, I'm Yours

AMARRA's POV

Nanlaki ang mga mata ko.

Habang pinakikinggan ko ang magkakapitbahay na nag-uusap kanina, wala lang iyon sa akin. Feeling ko normal na ang ganoong bagay sa mga ganitong klase ng lugar. Pagti-tsismisan nila ang kung sino man na gusto nilang pagtsismisan.

Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang nangyayari sa taong 'to.

"Ano?! Magpapanggap ka na naman na nawalan ka ng malay? Bumangon ka diyan na p***ng ina mo ka! Kailangan ko ng pera ngayon kaya ilabas mo na ang pera mo!" Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang patuloy na sinisipa sa likuran si Marimar.

Para bang hindi man lang nito nakikita ang dugo na masaganang umaaagos mula sa ulo ni Marimar.

"P*ta 'tong baklang 'to. Wala na ngang trabaho wala pa—,"

Bago pa tuluyang sumayad ulit ang paa nito sa likuran ng walang malay na si Marimar ay sinipa ko na kaagad siya sa sikmura.

Dahil sa nangyari sa akin noon, marunong akong makipagbugbugan. Itong matangkad pero payat na boyfriend ni Marimar ay walang-wala sa mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status