MasukGusto ko lang magpasalamat sa inyo mga reader ko. Pasensya na talaga kayo dahil sa super bagal ko na pag-update. Busy lang ako sa buhay. Thank you so much ulit sa inyo at pasensya na. Sana kapag isulat ko rito ang story ni Amari suportahan nyo pa rin. Salamat🫶
Ella "Baby, sigurado ka na ba talaga sa water birth?" tanong ni Gavin sa kanya. Nasa sala sila ngayon at nakaupo sa sofa habang kumakain ng apple at nanonood ng vlog about sa home water birth. Ilang araw na lang at due date na niya sa panganganak. Anlaki na rin ng tiyan niya at hirap na siyang kumilos. Pero thank God at laging nandiyan ang asawa niya at hindi siya pinapabayaan. Sa katunayan nga e, hindi na pumapasok sa opisina si Gavin simula nang ikinasal sila sa simbahan. Sa bahay na lang nagtatrabaho ang asawa niya tuwing gabi. Ipinapadala na lang sa bahay nila ang mga documents na kailangan nito. "Sure na sure na hubby. Isa pa healthy naman kami pareho ni baby ayon sa Ob gyne ko. Sofie also agrees that a water birth is a beautiful choice," aniya. Kung hindi lang naka-leave sa trabaho si Sofie ay ito ang magiging doctora niya. Pero focus daw muna ito sa anak at babalik na lang sa trabaho kapag medyo malaki na si baby Vesper. "Alright, basta safe kayo ni baby ay walang
GAVIN Nilalamig na pinagsalikop ni Gavin ang mga palad niya at hinihipan ito ng bibig niya. Nakatayo na siya sa altar at hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. "Relax, Kuya. As if naman makakatakbo pa si Ate Ella palayo sa'yo, e buntis siya," natatawang wika ni Amari sa tabi niya. Itong bunso nila ang bestman niya. Ito na lang din ang walang asawa sa kanilang magkakapatid. Nasa tabi rin niya ang mommy at daddy niya na siyang naghatid kanina sa kanya sa patungo rito sa altar. "I'm pretty sure naman na hindi niya gagawin iyon. She loves me so much," presko niyang sabi. "Weee, di nga?" "Shup up, brother," aniya kaya natawa ito. Hindi na niya pinansin pa si Amari at itinutok na niyang muli ang mga mata sa pintuan ng simbahan. Ilang sandali lang din at bigla itong bukas, kasunod niyon ay ang pagpasok ng babaeng pinakahihintay niya—si Ella. Dahan-dahan itong naglalakad sa aisle. Kahit na medyo malayo pa sa kanya ay alam niyang sa kanya nakatingin ang asawa niya. Maya-may
GAVIN "Hi! Ako nga pala si Gabriel—anak mo kay Gianna Mercedez. Ako nga pala ang batang iniwan mo sa orphanage. Ang batang inilayo mo sa sariling niyang ina," kausap ni Gav sa puntod ng tunay niyang ama na si Jeorge Laurel. "Gusto ko lang malaman mo, na napatawad na kita. Na wala na akong galit sa'yo. At gusto ko ring magpasalamat dahil sa ginawa mong pag-iwan sa akin sa bahay-ampunan, ay napunta ako sa mabubuting tao na may mabubuting mga puso. Siguro kung sa kalye mo ako iniwan o binenta sa iba baka hindi ito ang buhay na meron ako ngayon. Kaya kahit na ganun pa man ang ginawa mo nagpapasalamat pa rin ako sa'yo. Thank you at napatawad na kita, Papa," hindi napigilan ni Gav ang pagtulo ng luha niya. Thankful pa rin siya sa kabila ng lahat. Nahanap na niya ang mama niya, ang pinanggalingan niya at higit sa lahat masaya na siya sa buhay. Alas-kwarto na ng hapon nang umuwe sila. At dahil traffic na naman sa daan ay inabit na sila ng takipsilim. Pero bago pa man lumiko ang sasakyan
ELLAAng bilis ng mga araw. Parang kailan lang simula nang malaman niyang buntis siya. Ngayon ay nasa limang buwan na ang tiyan niya. Maliit pa rin ito at hindi gaanong halata kapag titignan, pero ramdam na ramdam na niya ang buhay na pumipintig sa loob ng bahay-bata niya."Kumpleto na ba lahat ng dadalhin natin, baby?" tanong ni Gavin sa kanya."Yes, hubby. Kumpleto na lahat, naayos na ni mama lahat ng mga kailangan," aniya sa asawa.Pupunta sila ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang nila ni Eli. Ilang buwan din na hindi nila ito nabisita ng kapatid niya simula nang maipagamot ang mga mata ni Eli. Dagdag pa na naging busy siya sa trabaho at pagpaplano sa second wedding nila ni Gavin. Gayunpaman, ay hindi naman niya nakakalimutan ang mga magulang nila. Sa katunayan nga ay naipaayos na niya ang libingan ng mga ito. Pinagawan niya ng museleo at pinaganda.Noong mga nakaraang buwan pa sana sila ni Eli dadalaw sa puntod ng mga magulang nila, ngunit noong nakaraang mga
ELLA After nila maibigay sa kanila ang reseta ng vitamins ay lumabas na sila ng room. Habang binabaybay nila ang daan sa hallway ng ospital ay eksaktong may lumabas na doctor sa isang silid. Pero kasunod nito ang isang pamilyar na babae—si Glaiza. "Hindi pa kayo pwedeng umalis dito sa ospital. May edad na ang pasyente at kailangan mamonitor ang kondisyon niya. Minsan hirap siyang huminga at low oxygen ang niya. Mas prone ito sa secondary infection o heart related issues. Excuse me," dinig ni Ella na sinabi ng doctor kay Glaiza at pagkatapos ay nagpaalam na ito. "Glaiza," tawag ni Ella sa babae. Napatingin naman ito sa gawi nila ng asawa niya at namilog ang mga mata nitong tumingin sa kanila ni Gavin. Pero kaagad ding yumuko ang babae sa harapan nila. "Hindi ba sinabi mo kanina na may sakit ang mama mo?" tanong ni Ella. "Nandito ba siya sa ospital?" "Opo ma'am. Ilang linggo na po siyang naka-confine rito. Malapit na po mag-isang buwan," ani nito at muling yumuko ng ulo. Naramda
ELLA "Gising na po pala kayo ma'am. Kamusta po ang pakiramdam nyo po?" tanong ng babae kay Ella. "What happened?" tanong niya at napasapo sa ulo niya. "Dinala kita rito sa hospital mam. Nawalan po kasi kayo ng malay kanina," sagot ni Glaiza sa kanya. Oo nga pala naalala na niya. Bigla siyang nahilo kanina habang palabas ng grocery store kaya bigla siyang natumba kanina habang nag-aabang ng taxi pauwe. Si Glaiza pala ang nakakita sa kanya. Ang dating empleyado na tinanggal ng asawa niya sa trabaho dahil sa paninira sa kanya. "Palabas po ako kanina sa botika matapos kong bumili ng gamot nang makita ko kayo mam. Pasakay na rin sana ako ng jeep pero nakita ko na bigla kayong natumba kaya mabilis ko po kayong dinaluhan. At iyon po, agad ko kayong dinala rito sa hospital na malapit. Tumawag na rin po ako kanina sa Ashford company para ipaalam ang nangyari sa inyo at ang secretary po ni Sir Shane ang nakausap ko ma'am. Sinabi ko po na sabihin kaagad kay Sir Gavin balita," kwento ni Gla







