ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY SARMIENTOAko si Abby Ferrer, pero Abby Sarmiento na ang buo kong pangalan ngayon. Ikinasal kasi ako five months ago sa Bilyonaryo na si Luther SarmientoLumaki ako isang bahay ampunan. Ulilang lubos at hindi ko na nakagisnan pa ang ang aking magulang. Ang sabi ng madre na kumupkop sa akin, nakita na lang nila ako sa labas ng kombento noong baby pa ako.Nakilala ko si Luther ng minsan na pumunta ito sa kombento para sa isang charity event.. Niligawan ako nito at agad ko naman itong sinagot hanggang sa niyaya akong magpakasal.Mabilis lang ang ginawa nitong panliligaw sa akin. Wala pang isang taon ay agad kaming nagpakasal. Nang minsan kasi ako nitong yayain na lumabas ay may nangyari agad sa amin. Wala eh... Nadala ako sa kapusukan ni Luther. Masyado itong magaling sa kama kaya hindi ko namalayan na nasa ibabaw na kami ng kama at parehong hubot-hubad. Hindi na ako nakatanggi ng magprupose ito ng kasal sa akin. Galante kasi ito at lahat ng gusto ko ay binibigay nito. Lalo na sa m
ABBY"Congratulations Mrs. Sarmiento, your two months pregnant!!! " masayang wika sa akin ng doctor.Nandito ako ngayon sa private clinic ng isang kilalang doctor dito sa Cavite. Agad akong napangiti sa kanyang balita. Tiyak na matutuwa nito si Luther. Sa wakas malapit na kaming magkaanank. Matatawag na kaming isang buong Pamilya.. "Thank you Doc. Tiyak matutuwa nito ang aking asawa." nakangiti na wika ko sa Doctor. "Reresitahan kita ng mga vitamins para sa iyo at kay baby. Pwede mo ito bilhin sa mga botika." nakangiti na wika ng doctor. "Ok po Doc. Pero kumusta po ang baby sa aking sinapupunan? Malusog po ba ito?" nakangiti kong tanong dito. "Sa ngayon Mrs.wala kayong dapat ipag alala. Nasa maayos na kalagayan ang iyong pagbubuntis. Mag ingat ka lang at huwag magpupuyat dahil nakakasama ito sa iyong baby. Kumain ng mga masustansiyang pagkain at iwasan din ang stress." paalala ng Doctor sa akin. Nakangiti na tumango ako dito. Walang pagsidlan sa tuwa ang aking nararamdaman ngayon
LESTER POVHalos paliparin ni Lester ang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang kakilalang Doctor.Hindi na siya nagsama ng kahit na sino. Gusto niyang walang makaalam sa kanyang ginawa. May inutusan na siyang mga tao para ihanda ang paglilibingan kay Abby. Nagpaalam ako sa mga tauhan ni Luther na may dadaanan lang. Mauna na lang sila sa site na paglilibingan para makapag-hukay agad sila. Sinulyapan ko ang nakahigang katawan ni Abby sa Backseat ng sasakyan. Awang-awa ako dito kanina habang binubogbog ni Luther. Hindi ako naniniwala na niluko nito ang aking kaibigan.Matagal ko ng kilala si Luther. Matanda lang ng ilang taon ito sa akin. Malaki ang aking utang na loob dito kaya naman kahit ano ang inuotos nito ay sinusunod ko kaagad.Tahimik lang akong nanunood kanina habang walang awa na sinasaktan si Abby ng kanyang asawa. Gusto kong awatin si Luther pero alam kong lalo lang itong manggigil. Kaya naman ng mawalan ng malay si Abby kanina ay labis ang pasasalamat ko dahil sa wakas tinig
LUTHERNandito kami ngayon sa isang clinic ni Lester. Gusto ko lang itong pagbigyan sa kanyang hiling. Alam kong hindi ako nito titigilan hangat hindi masunod ang gusto nitong mangyari.Nitong mga nakaraang araw. Masyado pa rin akong nagluluksa sa pagkawala ni AbbyPero kailangan kong ipakita sa lahat na ok lang ako. Na wala akong pinagsisisihan sa aking ginawang pagpaslang dito. Pero sa kaloob-looban ng puso ko malaki ang aking panghihinayang. Masakit sa akin dahil ganoon lang kadali ang lahat. Hindi matangap ng isipan ko na nagawa akong lokohin nito sa kabila ng pagmamahal na ibinigay ko. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, siya ang napili kong pakasalan. Ako si Luther Sarmieto..halang ang aking kaluluwa at wala akong kinatatakutan. Marami na akong napatay na tao pero aaminin ko na tanging ang mukha lang ni Abby ang tumatak sa isip ko. Hindi ko makakalimutan ang nagmamakaawa nitong mukha habang nahihirapan sa bawat hagupit ng latigo ko dito. Pero gayunpaman pilit kong isinisiks
LUTHER"Hanapin niyo si Shiela. Iharap niyo sa akin ang babaeng iyun. " sigaw ko sa mga tauhan ko nang makabawi sa matinding pagwawala. Agad naman tumalima ang mga ito. Tahimik ako habang pinapanood ang iba kung mga tauhan na iginagapos ang lupaypay na si Dr. Yu.Nakita ko pa na kinausap ni Lester ang lima kong tauhan bago inutusan na umalis. Nagbigay ito ng instructions na siyang sinunod naman ng lima kong tao. Kapagkuwan kay umalis na ang mga ito habang si Lester naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Marahil ay hinihintay nito ang iba ko lang gustong ipagawa. Kumuha ulit ako ng sigarilyo. Sinindihan ko ito habang tahimik na lumuluha. Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid ng basement. Siguro kailangan ko ng magpagawa ng kulungan na rehas dito sa mansion. Hindi sapat ang isang araw na paghibirap upang mapagbayaran lahat ng mga kasalanan na ginawa sa akin ng mga taong ito. Hindi ako makakapayag na matatapos sa kamatayan ang pagbabayad ng kanilang mga kasalanan. Gusto kon