LOGINBlurb Tanner- isang janitor na may malalim na tinatago, hindi siya basta-basta na kalaban dahil isang pitik ka lang mabubura ka na sa mundo! Kung sa hitsura nito ay talagang perfect na, nasa kanya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng babae. Everlee- isang mayaman at taga pagmana ng lahat ng ari-arian na meron sila, maganda nga ngunit kabaliktaran naman ang ugali. Paano nga ba magkakasundo ang ating mga bida? Tara samahan niyo akong lakbayin ang kanilang kwento na may kilig, iyak, tawa at marami pang iba na ating tutuklasin.
View MoreC1
"Nalinis mo na ba ang sasakyan na gagamitin sa pagsundo sa aking anak?" tanong ni Mr. Green kay Tanner.
"Yes, sir," tipid na sagot ni Tanner sa amo.
"Good," wika ni Mr. Green kay Tanner. Balita kasi sa mansyon na darating ngayong araw na 'to ang nag-iisang anak ni Mr. Green. Pero wala naman siyang pakialam dahil trabaho ang pinunta niya rito.
"May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" tanong ni Tanner sa boss nito.
"Wala na, oh wait, kapag hindi dumating ang driver ko ay ikaw ang magsusundo sa anak ko," pahabol ni Mr. Green.
"Ako po?" paniguradong tanong ni Tanner sabay turo sa kanyang sarili.
"Oo, bakit may iba pa bang tao rito? Bukod sa ikaw at ako," sagot ni Mr. Green.
"Ah sige po," magalang na sagot ni Tanner, hindi pa niya kilala ang anak ng kanyang amo, at sa picture lang nito nakita na nakalagay sa may living room nila, at medyo bata pa ito.
"Ipapatawag kita mamaya kung ikaw ang magsusundo," sabi ni Mr. Green saka tumalikod si Tanner.
Janitor talaga ang trabaho na in-applyan niya, pero minsan nagiging extra driver siya kapag wala ang driver ng matandang amo niya. At isa rin siya sa pinagkakatiwalaan ni Mr. Green na naglilinis sa opisina nito, mapabahay man or sa kumpanya nito. Masaya naman siya sa kanyang ginagawa. Dahil tapos na ang kanyang trabaho kaya nagpasya muna siyang mag-gym sa loob ng kanyang tinutulugan, mag-isa lang niya sa kanyang kwarto, dahil ayaw niyang nakahalubilo sa mga kasamahan niyang janitor sa malaking bahay na kanyang pinagtatrabahuan. Gusto niyang mapag-isa kapag oras ng pahinga, at pinagbigyan naman siya ni Mr. Green na mag-isa lang sa kanyang quarter. Gusto niyang manatili ang hubog ng kanyang katawan kaya gym lang sa kanya ay sapat na. Tuwing day off niya ay sa gym lang siya ng kanyang kaibigan sa labas nagpapalipas ng oras. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang ginagawa ay biglang nag-ring ang kanyang phone at ng tingnan niya ito ay walang iba kundi si Mr. Green kaya kaagad niya itong sinagot.
"Yes, sir?" tanong niya kaagad.
"Hindi pa dumating ang driver ko, ikaw na ang susundo sa anak ko," utos ni Mr. Green sa kanya.
"Sige po, sir," sagot naman ni Tanner.
"Ibibigay sayo ng secretary ko ang details," pahabol ng matanda.
"Sige po, hihintayin ko na lang," ani Tanner sabay patay sa linya at kaagad na siyang nagpunas ng pawis at nagbihis na, wala na siyang time para maligo pa. Malinis naman siya sa kanyang katawan at wala rin naman siyang amoy kaya ok na 'yun.
Isang plain white t-shirt at gray jogging pants lang ang kanyang suot at nag-rubber shoes lamang siya. Dahil kahit anong suot niya talagang hindi sila naniniwala na janitor lang siya. Habang nasa daan na siya patungo sa airport ay tumawag sa kanya ang secretary ni Mr. Green, at sinabi sa kanya ang details ng anak ng kanilang amo. Sinabi rin nito kung ano ang suot ng dalaga.
"Nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ng secretary ni Mr. Green kay Tanner.
"Yes, ma’am," sagot naman ni Tanner, magkakilala silang dalawa dahil palaging pumupunta si Tanner sa opisina ni Mr. Green para maglinis doon.
"Good. Mag-iingat ka," wika ng secretary saka nito binaba ang linya.
Dahil may oras pa naman ay hindi na nagmamadali si Tanner, tamang drive lang siya habang napapa-music. Biglang tumawag ang kanyang pinsan at kaagad naman niya itong sinagot.
"Yes, napatawag ka?" wika kaagad ni Tanner.
"Aba, wala ka yatang balak umuwi, at nasarapan mo na ang pagiging janitor mo diyan," sabi ng kanyang pinsan sa kabilang linya.
"Hindi pa ako nagsasawa, kaya gawin mo muna ang mga ginagawa mo," sabi naman ni Tanner.
"Pagod na ako, samantalang ikaw sarap buhay," sabi ng kanyang pinsan.
"Mas pagod ako," sabi naman ni Tanner.
"Pinili mo 'yan kaya huwag kang magreklamo," sabi naman ng kanyang pinsan.
"Alam ko, at alam mo kung bakit ko ginagawa 'to," sagot naman ni Tanner.
"Sige na, bye na muna at busy na ako," paalam ng kanyang pinsan sabay patay sa linya.
Hindi na namalayan ni Tanner na nasa airport na pala siya. Kaagad siyang naghanap ng parking area, para i-park ang sasakyan at pumasok na sa airport, at baka ma-late pa siya. Habang naglalakad siya papunta sa loob ay tiningnan muna niya ang latest picture na se-nend ng secretary ni Mr. Green, naiiling na lang si Tanner ng titigan nito ang kanyang susunduin, ngayon lang niya ito makikita, at hindi niya pa alam ang ugali ng anak ng kanyang amo. Tiningnan niya ang board at ng makita niya na kalalapag lamang ng ariplane na sinakyan ng kanyang susunduin, aabanagan na lang niya ito sa may exit. Mga ilang minuto na rin ang nakalipas ay nakita na niya itong palabas dala ang mga gamit nito, lalapitan na sana niya ng may sumalubong sa kanyang susunduin at kaagad na nagyakapan ang dalawa at may pahalik pang kaganapan.
Napakunot ang noo ni Tanner sa kanyang nakita, hindi siya nagkakamali, ito ang kanyang susunduin at anak ni Mr. Green, at may mga kasama pa talagang mga bodyguard ang lalaking sumalubong sa dalaga. No choice siya at nilapitan niya ang mga ito, dahil utos ni Mr. Green na sunduin siya nito, hindi yata sila na-inform na may susundo na pala rito.
"Hi, ikaw ba si Ms. Green?" tanong ni Tanner sa dalaga.
"Yes, sino ka?" kunot noong tanong nito kay Tanner.
"Ah kasi, ma'am, pinapasundo po kayo sa akin ng inyong daddy," magalang na sagot ni Tanner.
"Driver ka niya?" tanong ni Ms. Green kay Tanner.
"Hindi po, wala po kasi ang driver niya kaya ako ang pinasundo sayo," sagot ni Tanner.
"So, sino at ano ka?" tanong ng dalaga.
"Ako nga po pala si Tanner, janitor po ako sa inyo," sagot niya.
Napatawa ng bahagya ang kasama ni Ms. Green at si Ms. Green sa narinig na janitor lang pala siya. Tiningnan siya ni Ms. Green mula ulo hanggang paa, dahil talagang hindi ito kumbinsido na janitor ito, sa tayo at porma nito kahit simpleng suot ay parang hindi ito sanay sa trabahong janitor, alam niya ang galaw ng mga tao. Ngunit napatigil si Ms. Green sa bandang gitna ni Tanner dahil may bumukol yata roon, halatang-halata kasi sa suot nitong jogging pants, napakurap din siya ng mabilis ng matauhan siya, dahil kaharap niya ngayon ang kanyang boyfriend.
"Ok, pakidala na lang ang mga gamit ko," ani Ms. Green kay Tanner.
"Hace, magkita na lang tayo, tatawagan kita," ani ni Everlee.
"Ok, mag-iingat ka," sabi nito sabay halik sa dalaga.
"Let's go," ani Everlee kay Tanner. Nauna naman si Tanner dahil hindi naman alam ni Everlee kung saan ang kanilang sasakyan. Napapaisip tuloy si Tanner sa boyfriend ng anak ni Mr. Green, parang wala siyang tiwala roon. Maganda at sexy at anak ni Mr. Green at mukhang matalino ito, ngayon lang niya kito nakita. Balita kasi niya ay ito na ang papalit sa ama na mamahala sa kanilang mga kumpanya, at parang mahihirapan na siya sa ngayon.
Pagkatapos nailagay ni Tanner ang mga gamit ng babae ay binuksan nito ang pinto para makasakay na ang dalaga.
"Wait, sa susunod huwag kang mag-usot ng ganyang pants," mataray na sabi ni Everlee kay Tanner.
"Bakit, ma'am, may masama po ba sa suot ko?" tanong ni Tanner sabay tingin sa kanyang baba, dahilan para malaman niya kung ano ang tinutukoy ni Everlee. Nangiti naman ng lihim si Tanner.
"Ikaw na sumagot sa tanong mo!" mataray na sagot nito sabay sakay sa sasakyan. Tiningnan ulit ni Tanner ang sinasabi ni Everlee, bago siya sumakay at sinara na ang pinto.
"Ma'am, normal pa lang po 'yan," ani Tanner sabay pakawala ng pang-iinis na ngiti, saka nito pinaandar ang sasakyan.
C4Kaagad na inilayo ni Tanner ang kanyang labi sa labi ni Everlee, ayaw niyang isipin ng babae na sinasamantala siya nito. Alam niya ang kalagayan ni Everlee, kahit masama ang ugali nito babae pa rin siya, at hindi na muna ito papatulan, iiwasan niya hangga’t kaya niyang iwasan ang babae. Kaagad siyang lumabas sa kwarto ni Everlee, at nagtungo sa kanyang kwarto. Kailangan niyang tapusin ang kanyang mga plano sa lalong madaling panahon para makauwi na siya at harapin ang buhay na meron siya.— — —Nagising si Everlee, at hinanap si Tanner, dahil ito ang huli niyang nakasama bago siya nawalan ng malay. Ngunit hindi niya ito nakita. Kaagad siyang tumawag sa baba at si Manang ang nakasagot. Pinaakyat niya ito.Isang katok ang narinig ni Everlee mula sa kanyang pintuan.“Pasok,” saad niya.“May kailangan ka, ma’am?” tanong ni Manang.“Manang, si Tanner?” tanong niya.“Parang nakita kong pumasok sa kanyang kwarto kanina,” sagot ni Manang.“Pakisabi po may lakad kami,” utos niya.“Sige po,
Galit na galit si Everlee nang pumasok ito sa loob ng kanilang mansyon.“Nakita kaya niya ako kagabi sa hotel?” sa isip ni Everlee ng makapasok na siya sa kanyang kwarto. Kaagad siyang nagtanggal ng damit at pumasok sa loob ng banyo. Galit siya sa kanyang sarili, dahil pinangako niya sa kanyang sarili na ibibigay lamang niya ang kanyang iniingatan kapag kasal na sila ng kanyang fiance. Pero mahal niya si Hace kaya masaya na rin siya at ito ang nakauna sa kanya. Nagbabad muna siya sa malamig na tubig at nag-isip kung ano ang kanyang gagawin sa susunod.— — —Nang nakapasok na si Tanner sa kanyang kwarto ay kaagad niyang tiningnan ang kanyang pisngi na sinampal ni Everlee kanina, sa lakas pa naman kaya namula ito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng sampal sa babaeng hindi pa niya talaga totoong kilala.“Gusto mo talaga ng laro, Everlee, puwes pagbibigyan kita,” nakangising ani ni Tanner habang hawak-hawak pa rin ang pisngi. Isasama niya si Everlee sa kanyang mga plano
Tiningnan muna niya sa mirror ang dalaga bago niya pinatakbo ang sasakyan. Napangiti siya ng bahagya ng makita niya ang mukha nito. Tahimik lang ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Green. Nanuna ng bumaba si Everlee, hinayaan naman ni Tanner ang dalaga, ano bang pakialam niya sa babae. Pero nakita niya itong bumalik at lumapit sa kanya."Hoy! Ingatan mo ang mga gamit ko, ayaw kong mawala ang mga mamahalin kong gamit," ani Everlee kay Tanner."Anong pakialam ko sa mga gamit mo, alangan mag lipstick ako?!" inis na sagot ni Tanner."Sinasabi ko lang," ani Everlee saka na niya tinalikuran si Tanner."Manang ikaw na lang po magbaba ng mga gamit niya, may gagawin lang ako," ani Tanner sa matanda. Saka pumunta na sa kanyang kwarto. Hindi niya gawain ang gawaing iyon kaya bahala sila."Sige, kami ng bahala." sagot naman ni Manang.Inis na inis na ibinagsak ni Tanner ang kanyang katawan sa kanyang kama sa inis niya sa anak ng kanyang amo. Ngayon pa lang ay alam na
C1"Nalinis mo na ba ang sasakyan na gagamitin sa pagsundo sa aking anak?" tanong ni Mr. Green kay Tanner."Yes, sir," tipid na sagot ni Tanner sa amo."Good," wika ni Mr. Green kay Tanner. Balita kasi sa mansyon na darating ngayong araw na 'to ang nag-iisang anak ni Mr. Green. Pero wala naman siyang pakialam dahil trabaho ang pinunta niya rito."May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" tanong ni Tanner sa boss nito."Wala na, oh wait, kapag hindi dumating ang driver ko ay ikaw ang magsusundo sa anak ko," pahabol ni Mr. Green."Ako po?" paniguradong tanong ni Tanner sabay turo sa kanyang sarili."Oo, bakit may iba pa bang tao rito? Bukod sa ikaw at ako," sagot ni Mr. Green."Ah sige po," magalang na sagot ni Tanner, hindi pa niya kilala ang anak ng kanyang amo, at sa picture lang nito nakita na nakalagay sa may living room nila, at medyo bata pa ito."Ipapatawag kita mamaya kung ikaw ang magsusundo," sabi ni Mr. Green saka tumalikod si Tanner.Janitor talaga ang trabaho na in-applyan niya,












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.