ABBY POVFIVE YEARS LATERTahimik akong nakaupo sa loob ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Parang kailan lang pero ang bilis lumipas ng panahon. Nakalimang taon na pala kami sa Amerika pero ngayun pabalik na kami sa Pilipinas para doon ituloy ang buhay. Nagdesisyon kaming umuwi na lang ng bansa dahil gusto kong sa Pilipinas pa rin lumaki at mag-aral ang aking mga anak. At isa pa may magandang negosyo kaming naitayo sa Pilipinas. Actually, fully operation na ang negosyo at malakas kung kumita kaya wala ng dahilan para magpatumpik-tumpik pa kami na bumalik ng bansa. Meron kaming itinayong restaurant sa Quezon City at Bake shop naman sa isang kilalang mall sa Pasay. Sobrang trending daw ang aming mga produkto kaya naman malaki ang kinikita araw-araw. Balak namin magtayo ng iba pang mga branches o di kaya ay mag-open ng mga franchise kaya lang sabi ni Mama Charito kailangan personal kong asikasuhin ang lahat ng iyun. Mahirap naman kasi kung ipagkatiwala ko sa iba. Hindi na din daw kasi k
ABBYTulak ang aming cart na puno ng aming bagahe habang nagplinga-linga ako sa paligid. HInahanap ko ang aming sundo. Nakasuond naman sa akin ang kambal na noon ay manghang-mangha sa mga nakikita sa paligid. Tagaktak agad ang pawis ng mga ito dahil sa matinding init paglabas ng airport. Nakaramdam din ako ng panlalagkit pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Abala ang aking mga mata habang inisa-isa ang bawat tao sa paligid. Nasaan na ba kasi ang aming sundo?"Abby!!! Abby! narinig kong sigaw ni Erika. Agad ko naman itong hinanap sa kompolan ng mga tao. Masaya akong napangiti ng makita ko ito. Patakbo pa itong lumapit sa amin at mahigpit akong niyakap."Naku, I miss you Abby! Halos isang taon din tayong hindi nagkita." Maarte nitong wika habang pumipilantik ang mga daliri. Pagkatapos ay binalingan nito ang mga anak ko." Hello Babies? Naku ang lalaki niyo na..Bakit ang bilis niyo namang tumangkad! Namiss niyo ba si Tita Erika?" wika nito sa mga anak ko. Sinimangutan naman ito ni
ABBYMabils na lumipas ang isang linggo. Nandito ako ngayun sa isa sa mga retaurant na pag-aari namin ni Mama Charito. Masyadong abala ang lahat kaya naman tumulong-tulong na din ako sa aming mga staff upang magserve ng mga orders ng customer. Fine dining restaurant ito kaya kailangan talaga ng dagdag effort para mapagsilbihan ng maayos ang mga customers. Nagseserve kami ng American at Asian foods kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit sobrang busy namin.Siguro kailangan na talaga namin magtayo ng mga branches sa ibat-ibang lugar. Masyadong maraming customer at nahihirapan na kaming iaccomodate lahat. Nagpapa-advnce reservation din kami online at nanghihinayang ako sa mga walk-ins na hindi na namin kaya pang i-accomodate.'Abby magpahinga ka muna doon sa opisina. Alam kong pagod ka na at hayaan mo na lang kami dito na pagtulungan ang mga trabaho. Sanay na naman ang mga staff sa sobrang busy araw-araw kaya ....kaya na namin itong ihandle." Wika sa akin ni Erika. Nakangiti naman
Luther POVNakaramdam ako ng gutom kaya naman dali-dali akong lumabas ng penthouse. Balak ko kasing sa isa sa mga restaurant sa ibaba kakain. Papunta din si Lester dahil may importante kaming pag-uusapan kaya naman sa baba ko na lang ito kakausapin. Pagkababa ko ay agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng restaurant na pwedeng kainan habang naghihintay kay Lester. Agad na naagaw ang aking pansin sa isang restaurant kung saan nakita kong pumasok kanina ang bata. Curious akong lumapit dito at nakita ko na maraming kumakain sa loob. Agad naman akong binati ng isang staff na nag-aasisist ng mga bagong customer."Hello Sir. For dine-in po ba? May mga availbale pa pong table sa loob." wika nito sa akin. Tumango ako kaya naman agad akong inassist papasok sa loob ng restaurant. Sinamahan ako hangang sa makaupo sa isang bakanteng lamesa. Pagkatapos ay agad na ibinigay sa akin ang menu book. Pagkatapos kong sabihin dito ang aking order ay agad din naman umalis ang wa
Luther POV"How is she? ' Agad kong tanong kay Doctor Mendez pagkatapos nitong suriin si Abby. Masyado akong nag-aalala sa kalagayan nito kaya naman agad ko itong pinatawag kay Lester upang personal na tingnan si Abby na noon ay wala pa ring malay."Dont Worry Mr. Sarmiento. Masyado lang naalala ni Mrs. Sarmiento ang nakaraan kaya siya nag-panic ng makita ka. Siguro ang kailangan mong gawin sa ngayun ay iparamdam mo sa kanya na hindi ka threat sa buhay niya. Kailanga mo siyang suyuin upang magbalik ang tiwala niya sa iyo." sagot naman ni Doctor Mendez."Paano kung lalo siyang magpanic pagkagising niya? Ano ang gagawin ko?" tanong ko ulit sa Doctor. Bumuntong hininga naman ito."Luther huwag kang mag-expect na agad babalik ang tiwala niya sa iyo. Hangang ngayun nakatatak pa rin sa isip niya ang masalimoot na nangyari sa mga kamay mo five years ago. Siguro kailangan mo lang habaan ang iyong pasensya. Pasasaan ba at muli ding lalambot ang puso niya sa iyo. Sa ngayun, pilitin mong sundin
AbbyAalis na po ako." paalam ko kay Nay Nilda bago pa makarating ng dining area. Inililibot ko pa rin ang aking paningin sa paligid. Naninigurado na wala na si Luther. Agad naman napatingin sa akin ang matanda. Saglit itong nag-isip at ngumiti sa akin."Ayaw mo man lang bang tikman ang inhanda kong pagkain para sa iyo Abby? Kung ganoon, ihahatid na kita sa ibaba." sagot nito sa akin at muling bumalik ng kwarto. Bitbit na nito ang aking bag ng muling lumabas at inabot sa akin. "Pasensiya na po kayo Nay Nilda. Baka po kasi hinahanap na ako sa bahay eh. Ayaw ko pong mag-alala ng sobrang ang mga kasamahan ko." hinging paumanhin ko sa matanda."ahhh...ehhh Sige!! kung ano ang mas makabubuti Abby.." Pero sana magkita tayo ulit at makapagkwentuhan man lang. Matagal ka din nawala at sobrang namimiss din kita." nakangiti nitong sagot sa akin."Hayaan niyo po Nay Nilda. Kapag may libreng oras po ako, tatawagan ko po kayo..' nakangiti kong sagot dito. Kung tutuusin, hindi na iba sa akin si Nan
Abby"Iha saan ka ba nagpunta kagabi? Alam mo bang ilang beses kang tinawagan ng mga bata ......hindi ka man lang sumasagot sa aming tawag. Masyado mo kaming pinag-aalala." agad na tanong sa akin ni Mama Charito pagkaupo ko sa dining table. Tanghali na ako nagising dahil napasarap ang tulog ko. Wala na sa tabi ko ang mga anak ko at nadatnan ko silang kumakain dito sa dining area kasama si Mama Charito."Pasensiya na po Ma. Masyado lang kasi akong abala kagabi. Ang dami po kasing customer at hindi ko maiwan-iwan ang mga staff." sagot ko kay Mama Charito at bahagyang sinulyapan ang mga bata na abala sa kanilang kinakain."Alam mo ba MOm, Iyak ng iyak kagabi si Lorraine, hindi daw po kasi siya maka-sleep hangat wala po kayo." sumbong naman ni Carl habang abala sa kaniyang kinakain. Agad naman itong pinandilatan ni Lorraine." Hindi kaya.!!...... Ikaw nga diyan ang nagagalit eh.....kasi hindi sumasagot si Mommy sa phone.",sagot naman ni Lorraine. Agad ko namang natapik ang noo ko ng maala
ABBYKahit naririndi na ako sa malditang si Pamela Torres Alejo ay pinilit ko pa ring huminahon. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa ganitong ka-maldita na babae. Kailangan kong habaan ang aking pasensya sa mga ganitong klaseng customer. Ayaw kong maapektuhan ang aking negosyo dahil lang sa walang kwenta nitong complain.Akmang babalik na ako ng kusina para magfollow-up sa order ni Pamela ng makita kong may nagsipasukan na mga tao. Dalawang babae at tatlong lalaki. Pare-pareho ang kulay ng mga suot nito. ..Kulay Itim. Marahil ay ito ang kanilang uniform at nagtatrabaho sa iisang kompanya. Kapansin-pansin ang tikas ng mga ito at kaseryosohan ng mga ekspresiyon. Mukha silang nakakatakot. Akmang sasalubungin na ito ng aking mga staff ng bigla silang natigilan. Diri-diritso kasing lumapit ang mga ito sa table nila Pamela. Napalapit naman ako dahil sa matinding pagkagulat. Sersoyo ang mga mukha nitong habang nakatitig kay Pamela."Miss Pamela, hindi po kayo pwede sa lugar na ito." agad na w