LOGINAng kasal ay dapat na simbolo ng wagas na pag-ibig, ngunit para kina Ethan Blackwood at Ava Morales, ito ay isang selyadong kontrata ng mga nakatagong intensyon. Sa isang lihim na seremonya, nagpalitan sila ng sumpa na walang ibang saksi kundi ang kanilang mga pansariling agenda. Si Ethan, ang makapangyarihang tagapagmana, ay nagpakasal lamang upang takasan ang arranged marriage na pinipilit ng kanyang mga magulang kay Sophia. Sa kabilang banda, si Ava ay pumasok sa buhay ni Ethan dala ang isang madilim na misyon: na tuklasin ang katotohanan sa likod ng misteryosong pagkamatay ng kanyang ama, na pinaniniwalaan nilang may madugong kaugnayan sa pamilyang Blackwood. Sa simula, ang lahat ay purong negosyo at kontrata. Ang dating pagpapanggap ay nauwi sa totoong nararamdaman; nahulog ang loob ni Ethan sa katapangan ni Ava, habang si Ava naman ay nagsimulang malunod sa pagmamahal ng lalaking dapat sana ay kanyang kaaway. Subalit ang kanilang marupok na kaligayahan ay agad niyanig ng mga lihim ng nakaraan. Habang pilit na ipinaglalaban ni Ava ang katarungan, pinili naman ni Ethan na tumayo sa panig ng katotohanan upang iligtas ang kanilang relasyon, kahit pa ang kapalit nito ay ang pagbagsak ng sarili niyang pamilya. Hindi pa doon nagtatapos ang paghihirap. Ang ina ni Ethan na si Victoria ay naglunsad ng isang maruming plano upang sirain ang dangal ni Ava. Ginamit niya ang pinsan ni Ethan na si Lucas upang palabasin na may lihim na relasyon ang dalawa. Kasabwat ang selosang si Sophia, kumukuha sila ng mga huwad na ebidensya upang pilitin ang isang masakit na diborsyo sa pagitan ng mag-asawa. Ngayong nakabaon na sila sa rurok ng traydor at kasinungalingan, paano haharapin ni Ethan at Ava ang katotohanang bawat isa sa kanila ay biktima ng sarili nilang mga lihim? Magpapatuloy pa kaya ang pinaglalaban na relasyon?
View MoreKabanata 1
Ava Morales POV "Daddy... Dad!" hinihingal kong sabi habang natutulog ako sa isang malambot na kama at malaking kwarto. Bigla nalang akong nagising... Malungkot na malungkot ang silid na ito dahil sa kahit isang tao ay wala kang makikita. Naririto ako sa nirentahan na kwarto. Nakatulog pala ako sa paghihintay. May usapan na kasi kaming dalawa ng lalaking iyon, at alam niyang anak ako ng isang manggagawa nila sa "Ethan's Innovation". "Haiist, napanaginipan ko na naman si Daddy!" napabuntong-hininga ako at sabay hawak sa aking noo. Sa mga sandaling ito, ay nagpasya akong umupo. Nakatulala parin ako. Walang emosyon na makikita sa 'king labi. Ang labis na hinanakit sa aking puso ang nararamdaman ko. "Kinasusuklaman ko sila!" Nakakamao ang isa kong palad. Habang pinagmamasdan ko ang silid na ito, may taong papalapit sa akin. Tinatawag sa malambing na boses ang aking pangalan. "Hello po, Ma'am Ava... nagising na po pala kayo?" tanong nito. "Ma'am Ava, nakahanda na po ang inyong susuotin para sa inyong kasal," dugtong pa ng wedding stylist ko. Naalala ko pala na ikakasal ako. Napatingin ako sa kan'ya at tumugon sa kan'yang sinabi. "Sige," sabay ngumiti ako at sabay tumayo sa kama. Pinipilit ko lang ihakbang ang aking mga paa. Hindi ako masaya ngayon. Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman gusto. Oo, sinadya ko ang lahat na maging parte ng buhay niya. Hindi para mahalin siya, kundi para malaman ko ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng aking ama sa kamay nila. "Bakit nila pinatahimik ang ama ko?" namuong tanong sa isip ko. Ang pamilyang Cericos ang pumatay, at isa sa paghihigantihan ko ay ang anak nila. "Sa kanila lang naman nagtrabaho ang Daddy ko," isip ko pa. Maaga nila akong naulila sa ama, na hanggang ngayon ay wala paring hustisya ang pagkamatay niya. Ang paraan na 'to ang magiging daan. Kung kaya 'y pumayag ako sa kahilingan ni Ethan Blackwood, na makasal kaming dalawa. Kahit labag sa loob ko. Nakatayo ngayon ako sa harapan ng salamin habang ako ay inaayusan. Hindi ko mapigilan ang mapaluha kapag naaalala ko ang sinapit ng Daddy ko sa pamilyang iyon. Laging nagtatanong sa aking isipan kung bakit nila nagawa sa aking ama ang ganoon bagay? Hindi makatarungan ang lahat. "Ma'am, wag po kayong lumuluha dahil natanggal po 'yong make- up nyo. Ayos po ako ng maayos pero pangit tuloy!" pagsisita ng make-up artist ko. Magkasalubong ang mga kilay nito, at halata rin sa tono ng boses nito. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil sa nakaramdam rin ako ng kaunting hiya sa kan'ya. Matapos ang oras ng pagpapaganda sa akin, nagpasya na akong tumayo upang suotin na ang damit pangkasal. Natuwa ako nang bahagya sa naging resulta ng aking itsura. Ibang-iba na ako sa dati kong postura. Nakita ng wedding stylist ko 'yong ngiti ko. "Napakaganda po n'yo, Ma'am," pagpupuri nito sa 'kin. Ngumiti naman ako bilang tugon sa kan'ya. Ang nararamdaman ko sa ngayon ay hanggang doon lang. Walang ano pang emosyon ng labis na kasiyahan. Ang kasal namin ni Ethan ay pribado. Lima lang na tao ang naging saksi sa aming sikretong kasal. Isa na rito ang kaibigan ni Ethan, si Alex; ka-negosyante rin nito. Hindi naging bongga ang aming magiging kasal. Simple lang. Habang naglalakad ako palapit sa altar, nakaramdam ako ng takot. Takot na baka malaman ni Ethan ang tunay kong intensyon sa kan'ya. Hindi ako nagpadala sa 'king nararamdaman sa ngayon, sa halip ay nagpatuloy ako sa 'king paglalakad nang marahan palapit sa binata at pari. Kung titigan ang itsura ng binatang iyon, makikita sa kan'ya ang kagwapuhan at matipunong pangangatawan. Lalong-lalo ng nakasuot ito ng tuxedo na itim. Na halos makalabas pa sa kanyang gwapong mukha at maamong mukha. Pero sa aking isipan, ay puno parin ako ng pag-aalala. Syempre, pumasok ako bigla sa buhay ng lalaking ito, na kahit identidad pa nito ay hindi ko pa ganun kakilala. Napakalaking tanga ko na pumayag akong maikasal sa bilyonaryong ito. Isa akong guro, pero sa pagpili ng mapapangasawa, ay hindi ko inisip 'yong kahihinatnan ng aking desisyon. Values teacher ako mula sa elementarya, at hindi ko man lang binigyan halaga ang buhay ko. Na hindi ko napag-isipan ng ilan beses ang desisyon ko, para wala akong pagsisihan sa huli. Hanggang sa pagpunta ko sa harapan ng paring ito, diretso akong tumingin sa mga mata nito habang nagsisimulang magbigay ng seremonya. Sabay humarap rin ako sa kan'ya, at ganoon rin siya. Ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Walang kakurap-kurap na para bang pakiramdam ko ay nagandahan s'ya sa 'kin. Magkasabay kaming humarap sa pari. "Ethan Blackwood, tinatanggap mo ba si Ava Morales bilang iyong asawa?" tanong ng pari sa kan'ya. "Ehem... Oo," sagot ni Ethan, malinaw at kakitaan sa kanya ang pagiging seryoso. Mabilis siyang tumutugon sa pari. Plano rin ata ng lalaking ito na ikasal kami para sa sarili nitong kapakanan. "Kung may kailangan siya sakin! Pwes...ako rin," isip ko. Napatingin ako sa kanya, pero hindi ko nakita ang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. "Ava Morales, tinatanggap mo ba si Ethan Blackwood bilang iyong asawa?" tanong ng pari sa akin. Napalunok ako nang bahagya, pero agad akong tumugon. "O-oo," sagot ko, bahagyang nanginginig ang aking boses. Syempre, naririto 'yung pakiramdam ko na first time ko 'to. Pero walang excitement. "Sa kapangyarihan ng simbahan, idineklara ko kayong mag-asawa. Maaari mong halikan ang iyong asawa, Ethan," sabi ng pari. Napatingin ako kay Ethan, at nakita ko ang isang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Bago ko pa mahulaan ang gagawin niya, hinawakan niya ang aking baywang at hinalikan ako sa labi. Namula ako, pero hindi ako makagalaw. Ang mga labi niya ay mainit at malambot, at pakiramdam ko ay nawalan ako ng paghinga. Unang halik ko ito sa isang lalaki. Wala pang kahit miski lalaki ang naka angkin sa aking labi. Si Ethan palang. Kung kaya't ganoon nalang ang labis na pagkahiya ko sa kanya. Pakiramdam ko sa 'king sarili ay marumi na ako. Nang bumitaw siya, nakita ko ang isang bahagyang ngiti sa kanyang mukha. "Maligayang bati, asawa ko," sabi niya, boses na halos pabulong. Tipid lang siya kung magsalita. Napakurap-kurap ako, hindi ko alam kung paano ako dapat tumugon. Pero bago ko pa mahulaan ang gagawin ko, narinig ko ang mga palakpak ng mga bisita. Hindi talaga ako makapaniwala na ikinasal ako sa isang bilyonaryong ito. Pero bakit wala 'yung mga magulang ng lalaking ito? "Bakit niya kailangan itago sa mga magulang niya? Kung nais na pala siyang pag-asawahin ng mga ito?" sunod-sunod kong tanong sa isip ko. Napakunot ako, at nakita ko si Alex na nakangiti sa akin. "Maligayang bati, Maam Ava!" sigaw niya. Mukhang naging close tuloy ako sa kaibigan ng asawa ko. Napatingin ako kay Ethan, at nakita ko ang isang bahagyang ngiti sa kanyang mukha. "Tayong dalawa na, asawa ko," sabi niya. Alam ko na ang mga ngiti niya ay hindi totoo, at kapansin-pansin rin sa lalaking ito ang malakas na karisma, na kahit sa boses pa lang ay maaakit ka, pero ako iba. Pagkatapos ng kasal ay lumabas kaming dalawa sa simbahan nang magkasabay at magkasama. Nagmadali akong maglakad upang sa gayon ay malayo ako sa kanya. Naghahalo ang kaba at takot sa aking dibdib sa oras na 'to. Niyaya niya akong sumama sa kanya upang magkaroon kaming dalawa ng pag-uusap. "Ano?!" takang tanong ko. "Diba kasal na tayo, dapat may enjoy naman tayo," pang-iinis na tugon niya sa 'kin. "Hindi!" singhal ko. "At bakit naman ako sasama sayo? Diba secret lang naman ang kasal natin dalawa? Para saan pa?" Gigil na tanong ko naman sa kan'ya. Medyo naiinis ako sa kan'ya. Pero kung hindi pala ako magpapanggap sa relasyon namin dalawa bilang mag-asawa, ay paano ako makakapag higanti sa pamilya niya? "Oo, pero sa batas, asawa na kita. Kahit anong oras ay pwede na kitang angkinin," saad nito sa akin. "Ang sarap mong upakan ah! Bilyonaryong CEO ka! Pero wala kang respeto sa mga babae?" Nakahanda ang mga kamao ko. Nais ko talaga siyang banatan kahit mayaman pa siya. Oo, mahirap lang akong babae, pero palaban ako lalo sa mga bastos na katulad niya. "Ohh, calm ka lang. Let's go?" payaya nito sa akin. Hindi ako tumingin sa kan'ya. "Mula ngayon, pagmamay-ari na kita. Lagi-lagi kitang bibisitahin sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan mo. Maliwanag ba?" tanong nito sa akin na may maamong mukha at malalim na boses. Hindi ako kumibo sa kan'ya. Ipinarada ni Ethan sa kan'yang harapan ang kotse upang sumakay ako sa loob. "Okay, game," halos limang minuto, bago ako tumugon sa kan'ya. Sumakay na rin ako sa kotse ni Ethan. Ngayon ay magiging kumplikado ata ang relasyon na pinasukan ko. Naguguluhan ako sa 'king sarili kung bakit nagawa ko 'to. "Alam kong mali ang naging desisyon ko," isip ko. Napailing-iling ako. "Nandito na 'to. Wala ng atrasan pa," dugtong pa ng isip ko. "What your problem?" tanong nito sa 'kin. "Don't worry, wala akong gagawin sa 'yo. I-rerespesto kita as a teacher. Hindi naman ako bastos tulad ng iniisip mo," ngiting saad nito habang nagmamaneho s'ya. Napatingin nalang ako sa kan'ya at nagpatuloy lang kami ng walang kwentuhang maririnig.Si Lucas Montenegro ay bumalik sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananatili sa Estados Unidos, hindi para magbakasyon, kundi para patunayan sa sarili na kaya niyang higitan si Ethan, ang kanyang pinsan na CEO ng isang malaking kumpanya.Habang si Ethan ay patuloy na pinupuri bilang mahusay na CEO, si Lucas naman ay nanatiling anino—ang anak na kailanman ay hindi naging sapat. Lagi siyang ikinukumpara ng kanyang mga magulang kay Ethan.“Bakit hindi mo magaya ang pinsan mo?” “Si Ethan, tingnan mo kung gaano ka responsable.” “Mas maaga pa sayo, CEO na.” Paulit-ulit, walang katapusan.Sa bawat reunion ng pamilya, iisa lamang ang pangalan na bukambibig ng lahat—Ethan. Para bang wala nang ibang taong karapat-dapat banggitin, para bang wala siyang ginawang tama. At sa bawat pagkakataong iyon, may unti-unting namamatay sa loob niya.Kahit siya ang tunay na anak, tila ba wala siyang halaga. Hanggang sa isang gabi, habang mag-isa sa kanyang silid sa Amerika, tuluyan nang nagliyab ang matagal
Ava MoralesPumasok ako ng maaga kahit ang sama ng pakiramdam ko talaga. Sa tingin ko ay nang maabutan ako nito ng ulan kahapon. Wala kasi akong dala-dalang payong dahil sa nakalimutan ko 'yun sa bahay. Hindi ko alam na nagiging masama ang panahon. Umuulan kahit may sikat ng araw.Mayroon akong ubo at sipon sa ngayon, kaya ang bigat ng ulo ko. Habang busy ako ay lumulutang ang isipan ko. Napansin ko na hindi na ako sinusundo ni Ethan ng ilang beses. Kung sabagay, ito naman ang gusto ko na mangyari. Wala kaming kontakan dalawa. Alam ko na CEO na siya ngayon dahil laman siya ng balita araw-araw.Nagkaroon kami ng program sa labas ng eskwelahang ito. Abalang-abala kaming mga guro sa pag-aasikaso ng mga decorations upang mas gumanda pa itong area. Nang matapos namin ay saka dumating ang bisita. Nagkumpulan kami ng mga co-teachers ko upang sa pagdating ng bisita ay sabay-sabay kaming babati.Hanggang sa malapit na sa aming harapan ang bisita. Namangha ako at ang iba pang teacher sa babaeng
Ethan Blackwood: "Sa oras na ito, kasama ko si Sophia. Ilan linggo rin kaming nag karoon ng time para sa isa't-isa. Makulit talaga itong babae na 'to. Tingin ko ay inaabuso niya na ako, dahil sa akala niya ay matutunan ko siyang mahalin. May dahilan ako kung bakit gusto kong makipag-date sa kanya. Ayoko na pagdudahan kaming dalawa ni Ava. Kung hindi ako papayag, ay siguradong mapahamak si Ava.Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naglalakad rin kami sa may park at panay selfie nito kahit saan. Hindi si Sophia nahihiya. Napipilitan rin akong kumuha ng picture kasama siya. Ang sweet natin, pero hindi naman. Akala niya siguro ay magkakagusto ako sa kanya.Nasa coffee shop kaming dalawa upang magkape. 'Akala ko pa naman ay doon tayo sa mamahaling restaurant, like sa Japanese Restaurant?' Mukhang sa tinig niya ay nagrereklamo ito sa akin. 'I love coming here, Sophia. If you don't want to be here, you're free to leave,' pagsusungit ko sa kanya.Ngumuso ito sa harapan ko a
Ava MoralesPanibagong Umaga. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin tatlo. "Nakatulog si Mommy ng mahimbing ahh," bulong ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko upang tingnan kung anong oras pa lang. Ganap ng ala-singko. Kung kaya ‘y maaga pa naman. Hindi pa naman ako late nito. Naghanda ako ng mga rekado sa lamesa upang gayatin sa maliit. Ang menu na aking lulutuin sa ngayon ay ginataang alimasag. Paborito ni Mommy ang ganitong ulam. Ako naman ang maagang nagising kaya nag-isip akong magluto. Minsan ko lang gawin ang maghanda ng pagkain. Kadalasan si Mommy ang nagluluto.Sabi ko sa kanya. "Mommy, ako naman ang magluto. Minsan lang akong makasama nyo ni Leo at makasabay kumain." isip ko. "H'wag na anak, ako na lang. Pagod ka na nga galing sa pagtuturo. Ikaw pa ang magluluto? Pakainin na nga kami ng kapatid mo," seryosong wika nito sa 'kin. "Mommy... natural lang na bumawi ako sa inyo. Hindi ako makakarating bilang guro, kung hindi nyo ako pinagsikapan makatap






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.