LOGINLILY'S POVKinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinipigilan kong maiyak. Ang sarap marinig na tawagin niya ako sa pangalang iyon. Parang bumabalik ako sa nakaraan na pareho kaming masayang mag-ina.“Anak, bakit ka umiiyak?” tanong ni mama at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko napigilang maiyak nang magbago ang emosyon sa mga mata niya. Minsan ko na lang makita iyon simula nang magkasakit siya. Madalas pa nga ay hindi niya ako kilala at naaalala.“Ma…” “Anong problema, anak? May masakit ba sa iyo?” malambing pa niyang tanong. “Miss na miss na kita, mama.” Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.“Miss na miss na rin kita, anak. Masaya ako at dinalaw mo ako ngayon. May ipapakilala sana ako sa iyo!” Napakurap ako sa gulat. “Ha? Anong ibig mong sabihin, mama? May kaibigan ka na rito?” Ngayon ko lang nakitang ganito si mama. Madalas kasi ay may sarili siyang mundo. Ang private nurse niya lang ang kasama at kausap niya. Kaya nakakapagtaka lang na may kinakausap na siyang iba. “S-Si
LILY'S POV“Teh!” gulat na bulalas ni Alena nang makita niya akong pumasok sa unit niya. Kagigising lang niya. Medyo namamaga pa ang mukha dahil sa pagtulog. “Anong ginagawa mo rito? At ang aga mo? Nasa’n ba ang lover boy mo at nandito ka?”“Kumalma ka nga!” putol ko sa kaniya. “Sunod-sunod ang mga tanong mo, ha! Paum upuin mo kaya muna ako o painumin man lang ng kape?” reklamo ko pa. “Eh, ‘di umupo ka. Wala namang pumipigil sa‘yo. Ngayon ka pa ba mahihiya? Sa tagal nating magkaibigan, hindi mo na kailangang ipaalam sa akin kung anong gagawin mo.” Umismid pa siya.Napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili kong maupo sa sofa. Hinatid ako ni Wade rito sa bahay ni Alena. Sinabihan ko kasi siyang sasamahan ako ni Alena sa facility ngayon. May kailangan kasing asikasuhin si Wade jaya hindi niya ako masasamahan. Mag-te-text o tatawag na lang ako sa kaniya kapag ready nang makipag-usap si mama sa kaniya. Na hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya. Kailangan ko rin kasing i-asses
LILY'S POV“G-Good morning.” Sinubukan kong huwag mautal pero wala…tiklop ako kay Wade. Tumikhim ako. “Napaka agang surpresa naman yata nito.”Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “I want to express my love for you, sweetheart. Sa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay hindi ko maayos na naipadama sa iyo kung gaano kita kamahal…kung gaano ako kaseryoso sa’yo–““Hey,” putol ko sa kaniya. “Sinabi mo na sa aking mahal mo ako. Hindi ko naman kailangan ng isang engrandeng pamamaraan ng pag-amin ng nararamdaman mo. Pareho nating alam kung ano ang sitwasyon natin. We couldn’t be romantic at that time dahil marami pang mga bagay ang hindi natin nareresolba noon.”He smiled softly. “I know. That’s why I am confessing my feelings for you again. Natapos na ang problema natin kahapon kaya naisip kong gawin ito. Maraming bagay akong narealize kahapon : Una, ay mahal na mahal kita. Pangalawa, mahal na mahal ulit kita. Pangatlo–”“Wade!” nahihiya kong saway sa kaniya.Hi
LILY'S POV Nakaramdam ako ng bahagyang uhaw at pagod nang imulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang bakanteng p'westo sa tabi ko. Matapos ang nangyari kagabi, umuwi kami sa penthouse ni Wade. Pagod na pagod ako at matapos maligo ay nakatulog na ako. Gano’n din siya. Hindi na kami masyadong nag-usap dahil pareho kaming overwhelmed sa mga nangyari. Pero kahit gano’n ay hindi niya ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Magdamag niya akong niyakap hanggang sa nakatulog na ako nang tuluyan.“Wade?” tawag ko sa kaniya. Baka sakaling nasa banyo lang siya pero walang sumagot doon. Umupo ako at bumungad sa akin ang isang bouquet ng bulaklak na nakalagay sa bedside table. Kinuha ko iyon at napansin ko ang letter na nakasiksik doon. May nakasulat sa mallit na papel: Meet me downstair…“Ano na naman kayang pakulo ito?” bulong ko sa sarili ko.Sa halip na magmadaling bumaba ay nagpasya muna akong maligo. Gusto kong alisin sa sistema ko ang mga nangyari kagabi. Matapos ang ilang taon kong pagha
LILY'S POVRamdam ko ang galit ni Wade. Ang kamay niya ay nanginginig habang hawak-hawak niya ako. Pinoprotektahan niya ako kung sakaling may gawin sa akin si Sanders.Parang may pumitik sa loob ni Sanders. Doon tuluyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina ay nakangiti pa ito ngayon ay kunot ang noo nito, at ang mga mata niya ay puno ng talim. Puno na lang iyon ng galit.“Inagaw mo ang dapat sa akin,” singhal ni Sanders. “Sapat na ‘yon para pagmulan ng galit ko!” Humakbang siya pero pinanatili pa rin niya ang distansya sa pagitan namin. Parang nanunumbat siya ng isang kasalanang hindi naman namin alam.“Papa chose your father to be the successor, kahit na mas matalino ako sa ama mo! Kahit mas magaling ako sa lahat! Pero hindi niya nakita iyon! Dahil ang ama mo ang panganay na anak kaya napunta sa kaniya ang lahat. Kahit pa hindi matalino ang ama mo, kahit pa walang pakialam ang papa mo noon sa negosyo. Yet, he fúckin’ chose your father!” Humigpit ang kamao ni Sanders.
LILY'S POV Unti-unti akong nagmulat ng mata. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Wade. Nakayakap siya sa akin, parang ayaw niya akong pakawalan. Pinoprotektahan niya ako sa lahat ng bagay at taong maaring manakit sa akin. Humigpit ang yakap niya nang gumalaw ako. “Wade…” mahinang bulong ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tinapik siya upang kunin ang atensyon niya. Napatingin siya agad sa akin. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala at takot. Napatigil ako nang maalala ko kung ano ang nangyari. May dumukot sa akin kanina habang naghihintay ako kay Wade na matapos sa pakikipag-usap. Ang huli ko lang naalala ay nawalan ako nang malamay matapos takpan ng kung sino ang ilong ko ng panyo. Dalawang tao lang ang maaaring gumawa nito sa akin. “You’re safe,” he whispered.Niligtas na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon.Napansin kong nandoon din si Cecilia. Nakatayo siya ilang metro mula sa amin, pero halatang nahihirapan siyang huminga dahil siguro sa sobrang galit. Nak

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





