THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE

THE BILLIONAIRE'S REVENGE BRIDE

last updateLast Updated : 2026-11-09
By:  Aevren VeylorUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Akala ni Isabella Valdez, ang pinakamahirap na pagsubok sa buhay niya ay ang mawalan ng pera at halos mawalan ng ama. Ngunit nagbago ang lahat nang ialok sa kanya ng pinakamayamang negosyante sa lungsod ang isang kasal na hindi niya kailanman pinangarap. Isang taon ng pagpapakasal kapalit ng buhay ng kanyang ama. Si Alexander Rodriguez ay isang lalaking halos lahat ay mayroon na,kayamanan, kapangyarihan, at impluwensiya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay siyang hindi kayang kalimutan, ang pagkawasak ng kanyang pamilya. At ang babaeng pinili niyang pakasalan ay anak ng pamilyang itinuturing niyang dahilan ng kanyang pagdurusa. Para kay Alexander, si Isabella ay hindi isang babaeng mamahalin. Isa siyang instrumento ng paghihiganti. Ngunit paano kung ang babaeng gusto niyang saktan ang siya ring magiging dahilan upang muling matutong magmahal ang kanyang puso? Paano kung ang katotohanang matagal nilang hinahanap ay mas masakit kaysa sa kanilang inaakala? Sa isang kasal na nagsimula sa galit, kasinungalingan, at paghihiganti, sino ang unang susuko? At kung tunay na pag-ibig ang magiging kapalit ng kanilang kasunduan, sapat kaya iyon upang burahin ang mga kasalanan ng nakaraan? Isang kasal. Dalawang pamilyang may lihim. Isang pag-ibig na hindi dapat mangyari.

View More

Chapter 1

ANG KASAL NA NAGSIMULA SA ISANG BANTA

KABANATA 1

“Pakakasalan mo ako, Isabella… o mamamatay ang ama mo.”

Iyon ang unang sinabi sa akin ng lalaking magiging asawa ko.

Walang pagbati. Walang mahabang paliwanag. Hindi man lang niya ako tinanong kung gusto kong umupo.

Isang banta agad ang isinampal niya sa mukha ko.

Nakatayo ako sa harap ng malaking mesa sa loob ng isang marangyang opisina. Sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking tila sanay na sinusunod ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Alexander Rodriguez.

Nakasuot siya ng mamahaling itim na suit. Maayos ang buhok, matalim ang panga, at malamig ang mga matang nakatutok sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot ang paraan ng pagtitig niya o ang kalmadong tono ng pananalita niya habang binabago niya ang buhay ko.

“Ulitin mo nga ang sinabi mo,” nanginginig kong sabi.

Hindi man lang siya kumurap.

“Pakakasalan mo ako.”

Napatawa ako nang mapait. Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon, kundi dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang isang lalaking kayang magsabi ng ganoong bagay na para bang ordinaryong transaksiyon lamang iyon.

“Hindi kita kilala. Bakit kita pakakasalan?”

Isinara niya ang folder na hawak niya at itinulak iyon papunta sa akin.

“Basahin mo.”

Dahan-dahan kong binuksan ang folder. Nandoon ang mga dokumentong hindi ko gustong makita, mga utang ng pamilya namin, mga hindi nabayarang bayarin sa ospital, at ang mga papeles tungkol sa posibleng pagkawala ng aming bahay.

Nanlamig ang mga kamay ko.

“Saan mo nakuha ang mga ito?”

“Hindi mahirap alamin ang problema ng isang pamilyang malapit nang mawalan ng lahat.”

Napatingin ako sa kanya. “Kung kaya mo naman pala kaming tulungan, bakit kailangan mo pa akong pakasalan?”

Tumayo siya at inayos ang manggas ng kanyang suit.

“Dahil hindi pera ang gusto kong makuha sa pamilya mo.”

“Eh !Ano kung gayon?”

Lumapit siya. Ilang hakbang na lang ang pagitan namin nang huminto siya sa harap ko.

“Ikaw.”

Napaatras ako.

“Hindi ako papayag.”

“Pag-isipan mong mabuti ang sagot mo. Ang operasyon ng ama mo ay nagkakahalaga ng milyun-milyon. Ayon sa doktor, hindi na maaaring maghintay nang matagal. Ako lang ang taong handang magbayad ng lahat ng gastusin ngayon.”

Parang may humigpit sa dibdib ko.

“Bakit mo ginagawa ito sa akin?”

Sandali siyang natahimik. Ngunit hindi ko nakita sa mukha niya ang kahit anong pagsisisi.

“Dahil may utang sa akin ang pamilya mo, Isabella. At ikaw ang magbabayad.”

Hindi ako nakasagot.

Gusto kong sabihin na wala akong kinalaman sa anumang utang na sinasabi niya. Gusto kong ipaalala sa kanya na hindi ako bagay na maaari niyang angkinin. Pero sa tuwing naiisip ko ang ama kong nakahiga sa ospital, nawawala ang tapang na sana'y mayroon ako.

Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas sa gusali. Basta ang alam ko, mahigpit kong hawak ang kontratang iniabot ni Alexander.

Isang taong kasal.

Walang pag-ibig. Walang pakikialam sa personal na buhay ng isa't isa. Kailangang sundin ang mga patakaran ng kasunduan, at sa pagtatapos ng isang taon, maaari na kaming maghiwalay.

Simple ang mga kondisyon.

Ngunit ang kapalit ay ang kalayaan ko.

Pagdating ko sa ospital, sinalubong agad ako ng doktor.

“Miss Valdez, kailangan na pong operahan ang inyong ama. Hindi na natin puwedeng ipagpaliban.”

“Doktor, pakiusap. Bigyan ninyo pa ako ng kaunting panahon. May ginagawa po akong paraan.”

Pasensya na, pero kritikal na ang kondisyon niya. Bawat araw na lumilipas ay mahalaga.”

Wala akong nagawa kundi tumango.

Nang makapasok ako sa silid, nakita ko ang aking ama na nakahiga sa kama. Maputla ang mukha niya at mahina ang paghinga. Napakasakit makita ang taong minsang malakas at palaging handang ipagtanggol ako na ngayon ay hirap nang igalaw ang kanyang katawan.

“Anak…

Agad kong hinawakan ang kamay niya.

“Pa, nandito ako.”

Pinilit niyang ngumiti. “Umiyak ka na naman ba?”

Umiling ako, kahit hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.

“Hindi po. Pagod lang ako.”

“Wala na tayong pera, Isabella. Huwag mong ubusin ang buhay mo para sa akin.”

Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

“Huwag mong sabihin iyan. Hindi ka pabigat sa akin. Ikaw na lang ang pamilya ko.”

Matagal niya akong tinitigan. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit nahihirapan siyang magpasya kung dapat ba niya itong ilabas.

“May kailangan akong sabihin sa iyo…”

“Ano iyon, Pa?”

Bahagya siyang umangat sa unan.

“Kung sakaling makilala mo ang isang lalaking nagngangalang Alexander Rodriguez…”

Bigla akong natigilan.

“Bakit, Pa?”

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa pagod ay napalitan iyon ng takot.

“Huwag kang magtiwala sa kanya.”

Parang tumigil ang oras sa paligid ko.

“Kilala mo siya?”

Hindi siya agad sumagot. Sinubukan niyang magsalita, ngunit biglang bumilis ang tunog ng monitor sa tabi ng kanyang kama.

“Pa?”

Pumasok ang mga nurse at agad na nilapitan ang kama.

“Miss, kailangan po naming ilabas kayo!”

“Pero ang papa ko”

“Please, Miss. Kailangan naming asikasuhin ang pasyente.”

Napilitan akong lumabas. Nakatayo ako sa pasilyo habang naririnig ang mabilis na mga yabag at utos ng mga nurse sa loob.

Hindi ko alam kung ano ang mas kinatatakutan ko, ang posibilidad na mawala ang ama ko o ang katotohanang tila may alam siya tungkol kay Alexander.

Kinagabihan, bumalik ako sa opisina ni Alexander.

Nandoon pa rin siya, nakaupo sa kanyang upuan habang nagbabasa ng ilang dokumento. Nang makita niya ako, inilapag niya ang hawak na papel.

“Akala ko ba kailangan mo munang mag-isip?”

“Pumapayag na ako.”

Hindi agad siya sumagot. Sinipat niya ang mukha ko na para bang sinusubukan niyang alamin kung nagbago ba ang isip ko o tuluyan na akong sumuko.

“Sigurado ka?”

“Wala akong ibang pagpipilian.”

Kumuha siya ng panulat at inilapag iyon sa ibabaw ng kontrata.

“Kung ganoon, pumirma ka.”

Hindi ko agad kinuha ang panulat.

“May kondisyon ako.”

Bahagya siyang nagtaas ng kilay.

“Ano iyon?”

“Huwag mong sasaktan ang pamilya ko. Bayaran mo ang operasyon ng ama ko at tiyaking hindi mawawala sa amin ang bahay. Kapag natapos ang isang taon, palalayain mo ako.”

Ilang segundo niya akong pinagmasdan.

“Pumapayag ako.”

“Gusto kong nakasulat din iyan sa kontrata.”

Bahagyang gumalaw ang kanyang panga, ngunit hindi siya tumutol. Kinuha niya ang dokumento at ipinadagdag ang kondisyon ko.

Pagkatapos ay pinirmahan ko ang aking pangalan.

Isabella Valdez.

Sa simpleng pagpirma na iyon, tila isinuko ko ang karapatan kong pumili para sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa piling ng lalaking iyon. Ang tanging iniisip ko ay ang kaligtasan ng aking ama.

Dalawang araw matapos iyon, ikinasal kami.

Walang engrandeng selebrasyon. Walang masayang pamilya o mga kaibigang naghihiyawan sa tuwa. Isang pribadong seremonya lamang sa loob ng isang marangyang simbahan.

Habang nakatayo ako sa tabi ni Alexander, pakiramdam ko ay hindi ako tunay na bahagi ng seremonyang iyon. Para akong isang taong napadpad sa maling lugar at naghihintay lamang na matapos ang lahat.

“Ngumiti ka,” bulong niya habang hawak ang kamay ko.

“Hindi ako masaya.”

“Hindi naman nila kailangang malaman.”

Tumingin ako sa kanya. “Hindi ka ba napapagod magkunwari?”

Bahagya siyang yumuko palapit sa akin.

“Masasanay ka rin, Mrs. Rodriguez.”

Nang dumating ang sandali ng halikan, marahan niyang hinawakan ang aking mukha. Nagtagpo ang aming mga labi sa isang maikli at malamig na halik.

Gayunman, may isang saglit na napansin kong hindi pala palaging malamig ang kanyang mga mata.

Ngunit mabilis ding nawala ang sandaling iyon.

“Walang ibig sabihin iyon,” malamig niyang bulong nang matapos ang seremonya.

Napayuko ako.

“Hindi ko naman hinihingi ang kahulugan niyon.”

Pagsapit ng gabi, dinala niya ako sa kanyang mansyon.

Napakalaki ng bahay. May malalawak na hagdan, mamahaling kagamitan, at mga tauhang yumuyuko sa tuwing dumaraan siya. Halatang sanay ang lahat na sumunod sa kanya.

“Dito ka titira,” sabi niya habang ipinapakita ang ikalawang palapag.

“Magkasama ba tayo sa kuwarto?”

Tumingin siya sa akin na para bang kakaiba ang tanong ko.

“May sarili kang silid.”

“Akala ko ba asawa mo ako?”

“Sa papel, oo.”

Napangiti ako nang mapait.

“Kung ganoon, hindi pala talaga kasal ang pinasok ko. Isa lang akong empleyadong may kontrata.”

Hindi siya sumagot. Sa halip, inilapag niya sa mesa ang isang maliit na kahon.

“Suotin mo iyan bukas. May pagtitipon tayo.”

Binuksan ko ang kahon. Isang magandang kuwintas na may diyamanteng hugis buwan ang nasa loob.

“Bakit mo ito ibinigay sa akin?”

“Dahil asawa kita. Kailangang magmukha tayong masayang mag-asawa sa harap ng ibang tao.”

Isinara ko ang kahon.

“Paano kung ayaw kong magkunwari?”

Lumapit siya nang bahagya.

“Wala kang pagpipilian.”

“Palagi na lang ba akong walang pagpipilian sa iyo?”

Tinitigan niya ako nang ilang segundo.

“Hangga't hindi pa tapos ang kasunduan natin, Isabella, kailangan mong sundin ang mga patakaran ko.”

Pagkasabi niyon ay tumalikod siya at lumabas.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid, hawak ang kahong may kuwintas. Hindi ko alam kung ano ang mas dapat kong maramdaman—galit, lungkot, o takot sa mga susunod pang araw na kailangan kong harapin.

Bago tuluyang magsara ang p***o, may napansin akong maliit na bagay na nahulog mula sa loob ng kahon.

Isang litrato.

Pinulot ko iyon.

Nanlamig ang mga daliri ko nang makita ang babaeng nasa larawan.

Ang nanay ko.

Katabi niya ang isang batang lalaki na hindi ko kilala. Bata pa ang mukha ng aking ina, ngunit hindi ako maaaring magkamali. Ilang beses ko nang tiningnan ang mga lumang larawan niya noong nabubuhay pa siya.

Binaliktad ko ang litrato.

May nakasulat sa likod nito:

“Ang gabing namatay ang pag-ibig ng pamilya Rodriguez.”

“Bakit mo tinitingnan iyan?”

Napalingon ako.

Nakatayo si Alexander sa pintuan.

Hindi ko namalayang bumalik siya.

Itinaas ko ang litrato.

“Bakit may litrato ng nanay ko sa gamit mo?”

Nawala ang malamig na ekspresyon sa mukha niya. Ilang sandali siyang hindi kumilos bago tuluyang lumapit at kinuha ang litrato mula sa kamay ko.

“Hindi mo dapat tinitingnan iyan.”

“Bakit? Ano ang koneksiyon ng nanay ko sa pamilya mo?”

Hindi siya sumagot.

“Alexander, tinatanong kita!”

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

“Ang nanay mo ang dahilan kung bakit namatay ang babaeng pinakamamahal ko.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

“Hindi… hindi iyan maaari.”

“Marami kang hindi alam tungkol sa sarili mong pamilya, Isabella.”

“Kung ganoon, sabihin mo sa akin ang totoo!”

Lumapit siya hanggang halos magkadikit na ang aming mga mukha.

“Hindi pa ngayon.”sambit nya

“Bakit?”

Matagal niyang tinitigan ang aking mga mata bago nagsalita.

“Dahil kapag nalaman mo ang buong katotohanan, baka ikaw mismo ang magmakaawa na sana hindi na lang kita pinakasalan.”

Pagkatapos ay iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng silid.

Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin ng litrato o kung bakit sinisisi ni Alexander ang aking ina sa pagkamatay ng babaeng minahal niya.

Ngunit may isang bagay akong tiyak.

Ang kasal na pinasok ko upang iligtas ang aking ama ay maaaring maging simula ng pinakamalaking trahedya sa buhay ko.

At hindi ko pa alam na sa likod ng paghihiganti ni Alexander ay may isang lihim na kayang magwasak sa aming dalawa.

Dahil ang babaeng pinaniniwalaan niyang may kasalanan sa pagkamatay ng kanyang minamahal ay maaaring hindi pala ang tunay na may kagagawan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status