Share

KABANATA 21

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Art nga ito. Pinipilit ko pang tingnan siya sa kanyang mga mata pero pilit rin naman niya akong iniiwasan. Tama nga ako, si Art ito! But, why would he kidnap Irina?

"A-art?" I called him.

"Wait, you knew him?!" Tanong ni Irina habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kanya. May mga estudyanteng nasa paligid at nakatingin lang sa amin. Pero natatakot silang makisali dahil may mga dalang armas naman ang mga kidnapper na ito.

"Hoy, ano ito?!" Dumating ang isang guard at nakarinig na lang kami ng putok ng baril. Napalingon ako sa direksyon ng guard at nakita kong nakahandusay na ito sa lupa. I gasped as I covered my mouth when I saw blood flowing out from his body. Mabilis kong tiningnan ang lalaki na bumaril sa kaniya.

"Art!! Bakit mo ginawa iyon?!" Galit kong sabi dito.

But he just hissed. Papasok na ulit sana siya ng van pero hinawakan ko ang braso niya nang mahigpit, making him stop.

"Art, wh

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status