Share

Chapter 10

Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.

Ang tunog ay parang alarm clock.

"Nasaan ba 'yon--"

Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.

Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.

Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.

Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?

"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng pampaligo, napatingin ako sa bag ko kung nasaan ang mga damit ko, hindi ko na ito naiayos kagabi.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako pagkahiga ko sa kama.

"Pupuntahan ko pa kaya si boss sa kwarto niya?" tanong ko. Nang kinuha ko ang tuwalya ay nakita ko ang cellphone. Pero kung may kailangan naman iyon tiyak na tatawag siya ulit.

Tatlumpung minuto akong nag-aayos, binilisan ko na dahil baka naghihintay na sa akin si manang sa baba. Time check 5:35 am. Nang masiguro ko na maayos na ang aking itsura ay lalabas na sana ako ngunit naramdaman ko na parang may kulang.

Bumalik ako at muling tumingin sa salamin.

Kumunot ang noo ko, tiningnan ko ang aking sarili. Naka-long sleeve naman ako, nakasapatos rin. Okay na ang fake bangs ko, pati ang freckles.

"Ano ang kulang--"

Napasinghap ako nang mapagtanto kung ano ang wala.

"Shet! Iyong nunal!"

Kinakabahan na hinanap ko sa paligid iyong nunal ko. Nasaan na 'yon?! saan napunta?

"Holy... naikabit ko ba kagabi? Tangi!!!" kastigo ko sa sarili.

Nang marinig ko kasi ang tunog ng cellphone ay nagmamadali akong lumabas ng banyo. Hindi ko ata naikabit kagabi iyong nunal ko noong pumunta ako sa silid ni Rozzean! Napansin kaya niya?

"Nasaan na 'yon..."

Tinungo ko ang cr, hinanap ko iyong nunal ko at nagulat ako nang makita ito sa gilid nakapatong sa damit na pinagpalitan ko kagabi.

"Oh... my... gosh."

Kinabahan akong bigla. Ibig sabihin ay hindi ko nga naikabit nang pumunta ako sa silid ni Rozzean!

Kaagad kong kinuha ang super glue ko at idinikit iyon sa pisngi ko. Hindi naman siguro iyon napansin ng boss ko? kasi may sakit siya, saka sigurado na malabo ang paningin non kagabi. Hala, bigla akong kinabahan.

"Relax, Tangi... relax ka lang, okay? may sakit si Rozzean kagabi, sigurado na hindi niya napansin iyang nunal mo. Saka ilang beses pa lang naman kayong nagkikita, at medyo maliit naman itong nunal mo kaya--"

Sa sobrang inis ko ay nahiga ako sa kama at nagpagulong-gulong.

"Reckless!! nakakainis! hindi na 'to dapat maulit!"

Huminga ako ng malalim at bumangon na. Tumapat ako sa salamin at ngumiti.

"Wala nang kulang... bwisit kasing nunal na 'to."

Bumaba na ako at tinungo ang kusina. Nakita ko si manang na nagkakape. Nilapitan ko siya at binati.

"Magandang umaga po, manang."

Umangat ang tingin niya sa akin. Nakangiti.

"Magandang umaga rin, Tali. Kumain si sir kagabi? pumunta ako sa kusina dito kagabi para uminom ng tubig, napansin ko na nabawasan ang ulam."

Tinungo ko ang drawer kung nasaan ang mga gatas. Nag-timpla ako at pagkatapos ay naupo sa tapat ni manang.

"Eh, tumawag sa cellphone manang. Nilagnat si sir, nagpadala ng tubig pero minabuti ko na rin na magdala ng makakain niya at gamot. Sa boses pa lang kasi ay halatang may sakit siya. Saka kahapon, napansin ko iyong kilos niya. Ilang beses niyang hinilot ang lalamunan niya tapos umubo pa siya ng tatlong beses."

Tumaas ang mga kilay ni manang sa akin. Hinalo niya ng kutsara ang kape niya at pagkatapos ay pinagsalikop ang mga kamay.

"Napansin mo iyon? ako ay hindi. Mabuti na lang pala. Iyon kasing si Rozzean hindi nagsasabi kapag may nararamdaman. Maraming salamat sa iyo, Tali. Unang araw ay good na good ka na agad," sabi nito sa akin.

Pakiramdam ko ay nag-init ang aking magkabilang pisngi. Nakamot ko ang aking batok sa sinabi ni manang. Nasanay na rin kasi ako, malaki ang pamilya namin at si mommy ay maalaga. Sa tuwing mapapansin ng mommy na magkakasakit ang mga kapatid ko at ako ay inaagapan na niya agad.

Nakuha ko iyon nang lumipat ang isa kong kapatid sa bahay, nag-alaga ako ng mga pamangkin ko. Ang mga sintomas kapag makakalagnat ay alam ko na.

"Manang, wala bang pamilya na makakasama si sir dito tumira?" tanong ko.

Napayuko sandali si manang. Humigop ito sa kape at nang ibaba ang tasa ay tumingin sa akin.

"Tatlong magkakapatid sila Rozzean, Tali. Ang kaniyang mga magulang ay sa manila nakatira. Siya lang ang lumayo. Hindi ko alam ang totoong dahilan, pero ito lang ang masasabi ko sa 'yo."

Humigop ako sa gatas. Kung ganoon ay mag-isa lang talaga siya sa napakalaking bahay na ito. Sinabi sa akin ni daddy na mami-meet ko soon ang parents ni Rozzean dahil alam na rin ng mga ito ang tungkol sa akin.

Mabilis talagang kumilos si dad. Ni hindi ko nalaman na may intensyon siyang maghanap ng lalake para sa akin. Also, he manipulated me with his words. Kakainis.

Nang matapos uminom ng kape si manang at ako naman ay gatas nagprisinta na akong maghuhugas. Sinabi ko na rin sa kaniya na ako na ang magluluto ng agahan. Naiwan akong mag-isa sa kusina at si manang naman ay nagpaalam na magdadala ng kape sa mga guard sa labas at sinabi na magbubukas ng mga bintana.

Kumuha ako ng itlog sa ref, hotdog at bacon. Iyong kanin kagabi na tira ay isasangag ko. Naghiwa ako ng bawang, sibuyas at kumuha ako ng green peas at corn kernel. Sabi sa akin ni manang kahit hindi sila sigurado kung kakain si sir ay kailangan pa rin na palaging may pagkain kung sakaling maisipan nito na kumain.

Nang makatapos akong magsangag ng kanin ay saka ako nagprito ng walong hotdog, limang sunny side up egg at bacon. Napapatingin-tingin ako sa gilid ko, iniisip kung gising na ba iyong si Rozzean o tulog pa rin at masama ang pakiramdam.

Inilagay ko na sa island counter ang mga iniluto ko. Dito kasi kumain kahapon si Rozzean. Mukhang mas gusto niya dito kaysa sa lamesa.

"Where's manang?"

"Ay palaka!"

Napapikit ako ng mariin at napataban sa aking dibdib nang bigla kong marinig ang boses niya. Mabilis akong lumingon. Naka-itim na tshirt pa rin siya, ang pang-ibaba ay kulay itim na sweatpants. Mukhang nagpalit siya kagabi ng sweatpants niya.

"Nasa labas po, sir, nagdala ng kape sa mga guard."

Tinitigan ko siya habang umiinom ng gatas na kinuha niya sa ref. Humarap si Rozzean sa akin habang umiinom. Ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa akin. Nang gumilid ang ulo niya at magsalubong ang makakapal na kilay ay napangiwi ako.

"Sir, bakit po?" tanong ko.

Ibinaba niya ang gatas at lumapit. Napaatras ako nang dumukwang siya sa akin. Naka-bend na ako sa sobrang lapit ng mukha niya! May tinitingnan siya sa mukha ko!

"Do you really have a mole there?" tanong niya at itinuro ang pisngi ko.

Sht.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jennifer Estrella Sulapas Supino
Nka excite ang story na ito
goodnovel comment avatar
Cecil Magalang
nice story
goodnovel comment avatar
Cecil Magalang
ni ce story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status