Share

CHAPTER 1.3

Rifle's POV

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa aki-" Muli na naman akong napahinto dahil hindi sa pag-alis nya dahil sa bigla nitong pagsampal nya sa akin.

"Ayoko sa lahat ang amoy alak!" Hinila nya ang braso n'ya mula sa pagkakahawak ko at na muling na naman tumalikod sa akin saka naglakad na.

"Fuck!" Inis kong sabi at tinapat ko ang airsoft sa kan'ya dahil sa inis ko, pero sinipa ko na lang ang trashcan sa harapan ko dahil sa pikon sa babaeng iyon.

Pagkatapos ko s'yang iligtas, ito ibabalik n'ya. Tsk sana pala hinayaan na lang kita sa lalaking iyon. Hinawakan ko ang kanang pisnge ko na tinamaan ng mabigat na kamay ng babaeng yun.

"Matapang naman pala s'ya bakit 'di nya ginawa sa lalaki kanina!" Binalik ko ang hawak ko airsoft sa likod ko at kahit masama ang loob ko sa pagsampal ng babaeng 'yun sa gwapo kong mukha ay bumalik na ako sa kotse, baka kung ano pang makaharap ko sa pesteng lugar na yun.

Tinignan ko ang namumula kong pisnge sa rear mirror ng kotse. Napahampas na lang ako sa manibela dahil sa inis.

"Pag nagkita pa landas natin humanda ka!" Malabo yata mata noon at hindi n'ya nakita ang kagwapuhan kong taglay eh.

Pinaandar ko na ang kotse ko at makauwi na lang dahil sa babaeng 'yun nawalan na ako ng ganang mabuhay.

Tumunog ang phone ko. Nakita ko ang supot na pangalan ni Uzi Montelle. Ang isa sa mga pangit kong kaibigan simula bata palang hanggang ngayon.

"Pangit I mean bakit?!" Bungad ko sa kanya. Nakatutok ang mata ko sa daan dahil baka mawalan ng gwapo sa mundo kung hindi ko gagawin iyon.

"Saan ka?" Sagot nito sa kabilang linya. Napangiti ako dahil mukhang namiss na naman ako ng gago.

"Sa puso mo!" Pagbibiro ko sa kanya.

"Fuck you, Rif! Seryoso nasaan ka?"  Natawa ako ng mahina dahil mukhang may napikon na naman akong isang gago.

"Nasa daan pauwi na ako sa condo, Bakit?!" Matino ko ng sagot sa kanya. Saglit lang akong nakarating sa condo ko at pinark ang sasakyan ko.

"Pupunta ako sa Arme Company bukas, shot tayo nila Snipe!" Parang may anghel na dumating ng marinig ko ang katangang na 'yun.

"Game! By the way pinayagan ka ni Jasmine?!" Tanong ko dito. Si Jasmine Mercado ay girlfriend ni Uzi Montelle. Matagal na sila halos 7 years na din ang mga gago, tumagal pa ang Jasmine na 'yun kay Uzi.

"Syempre!" Napangiti ako sa sagot n'ya. Naka isip ito ng dahilan kaya gan'yan.

"Syempre 'di ko sinabi!" Dagsag ng loko sabay tawa pa. Napailing ako sa kanya dahil sa kalokohan nito. Sumakay ako sa elevator papunta sa 6th floor, wala akong kasabay dahil hating gabi na rin naman. Ako lang ang gwapong lumalabas ng ganitong oras.

"Tang ina mo talaga, Uzi!" Natatawa kong banat sa kan'ya. Mabait naman si Jasmine pero madamot lang pagdating kay Uzi. Ewan ko ba bakit ganun ang babaeng 'yun ni magloko nga ni Uzi hindi kayang gawin eh.

"8:00 PM call time, sasabihan ko na si Snipe!" Natatawa din n'yang sabi.

"Kung mapapayag mo!" Huli kong sinabi kay Uzi bago pinutol ang tawag namin. Inilagay ko sa bulsa ko ang phone ko at hinihintay na lang na makarating ako sa 6th floor nitong tinitirahan ko. 

Isang linggo ko na rin 'di na kikita si Snipe pag kasama naman namin trabaho din ang inaatupag. Tang inang lalaking 'yun magpapakamatay yata sa trabaho. Hindi n'ya gayahin ang gwapo gaya ko payapa ang buhay.

Lumabas ako sa elevator pag open ng pinto at prines ko ang passcode ko sa pinto ng condo bago ako pumasok.

Nandito na naman ako sa tahimik na lugar ng buhay ko. Kumuha ako ng alak sa ref at umupo sa sofa at nanuod ng mga balita.

"5 police men killed in south encounter are members of YnX drug syndicate"

Umayos ako ng upo at pinagpatuloy ang panunuod balita.

"Aish! Mahuhusay talaga ang YnX na ito eh!" Comment ko habang pinapanuod ang mga balita about duon. Uminom ako ng alak na hawak ko.

Dapat kasi sa bar ako magpapakasaya kaso may mga asungot na ng gulo at lalo pa akong nawalan ng gana dahil aa babaeng tinulungan ko na sinampal pa ang gwapo ko mukha.

Hinawakan ko ang pisnge ko na humupa na ang sakit pero fuck ang bigat ng kamay nya. Daig pa ng isang sapak ng mahinang lalaki.

Pumasok ako sa kwarto at tinignan ang malaking glass window ko dito palabas sa terrace ko. Pinagmasdan ko ang baba na puno ng mga ilaw ng mga building at mga kapahayan dito. Isama mo pa ang mga ilaw ng mga sasakyan na ilan ilan na lang.

Tinungga ko ang hawak kong bote.

Rifle Winchester ang tagapagmana ng iiwan ng lolo ko. Lumaki akong walang magulang dahil sa pagpatay dito ng walang kalaban laban, dahil saan? Dahil sa pera.

Gaya ng mga binalita kanina. Grupo ng isang malaking syndicate ang pumatay sa magulang ko. Namumuhay na ng tahimik ang lolo ko pero hindi ko pa rin matanggap na walang nagbabayad sa kasalanan na ginawa nila sa pamilya ko.

23 years na akong nabubuhay sa mundo at 13 years na akong walang nakukuhang hustisya. Hindi man ibigay ng basta sa akin yun ako ang kukuha ng bagay na yun that's what I deserve.

Inubos ko ang beer na hawak ko at kinuha ko ang airsoft na dala ko lagi. Pumasok ako sa kwarto ko at mayroong malaking pictures duon ng magulang ko. Tinulak ko iyon at pinaikot. Lumabas ang collection ko ng mga baril.

Ang iba dito ay naiwan pa ni Papa akala ng lolo ko ay tinapon na 'yun, pero ang totoo ay kinuha ko at inaalagaan ko ng mabuti. Binalik ko ang Airsoft gun sa pwesto talaga nito.

Nakadisplay dito ang pistol, revolver, Sniper, Uzi, shotgun, Carbine and pinakamamahal kong Rifle. Mahilig sa baril ang papa ko kaya duon nya nakuha ang gwapo kong pangalan.

'Di ko lang alam si Uzi at Snipe baka gumaya na lang mga magulang nila sa magulang ko since magkakaibigan naman sila.

Marami din akong Ammo para pagkailangan ko. May teargas and pipe din ako. Ang wala na lang ako ay Granada. Next year balak kong bumili ng grenade launcher, kaso hindi ganun basta basta ang pagbili ng mga baril. Madami pang kailangan gawin.

Binalik ko ng ang picture ng magulang ko at humiga sa kama. Airsoft lang ang lagi kong dala panakot lang naman iyon, pero sa mga totoong laban kadalasan Pistol lang. Masasayang lang ang bala sa mga walang kwentang tao na hindi naman na dapat pang mabuhay pa.

Pinikit ko ang mata ko ng makaramdam na ako ng antok sa katawan ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
joyav
bagay silang dalawa ni xyra
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status