Yosh’s Point of View
Ang sakit ng katawan dahil sa puspusan na training ng aming pack family, kahit mga first year ay pinag-iinsayo na ng mga combat trainings tulad ng duels dahil sa nalalapit na ang Annual Ranking Tasks (ART), competitive kasi ang pack family kaya maaga pa lang ay pinag-iinsayo na kami dahil gusto ng Alpha Leader namin na makuha ang pangalawang pwesto, swerte na rin kung makuha namin ang unang pwesto dahil tatlong taon na ring hindi napapalitan sa unang pwesto ang Ice Moon Pack.
“Hala! Kawawa naman ang babaeng ‘yon, mag-iisang taon na rin siyang hindi tinitigilan ng mga bullies…” Naagaw ang atensyon ko dahil sa sinabi ng isang estudyante sa kasama niya. Isa lang naman ang binu-bully nila rito eh… Si Demi!
Linapitan ko ang esudyante na nagsabi nito at hinila ang braso niya paharap sa akin. “Nasaan yung babae ngayon?” seryuso kong tanong. Hindi agad siya sumagot kaya hina
Sofia’s Point of ViewNag-aalala na talaga ako kay Demi, mag-iisang linggo na rin siyang hindi nagigising, grabe naman kasi ang tama niya, hindi nila tinigilan si Demi hanggat hindi nila nakikitang wala ng malay siya at duguan kaya sana naman ay mabigat ang ibigay na parusa sa kanila ng Great Alpha kasi muntik na nilang mapatay si Demi.“Sino ba si Aeneas?!” naiinis na usal ni Yosh.“Siya yung kaibigan namin ni Demi,” sagot ko at pinunasan ang mukha ni Demi.“Siya ang dahilan kung bakit ginawa ng mga bullies na ‘yon ang mga pranks kay Demi hindi ba?!” patanong na sigaw ni Yosh.“Yosh...”“Kainis! Bakit hindi pa kasi nagigising si Demi?!”“Magigising din siya, magkakasama-sama ulit tayo,” nakangiti kong usal at hinaplos ang pisngi ni Demi. Demi, gumising ka na please…Tumayo na ako at niligpit na ang mga gamit na
Demi’s Point of ViewMasakit, parang namanhid ang katawan ko dahil sa malalakas na palong natamo ko mula sa kanila, ang huli ko na lang narinig at naalala ay ang umiiyak na sigaw ni Sofia na nagmamakaawa na tigilan na nila ang pagpalo sa akin hanggang sa nandilim na ang paningin ko. Hindi ko na kaya…Nagising na lamang ako na parang uhaw na uhaw, nakapikit pa rin ako pero ramdam kong may nakatingin sa akin pero hindi ko matukoy kung sino dahil hindi ako sigurado kung ang presensya bang ito ay siya o hindi.Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay at paa ko at saka dahan-dahang iminulat ang mga mata, noong una ay nasisilaw pa ako pero nang kinalaunan ay nakapag-adjust na ang paningin ko kaya malinaw ko nang nakikita ang paligid kung nasaan ako ngayon, nasa isang malawak akong kwarto na may tatlong kama, yung dalawa ay bakante kaya tanging ako lang talaga ang naritong pasyente pero pinagtataka ko ay wala na yung presensya
“Ready ka na ba sa ART?” tanong ni Yosh. Ang tinutukoy niya ay ang taunang tasks para sa lahat na pack families, ito rin ang pagkakataon kung saan magbabago ang ranggo ng mga pack familes (depende sa performance ng pack family) o kung hindi kaya’y mananatili pa rin sila sa dati nilang ranggo tulad namin pero kahit alam naming malabo nang tumaas ang ranggo namin ay mananatili pa rin kaming positibo.“Siguro, Yosh,” hindi siguradong sagot ko.“Exciting ang Annual Ranking Tasks ngayon dahil dadalo daw ang Great Alpha,” nakangising usal ni Yosh.“Yosh…” nagbabantang usal ko.“Alam ko Demi, alam ko,” aniya na nawala ang ngisi sa mga labi.“Kinakabahan at natatakot ako para sa magaganap na ART, magpapaalam na rin si Linda eh,” malungkot na usal ni Sofia na ikinatahimik naman namin.“Basta gawin niyo ang best niyo at bumawi kayo sa oral contest tasks,”
Hindi naging maayos ang unang task namin lalong-lalo na para kay Sofia na ilang oras na ring walang malay, tapos na rin ako sa pangalawang task ko sa patalasan ng isip at tulad ng inaasahan namin ay natalo ulit kami lalong-lalo na’t ang Ice Moon Pack ang nakalaban namin pero kahit ganoon ay hindi kami pini-preasure ni Linda. “Kumusta siya?” tanong ni Yosh na pumasok sa quarters namin, may pasa ito sa bandang labi. “Maayos naman siya kaso masyado siyang nabugbog kaya’t maging ngayon ay hindi pa siya nagigising,” sagot ko na ikinatango niya naman saka umupo sa tabi ko. “Tapos ka na sa tasks mo?” tanong ko naman na binato pa siya ng mansanas na nasalo niya naman. “Oo medyo nabugbog nga lang ako sa last task ko, Ice Moon Pack kasi kalaban namin at natalo kami,” sagot niya at kinagatan na ang hawak niyang mansanas. Hula ko ay ang task niya ay parehas ng una kong task. “Still ginawa niyo pa rin ang best niyo,” sabi ko naman. “Oo pero napagal
Pasensya na nitong mga nakaraang araw at sa susunod na araw pa kung wala pa rin akong update, may power interruption kasi rito sa lugar namin kaya hindi ako makapag-update pero sa oras na makapag-update ulit ako ay sisiguraduhin kong daily update ulit ako at sa mga magbabasa nito sana ay magustuhan niyo kahit papaano (hehe), sa mga wrong grammars at typo grammatical errors ko, sorry ng marami. Either lutang o inaantok na ako that time na mag-edit ako, huwag kayong mag-aalala kapag nagkaroon ulit ako ng masyadong mahabang libreng oras ay i-edit ko ulit. Isa po kasi akong estudyante at mahirap pong ipagsabay ang pagsusulat sa pag-aaral kaya sana maintindihan niyo po. Salamat sa pag-intindi! Mwah!
Handa na ako sa pag-uwi ko, dala ko na ang ilan sa mga gamit ko habang ang iba naman ay iniwan ko na dahil tiyak na mahihirapan na naman ulit ako sa pagdala nito sa pagbalik ko sa loob ng akademya.“See you after two weeks, Demi! I will miss you!” naiiyak na usal ni Sofia na ayaw na sa akin bumitaw.“Tama na iyang yakap na iyan,” anang naman ni Yosh na kararating pa lang galing sa kung saan.“Yosh!” Agad namang yumakap sa kanya si Sofia, ginulo lang ni Yosh ang buhok nito ng isa niyang kamay. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang suot niyang purselas.“Pasensya na medyo nahuli ako kasi may tinapos pa kasi akong gawain,” paghingi niya ng paumanhin na kumamot pa sa ulo niya.“Okay lang, busy rin ako kanina eh,” sabi naman ni Sofia.Nagsimula namang magdaldal si Sofia na sinabayan naman ni Yosh hanggang sa may tatlong pigura ang tumigil sa harapan namin.“Oh! Kuya
Ikalabing-apat na araw na, tapos na ang aming vacation weeks at magsisimula na ang pangalawang taon ko sa Krisi Academy, maaga kami gumising ni Yosh upang makahanda agad bago dumating ang susundo sa amin.“May nais ako ibigay sa ‘yo, Demi,” anang ni Yosh.“Ano?” tanong ko.Inilahad niya ang kamay niyang may hawak na purselas na parehas ng suot niya.“Ano kasi…” nahihiya niyang usal.“Salamat!” usal ko at tipid na ngumiti at kinuha ang purselas.“Parehas ang disenyo natin ah,” puna ko sa purselas na hawak ko at sa suot niya.“Kaibigan mo ako Demi, ‘di ba?” tanong niya na kinuha ang purselas sa akin at isinuot ito sa akin.“Oo,” sagot ko.“Mapapatawad mo ako kung may gagawin man akong mali sa ‘yo, hindi ba?” tanong niya ulit. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa kanya na hawak-hawak ang kamay kon
Sofia’s Point of ViewNag-aalala at naawa ako kay Demi lalong-lalo na’t nang nalaman kong wala siyang nakuha maski isang impormasyon tungkol sa kanyang ina ng vacation weeks. Nitong mga nakaraang araw nga ay parang walang sigla siya though hindi mo agad mapapansin dahil sa expressionless siya pero dahil sa kaibigan ko siya ay alam ko at kilala ko na siya kahit na sa maikling panahon pa lang kami magkakilala.“Okay ka lang, Sofie?” tanong ni Kuya Samuel. Kasabay ko kasi ngayon sila kumain sa lugar kung saan sila tumatambay ang tatlo. Ay oo nga pala kasabay rin namin si Renz.“Oo nga pala Renz, nagustuhan niya ba?” tanong ni Kuya Samuel.“I don’t know,” sagot ni Renz na kumibit-balikat pa.“Sa tingin ko ay dapat tigilan mo na siya, alam mo namang bawal ‘di ba dahil parehas lang kayo masasaktan,” anang naman ni Kuya Sandro.Hindi naman umimik si Renz na nag