Unexpected Encounters. One agreement. One dark secret. Lily Russell is the new apple of the eye of the dominant and ruthless billionaire, Wade Chilton. She intentionally entered his life for only one purpose - revenge. But what if, she fell in love with her foe while working with him as his assistant at the same time, as his secret lover? Will she continue her mission or will she give herself a chance to experience one true love?
Lihat lebih banyak“Wade Chilton is now the newly appointed CEO of the Chilton Group after his father died in an accident…”
Tila nabingi ako nang marinig ko ang balita sa radyo. Ang pangalang ‘yon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalang ‘yon. “Lily, hindi ka ba napapagod? Halos araw-araw ka na lang nilang inuutusang bumili ng pagkain dito ah," may pusong sambit ni Mrs. Bigata, ang may-ari ng restaurant kung saan ako palaging inuutusang bumili ng pagkain ng mga katrabaho ko. “Sanayan lang po. Isa pa, baka ito na po ang huling araw na makikita niyo po ako rito." Kitang-kita ko kung paano umalon ang noo ni Mrs. Bigata. Agad na rumehistro sa mukha niya ang labis na kalungkutan. “Tama ‘yang gagawin mo, Lily. Tama lang na mag resign ka na sa trabaho mo dahil ginagawa ka nilang alila. Matalino ka. Alam kong mas marami pang malalaking kumpanya ang tatanggap sa'yo." Ngumiti ako at saka inabot ang mga supot na naglalaman ng lunch ng mga katrabaho ko. “Maraming salamat po, Mrs. Bigata. Nawa ay mas dumami pa po ang inyong customers. Mauna na po ako.” Sa paningin ng karamihan ay isa lang akong nerd, uto-uto at mahinang babae pero hindi ito ang totoong ako. Matapos kong magpasa ng resignation letter ay agad akong dumiretso sa aking apartment. Bago pa man ako pumasok doon ay tiningnan ko muna kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman kaya binuksan ko na ang pinto at ang ilaw. Hindi rin ako nagtagal sa apartment ko. Nagbihis at nag-ayos lang ako at pagkatapos ay umalis na ulit ako. Ako nga pala si Lily Russell. Nagtapos ako ng kursong business administration kahit pangarap kong maging isang abogada. Ang dahilan? Gusto kong makapasok sa Chilton Group. Ilang taon ko nang inaaral ang uri ng mga negosyong mayroon sila, maging ang mga opisyal at heads ng kumpanya ay kilala ko na. Yes, I diligently and patiently research all about them because I am after someone. Pagpasok ko sa casino ay agad na nagtinginan sa akin ang mga taong naroroon. Sinadya kong magpaganda at magsuot ng revealing dress dahil nais kong maging kapansin-pansin sa mata ng mga lalaki. Men are visual animals. Madaling makuha ang atensyon nila lalo na kung may magandang katawan at mukha ang gagawa. Fortunately, God blesses me with a slender, sexy body and a gorgeous face. Tamad lang talaga akong pumorma at mag-ayos madalas pero kung gugustuhin ko, I can be the most beautiful woman in anyone's eyes. “Enjoy yourself, guys! Malaki ang bonus na ibinigay sa atin ni sir!" Ngumisi ako nang mamataan ko ang isang mataba at bigotilyong lalaki. May babaeng nakadikit sa kaniya sa kaliwang side niya. Inayos ko ang aking postura at saka taas-noong naglakad palapit sa target ko. Sinadya kong hawakan ang kamay niya para makuha ang atensyon niya at hindi nga ako nabigo. Agad niyang hinila ang isang kamay ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya. “Get your hands off of me." Palihim akong napangiti nang mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin. “Sino ka? Ngayon lang kita nakita rito. Anyway, lahat ng bagong staff dito, ako ang unang nakakatikim.” Tumawa siya at ang mga kasamahan niya matapos niyang magsalita. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ko kung paano niya nagustuhan ang postura at hitsura ko. Nagawa pa niyang itulak ang babaeng kanina ay halos lingkisin na niya. Lumapit ako lalo sa kaniya. Hinawakan ko ang dibdib niya at pinadausdos ko ang aking kamay sa loob ng suot niyang blazer. “Kung gusto mo akong matikman, heto ang key card sa room ko.” Nagpalakpakan ang mga kasamahan ng matabang lalaki at abot naman hanggang tainga ang ngiti niya na tila ba, nanalo na agad siya ng jackpot kahit hindi pa siya naglalaro. "Sige. Hintayin mo ako roon.” Ngumiti ako nang pilit kahit diring-diri ako sa hitsura niya. Agad akong tumalikod sa kanila at naglakad nang hindi kalayuan. "Sa wakas, nasa akin na ang file,” bulong ko habang hawak ko sa isang kamay ko ang isang USB. Lumingon ako sa likuran ko. Hindi pa niya nalalaman na may kinuha ako sa kaniya. “Boss, kami na ang bahala rito. Sundan mo na ang magandang binibini." "Shít!” bulalas ng matabang lalaki nang mapagtanto niyang may nawawala sa kaniya. Ngumisi ako at agad kong hinubad ang dress na suot ko. Tanging black tube at black shorts ang natira ang suot ko, kapartner ng isang black boots. Kinuha ko ang black leather jacket ko at agad na nagtungo sa parking lot para sumakay sa aking motor. Bago pa man sila makalabas ng casino ay nasa highway na ako. Pagbaba ko sa motor ay agad akong dumiretso sa restroom para mag-ayos at magbihis. Kung kanina ay nakalugay ako, ngayon naman ay itinaas ko ang aking buhok. Pitis na itim na dress ang isinuot ko. Tinernohan ko ng isa sa mga pekeng branded bag na nabili ko, isang itim na salamin at isang itim na hat clip. “Wade Chilton, handa na ako sa muli nating pagkikita. It's been five years and no one knows you better than me.” Taas noo akong naglakad patungo sa isang silid kung saan may nagaganap na auction. Pagpasok ko sa loob, agad kong narinig ang pangalan ng lalaking kinamumuhian ko. "Item number 5 is sold to Mr. Chilton. Let's proceed to the next item.” Nang mahagip ng aking mga mata si Wade ay agad kong inayos ang aking sarili. I must not commit any mistakes today or else, all of my plans will be in vain. Wade is gifted with an inherent business sense and an unbeatable instinct. He is wise, strong-minded and ruthless. As I have said, no one knows him better than me. “The next item is an emerald necklace and ring. As you can see, it looks so elegant and wonderfully made. Now, offer your price.” "Tatlong milyong piso.” “Mr. Wade Chilton offers three million pesos." As expected, Wade loves attention and praise. He is dominant. Ayaw niyang nasasapawan siya at para makuha ko ang atensyon niya, kailangan kong pasukin ang mundo niya gamit ang kaparehang mindset. “Six million pesos!" sigaw ko dahilan para mapatingin sa akin ang lahat kabilang na ang aking final target, si Wade Chilton.“Kuya, bakit dumudugo ang kamay mo? Anong nangyari?" "Huwag ka nang magtanong. Bakit ang aga mo yatang nagising? Sabihin mo sa kusinera natin na ipagluto ako ng paborito kong dish. Aakyat lang ako sa taas para maligo at magbihis.” "Pero Kuya Wade, ang kamay mo…" Napatigil ako sa pagtitimpla ng kape nang marinig ko ang pangalan niya. Matapos kong magpakalasing noong isang araw, maingat kong pinlano at pinag-isipang mabuti kung ano ang susunod kong hakbang. At heto. Nakatungtong na ako sa mansyon ng lalaking kinamumuhian ko. Napalingon ako sa kinaroroonan ng dalawa. Nakita ko ang dumudugong kamay niya. Marahil ay tungkol pa rin iyon sa nabalitaan kong ipinatapon daw niya sa Iran ang isa sa mga head ng kaniyang company dahil nag traydor ito sa kaniya. May isang USB siyang hinahanap. Ang hindi ko sigurado sa ngayon ay kung alam na ba niyang ako mismo ang nakakuha ng bagay na nawawala sa kaniya. Hindi ko mapigilang matuwa dahil naisahan ko ang isa sa mga tao niya. “Hindi ko ito i
“DID SOMEONE SEND YOU TO KILL ME? TELL ME!" I could feel his anger just like how I feel the tip of my own knife on my neck. Bumibilis na rin ang aking paghinga. Hindi ko akalain na ganito kabilis niya ako mahuhuli. Hindi. Hindi niya malalaman ang plano ko kung hindi ako aamin. Kailangan kong umisip agad ng isasagot sa kaniya. Kailangan kong umisip ng paraan para iligaw siya. “You came to me intentionally, tama ba Miss Russell? Akala mo ba ay hindi ko mapapansin kung paano mo sinadyang kunin ang atensyon ko kanina sa auction? Anong palagay mo sa akin? Ipinanganak kahapon?” Wala akong magawa ngayon kung hindi ang lunukin ang sarili kong laway. Gano'n pa man, kailangan ko pa ring maging kalmado. Ngumisi si Wade. Binitiwan niya ang kutsilyong hawak niya at saka ako dahan-dahang sinàkal sa leeg. “Your bàg is fake. I can tell it just by looking at it. So tell me, where did you get your money to compete with me at the auction earlier?" Mas diníinan pa ni Wade ang pagkakasàkal sa
Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin habang binabaybay ko ang upuan sa tabi ni Wade. Those eyes were screaming, ‘Who is that woman? Where the hell did she come from? Is she that wealthy?’ Gano'n pa man, kalmado akong lumapit sa kinaroroonan niya nang hindi man lamang nagtatapon ng tingin sa kaniya. “Fifteen million pesos," kalmadong wika niya. “Twenty million pesos." Ngumisi ako nang makita ko ang reaksyon ni Wade mula sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko pa rin siya nilingon at diretso lang akong nakatitig sa kwintas at singsing na nasa harapan namin. “Are you aware that those items are only worth three million pesos?" Sa wakas, nakuha ko na ng tuluyan ang atensyon ng isang Wade Chilton! "I don't mind. This is my thing. I love those kinds of jewelry,” I said calmly. “Mr. Wade, are you going to offer a higher bid?" “Forty million pesos." “Wow! Forty million! Anyone with a higher bid?" Tumayo ako at akma nang aalis nang bigla siyang tumayo. Hinawakan niya an
“Wade Chilton is now the newly appointed CEO of the Chilton Group after his father died in an accident…” Tila nabingi ako nang marinig ko ang balita sa radyo. Ang pangalang ‘yon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalang ‘yon. “Lily, hindi ka ba napapagod? Halos araw-araw ka na lang nilang inuutusang bumili ng pagkain dito ah," may pusong sambit ni Mrs. Bigata, ang may-ari ng restaurant kung saan ako palaging inuutusang bumili ng pagkain ng mga katrabaho ko. “Sanayan lang po. Isa pa, baka ito na po ang huling araw na makikita niyo po ako rito." Kitang-kita ko kung paano umalon ang noo ni Mrs. Bigata. Agad na rumehistro sa mukha niya ang labis na kalungkutan. “Tama ‘yang gagawin mo, Lily. Tama lang na mag resign ka na sa trabaho mo dahil ginagawa ka nilang alila. Matalino ka. Alam kong mas marami pang malalaking kumpanya ang tatanggap sa'yo." Ngumiti ako at saka inabot ang mga supot na naglalaman ng lunch ng mga katrabaho ko. “Maraming salamat po, Mrs. Bigata. Nawa ay mas d
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen