"Hoy, Xander! Bakit mo ako kinidnap?! May gagawin kang masama sa akin noh?!" Pinagtututuro ko siya. Tiningnan ko pa ang driver niya para malaman kung sino iyon na kakampi pa niya. Hindi ko naman kilala kaya ibinalik ko ulit ang tingin kay Xander. I just realized something. Hindi ba't driver si Xander? Aba, himala't nagbihis amo siya!
My forehead knotted when this guy laughed. Umusod ako palayo sa kanya dahil baka mahawa ako sa pagiging baliw niya.
"Nakakatawa ka talaga, ma'am! Kalma lang. Ako lang 'to, si Xander. Ang gwapong Xander na driver ni Sir Justin! Kaya lang ako nagbihis amo dahil hindi naman ako pinagbabawalan ni Sir! Parang magkapatid na kaya kami!" Pagmamayabang pa niya. I looked at him with a poker face. Wow, ang lakas ng loob ng katulad niyang magbihis amo dahil kampante siyang hindi magagalit ang amo niya. Mas matatanggap ko pa na si Justin mismo ang nag-utos sa kanya. Ang lakas talaga ng loob e, noh? He isn't wearing the appropriate attire that fit
"Bakit ka nga pala natulog doon sa bench?" Tanong ni Xander sa gitna ng biyahe. Siya na ngayon ang nagmamaneho at nakaupo ako sa front seat. Ayokong sabihin sa kanyang pinalayas ako dahil ayokong kaawaan niya ako."Trip ko lang." Kalma kong sagot habang nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan."Seryoso ka? E paano kung ibang tao ang nakakita sa 'yo at ipinasok ka sa isang sasakyan? Hindi ka pa naman nagigising kapag binubuhat. Ang himbing ng tulog mo e.""Hindi kaya ako nakatulog kahit isang oras kasi hinintay naming mag Pasko at nagcelebrate lang kami." I pouted. Tama rin naman siya. Hindi ako nagising kahit binuhat na ako. Paano kung ibang tao na iyon? Paano kung masama ang intensyon ng taong iyon?"Nagcelebrate pala kayo pero ando'n ka sa bench sa isang public place. Ang labo mo."Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. He just shrugged and focused on driving again. Binaba niya ako sa lugar kung saan niya ako nakita. Mabuti na lang at hi
Hindi ako makapaniwalang si Diego ang pinaghihinalaan ni Art. Hindi na nga ito nagpapakita sa akin, hindi na rin ito nagpaparamdam. Pero, paano kung tama nga si Art?Tinanong ko pa siya kung bakit posible na si Diego. He told me that the man who was with tito Alvin before, doon sa isang abandunadong building, that man was Diego's dad. He is an old friend of tito Alvin. Art didn't explain much further. Basta sinabihan lang niya ako na huwag akong lalapit kina Justin at pati na rin kapag nakita ko si Diego. I should stay away from them."Merry Christmas!!!"My jaw dropped when I saw Irina and Johnson when Art and I went out the hotel. Pareho silang naka white tshirt na may nakasulat na 'Merry Christmas! December 25, 2021 is our first Christmas as bestfriends!' Kumunot ang noo ko. Magkaibigan pa ba sila? Hindi ba't may relasyon na silang dalawa?"Paano niyo nalamang andito ako?" Tanong ko sa kanila.
Kinikilig ako. Dahil lang doon sa sinabi ni Art, parang naging malambot ang puso ko. This is what it feels to be really in love with the person. Kasalukuyan akong nagluluto ng para sa hapunan namin ni Art. Umalis lang siya saglit dahil may pupuntahan daw siya kaya ako na mag-isa dito sa mansyon. Kaming dalawa lang ang andito kaya talagang para kaming mag-asawa. My cheeks started burning. Stop daydreaming, self!Ang niluluto ko na mga ulam ay hotdog, fried egg, beef loaf, longganisa. Wala na kasi akong nakikitang pwedeng lutuin dito e. Ganito lang siguro ang kinakain ni Art simula no'ng mawala ang mommy niya. Masarap naman kasi talagang magluto si tita e.May biglang nagdoorbell kaya tinigil ko muna ang pagluluto at in-off ang stove. Naglakad ako palabas para tingnan kung sino iyon. Si Art na kaya ang dumating?I opened the gate and my eyes widened when I saw nanay."N-nay?""Anak." Ngumiti siya na parang naiiyak rin. Agad ko siyang niyakap nang mah
I couldn't take my eyes off of him. Nakaupo siya ngayon kasama ang mga kaibigan niyang suki din nitong library. He didn't change at all. Siya pa rin naman iyong Diego na nakilala ko noong first day of school. That full of energy guy. Siya ba talaga ang sinasabi ni Art na nasa likod ni Justin?"Rora, kumusta ka na?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa direksyon ko. Napaatras ako nang kaunti dahil aaminin ko, hindi mawala sa aking isipan ang sinabi ni Art sa akin."Okay naman. Ikaw? Kumusta ka na? Bakit matagal kang nawala? Nasaan ka ba no'ng mga araw na nawala ka at ano ang pinagkakaabalahan mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. I may seem calm while asking him those things, but that was just shown outside and there's still hidden inside of me. Sa totoo lang ay kinakabahan ako."May mga inasikaso lang." He faked a laugh as he scratched the back of his neck. Pakiramdam ko ay mayroon siyang tinatago. But I
"Ang ba-bastos ninyo!! Anong ginagawa ninyo dito—" Hindi ko tinuloy ang sinabi ko dahil narealize kong wala pala ako sa teritoryo ko."Hmmm, ano bang nangyayari— Hoy, Veloso!! Anong ginagawa mo dito?!" Nagising si Art at nagulat nang makita si Felicity sa tabi nito. I hissed. Aba, magaling ding umarte ang gunggong oh. Kunwari hindi niya alam na nasa tabi niya si Felicity. Ang galing. Pwede ko na ba siyang award-an ng Best Actor?Nilingon ako ni Art at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako dito sa pinto. He rose up from lying on his bed and walked towards me, trying to explain. But I turned my back on them and immediately ran downstairs. Sinundan naman ako ng lalaki. Kinuha ko si Glutton at lumabas ako ng mansyon.Lumipat ako sa bahay namin at pumasok sa gate."Teka, Ror!""Hep, hep!! Diyan ka lang!! Hindi ka nahiyang lumabas nang naka boxers tas wala pang damit?" Nasa labas siya ng gate namin habang nakapasok na ako sa bakuran
"Ror...""Rora...""Tumahimik kayong dalawa. Umalis na kayo, please. Naglilinis kami dito. Maraming CR dito sa campus, doon kayo sa iba pumunta. Tiisin niyo hanggang sa makarating kayo doon." Pinagpatuloy namin ang paglilinis dito. Conscious ako dahil pinapanood nila kami na para bang mga amo namin sila. Bahala na.Napansin kong umalis na sila. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang din at hindi sila nagpupumilit na dito mag-CR. Ano sila, sira? Ang swerte naman nila para pumasok sila dito at dumihan ulit ito.Pagbalik ni Irina ay nilinis na namin ang mga toilet bowl dito. Natapos namin ang paglilinis sa loob ng isa't kalahating oras. Three hours naman ang Chemistry namin kaya hindi nagamit ang oras namin sa ibang subjects. Grabe naman si prof kung aabsent kami sa ibang subjects para lang malinis ang CR na hindi naman kami ang gumagamit. Well, this isn't from a CTE building. CR ito ng mga CBAS, dapat sila ang naglilinis dito at hindi kami! Nakakainis!
I was left with my knees down. I felt like my heart's being crushed. Ang sakit-sakit makitang ganito ang maabutan ko. Lumapit ako sa kanila pero pinigilan ako ng mga pulis."Mga magulang ko sila, padaanin niyo ako!!!" I shouted at them but they still won't let me go. I wanted to hug my parents even for the last time.I screamed with all my might. I don't care how bad I look right now. I wanted to let it all out. Lahat ng sakit."Sir, maawa po kayo. Gusto ko po silang mayakap. Pakiusap po. Nagmamakaawa ako sa inyo. Kahit ngayon lang po." Pagmamakaawa ko kay mamang pulis. Kita sa mukha niyang naaawa siya sa itsura ko ngayon. May biglang lumapit na isang pulis na mukhang mas nakatataas sa kanila. Hinayaan ako nitong makalapit sa mga magulang ko. Mabilis akong tumakbo papunta kina tatay at nanay. I cried loud and hugged both of them so tight.Maraming mga taong nakakaalam sa paghihinagpis ko kaya maraming nais na tumulong sa akin sa pagpapalibing sa kanila.
Kanina ko pa tinitingnan nang masama si Dustin. Nakaupo siya ngayon sa harapan ko habang nakangiti. He looked so calm. Ang terror Chemistry prof naman namin ay nakaupo sa kanyang desk. Seconds have passed, but none of us decided to speak. Hindi ko talaga inaalis ang mga mata sa lalaki. Hindi ko na rin nga pala siya nakausap, matagal-tagal na rin. At hindi ko pa nga na-confirm sa kanya kung ano ang relasyon niya kayprof. Magkapareho sila ng apelyido kaya malamang magkadugo sila."Alam mo, iha. Matutunaw ang anak ko sa ginagawa mo."Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig. Inilipat ko ang tingin kay prof. She was smiling. Ibang klaseng ngiti na ang nakikita ko. Hindi na iyong threatening smile o killer smile. But a pure, bright aspect."Anak niyo po si Dustin?" Paninigurado ko."Do I have to repeat myself?" Bigla na lang nanlilisik ang mga mata niya. I faked a smile and looked at Dustin. Kaloka ang lalaking ito, hindi man lang sinabi sa akin na mommy pal