Share

Chapter 6-Good news

Penulis: Yeiron Jee
last update Terakhir Diperbarui: 2023-07-05 13:51:13

“AMBER..”

Nagising sa kawalan ang diwa ni Amber nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Paulit-ulit niyong tinatawag ang kanyang pangalan. Nais niyang humakbang at sumigaw, ngunit hindi niya magawa.

“Bumalik ka na, Amber. Kailangan ka ng anak ko!”

Ramdam niya ang lungkot sa tinig ng isang babaeng kumakausap sa kaniya ngunit hindi niya ito makita. Hindi niya rin matukoy ang pinagmumulan ng tinig.

“Huwag mo siyang iiwan. Protektahan mo ang anak ko!” umiiyak na pagpatuloy ng isang tinig.

“Dalia?” sambit ni Amber sa pangalan ng kaibigan nang makilala ang tinig nito sa kaniyang isipan lamang. Wala pa siyang kakayahan na ibuka ang bibig o imulat ang mga mata. “Dalia!” muli niyang tawag sa pangalan ng kaibigan at nangangapa ang diwa sa karimlan.

“Si Jenny. Ingatan mo ang anak ko, Amber.”

“Nasaan ka? Magpakita ka sa akin Dalia! Tulongan mo akong makabangon dito para mapuntahan ko ang anak mo!” pakiusap niya sa matalik na kaibigan dahil ramdam niya ang panghihina ng kaniyang katawan. Unti-unti ring naalala ang nangyari sa kaniya kaya lalo siyang natataranta.

“Bumalik ka na! Tulungan mo ang anak ko!” patuloy na pakiusap ng tinig ng kaibigan na nagbibigay sa kaniya ng lakas upang labanan ang kadilimang bumabalot sa kaniyang kamalayan.

Ramdam ni Amber ang tinig na puno ng pagsusumamo. At hindi niya maiwasang matakot lalo na nang unti-unting maglaho ang tinig.

“Dalia, huwag kang umalis! Huwag mo akong iwan dito!” patuloy sa pagsigaw si Amber sa kaniyang isipan.

Mula sa kinatatayuan ng nurse sa harap ng monitor at abala sa pagsusulat sa hawak nitong patient's folder, natuon ang atensiyon nito sa nakahimlay na pasyente nang mangisay ito. Agad na pinindot ng babae ang emergency button na ilang sandali lang ay tinugon naman ng mga naka-duty na doktor at nurses.

“Cardiac arrest! Prepare the defibrillator!” anunsyon ng doctor.

Mabilis na sinunod ng ilang nurse ang iniutos ng doktor. Agad nilang kinuha at inihanda ang mga gamit.

150! Shock!”

Lumiyad ang katawan ng pasyente nang lumapat sa dibdib nito ang defibrillator. Pero walang naging positibong reaksiyon mula rito.

200! Shock!” muling wika ng doctor sa kalakasang tinig at inilapat ang hawak sa dibdib ng pasyente.

Nanatiling tuwid ang mga linya sa heart monitor. Pero sa huling subok ng defibrillator sa katawan ng pasyente ay bumalik ang tibok ng puso nito na nagpahinga ng maluwang sa lahat.

ILANG araw nang hindi maayos ang pagtulog ni Yazed sa labis na takot at pag-aalala para sa ina. After her first cardiac arrest, nagmulat ito ng ilang segundo lamang. Pero wala siyang ibang narinig mula rito kundi pangalan ni Jenny.

He felt guilty for not fulfilling his mother's wish. Ginagawa naman niya ang lahat. Mahirap lang talagang mahagilap ang kanyang hinahanap. Pagbibigyan niya na ang kahilingan ng ina basta magising lang ito. Kahit hindi siya sigurado kung inilaan ba sila ng tadhana para sa isa't isa.

“Ma, gumising ka na. I'm all alone. I missed you so much.” Kausap ni Yazed sa ina na nanatiling nakapikit ang mga mata.

Natuon ang tingin ni Yazed sa nagbukas na pinto. Pumasok doon ang doktor.

“How's the patient?” tanong ng doctor habang sinusuri ang mata ng pasyente. Tinanong niya ang binata kung may napuna bang kakaiba sa pasyente habang wala siya.

“Doc, hindi na uli siya nagising. Bakit ganoon?”

“Tulad ng sinabi ko kanina, depende na ngayon sa pasyente ang kanyang paggaling.” Malungkot na sagot ng mangagamot sa binata.

“She's a fighter. Alam kong lumalaban si Mama.” Sagot ni Yazed pero para sa sarili ang pagbibigay ng lakas ng loob.

“Then, there's nothing for you to worry about.” Matipid ang ngiting sumilat sa labi ng may edad ng manggagamot.

“Puwede ko na ba siyang iuwi sa bahay?”

“That was my advice before she got a cardiac arrest. But for now, we need another series of test. Para makasiguro kami na magiging maayos ang kanyang kondisyon sa oras na siya ay maiuwi.”

Tumango-tango si Yazed. “Salamat po, doc.”

Nagpaalam na ang doktor matapos pasadahan ng check-up ang pasyente. Kasunod nitong pumasok si Dexter.

“Wala pa rin bang balita?” salubong niya sa dumating na kaibigan.

Umiling ang binata na nagpalumo naman kay Yazed. Gusto na niyang tuloyang gumaling ang ina at isa sa naisip na makatulong sa fast recovery nito ay ang taong gusto nitong mahanap.

“But there's something strange about her disappearance.”

Napakunot ng noo si Yazed. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya kay Dexter.

“Wala itong kahit isang larawan mula nang mangyari ang insidente sa pamilya nito.” Palaisipan na isinatinig ni Dexter ang nasa isipan.

“Really?” napaisip na rin ng malalim si Yazed. Ngayon niya lang din naisip ang bagay na iyon.

“Strange, right?” tanong ni Dexter sa kaibigan habang humahaplos sa baba ang hintuturo.

“Nakausap mo ba ang tiyahin o ang mga taong nakatira sa tahanan ng mga Garcia?” naisip niyang itanong kay Dexter.

“Isa rin iyan sa labis kong ipinagtataka.”

“Why?” muling nangunot ang noo ni Yazed.

“Tikom ang bibig ng lahat. Kahit mga kasambahay ay walang gustong magsalita tungkol kay Jenny. Parang hindi siya nag-e-exist dito sa mundo.”

“Ano sa tingin mo ang rason?”

“Wala akong ideya. But do you think, they are hiding something?” balik-tanong ni Dexter kay Yazed.

Napakibit-balikat si Yazed. “Magkalap kayo ng mga impormasyon. What they are doing is out of ordinary. Siguradong mayroon silang inililihim.”

Tumango si Dexter sa kaibigan. “Pero mas madali sana ang paghahanap natin sa kanya kung mayroon man lang tayong larawan. We're like finding a needle in a stack of hay.”

“Oo nga. But, please do your best to find her.” Pakiusap ni Yazed sa kaibigan na siyang humahawak sa kaso ng nawawalang si Jenny.

“Bakit hindi mo na lang tanggapin ang inaalok sa'yong posisyon sa kompanya ng mga Garcia? Baka sakaling doon ay may makuha tayong mga karagdagang impormasyon tungkol kay Jenny.”

Sandaling napaisip si Yazed. Kasama kasi sa last will and testament ng mag-asawang Dalia at Daryl ang kanyang pangalan na binasa sa kanya ng family lawyer ng mga ito.

Kapag nasa wastong gulang na raw siya ay maaari na siyang pumili ng kahit anong mataas na posisyon sa mga kompanya na pag-aari ng dalawa. Ang kapalit niyon, mahalin at protektahan ang kanilang nag-iisang anak.

At first, when he heard about the last will and testament, it sounds absurd. Nawawala si Jenny, she is nowhere to find. How could he love and protect someone na hindi naman niya alam kung patay na o buhay pa?

If fate can only bring them together, ipapangako niya na susundin ang habilin ng mag-asawang Garcia. He will protect her. But love? Hindi niya sigurado. Mahirap pilitin ang puso na tumibok para sa isang pag-ibig na nagsimula lamang sa kasunduan.

"Pag-iisipan ko." Tanging sagot ni Yazed sa kaibigan. Nang magpaalam ang kaibigan ay nagpaiwan pa siya aa silid ng ina at umaasama na makita itong gising na.

“BOSS...”

Mula sa paglalaro ng golf sa malawak na hardin ni Edwin ay napalingon ito sa lumapit na tauhan.

“May impormasyon kami na nakalap na may ilang taong nag-iimbistiga sa kaso ng pamilya Garcia.” Pagbabalita ng tauhan ni Edwin dito.

Biglang lumarawan sa mukha ni Edwin ang magkahalong pangamba at pagtataka. “Anong ibig mong sabihin?”

“May mga kalalakihan na pumunta sa dati nilang bahay at nagtatanong sa mahahalagang detalye.”

“Like what?”

“Hinahanap nila ang inaanak mo.” Sagot ng lalaki kay Edwin.

“Si Jenny?” Hindi nakakasiguro niyang tanong sa tauhan.

“Oo, boss. Humihingi rin sila ng mga larawan nito.”

“And who are they?” nasa tinig ni Edwin ang iritasyon dahil sa mga balita.

“Hindi pa po namin alam, boss.”

“Bobo!” sabay hampas nito ng golf club sa kausap. “Kung magre-report ka sa akin, siguraduhin mong kumpleto at detalyado!” bulyaw nito sa lalaki.

“Aalamin po namin, boss.” nakayuko ang ulo na sagot ng lalaki.

“Umalis ka na bago pa kita gawing paralisado!” Nanlilisik ang mga mata habang tinataboy ang lalaki palayo sa kaniyang harapan.

Mabilis nang tumalikod ang lalaki habang naiwan naman sa malalim na pag-iisip si Edwin.

“Kung sino ka man, sisiguraduhin ko na hindi ka magtatagumpay.”

Gumuhit ang malawak na ngisi sa labi ng ginoo. He have come that far para lamang bumagsak at mabigo.

Hindi hahayaan ni Edwin na mawala ang kapangyarihan at karapatan sa mga negosyo ng pamilya Garcia. He will do everything para mas maunang mahanap si Jenny. Dahil ayon sa last will and testament ay mapupunta sa orphanage ang lahat ng kayamanan ng mga ito sa oras na mamatay ang nag-iisang tagapagmana.

“Mautak kayo, pero mas matalino ako.” Humalakhak si Edwin habang iniinsulto sa isipan ang mga yumao ng kaibigan.

He's planning something that will give him the full power and rights with their inheritance. At 'yun ang maipakasal nito ang anak kay Jenny sa oras na mahanap ito.

“OKAY ka lang ba?” tanong ni Jenny kay James.

“H-Ha?” mukhang nagulat na sagot ni James sa kaibigan.

“Kanina pa kasi kitang napapansin na sumusulyap sa akin. May gusto ka bang sabihin?”

“Uhm...” Kumakamot sa ulo na nag-aalinlangang magsalita si James.

“Sabihin mo na. Ano ba 'yun?” naiinip na tanong niyang muli kay James.

“Pinapahanap ka na kasi ng ninong mo.”

Nagbago ang emosyon sa mukha ni Jenny, dumilim iyon at masama ang tinging ipinukol kay James. “Hindi ko siya kaanu-ano!”

Nagbuntonghininga si James at umiwas ng tingin sa kaibigan. Alam niyang nagalit ito dahil sa pagtukoy niya sa pangalan ng taong kinamumuhian nito.

“Are you not worried? Maliit na lang ang mundo na ginagalawan ninyong dalawa. Sooner or later, magtatagpo rin ang inyong mga landas.” Tanong ni James sa kaibigan.

“Hindi ako natatakot. Ilang taon ko nang hinintay na magkita uli kami. Pero ano na bang balita sa pinapahanap ko sa'yo?” matapang na sagot ni Jenny sa kaibigan.

“Kaya nga pala ako pumunta rito para ihatid sa'yo ang balitang 'yan. Sa wakas nakita ko na rin ang taong bumaril sa mga magulang mo. Dumating siya kagabi mula sa mahabang panahong pagtatago sa Hong Kong.” Tukoy ni James sa isang tauhan ni Edwin.

“At bakit naisipan niyang bumalik after years of hiding?” naintriga si Jenny sa iba pang balitang dala ng kaibigan.

“Dahil may malaking operasyon sa makalawa ang kanyang grupo. Alam mo naman na isa siya sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Edwin.”

“Good. Then, we will be hitting two birds in just one stone.” Lumarawan sa mukha ni Jenny ang sayang nadarama.

Dagli lang ang sayang nadarama ng dalaga. Gumuhit sa labi niya ang mapait na ngiti dahil nalalapit na rin sa wakas ang pagsasakatuparan sa matagal na niyang hinahangad na paghihiganti.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 2-Tunay ba pagkatao

    "Jay Falcon, Jr. Nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kompanya sa bansang Spain." Malakas na basa ni Dexter sa taong pinahahanap.Pahintamad na inunat ni Jay ang mga braso habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Dexter. Nakakatawa lang at madali nitong nalutas ang kasong hawak. Naalala pa niya ang unang araw na inilatag ang file niya roon. Pinagtawanan siya ng lahat lalo na ng kababaihan. Kahit ibang-iba ang mukha niya roon sa larawan ay madali siyang makilala. Long hair kasi siya roon sa larawan at sobrang puti. Ngayon ay parang tan na ang kulay niya at sinadya niyang magpainit lagi sa beach.Napangisi si Dexter habang pinagmamasdan si Jay. Bagay din naman dito ang gupit nito ngayon. Pero mas astig itong tingnan sa larawan. Mahaba ang buhok at nakaipit. Wala sa hinagap nila noon na apo ito ng isang milyonaryo sa ibang bansa. Pero hindi ito makapagtago ng matagal sa abuelo nito dahil pinagalaw na ang pera."Tama na ang alam niyang may bago akong negosyong mina-manage." Pabaliwalan

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 1-Jay Falcon

    Mabilis na inilaglag ni Jay ang nauupos na sigarilyo nang makita ang papalapit ba kaibigan, inapakan iyon upang mamatay ang baga. "Kanina ka pa hinahanap ni Eagle 4." Tukoy ni Ruel kay Micko.Pinagpagan muna ni Jay ang sarili upang maalis ang amoy usok na galing sa sigarilyo. Hindi siya maaring pumasok sa loob ng opisina na ganoon ang amoy at masilan ang pagbubuntis ni Agent Cris. Naroon kasi ito at kasapi pa rin sa ahensya. Pero hindi na ito binibigyan ng mabigat na trabaho katulad ni Amalia. Minsan lang din pumaroon kapag may personal na kailangang ayusin roon."May bago bang kasong hawak ang ahensya?" tanong niya kay Ruel bago humakbang."Hindi ko pa alam pero may kausap kanina si Boss Detxer," ani Ruel habang sinasabayan sa paglalakad si Jay.Tumango-tango si Jay at hindi na muling nagsalita."May problema ka ba?" puna ni Ruel sa kaibigan. Kahapon pa niya napapansing napadalas ang paninigarilyo ng kaibigan.Sinulyapan ni Jay si Ruel pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa dinada

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status