Share

CHAPTER 2.3

Xyra's POV

"Ilalako ko na po ito aling Alice!" Paalam ko kay aling Alice. Tumango lang s'ya nilang sagot kaya nagsimula na akong mag-lakad lakad habang dala ang bag na may lamang iba't ibang kakanin.

Hapon na at malapit ng mag gabi kaya kailangan ko na ito maubos bago pa ako abutin ng gabi ulit. Panigurado na magagalit na naman ang nanay pag nagkataon.

Siguro mga sampung piraso na lang naman ito. Sabi ni aling Alice na bukas na lang kaso dapat makabili ako ng karne ngayon para matuwa si Nanay sa akin.

"Bili ba po kayo!" Sabi ko sa mga nadadaanan kong tao, pero ang iba ay hindi naman ako pinapansin. Sanay na ako sa mga gan'yang mga tao.

"Bili na po kayo!" Sabi ko ulit. Palakad lakad lang ako dito at halos 20 minutes na ay wala pa ring bumibili. Pinagpatuloy ko lang ang paglalako hanggang sa nakarating ako sa maingay na lugar.

Ang ingay ng loob nuon kaya hanggang sa labas ay rinig ang kanta. Tinignan ko ang pangalan ng lugar.

"Jacob's Bar!" Basa ko dito. Kaya pala ang ingay. May humintong nakakotse sa tapat ko kaya lumapit ako duon. May kausap ito sa phone kaya hindi ko maialok ang dala ko. Magara ang kasuotan n'ya kaya hindi ko lang alam kung bibili ito sa akin, pero susubukan ko pa rin.

"What the heck, Rifle nasaan ka na ba?!" Napaatras ako dahil parang galit s'ya.

"Wait a second, Rif!" Tinignan n'ya ako.

"Why?!" Bigla akong nahiya ng tignan n'ya ako. Gwapo at matangkad ba lalaki ang kaharap ko ngayon ay sobrang ganda ng suot nito. Nakakahiya tuloy kung aalukin ko s'ya ng paninda ko. Hindi bagay sa suot at porma n'ya.

"Biko po kayo!" Nahihiya kong alok. Tinignan nya ang paninda ko.

"Give me one!" Napangiti ako ng marinig iyon. Akala ko talaga hindi n'ya ako papansinin eh.

"Tang ina bilisan mo! Malapit na daw si Snipe!" Sabi n'ya sa kausap nito. Nilagay ko sa plastic ang isa biko ang inabot iyon sa kan'ya.

"Ito po, sir!" Kinuha n'ya naman agad iyon. Inabutan n'ya ako ng 1000 pesos kaya tinignan ko ito.

"Sir, wala po akong barya!" Napakamot ako ng ulo ko. 300 lang ang dala kong pera kaya wala pa sa kalahati ang inabot n'ya sa akin.

"Siguraduhin mo lang, Rif! Pareho tayong lagot kay Snipe pag nagalit 'yun!" Nagsimula s'yang maglakad kaya hinila ko ang suit nito dahil hindi ko pa s'ya nasusuklian. Napahinto s'ya at tinignan ako. Sobrang busy n'ya sa kausap n'ya kaya nakalimutan na nito ang sukli n'ya sa akin.

Napabitaw ako sa suot n'ya at medyo nalukot ang parteng hinawakan ko.

"Pasyensya na po, Sir pero wala po akong isusukli sa inyo!" Mahinahon kong sabi.

"Keep the changes!" Nanlaki ang mata ko at lumapad ang ngiti ko sa sinabi ng lalaki.

"Salamat po!" Masigla kong sabi. Hindi ko na tatanggi dahil kailangan ko talaga ng pera. Wala s'yang sinabi at umalis na lang ito papasok sa loob ng maingay na lugar.

Dahil sa kan'ya makakauwi na agad ako. Saan kaya meron pang nagtitinda ng mga karne dito. Naghanap hanap ako ng tindahan para maghanap ng karne at patuloy pa rin ako sa pag-aalok ng tinda ko.

"Hello, Miss!" May dalawang lalaking lumapit sa akin. Medyo malalaki ang katawan nila.

"Ano yang hawak mo?" Turo ng nakasandong lalaki sa dala kong bag. Ang isa namang lalaki ay lumapit sa akin. Naka puting Tshirt ito na may sira sira pa. 

"Biko po!" Sagot ko sa kanila.

"Bigyan mo nga kami!" Tumango ako sa kanila at binigyan ito ng tig-isang slice. Tahimik akong hinihintay na magbayad sila pero saglit lang nilang naubos ang biko na inabot ko sa kanila.

Nilibot ko ang paningin ko kaming tatlo na lang pala ang nandito at medyo madilim na rin.

"Ang sarap ah!" Sabi ng nakasandong lalaki. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Bigyan mo pa nga kami!" Kumuha ulit ako ng tigisa at binigay sa kanila. Pagkaabot ko ay kinuha nila ang biko pero ang lalaking naka puti Tshirt ay pati kamay ko ay kinuha. Hinila ko naman agad yun.

"60 pesos po lahat!" Singil ko sa kanila. Hindi na kasi maganda ang pakiramdam ko sa dalawang ito. Napahinto sila sa pagkagat at tinignan ako.

"Kumakain pa kami." Malalim na sabi ng lalaking nakasando kaya natakot ako. Bigla akong kinabahan sa kakaiba nilang tumingin.

"Sige wag n'yo ng bayaran!" Tumalikod ako sa kanila.

"WAHHH!" Sigaw ko ng bigla hablutin ng lalaking nakasando ang kamay ko. Nabitawan ko ang dala kong bag at nagkalat sa sahig ang mga tinda ko.

Hinila ko ang kamay ko sa mula sa lalaking iyon pero hinigpitan nya ang pagkakahawak sa akin.

"Alam mo bang ayoko sa lahat ng maingay pag kumakain ako!" Nakakatakot nitong sabi sa akin. Naiba ang direksyon ng mukha ko dahil nilalapit n'ya ang mukha nya sa akin.

"Dahil d'yan kami ang bayaran mo!" Kinuha ng naka Tshirt ang wallet ko kaya nagpumiglas ako duon. Hindi nila pwedeng kunin sa akin iyon.

"Parang awa n'yo na po wag n'yo pong kunin ang pera ko! Baon po iyan ng mga kapatid ko bukas!" Pagmamakaawa ko dito. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot sa dalawang lalaking ito.

"Ayoko nga!" Biglang inapakan ng lalaking naka sando ang biko na nakalagay sa sahig.

"Sumama ka na lang namin!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng lalaking ito ng bigla n'ya akong hinihila.

"TULONG!" Sigaw ko. Sana naman may makarinig sa akin dito. Maiiyak na ako dahil sa takot dito hindi ko alam ang gagawin ko para makatakas sa dalawang lalaking na'to.

"Sabing ayoko sa maingay!" Inangat ng lalaking nakasando ang kamay nito at balak n'ya na saktan ako kaya napaiwas ako at napapikit para intayin ang pag tama ng palad n'ya sa akin.

"Aish! Tama bang manakit ng babae?" Ibang boses ang narinig ko kaya agad kong dinilat ang mata ko. Nakita ko ang isang lalaki na nakablue na long sleeve at seryosong nakatingin sa lalaking nakasandong may hawak sa akin.

Hinila ko ang kamay ko para makawala sa lalaking iyon para lumayo.

"Sino ka ba?!" Tanong ng lalaking nakasando duon sa dumating na lalaking nakakulay blue.

"Pake mo kung sino ako!" Maangas pero may halong pang-aasar sa boses ng nakablue. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil nakatalikod ito sa akin.

"Maangas kang lalaki ka ah!" Natawa ang lalaking nakablue sa sinabi ng nakaTshirt na white.

Dahan dahan ko naman kinuha ang bag ko habang busy sila sa isa't isa. Kailangan ko na talagang umuwi ngayon eh.

"Maangas talaga ako lalo na pag maangas ang kaharap ko!" Diretsong sagot nitong lalaking nakablue na kahit anong bahid ng takot sa dalawang malalaking katawan na lalaki sa harapan n'ya. Ang isa ay hawak pa ang kamay.

"Wag kang makialam away namin magsyota ito!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng nakasando, pero mas ikinagulat ko ng humarap ang lalaking nakablue. Mukhang nagulat din ito dahil sa facial expression n'ya. S'ya ang tumulong at nasampal ko kagabi na pinagsisihan ko naman.

Nabawi din n'ya agad iyon dahil tumawa ito ng malakas na pinagtaka naming lahat.

"Nagloloko ka na pala sa akin babe!" Humarap s'ya sa akin kaya umiwas ako sa tingin n'ya. Masyado s'yang masaya sa mga bagay.

"Anong ibig mong sabihin?!" Tanong ng nakasandol. Mabilis na nagpalit ang expression ng lalaking nakablue at tinignan ang lalaking hawak n'ya.

"Ito ibig kong sabihin!" Napaatras ako ng bigla n'yang suntukin sa mukha ang lalaking nakasando kaya bumagsak ito sa sahig. Lalo akong kinabahan dahil susugod ang naka white tshirt na lalaki.

May hinugot sa likudan ang lalaking nakablue at biglang napatigil sa pagsugod ang nakaputing damit ng tinutukan s'ya ng baril ng nakablue.

"Kung kayo ayaw n'yo ng maingay. Ako ayoko sa mga pangit na kagaya n'yo!" Sinipa n'ya sa mukha ang lalaking nakaputi at bumagsak din ito. Hindi naman sila makapalag dahil sa hawak ng lalaki na baka natatakot din.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status