Habang nag-uusap kami ni Hyron ay biglang tumunog ang chime ng pintuan at sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa paligid. Kasama na ako roon. “Target number one entered the café,” mabilis na bulong ni Alena sa kabilang linya. At totoo nga. Ang unang pumasok ay ang kaniyang assistant, si Wayne, na marahang hinawakan ang door knob at binuksan iyon nang parang may seremonya. Sa bawat hakbang na sumunod ay para bang huminto ang ingay ng paligid. Si Wade. Sa unang tingin pa lang, hindi mo kailangang sabihin kung sino siya. That man carried power. Mula sa ayos ng suit niyang walang gusot, hanggang sa titig niyang matalim na parang kayang basagin ang katahimikan ng café. Ang bawat galaw niya ay may kumpiyansa, kontrol at bigat. Parang mismong hangin ay nagbigay-daan sa kaniya. Ibang-iba sa aura ni Hyron na may lambing, may gaan, at hindi kailangang sumigaw para maramdaman. Nagtama ang mga mata namin ni Wade. Saglit lang pero sapat na para manuyo ang lalamunan ko. Napalunok ako. Ramd
Nakaupo ako sa kotse habang hinihintay ko ang signal ni Alena mula sa kabilang linya. Isang buwan na ang lumipas nang lisanin ko ang mansyon ng mga Chilton. Isang buwan na rin akong naghahanda para sa pagbalik ko sa buhay ni Wade.Nag-iba rin ako ng numero para hindi ako ma-contact ni Zaid. That child is persistent! Sigurado akong susubukan niya pa rin akong kausapin."Lily," sambit ni Alena mula sa kabilang linya.Napaupo ako ng tuwid. "Is it time?""Hindi pa. I received a message from the spy I planted in Wade's office. Mainit na naman ang ulo niya at sinabon niya lahat ng empleyado niya. Isang buwan na raw siyang gan'yan.""Natural na sa kaniya ang gan'yan, araw-araw may sa demonyo ang pag-uugali niya," komento ko.Humagikgik si Alena. "Hindi kaya namimiss ka lang niya? Namimiss niya ang tahong mo—""Alena, ha!" agap ko sa kaniya. Alam kong inaasar lang niya ako."Alam mong hindi ako namimiss ni Wade. Malabo pa sa malabo.""Killjoy ka talaga. Malay mo nga, 'di ba? Saka wala siyang
Ngumiti siya, sabay hawak sa kamay ko. Literal na para siyang batang tuwang-tuwa na muling nakita ang paborito niyang laruan.“Oo naman, anak. Umiinom ako ng mga gamot ko. Kumakain din ako sa tamang oras,” masayang sagot ni mama habang inilalapat ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya ako nang may lambing pero may halong pag-aalala sa mga mata niya. “Ikaw ba? Bakit parang nangayayat ka, anak ko? Hindi ka ba kumakain sa oras? Ang ilalim ng mga mata mo, nangingitim din. Ayos ka lang ba?”Napalunok ako. Kahit gano’n, ramdam ko pa rin ang pagiging ina niya. Ang natural na pag-aalaga niya kahit siya mismo ay may sariling pinagdadaanan.“Kung anuman ang problema mo, anak, malalampasan mo rin ‘yan,” patuloy niya, mahina ngunit buo ang boses. “Nandito lang si mama palagi, ha? Mahal na mahal kita.”Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil. Tumingala ako. Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak. “Mahal na mahal din kita, mama. Gagawin ko ang lahat para sa’yo.”Ngumiti si
Sa halip na magmukmok sa apartment ni Alena ay nagpasya na lang akong umalis. Kinailangan ko pang magmake up ng makapal para matakpan ang mga pasa sa mukha at sa leeg ko. Kahit pa madalas ay sanay akong light make up lang ang inaapply ko sa mukha kong maamo at maganda.Nagpunta qko sa paborito kong flower shop para bumili ng bulaklak. “Ay, Lily, ikaw pala. Ano, ‘yong usual mo bang order?” tanong ni Rari, ang may ari ng flowershop na suki ko. “Oo, iyon lang ulit,” maikli kong tugon. Kung nandito si Alena, siguradong nagdadaldalan na naman sila ni Rari. Silang dalawa kasi ang laging magkasundo. Madaldal si Rari, at si Alena naman, sobrang friendly. Kaya kahit saan siya magpunta, ang bilis niyang makahanap ng kakilala.“Wala yata si Alena?” tanong ni Rari habang inaabot sa akin ang bouquet.Tipid akong ngumiti. “Ah, may inaasikaso lang siya. Baka sa susunod, kasama ko na ulit.”Ngumiti si Rari, sabay ayos ng bangs niya. “Sige, paki-kumusta mo na lang ako sa kaniya, ha? And thank you fo
Simple lang ang tanong niya at kayang sagutin ng oo at hindi pero hirap na hirap akong sagutin iyon. Parang may nakabara sa lalamunan ko at parang naka tape ang bibig ko kaya hindi ko maibuka para sumagot.“Uulitin ko, Lily. Oo o hindi. May nangyari ba sa inyong dalawa ng Wade Chilton na iyon?”Parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Namamawis na ang noo at kamay ko. Hindi ganito ang naramdaman ko noong mahuli ako ni Wade sa private room niya. Mas malala ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pumikit ako saglit. Nagbilang ako ng sampung segundo bago muling nagmulat ng mga mata. “I won’t lie, Alena. Naibigay ko ang sarili ko kay Wade. Alam kong katangahan ang ginawa ko. Maniwala ka! Hindi ko naman iyon ginawa dahil gusto ko lang. It happened because of the drug I ingested. I think I was the one who initiated everything. P-Please don’t be mad at me… Alam kong katangahan ‘yo—”“So… how was it?” putol ni Alena sa akin habang nakangiti.Napaawang labi ko sa gulat. “H-hindi ka galit sa akin?
“Lily, halika na dito. Habang mainit pa ang sabaw ay kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Ano ba kasi ang nangyari at mukhang nadagdagan pa ang pasa mo sa mukha?!” iritadong tanong ni Alena sa akin habang nakapamaywang.I am sure Alena will kill me. Nanginginig akong tumayo mula sa sofa. Ngayon pa lang talaga nag sink in sa akin kung gaano kasakit ang lahat ng parte ng katawan ko lalong-lalo na ang sa pagitan ng mga hita ko. Daig ko pa ang binugbog para sa isang initiation para sa isang sorority.“Kita mo na, pati paglalakad ay hirap na hirap ka. Ano ba talaga ang nangyari—”Tinaas ko ang kamay ko upang pigilan siya sa pagsasalita. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa mga talak niya.“Hep! Awat muna, Alena. Masakit pa ang bungo ko at gutom na gutom na ako. Pakainin mo muna ako bago mo ako talakan ulit, p'wede ba?”“Fine!” nakabusangot na tugon ni Alena saka niya ako inalalayang maglakad patungo sa mesa. “Nag-exhibition ka ba kagabi at hirap na hirap kang maglakad ngayon?” Nap