Share

CHAPTER 2.1

Rifle's POV

Kinuha ko ang isang unan sa gilid at tinakip ko sa mukha ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Aish bwisit na araw na ito.

Bumangon ako para isarado ang kurtina ng kwarto. Bakit kasi lagi kong nakakalimutan ko iyan tuwing gabi. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig.

Kumuha ako ng isang itlog and bread para lutuin. Binuksan ko ang kalan at inilagay ko ang itlog duon.

"Hell!" Inis kong sabi ng masama pa ang kalahati ng shell.

"Abstract pa ang gawa ko, ibang klase ka talaga, Rifle!" Proud kong sabi sa sarili ko. Anong panama ang ni Snipe sa art na gawa ko. Wala kasi wala s'yang kwenta. Napangisi ako sa iniisip ko. Kung sinabi ko kay Snipe yun wala naman s'yang magiging reaction.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya bumalik ako sa kwarto ko, pero napadaan ako sa salamin kaya tinignan ko muna ang gwapo kong mukha.

"The definition of Hotsome!" Tinaas ko ang shirt na suot ko para tignan ang abs ko.

"Aish!" Matalim na tingin ang binigay ko sa phone ko ng walang tigil ito sa pagtunog. Sarap sapakin ng tumatawag na 'yun. 8:00 A.M palang nang iistorbo na.

Kinuha ko 'yun at sinagot na kahit 'di ko pa tinitignan kung sino iyon.

"PUMASOK KA SA TRABAHO!" Nailayo ko sa tenga ko ang phone dahil sa malakas na volume ng boses ng lolo.

"Lolo naman gusto mo bang mabinge ang gwapo mong apo!" Reklamo ko sa kanya.

"Ikaw bata ka, pag aralan mo ng patakbuhin ang Company natin, dahil ikaw lang ang magmamanage nuon pag nawala na ako. KAYA KUMILOS KA NA!" Sa pangalawang pagkakataon ay nailayo ko na naman sa tenga ang phone.

Bakit ba laging galit ang matandang ito? Naubusan na ba s'ya  ng sperm? Umaasa pa naman akong magkaroon ng tito sa kanya.

"Lolo, buhay ka pa naman kaya wala pa akong kailangan gawin, saka hindi ka pa mawawala bibigyan pa kita ng apo kaya dapat 'di ka pa mawawala!" Nakangiti kong sabi kay lolo.

"Palusot kang bata ka!"

"Tama naman ako hindi ba lolo, gusto mo ng apo?!" Biro ko sa lolo. Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya kaya napangiti na ako.

Ligtas na naman ang gwapo.

"Bago ka magsabi ng apo maghanap ka muna ng babae aalagaan ka! Apo! Apo ka d'yan wala ka ngang maipakitang girlfriend!" Natawa na lang ako kay lolo.

"PUMASOK KA NGAYON, KUNG HINDI HUMANDA KA!"

"Grabe nakakatakot, Lo!" Biro dito at umacting na para bang natatakot kahit 'di naman n'ya nakikita.

Binaba ni lolo ang phone kaya natawa ako at may ngiting tagumpay sa aking magagandang labi. Nawala lahat ng pagsasaya ko ng makaamoy ako ng sunog.

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang niluluto kong itlog. Pagdating ko sa kusina ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil almost black na ang itlog. Naghanap ako ng potholder para kunin ang frying fan pero nataranta na ako kaya kinamay ko na lang at nilagay sa sink iyon at tinapunan ng tubig.

Pinatay ko ang apoy sa stove at napa face palm dahil sa burned egg na ito. Iniwan ko na lang iyon duon dahil mukhang magtitiis na naman ako sa cup noodles nito. Kung pupunta pa ako kay lolo sesermonan lang ako noon.

Kumuha ako sa stock storage ng cup noodles at binuhusan ng tubig na mainit. Habang hinihintay ko iyon ay naligo na ako, pupunta muna ako sa office kahit ang totoo wala talaga akong office sa sarili ng kompanya.

Gan'yan kabait ang lolo ko sa akin. Nag-iisa na nga lang na apo kinakawawa pa. Kaya hindi makapag-asawa ulit dahil masama ang ugali sa apo.

Pagkatapos ng brief shower ay nagsuot na ako ng brief. Pinagmasdan ko ang sarili kong katawan sa salamin na pinasadya ko talaga dito para makita ko ang maganda kong katawan.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para tignan ang niluto ko. Pagbukas ko ng takip ng cup noodles ay lumabas ang usok nito at napapikit ako para langhapin ay everyday meal ko.

"Tang ina!" Masaya kong sabi at hinalo ang noodles na ito. Kung sa bahay kaya ako ni Snipe tumira para naman matino ang pagkain ko, kaso 'di naman papayag yun.

Hindi ko pa nakakalahati ang pagkain ko ay tinapon ko na lang dahil hindi ko rin naman na malunok dahil sa lagi na lang iyon ang kinakain ko.

Bumalik ako sa kwarto para kuhanin ang airsoft gun ko at isinabit sa likudan ko iyun. Kumuha ako ng blue long sleeve at black pants. Kailangan ko rin dalaw dalawin ang business namin pinaghirapan 'yan ng family Winchester.

Chineck ko muna ang sarili ko kahit na alam kong sobrang gwapo ko kahit sa anong bagay. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang malambot kong mga kamay.

"Walang pinag-iiba gwapo talaga!" Kinuha ko ang susi ng kotse at bumaba na sa building. Bago ko pinaandar ang kotse ay tinignan ko muna ang mukha ko sa rear mirror.

Mabilis kong pinaandar inyon at chill chill lang tayo sa mga nadadaanan ko. Isa akong team leader ng production department pag nanduon pang ako pero meron ibang team leader na pumapalit sa akin pag hindi ako pumupunta sa Company.

Wala naman akong ginagawa duon kung hindi ang umupo at tignan ang mga ginagawa ng mga employees ni Chairman Ramond Winchester or should I say my lolo.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Team leader lee dahil ayokong may kalat sa table ko pag uupo ako duon.

Napaapak ako sa preno bigla ng may batang tumawid sa daan.

"What the fuck!" Bumaba ako para tignan ang batang babae na 'yun. Naka uniform ito mukhang studyante palang.

"Hoy!" Sita ko sa batang babae. Siguro teenager ang bata na ito.

"Hindi mo ba nakikita nakagreen!" Turo ko sa traffic light. Napayuko ang batang babae kaya napakamot ako sa ulo ko.

Lumapit ako sa kanya at chineck ko kung meron ba itong sugat sa katawan.

"Ok ka lang ba?!" Tanong ko sa batang ito. Mabilis s'yang tumango at halata sa mukha nito ang takot.

"HOY JANE!" Napalingon ako sa sigaw ng isa pang bata. Napatayo ako ng makita ang tatlong mga batang babae.

"Kaibigan mo ba sila?!" Tanong ko sa batang katabi ko pero bigla s'yang nagtago sa likod ko.

"Tumabi ka nga d'yan!" Natawa ako sa inasal ng sa 'di naman kalakihan na batang ito. Hahawakan ko sana ulo n'ya pero tinapik n'ya iyon. Tumingin ako sa paligid dahil na inis ako sa asal ng batang ito.

Yumuko ako para pumantay sa batang siga na 'to.

"Ano pangalan mo?!" Mahinahon kong tanong sa sigang bata. Pag ito inihagis ko sa pauwi sa kanila iyak 'to.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
sotasa
tapang naman ng mga bata diyan pag ako yan kurot sa akin
goodnovel comment avatar
Olivia
kapatid ni xyra ung bata diba pareho sila ng ate nya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status