Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito!
Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya.
"Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya.
"Natutulog po ba kayo ulit sir?"
"M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya.
May sakit na nga at lahat suplado pa rin!
Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at kinuha sa kaniya ang damit.
"Sir, ako na," sabi ko.
Wala na siyang nagawa nang kuhanin ko ang itim na damit. Nanghihina talaga siya, ramdam ko naman, hirap siyang bumangon at gumalaw. Nang hawakan ko siya sa braso ay parang nakuryente ako.
Sht. Napalunok ako at napatigil, nang bumaba ang tingin ko sa mukha niya ay nakatingin rin pala siya sa akin. Sobrang lapit!
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita ang mga mata niya na nakatingin sa akin. He look so weak yet sexy.
Focus, Tangi!
Muli kong ibinalik ang atensyon sa pagsuot ng damit niya. Hinila ko iyon pababa at iniayos. Hindi ko ba alam kung bakit, pero otomatiko kong nahagod iyong gulo-gulo niyang buhok para ayusin.
Lambot!
Buti hindi siya nagreklamo o baka wala lang siyang lakas para suwayin ako?
Bakit naman kasi, Tangi, hinagod mo?
"Give me the food."
Napangiwi ako nang magsalita siya. Umatras ako at kinuha ko ang pinggan. Nilagyan ko na rin iyon ng ulam. Umuusok pa ang kanin nang iabot ko sa kaniya. He should eat while the food is hot.
And why am I feeling hot right now? maayos naman ang lamig sa silid!
Nang iaabot ko na sa kaniya ang pinggan ay napansin ko na hirap siyang gumalaw. Kaya't nang kukuhanin na niya sa akin ay inilayo ko.
"What are you doing?" masungit niyang tanong. Kahit may sakit nagsusungit pa rin!
Hindi ko siya sinagot naupo ako sa gilid ng kama niya at ako na mismo ang naghawak ng kutsara. Nakakunot ang noo niya at salubong ang makakapal na kilay.
"I can feed myself," sabi niya.
"Sir, ako na, hirap ka nga na itaas iyong kamay mo, eh, baka mamaya maitapon mo pa itong pagkain mo sa kama," sabi ko.
Hindi na siya umalma. Alam rin niya sa sarili niyang nahihirapan siya. Sinimulan ko na siyang subuan. Nang makatatlong subo ay ibinaba ko sandali sa bedside table niya iyong pinggan at kinuha ko ang mangkok. Mainam kung makakahigop siya ng mainit na sabaw.
Mabuti at kahit papaano ay magana pa rin siyang kumain. Patuloy ko lang siyang sinusubuan, wala siyang angal, hindi na rin nagsungit. Pero kinakabahan ako, iyong mga tingin kasi niya... bigla akong natakot na baka may napansin siya sa akin.
"Wow," sabi ko at ibinabalik sa tray ang pinagkainan. Ubos ang tinola kahit ang sabaw. Ubos rin ang kanin.
Sunod kong kinuha ay ang isa pang baso ng tubig at ang gamot.
"Hindi ako makapaniwala sir naubos mo, sigurado bukas gagaling ka na," sabi ko at nag-gesture sa kaniya na ibuka ang bibig para sa gamot, "sir, aahh... ka, inumin mo na itong gamot para sure na ang paggaling."
Nagulat ako nang umikot ang mga mata niya.
Did he just rolled his eyes on me?!
Pero, sinunod naman niya ako. Ibinuka niya ang bibig at isinubo ko ang gamot. Pagkatapos ay iniumang ko ang tubig para mapainom siya. Nang makatapos ako sa sadya ko ay nakahinga ako ng malalim. Muli kong kinuha ang remote ng aircon at hininaan pa iyon.
"Sir, kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako ulit doon sa cellphone, ha? bababa na ako," sabi ko.
Nilingon ko siya at nakita kong nakahiga na ulit. Nakatalukbong na naman.
He's a big man. BIG talaga. Pero when he's sick, he looks like a child.
Nang hindi siya sumagot ay binuhat ko na ang tray. Lalabas na sana ako ng silid nang marinig ko ang boses niya.
"Tali."
Nilingon ko siya, nakatalukbong pa rin.
"Thank you."
Tumango-tango ako habang nakangiti.
At least he knows how to thank someone.
"Walang anuman sir! pagaling ka!" cheerful kong sabi.
Tinungo ko ang kusina. Ibinaba ko sa sink ang mga pinaggamitan at nagsimulang maghugas. I never expect this. I am here to look for his bad sides, may mga nakita na akong pangit sa ugali niya na ayoko, but this man... he's mysterious for me.
Unang araw ko pa lang, marami pa akong malalaman tungkol sa kaniya.
I still have 60 days to know him more.
At hindi ko dapat makalimutan ang totoong dahilan kung bakit ako nandito.
"Hindi ka narito para makilala mo siya sakaling magkita kayo. Huwag kang makakalimot sa tunay na dahilan kung bakit ka nasa bahay niya at ginagawa ito, Tangi. Nandito ka para maghanap ng bagay na magiging dahilan upang hindi matuloy ang kasal ninyo."
I should remind myself about that all the time.
The man is dangerously handsome, he has a bad mouth, but I admit he's so handsome that even me was stunned with his small movements. I should guard myself, baka sa huli ako ang matalo sa ginagawa kong ito. Also, It is a big yes that he likes plant. Mahihirapan ata ako dito.
Napatigil ako sa pagkuskos sa pinggan.
"What are you thinking, Tangi?" I asked myself.
Napabuntong hininga ako. Nang makatapos na maghugas ng mga ginamit ay tinungo kong muli ang aking silid. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Habang nag-iisip ng mga maaaring mangyari sa bukas at sa mga susunod na bukas ay bigla kong naalala si Rozzean kanina.
"He knows how to thank someone..."
Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako.
Hello po! ako po si Pennieee bagong author sa GoodNovel. Sana po masamahan ninyo ako hanggang sa ending ng kwento ni Rozzean at Thaliana. Maraming salamat po!
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p
"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako."Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo."Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya."S-Sir? saan po kayo pupunta?"Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko."B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya."Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo s
Masama ang mukha ko na nakatingin sa TV at nanonood ng cartoon. Nagluto ako ng popcorn. Sabi ni manang ay maaari naman akong magluto ng pagkain na gusto ko. Hindi naman daw iyon ipinagbabawal ni Rozzean dito sa mansyon niya."Bwisit na lalakeng iyon. Saan kaya nagpunta? ang sabi noong byernes ay hindi lang siya uuwi ng gabi, pero lunes na ng gabi at wala pa rin siya! saan 'yon nagpunta?"Pakiramdam ko ay natakasan ako ng daga. Paano kung hindi niya dinadala sa bahay niya ang babae niya? paano ako makakakuha ng ebidensya?Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng popcorn habang naiinis na bumubulong. Nang magsawa ako kakanood ay pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa kusina at ibinaba sa sink ang bowl na puno ng popcorn kanina. Sa sobrang inis at pag-iisip ko sa dahilan kung bakit hindi umuwi si Rozzean ay sandali ko lang naubos ang popcorn na iniluto ko."Kapag nagpatuloy na mawawala siya palagi ng ilang araw ay mauubos ang dalawang buwan ko nang walang nalalaman. Nakakainis, saan naman kaya iyon nagp
Lumubog ako sa pool. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Hindi mawala sa isipan ko ang tingin ni Rozzean sa akin.Relax... relax ka lang, Tangi. Nasa third floor siya sa rooftop at madilim dito sa ibaba dahil patay ang lahat ng ilaw. Imposibleng nakita niya ang mukha mo. Mestiza ako sigurado na sa puti kong ito ay nakita niya ang katawan ko! nag-floating ba naman ako, eh!Mabilis akong umahon sa tubig, nang tumingala ako ay wala na siya doon sa puwesto niya. Dali-dali kong isinuot ang pajama at ang tshirt ko. Sa likod ako dadaan para hindi kami magkasalubong sa sala!Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay kinuha ko ang tuwalya. Pero nang maalala ko ang aking nunal ay napatili ako ng mahina."Shet! ipinatong ko nga pala sa damit ko!" kaagad akong tumingin sa baba, pero dahil madilim ay nahirapan akong hanapin ang nunal ko.Sa sobrang taranta ay hindi ko naalala na ipinatong ko nga pala sa mga damit ko iyong nunal. Sigurado ako na nandito lang rin iyon at nalaglag.Buwisit nama
"Bakit nakasimangot ka, Tali? pinagalitan ka ba ni sir? may sinabi ba siya na ikinasama ng kalooban mo?"Iyon ang tanong sa akin ni manang nang makabalik ako sa kusina. Naupo ako sa upuan at tiningnan siya."Hindi naman ako pinagalitan, manang, nainis lang ako kasi lagi napapansin ni sir itong nunal ko. Pag nagkapera ako ay ipapatanggal ko na ito," sagot ko.Hindi ko inaasahan iyong sinabi ni Rozzean sa totoo lang. Pero tingin ko ay nagpadalos-dalos rin ako at hindi ko tiningnan maigi kung saan ko ipinuwesto ang nunal ko. Baka nga mas bumaba, mabuti na lang at nakaisip kaagad ako ng palusot.Napahawak ako tuloy sa nunal ko."Cute naman iyang nunal mo, Tali. Baka kasi naku-cutean lang si sir?" nakangiting sabi ni manang.Imposible 'yon! sabi nga niya noong una Your mole bothers me. Ka-imposiblehan na naku-cutean siya dito."Oo nga pala, Tali, maiba ako. Bakit ka nag-suot ng salamin? ito ang unang beses na nakita kitang nagsuot, lumalabo na ba ang mga mata mo?" tanong ni manang.Nagsand
I don't know what happened next. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa likod ng pinto ng silid ko sa bahay ni Rozzean. He's pinning me to the back of my door. Ang kaniyang mukha ay sobrang lapit at ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa akin."S-Sir? bakit?"Hindi siya nagsalita. Nang aalis ako sa aking puwesto ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Kinakabahan ako! Ano ba itong trip niya ngayon? at bakit sobrang lapit niya sa akin?Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas ay nabibingi na ako. Isa pa, iyong hininga niya ay naaamoy ko na. Lintek, ang bango, ha? kumain pa siya ng lagay na ito. Nasaan ang amoy ng chicken curry na iniluto ni manang?"Sir, kung pinagti-tripan mo ako ay tigilan mo na. Kung sa tingin mo mahuhulog ako sa patibong mo para mapaamin ako na gusto kita at mapalayas dito sa bahay ay hindi mo iyon magagawa. Hindi kita bet. Okay?"Hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at nanlalak
Nang makapagbihis ako ay tumingin ako sa salamin. Inaayos ko ang aking mukha, ikinabit ko ang nunal ko at maiging pinakatitigan sa salamin. Baka kapag bigla ko na lang isinalpak itong buwisit na nunal na ito sa aking kaliwang pisngi ay mapansin na naman ni Rozzean na nagbago ang puwesto."Napakatalas ng mga mata ng loko."Sunod kong inayos ay ang fake freckles ko. Huwag sana akong mag-break out dahil sa mga ito. Nang masiguro na ayos na ang aking itsura ay kinuha ko ang reading glasses at isinuot. Saglit akong umikot sa salamin.Tumingin ako sa orasan at napabuntong hininga. 5:40 am na.Naalala ko na naman ang panaginip ko. Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko. Kaya siguro iyon nangyari ay dahil sa inisip ko kagabi ang ginawa ni Rozzean. Hindi nawala kaagad sa isipan ko ang ginawa niyang paghimas sa ulo ko."He has a good side. Kahit napakasungit."I can't deny that fact. Nang marinig ko sa kaniya na tinulungan niya si manang ay lumambot ang puso ko. Indeed, manang has a good life now
Kabado akong hinihintay ang sasabihin ni Rozzean. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Nang tumingin ako kay manang para humingi ng tulong ay lumapit siya at hinawakan ako sa kamay. Pagkatapos ay muli kong ibinalik ang aking tingin kay Rozzean."S-Sir... a-ano... m-masakit ba?"Hindi siya sumagot. Tumalikod siya sa akin ngunit hindi pa nakakalayo at nakakaakyat sa hagdan nang marinig ko ang malakas na sigaw niya."In my room, Tali!"Napasinghap ako sabay tingin kay manang. Hinawakan ko si manang sa mga balikat habang puno ng emosyon ang aking mga mata. Jusko, iyong tibok ng puso ko napakabilis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ni Rozzean. Pero sigurado ako. Katapusan ko na.Mapapalayas ata ako sa mansyon niya."Manang, sa tingin ko ito na ang huling araw ko dito sa mansyon. Kailangan na natin magpalaam sa isa't-isa," sabi ko kay Manang Selya. Feel na feel ko ang mga salita ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.Sigurado, hindi ako palalagpasin ni Rozzean sa ginawa ko sa kani