Home / Romance / The Billionaires' Secret / Chapter 5-Pagkaaliw

Share

Chapter 5-Pagkaaliw

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-07-05 13:49:51

“ANO pang hinihintay mo?" naiinip na tanong ni Jenny sa lalaki. "Ah! You want me to take the first move?” Biglang hinila ni Jenny sa kamay ang lalaki at kinabig ang batok nito nang maabot.

Mabilis na naiharang ni Yazed ang palad at doon lumapat ang labi ng dalaga. “Ganyan ka ba sa lahat ng lalaking gusto mong pasalamatan?” galit niyang tanong sa babae sa halip na matuwa sa ginagawa nito.

“Only to special people. At dahil ikaw ang saviour ko, you're special to me.” Binaliwala ni Jenny ang galit ng binata. Nabawasan ang confident niya ngayon sa maging misyon niya dahil mukhang hindi siya kaakit-akit sa mata ng lalaking ito.

Muling napaatras si Yazed nang aktong lalambitin sa kanya ang kamay ng dalaga. Halata pa rin dito ang impluwensiya ng alak. “Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung saan ka ihahatid. Gusto mo bang umuwi? I can offer you a ride.” Biglang naging malumanay ang kaniyang tinig nang mapansin na lumungkot ang mukha nito.

“No.” Mabilis na sagot ni Jenny at ibinagsak nito ang katawan sa kama. “Ayoko munang umuwi. Wala rin naman akong uuwian.” Malungkot niyang sagot sa lalaki.

Nakaramdam ng habag si Yazed para sa dalaga dahil pareho lang sila nitong nangungulila sa kasama. Napakalungkot nga sa tuwing umuuwi siya ng bahay. There's no one waiting for him. Unlike before na kapag uuwi siya ay sasalubong sa kanya ang ina.

“You can stay here if you want. Binayaran ko na rin naman ang silid na ito.” Naisip na lamang ni Yazed upang hindi na malungkot ang babae.

“Hey!” malakas ang boses na tawag niya sa binata nang tumalikod na ito na walang paalam.

Napahinto sa paghakbang ang binata at salubong ang mga kilay na lumingon sa makulit na babae.

“Iiwan mo ako rito nang mag-isa?” tonong nagtatampo na tanong niya sa lalaki.

“And what do you want me to do? Ayaw mo namang umuwi.” Mukhang malapit na naman mapatid ang maiksing pasensya ni Yazed.

“Stay here. Samahan mo muna ako.” Parang batang humihiling si Jenny sa binata.

“Ganyan ka magtiwala sa isang taong ngayon mo lang nakilala?" "Unang-una, hindi tayo magkakilala. At pangalawa, babae ka. You should know when to trust men.” Nani-nermon ang tono ng boses ni Yazed.

“Mukhang hindi ka naman katulad ng mga lasenggo na iyon na bastos,” tukoy ni Jenny sa mga lalaking nakaaway sa loob ng bar. “Samahan mo muna ako.”

“I need to go.” Plat ang tono na sagot ni Yazed sa babae.

“Are you married?” pangungulit ni Jenny sa lalaki at hindi pinansin ang pangbabaliwala nito sa kaniyang beauty.

“No.”

“May girlfriend ka?” tanong muli ni Jenny dito.

“Wala,” hindi alam ni Yazed kung bakit ang bilis niyang sumagot. Hindi naman ganoon katabil ang kanyang dila. “Bakit ba ang dami mong tanong?” nairita siya bigla sa kakulitan ng babae nang mahimasmasan sa pagiging active sa nonsense na mga tanong nito sa kaniya.

“Halika.” Nang-aakit itong sumenyas gamit ang hintuturong daliri para lumapit ang binata. “Maupo ka rito sa tabi ko at ibubulong ko sa'yo ang sagot.”

Hindi uli napigilan ni Yazed ang sarili. Animo'y nahihipnotismo siya ng kausap dahil agad naman siyang tumalima sa utos nito.

Nang makaupo siya sa tabi ng babae, bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi. Pero sa halip na magprotesta o magalit ay para siyang istatwa na itinulos sa kinaupuan.

Yazed knew instantly that the woman has still no experience when it comes to kissing. Kaya nang siya ay hiwalayan nito, hindi niya napigilan ang sariling tumawa.

“What?” nagtatakang tanong ni Jenny sa lalaki at pilit na nilabanan ang hiyang nadarama dahil sa kapangahasang ginawa sa binata. “Nasiyahan ka ba? Puwede nating ulitin.” Mayabang niyang hamon sa lalaki.

“Ang lakas ng loob mong mangahas na magnakaw ng halik, hindi ka naman pala marunong.” Sarkastikong puna niya sa dalaga.

Inis na napalabi si Jenny at sinamaan ng tingin ang binata. “Hindi ba ganoon naman ang ginagawa sa mga pelikula?” mukhang walang muwang niyang tanong sa lalaki.

Lalong lumakas ang tawa ni Yazed sa narinig. Bigla siyang naaliw sa babae at para itong bata na ngayon lang nakatuklas ng bagong laruan. Nang mapatitig siya sa nanunulis nitong nguso ay biglang may isang ala-ala ang sumagi sa kaniyang isipan. Mabilis niyang iwinaksi sa isipan ang nakalaro noon, mahigit sampung taon na rin ang nakalipas. 

“Ginaya mo lang 'yun sa mga napanood mo sa pelikula?” naaaliw na tanong niya sa dalaga.

“Anong masama roon?” angil ni Jenny sa lalaki upang maitago ang inaaning kahihiyan sa sarili.

“If you want to learn...” Umusad siya palapit sa dalaga, “I can lend you a hand. I'm an expert, you know.” Si Yazed naman ngayon ang nang-aakit sa dalaga. Napangisi siya at naging epiktibo ang naisip niya upang matigil na sa kalokohang naiisip ang babae.

Mabilis na napaatras mula sa pagkakaupo sa higaan si Jenny. Tinakpan nito ng palad ang sariling labi sa takot na totohanin ng lalaki ang biro nito sa kaniya.

“What? Nagbago na ba ang isip mo?”

Naging pilyo ang ngiting nakapaskil sa labi ng binata nang umusad pababa sa kama ang dalaga at saka mabilis na tumayo.

“Saan ka pupunta? Let's do the kissing tutorial.” Nanghahamon ang tinig na pahabol ni Yazed bago pa tuluyang makalayo ang babae.

Nagkatunog ang tawa ni Yazed nang magkukumahog sa paglayo sa kaniya ang babae. Mukhang nakalimutan na rin nito ang kakayahang ipagtangol ang sarili sa taong mapagsamantala. Kung ikumpara niya ang inaakto nito ngayon at sa babaeng nakipagsuntokan sa mga lalalaki kanina, masasabi niyang magkaibang tao ito.

Hindi lumingon o huminto si Jenny sa paghakbang. Tuluy-tuloy siyang lumabas ng silid na tila ba nawala na ang kalasingan dahil sa natamong kahihiyan. Bigla siyang natauhan at nagbago ang isip sa gustong gawin kanina. Naiinis siya sa lalaki at naipagdasal na sana ay hindi na muling mag-cross ang kanilang mga landas.

Pagdating ng bahay ay naging maingat sa pagbukas ng pintuan si Jenny upang hindi makalikha ng ingay. Iniiwasan niyang magising ang kaibigan na alam niyang kanina pa naghahanap sa kaniya.

"Mabuti namam at nakauwi ka ng ligtas." Bati ni Sasha sa kaibigan na animo'y magnanakaw na pumasok sa pintuan. Gusto niyang matawa nang makita sa mukha nito ang gulat nang mapatingin ito sa gawi niya.

Mabilis na tumayo ng tuwid si Jenny at pormal ang mukhang humarap sa kaibigan. "Bakit gising ka pa?"

"Kasi hindi pa ako tulog." Namimilosopong sagot ni Sasha sa kaibigan. Alam niyang gusto lang nitong umiwas sa panenermon niya kaya ito umaakto ng ganoon.

Ngumiti si Jenny at nilapitan ang kaibigan. Kapag ganoon ito magsalita ay alam niyang ayaw din nitong mag-away sila. Kumain ka na ba?"

Nagbuntonghininga muna si Sasha bago sinagot ang kaibigan. "Hindi mo naman dinala ang kaldero kaya hindi na kita hinintay nang lumalim na ang gabi."

Niyakap ni Jenny ang kaibigan upang hindi na ito magtampo sa kaniya. Sinadya niyang e-off kanina ang gamit na cellphone kaya hindi siya nito makontak. Nagbibiro ito ngunit nasa tono ng pananalita nito ang pangungunsensya.

"Ikaw, kumain ka ba bago naglasing?" nang-uusig niyang tanong kay Jenny nang maamoy ang alak mula sa bibig nito.

"Sinubukan ko lang ang bagong buhay dito ngayon. Kailangan ko ito para sa trabahong papasukin ko." Paliwang ni Jenny sa kaibigan. Hindi na siya tumanggi nang ipaghain siya nito ng pagkain. Hindi na rin ito nagtanong pa na ipinagpasalamat niya.

Kilala ni Jenny ang kaibigan at kilala rin siya nito. Ika nga, alam na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa.

"E kwento mo na lang sa akin ang nangyari sa lakad mo today." Nakapangalumbaba si Sasha sa harap ni Jenny na kumakain.

Sandaling tumigil sa pagsubo ng pagkain si Jenny at biglang nanariwa sa isipan ang guwapong mukha ng lalaking nakilala kanina sa club.

"Oy, mukhang may kakaibang nangyari?" Excited na tanong ni Sasha nang makita ang pagsilay ng matipid na ngiti sa labi ng kaibigan.

"Wala namang nakakatuwa pero nag-enjoy ako sa pakikipagsuntokan sa mga sira-ulo kanina." Pagbibida niya sa kaibigan at hindi binanggit ang tungkol sa lalaking nagdala sa kaniya sa hotel.

"Ano? May nambastos sa iyo?!" Nakamulagat ang mga mata ni Sasha at maging ang butas ng ilong ay nanlaki.

"Easy, wala namang nangyaring masama sa akin at alam mong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa tulad nilang halang ang bituka."

"Kahit na, babae ka pa rin at nakainum ka pa!" Nakapameywang na sermon ni Sasha. "Kaya huwag mo nang ulitin ang pumunta sa lugar na iyon mag-isa!"

"Oo na," ani Jenny sabay irap sa kaibigan. Daig pa nito ang ina niya minsan kung umakto gayong magka edad lamang sila. Kung tutuusin ay mas malakas siya kaysa dito pagdating sa self defense. Natawa siy nang inirapan din siya nito at humaba ang nguso. Alam niyang nagtatampo pa rin ito dahil hindi niya isinama sa kung saan siya pumunta.

Mabilis ng tinapos ni Jenny ang pagkain at inaya ang kaibigan na matulog na matapos makapahinga ng ilang minuto.

Dahil nakainum, mabilis na dinapuan ng antok ang diwa ni Jenny. Muling nanaginip ng hindi maganda kaya nagising din agad. Mabilis siyang inabutan ng malamig na tubig ng kaibigan upang kumalma. Napapadalas ang panaginip niya ngayong abot kamay na niya ang lahat upang isakatuparan ang paghihiganti.

Napabuntonghininga si Sasha nang muling makabalik sa mahimbing na pagtulog ang kaibigan. Alam niyang napapadalas ang panaginip nito dahil ang tanging nasa isip na lamang ng kaibigan ngayon ay kung paano mapatay ang taong pumaslang sa mga magulang nito.

Nababahala si Sasha para sa kaibigan dahil halos nilalamon na ng poot ang puso nito at puro paghihiganti na lamang ang nasa isipan nito ngayon. Kaya Hangga't maari sana ay kasama siya sa bawat lakad nito upang maalalayan ito at mapaalalahanan sa tamang proseso ng paghihiganti. Ayaw niyang madumihan ang mga kamay nito ng dugo ng taong pumaslang sa mga magulang nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Karis Magna
...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️...️......️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 2-Tunay ba pagkatao

    "Jay Falcon, Jr. Nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kompanya sa bansang Spain." Malakas na basa ni Dexter sa taong pinahahanap.Pahintamad na inunat ni Jay ang mga braso habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Dexter. Nakakatawa lang at madali nitong nalutas ang kasong hawak. Naalala pa niya ang unang araw na inilatag ang file niya roon. Pinagtawanan siya ng lahat lalo na ng kababaihan. Kahit ibang-iba ang mukha niya roon sa larawan ay madali siyang makilala. Long hair kasi siya roon sa larawan at sobrang puti. Ngayon ay parang tan na ang kulay niya at sinadya niyang magpainit lagi sa beach.Napangisi si Dexter habang pinagmamasdan si Jay. Bagay din naman dito ang gupit nito ngayon. Pero mas astig itong tingnan sa larawan. Mahaba ang buhok at nakaipit. Wala sa hinagap nila noon na apo ito ng isang milyonaryo sa ibang bansa. Pero hindi ito makapagtago ng matagal sa abuelo nito dahil pinagalaw na ang pera."Tama na ang alam niyang may bago akong negosyong mina-manage." Pabaliwalan

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 1-Jay Falcon

    Mabilis na inilaglag ni Jay ang nauupos na sigarilyo nang makita ang papalapit ba kaibigan, inapakan iyon upang mamatay ang baga. "Kanina ka pa hinahanap ni Eagle 4." Tukoy ni Ruel kay Micko.Pinagpagan muna ni Jay ang sarili upang maalis ang amoy usok na galing sa sigarilyo. Hindi siya maaring pumasok sa loob ng opisina na ganoon ang amoy at masilan ang pagbubuntis ni Agent Cris. Naroon kasi ito at kasapi pa rin sa ahensya. Pero hindi na ito binibigyan ng mabigat na trabaho katulad ni Amalia. Minsan lang din pumaroon kapag may personal na kailangang ayusin roon."May bago bang kasong hawak ang ahensya?" tanong niya kay Ruel bago humakbang."Hindi ko pa alam pero may kausap kanina si Boss Detxer," ani Ruel habang sinasabayan sa paglalakad si Jay.Tumango-tango si Jay at hindi na muling nagsalita."May problema ka ba?" puna ni Ruel sa kaibigan. Kahapon pa niya napapansing napadalas ang paninigarilyo ng kaibigan.Sinulyapan ni Jay si Ruel pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa dinada

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status