Billionaire's Surrogate

Billionaire's Surrogate

last updateLast Updated : 2025-11-11
By:  GuemByoelUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
12Chapters
36views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

HEIR-that is the only thing that Elijah Theodore Martinez, thirty, needs. An heir who can secure all the wealth of his wealthy family. But the problem is that the heir is the only thing he wants, not a mother for his baby or a woman who can make his bed warm. He doesn't want any commitment or relationship with any woman because, for him, all women are the same as his mother. All women are trash and don't deserve any ounce of love from men. A woman is a user like his mother, who left him and his father when his father experienced a financial breakdown. All women are only a thing for him that he can use when he needs them, but throw away easily when he doesn't need them at all. Until he met Eliana Grace Herrera, twenty-seven, a breadwinner for her five younger siblings, who were left with her when their parents died in a car accident. For her, she will do everything for her siblings, even becoming the billionaire's surrogate.

View More

Chapter 1

Chapter 1: The Billionaire

Elijah Theodore Martinez

“Sir, Mr. Martinez called earlier. He said that you need to go to your house tonight. At kung hindi raw po kayo uuwi ay huling araw n'yo na raw po sa kumpanya ngayon,” natatakot na pahayag ng aking sekretaryang si Miko matapos sabihin ang bilin ni Daddy.

What's new? Kahit anong maging desisyon ko naman tungkol sa bilin ni Daddy ay pareho lang siyang malalagot. Kung hindi ako uuwi sa mansyon, panigurado bukas ay wala na siyang trabaho, or worst, baka pati ako. Kung uuwi naman ako, panigurado, mahigit isang linggo na naman akong mainit ang ulo.

I don't know why my dad is so pressured to have me a child. Kaya naman ang matandang 'yon halos ibenta na ako sa lahat ng mga kumpare niya at business partner namin para lang matipuhan ko ang mga anak nila. As if naman na mauubusan na ako ng babae sa mundo at hindi na magkakaanak.

"I will give him a call, you may go now," kalmante pero may diin ko pa ring utos kay Miko na agad namang sumunod sa aking utos.

Matapos kong mapag-isa sa loob ng aking opisina ay agad ko na ring tinawagan si Daddy. I just hope that he will still accept my reasons for not going to his place tonight.

"Hello, Dad. How are you?" I said with a tired voice, hoping that he will notice it. Sabagay, hindi naman ako nagsisinungaling sa kanya dahil talagang pagod na rin naman ako dahil sa maghapong mga meeting at trabaho.

"I'm all good, son. Mabuti na rin at tumawag ka. I tried to contact you earlier but it's Miko who answered my call," medyo dismayadong tugon naman nito.

I lean my back on my swivel chair. Talaga atang drain ang lahat ng lakas ko dahil sa pakikipag-usap sa bago naming mga investor kanina. "Sorry, Dad, you know I'm quite busy these past few days. Next week na ang opening ng bago nating hotel at resort sa Palawan, and I want everything to be perfect like what you told me," hinging paumanhin ko pa rin kay Daddy.

“I know Elijah, and I am very proud of you, you know that…" malumanay na wika naman ni Dad sa kabilang linya. A smile immediately showed on my face, mukhang effective ata ang acting ko ngayon ah, nasabi ko na lang sa aking isip. "…but, that act will not work on me anymore, my dear son. Uuwi ka ngayong gabi dito sa bahay o mawawala lahat ng meron ka ngayon? That's the only option you have, Elijah, and I hope you will make a good choice," muling sabi ni Daddy bago ako pinatayan ng tawag na agad na nakapagpawala sa ngiti sa aking mukha.

What the f*ck? Parang sinabi na rin niya na wala akong ibang choice ngayon kung hindi ang sumunod na lang sa kanya. Wala sa sariling napahilot na lang ako sa aking sintido dahil pakiramdam ko ay bigla na lamang itong pimintig dahilan upang sumakit ang aking ulo.

Past ten in the evening nang magdesisyon akong dumaan sa bahay namin. Wala namang sinabi si Daddy na oras ng pagpunta ko kaya sana kung may bisita man siya ngayon ay nakauwi na sila.

I park my Rolls-Royce La Rose Noire Droptail in the vacant car park in front of our house. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mapansing wala namang ibang sasakyan sa loob ng aming bakuran maliban sa mga sasakyan na koleksyon ni Daddy.

Ngunit ang tuwa sa aking mukha ay agad na nawala nang sa pagpasok ko pa lang sa loob ng aming bahay ay bumungad na sa akin ang isang babaeng nakasuot ng kulay pulang hapit na bistida, na kahit nakaupo ay alam kong maikli rin ito base na rin sa kanyang hita na nakalantad habang ang kanyang mga magulang ay masayang nakikipagkuwentuhan kay Daddy.

“Oh, Elijah. Buti nakauwi ka pa. Ipapatawag ko na sana si attorney Diaz,” tatawa-tawang biro pa ni Daddy habang bakas sa kanyang mukha ang tagumpay dahil sa pagpapauwi sa akin.

"I'm sorry I was late. Medyo madami lang pong tinapos sa opisina," muling paumanhin ko habang naglalakad papunta sa sala kung saan sila nagtitipon.

"Napakasipag naman pala nitong anak mo Elias, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit mas lalo pang yumayaman ang pamilya niyo," bigay puri pa sa akin ng lalaking kausap ni Daddy.

Tahimik naman akong naupo sa tabi ng aking ama habang inoobserbahan ang mga bisita.

"I will not disagree on what you said. Talaga naman wala akong masasabi rito sa anak ko. Masipag na, matalino pa. Laking pasasalamat ko nga sa batang ito at kahit papaano na-eenjoy ko naman ang maagang pagreretiro na walang pinoproblema," proud na bida naman ni Daddy sa akin na talagang labis na nagbigay sa akin ng saya.

Dadalawa man kami ni Dad mula pagkabata ko ay hindi naman siya nagkulang sa pag-aaruga at pagmamahal sa akin. Kaya nga kahit anong kanyang hilingin ay hindi ko rin magawang tanggihan.

“Napakasarap sigurong maging manugang niyang anak mo. Kung iyang si Elijah ang makakatuluyan nitong unica hija namin ay talagang makakampante na rin ako, lalo na sa negosyo," nakangiting pahayag muli ni Mr. Sanchez, ang isa sa mga bagong business partner namin na si daddy pa mismo ang nakipag-usap.

“Ay oo naman. Sa katunayan nga ay pinag-aasawa ko na ito. Aba, tumatanda na rin tayo, gusto ko rin namang makipaglaro sa magiging apo ko habang kaya ko pa," muling pasaring ni Daddy sabay tingin kay Rachel, ang solong anak ng mag-asawang Sanchez. "Ikaw ba, hija, may boyfriend ka na ba? Itong si Elijah ko ay nako, wala itong girlfriend," muling pagbebenta pa sa akin ni daddy.

"Dad, ano ka ba? Mahiya ka naman," pabulong na sita ko pa kay daddy habang napapahilot na lang ako sa aking batok. Kahit ata wala akong high blood, pag itong si daddy ang kausap ko, pakiramdam ko tumataas ang presyon ko.

Nahihiyang napangiti na lang si Rachel habang binibigyan ako ng mga palihim na sulyap, "Wala po akong boyfriend, Mr. Martinez," may kahinhinang wika pa nito ngunit ang bawat tingin ay sa akin ipinupukol.

Alam ko na ang mga ganitong tagpo. Isa lang panigurado ang habol sa akin ng babaeng ito. Katulad ng ibang inirereto sa akin ni daddy, malamang na katawan ko lang din ang gusto niya.

Well, sino ba naman ako para hindi pagbigyan ang hiling niya. Isang masuyong ngiti ang aking ibinigay sa kanya bago ito sinenyasan na sumunod sa akin sa aking silid habang ang aming mga magulang ay abala pa rin sa kanilang pagkukwentuhan. At katulad ng inaasahan, sa unang pagsubok pa lamang, bagsak na agad ang babaeng nasa aking harapan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
ROSENAV91
highly recommended
2025-11-11 20:34:20
0
12 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status