Share

CHAPTER 71.

Penulis: Ciejill
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-22 00:40:31

ABIGAIL

Lumabas si Abi ng kwarto matapos makatulog ang tatlong bata. Namamaga pa ang mga mata ni Shane sa kakaiyak kanina at naaawa siya sa anak niya. Ramdam niya ang bigat ng kalooban nito.

Tinawagan niya kanina si Yaya Mely, tinanong kung umalis na ba si Seb pero naroon pa raw ito sa sala.

Tama nga ang sinabi ni Yaya, dahil nasa sala pa ito sa baba. Gabi na at bakit hindi pa ito umaalis, isa pa tulog na rin ang mga bata. Nakatanaw lang siya rito mula sa taas ng hagdan. At saktong tatalikod na sana siyang muli nang tawagin siya ni Seb. Napansin pala siya nito.

"Abi," tawag nito sa pangalan niya.

"Sige na anak kausapin mo muna siya. Ako na muna ang titingin dito sa mga bata," rinig niyang wika ng tita niya na nasa likuran niya pala.

Humugot muna nang malalim na buntong hininga si Abi bago siya bumaba ng hagdan.

"Tulog na ang mga bata kaya pwede ka ng umalis," malamig niyang wika kay Seb nang makalapit siya rito.

"Abi, pwede ba tayong mag-usap?" puno ng lungkot na pakiu
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
huwag kang susuko seb ipaglaban mo ikaw pa rin ang mahal ni abi pakipot lang yan
goodnovel comment avatar
Norma Cabral
pls update thanks ng madami
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
wife? naku Seb ano pinagsaabi mong wife.after mo sbihang na gusto mo Ng annulment Kay abi noon tpos ngayun gusto mo wife mo parin??? naku Seb pahirapan mo lahat bago mo makuha Ang tatlo noh.kung gusto ka agad ni Sigue sweete mo KC Meron pa iSA na tabggap ka..ung tatlo Hindi ka tanggap
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 60. S&V

    VADEN "So 'yan na lang ba ang gagawin mo ngayon? Ang uminom at magpakalasing?" tanong ng kakambal ni Vaden na si Vayden. Naririto ngayon sa condo ni Vaden ang kambal niya at sinamahan siyang uminom. Nagulat pa ito kanina nang makita siyang puno ng dugo ang mukha at bugbog sarado. Kaya agad naman na ginamot ni Vayden ang mga sugat niya. "Ano naman ang gusto mong gawin ko? Eh, ginawa ko na lahat, nagmakaawa na ako na balikan niya. Pero mas pinili niya ang lalaking iyon kaysa sa akin," mapait na ngumiti si Vaden at muling uminom ng alak. "Ganun na lang ba kadaling sumuko ang isang Vaden Santillan? Kung mahal mo ipaglaban mo!" payo pa ni Vayden. Napailing-iling naman si Vaden sa sinabi ng kakambal niya. Sana nga ganun lang kadali ang lahat. Sana nga kasi walang Kurt, baka sakaling muli siyang mahalin ng asawa niya. Napabuntong hininga nang malalim si Vaden. Pakiramdam niya naninikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. Ang babaeng dati ay baliw na baliw na kanya, nga

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 59. S&V.

    VADEN Mabilis na pinaharurot ni Vaden ang sasakyan niya na para bang siya ang may-ari ng kalsada. Ngayon na naangkin na niyang muli ang asawa niya ay mas lalong hindi siya papayag na mawala itong muli. Hindi niya pipirmahan ang annulment kahit anong mangyari. Hindi niya hahayaan na mapunta ito kay Kurt, magkamatayan na muna sila ng lalaki bago nito maagaw ang babaeng mahal niya. Pagdating sa grand villa homes subdivision ilang sandali lang ay natanaw niya ang kanyang black range rover na sasakyan. Ito ang ginamit kanina ni Sofie. Mabilis niyang ipinarada sa tabi ang kotse niya at lumabas mula sa loob. Dere-deretso siya sa may malaking gate. Pero kaagad siyang hinarang ng dalawang gwardiya. "Sir, bawal po pumasok sa loob," pigil sa kanya ng guard. Binigyan niya ito nang matalim na tingin. Wala siyang pakialam! Kailangan niya makita at makausap ngayon din ang asawa niya. "Open this damn gate! I want to see my wife!" sigaw ni Vaden habang patuloy na kinakalampag ang mala

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 58. S&V.

    VADEN Napabalikwas ng bangon si Vaden nang makapa niya sa tabi niya na wala na roon ang asawa niya. Pansin niyang maaga pa masyado. "Sofie?" Papikit-pikit na nagpalinga-linga siya sa paligid ng kwarto pero hindi niya ito makita. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang banyo pero wala roon si Sofie, maging sa closet ay wala rin ang asawa niya. Nakahubo't hubad pa siya kaya agad niyang dinampot ang boxer na nasa sahig at isinuot iyon. "Shit! Where are you Sofie?" kausap niya sa sarili. Pero sigurado naman siya na hindi ito makakalabas ng condo dahil may inutusan siyang dalawang bodyguard na magbabantay sa pinto, sakaling pumuslit ang asawa niya. Tanging boxer lang ang suot na lumabas ng silid si Vaden at tinungo ang kabilang silid na dating kwarto ni Sofie. Baka kasi naroroong ang hinabanap niya. Pero kulang na lang baliktarin niya ang loob wala siyang nakita na Sofie. "Sofie?" "Sofie, where are you," sigaw ni Vaden habang palinga-linga. Lumabas siya at nagtungo sa sala p

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 57. S&V.

    Nagising si Sofie dahil naalimpungatan siya nang mapanaginipan niya ang anak. Luminga siya sa tabi niya at nakita na mahimbing na natutulog si Vaden at naghihilik pa. Thank God, at hindi ito nakayakap sa kanya kaya naman malaya siyang kumilos. Dahan-dahan siyang bumangon at umalis sa kama. Isa-isa niyang hinagilap ang mga damit niya. Lalo na ang underwear niya na kung saan-saan hinagis ni Vaden kagabi. Nakasabit sa lampshade ang bra niya samantalang ang panty naman niya ay nasa ibabaw ng sofa nakarating. Napailing na lamang siya at maingat na kinuha ang mga iyon at mabilis na isinuot. Napatingin siya sa wall clock mag-aalas singko na pala ng umaga. Hindi niya makita ang bag at cellphone niya. Pero di bale na ang importante makaalis na siya rito at makauwe. Sigurado na hinahanap na siya ng anak niya. At sigurado na nag-aalala na ang mga magulang niya sa kanya pati na si Kurt. Napakagat-labi siya nang maalala ang binata. Parang bigla siyang nakonsensya rito. Boyfriend niya si Kurt p

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 56. S&V.

    "Vaden, stop this," pakikiusap niya kahit pa taliwas iyon sa kagustuhan ng katawan niya. Sinasabi ng utak niyang tama na, pero ayaw sumunod ng kanyang katawan.Lalo pa at naramdaman niyang pumasok sa loob ng t-shirt niya ang isang kamay nito at pumaloob sa suot niyang bra. Ngayon ay humahaplos na ang mainit nitong palad sa kanyang dibdib dahilan para lalo siyang mag-init.Iniwanan ng labi nito ang leeg niya at muling sinakop ang mga labi niya. Pero nilalabanan niya ang nararamdaman para hindi siya makaungol kahit pa nadadala na siya sa mga haplos nito sa kanyang katawan.Sandaling binitawan ni Vaden ang labi niya pati na ang kamay niyang nakapinid sa ulunan niya. Mabilis nitong hinubad ang suot niyang damit pati na ang bra niya at walang nagawa ang pagprotesta niya dahil mas malakas ang pwersa nito kaysa sa kanya. Hindi siya pwedeng magpadala sa mga haplos nito. Hindi siya pwedeng bumigay. Pero paano niya mapipigilan ang lalaki na sabik na sabik na ngayon sa ginagawa sa kanya.Napasi

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 55. S&V

    "Noong araw nang graduation mo nakatanggap ako ng mensahe galing kay Theanna. Gusto niya na magkita kami pero tumanggi ako, kasi ikaw ang pinili ko, dahil gusto ko na ako ang kasama mo sa graduation mo," wika ni Vaden at napabuntong hininga saka muling nagsalita. "Ang plano ko sana, kakausapin ko si Theanna after ng graduation mo. Na makikipaghiwalay na ako sa kanya dahil ikaw na ang mahal ko. Na aayusin ko na ang pagsasama natin, hindi dahil buntis ka sa anak natin, kundi dahil iyon ang sabi ng puso ko. Dahil mahal na kita. Pero hindi nangyari iyon nang muli akong makatanggap ng mensahe mula kay Theanna. She threathened me, na kapag hindi ako nakipagkita sa kanya nun araw na iyon ay susugod siya rito sa condo. Bagay na iniiwasan ko mangyari dahil sa maselan na pagbubuntis mo. Ayaw kitang bigyan ng stress dahil baka mapano ka at ang anak natin. Kaya pinoprotektahan kita. Nagbanta rin si Theanna na manggugulo siya sa graduation mo, na mas lalong ayoko na mangyari. Kasi hindi lang iis

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status