Share

Kabanata 6

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-07-25 00:08:35

Madaling araw na nang magising si David. Naalimpungatan siya, ngunit agad rin niyang naalala ang mga nangyari. Napasulyap siya sa katabing si Yana. Muntik na siyang mapamura ng malakas nang mahagip ng kanyang mga mata ang makinis nitong dibdib. What the f-ck! Hinila niya ang kumot at itinakip sa dibdib nito. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ng dalaga. Mabuti na lang at nagising siya dahil kung hindi ay baka mag-hesterikal ito bigla 'pag nalaman nitong magkatabi silang natutulog. Inaantok pa na umalis si David sa guest room na inokupa ng dalaga. Dumiretso agad siya sa kanyang kwarto at sumampa sa malambot niyang kama. Niyakap niya ang kanyang unan at muling pumikit.

Nagising si Yana. Naalimpungatan siya. Medyo nagulat siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang naturang lugar. Nasaan ba siya naroon? Napabalikwas siya ng bangon sa hinigaan niyang kama. Pilit niyang inaalala ang lahat ng nangyari kahapon. Napatakip siya sa kanyang bibig. Si David. Hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha sa lawak ng kwartong kinaroroonan niya. Mas malaki pa sa apartment na tinutuluyan niya. Pero infairness, ang sarap ng kanyang tulog. Napasulyap siya sa Grandfather clock. It was 8:00 in the morning? Gosh! Mabilis na tumayo si Yana sa malambot na kama. Ngunit napangiwi rin ng maramdaman ang sakit sa kanyang mga paa. Damn it!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang dalawang babae na naka-uniporme na tila mga kasambahay. Medyo nagulat si Yana. Ngumiti ang dalawang babae, may dalang tray ng pagkain ang isa. Ang isa naman ay may dalang roba at damit na kanyang maisusuot. Napalunok siya.

"Ma'am heto na po ang almusal at damit para sa inyo, kung may ipag-uutos pa po kayo nasa baba lang po ang ilan sa amin," ani ng isang katulong habang nakatitig sa kanyang maamong mukha ni Yana.

Nahihiya namang napatango si Yana. Feeling niya tuloy para siyang prinsesa at bida sa isang love story at si David ang kanyang leading man. Lihim siyang kinikilig, nasaan na kaya si David. Kaninong bahay ba itong kinaroroonan niya?

"Maraming salamat, pwede po bang magtanong?"

"Sige po, ano po iyon, ma'am?"

"Naku, 'wag na ma'am mga ate, nakakailang, at saka ordinaryong tao lang din po ako gaya niyo, by the way po, saan po ba ako naroroon?" takang tanong niya sa dalawang kawaksi, nagkatitigan ang mga ito bago siya sinagot.

"Nasa mansion ka po ni Mr. Montenegro," sagot ng isang kawaksi na ngayo'y inilapag ang dalang tray sa may bedside table, na sa tingin niya'y ang kanyang agahan. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa nalaman.

"G-gano'n ba? Sige salamat ulit sa mga ito," ani Yana, tukoy niya sa dala ng mga kawaksi.

Hindi naman nag-tagal pa ang dalawang kawaksi at nag-paalam na sa kanya. Naiwan si Yana na nag-iisip. Muli ay inilibot niya ang tingin sa kanyang kinaroroonan. The room was so wide, there was a closet for clothing and luggage, wastebaskets, convenient power outlets for phones and tablets, towels and basic toiletries, water bottles or drinking glasses, TV channel guide & remote instructions, a nightlight, a full length mirror, and the bonus items; local magazines and maps, and an aircon. There was also a wide balcony, a wide glass window.

Naupo si Yana at nilantakan ang pagkain na nakalagay sa bedside table. It was a Bulalo with fresh fruits and a lemonade. Nang matapos siya sa kinakain, tumayo siya at tinungo ang naturang balcony. Mas lalo siyang nalula sa kanyang nakita. What the, there was a crystal wide pool. Ang sarap naman talagang magtampisaw roon kung pwede lang. Bigla siyang nanliit sa sarili, it was her first time na tila para siyang buhay prinsesa. Pero alam niyang ang totoong kasiyahan ay wala sa lupa. It was a temporary happiness. Ang totoong kasiyahan ay nasa buhay na walang-hanggan na gaya ng pangako ng Dios para sa mga taong sumusunod sa kanya.

Biglang naalala ni Yana ang nangyari kahapon, bigla na namang nabuhay ang guilt sa kanyang puso, tiyak niyang kakausapin siya ni David tungkol sa inasal niya. Kinabahan siya bigla.

Makalipas ang ilang minuto ay naisipan ni Yana na maligo. Pumasok siya sa banyo, at sobra siyang naaliw na magtampisaw sa isang jacuzzi na naroon. Iba na talaga 'pag mayaman. Sana all, sabi na lamang niya sa kanyang sarili. Muli ay biglang dinalaw siya ng kalungkutan, bigla niyang na-miss ang kanyang ina't mga kapatid. Gamit ang kanyang kamay, hinawakan niya ang kanyang kwintas, tanging kwintas kung saan naroon ang mukha ng kanyang namayapa ng ama't ina na siyang tunay niyang mga magulang. Namatay sa isang aksidente ang kanyang mga magulang, ayon na rin sa kanyang nanay Bettina na siyang kinikilala niyang ina ngayon.

Walong taong gulang ng maulila si Yana sa tunay niyang mga magulang, at sa kaisa-isa niyang kapatid na babae, hindi niya alam kung buhay pa ba ito o patay na. Ang ate Astrid niya. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang white gold necklace. Nasaan na kaya ang ate Astrid niya?

Pagkatapos ni Yana na maligo, ay isinuot niya ang damit na dinala kanina ng dalawang kawaksi na para sa kanya. It was a floral print cotton dress.

Napangiti si Yana, it was so comfortable to wear. Pero natatakot siyang lumabas ng kwarto, hindi pa siya handa na makaharap si David. Naupo siya sa malambot na kama. Ano bang sasabihin niya? Sa huli ay naisipan niya ring lumabas, nakakahiya naman, nakikitira lang siya sa bahay nito, hindi pwedeng magbuhay prinsesa siya. Nagpakawala siya ng marahas na hininga at tinungo ang pinto.

Hinawakan niya Yana ang seradura at agad na binuksan ang pinto. Hindi niya inaasahan na ang topless na si David ang mabungaran niya. He was now staring at her intently.

Napalunok si Yana. Bigla siyang naging pipi na tila ba umurong ang kanyang dila sa mala-Adonis na nakalatag sa harapan niya ngayon. Napamura siya ng ilang beses sa kanyang isipan. What the! Damn it, f-ck, sh-t!

Biglang kumunot ang noo ni David sa tila nakatulalang si Yana. Pumitik siya gamit ang kanyang dalawang daliri. Nang hindi pa rin ito makahuma, tinapik na niya ang makinis nitong mukha. Hindi niya mapigilan ang ngumiti sa itsura nito. Damn this woman! "Hey, stop day dreaming woman!" ani David sa dalaga.

"Ano ba! Kasalanan ko bang mahipnotismo sa taglay mong karisma! Bwisit, ba't ka naman kasi naka-topless? Alam mo namang weakness ko ang mga hunky at hot na mga lalaki," palatak ni Yana at mabilis na nagpatiunang maglakad, ngunit ang totoo, abut-abot ang kanyang kaba.

"Come here, Ms. Macaraeg. We're not yet done, may itatanong pa ako sa iyo. All about last night, that damn, behavior of yours," may awtoridad na tawag ni David sa dalaga, umigiting ang panga ni David nang balewalain siya ng dalaga. Inis na sinundan niya ito, pero hindi niya maitatangging bigla siyang napangiti sa itsura nito, she looks like a material wife. Damn it, ano ba 'tong mga iniisip niya. What the!

Isinantabi ni Yana ang pagtawag na iyon ni David. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito, still paika-ika pa rin siyang naglalakad. Sa malas ay tila hindi niya alam kung nasaan ang exit ng pesteng mansion na ito. Kanina pa siya nagpaikot-ikot pero wala siyang makitang exit. Damn it! Pumikit siya nang marinig ang mga yabag ni David palapit sa kanya, kasabay niyon ay ang malakas na kabog ng kanyang puso. Nakarating na siya kanina sa living room, kitchen, dining room, study room, games room, home theatre, music room, home gym, wine cellar, sun room at ang pinaka-huli ay ang outdoor entertainment area. Nasaan na ba ang entrance hall ng malawak at malaking mansion na ito?

"Yana!" First time na narinig niya na sambitin ng binata ang kanyang pangalan, damn it! Aaminin niyang biglang huminto ang kanyang paghinga. What the heck! Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod habang papalapit ng papalapit ang mga yabag na iyon ni David sa kanyang kinaroroonan. Damn it! Pumikit siya at saka kinalma ang puso at ang kanyang sarili.

Marahan na hinawakan ni David ang isang braso ni Yana para ipaharap sa kanya. It was a slow motion, tila huminto ang paligid ni David ng masilayang muli ang mukha ng dalaga, nililipad ng mabining hangin ang mahaba nitong buhok. Damn it! His jaw clenched. He could feel the strange feeling that he can't name of.

"Kung tatanungin mo ulit ako regarding kagabi, I can't answer that," diretsang tugon ni Yana sa binata.

"Shut up, I just want you to know na may tumawag sa cellphone mo kagabi. Sa tingin ko'y kapatid mo iyon. Kailangan nila ng pera para sa operasyon ng nanay mo. But, don't worry I'll already send them some money, hindi iyon libre at babayaran mo iyon sa akin, hindi ko na itatanong pa ang nanyari kagabi kung hindi ka komportable na pag-usapan pa iyon," diretsang saad ni David sa dalaga.

Biglang nakaramdam ng labis na pag-aalala ang mukha ni Yana para sa kinikilalang ina. Ang kaninang matapang niyang awra ay napalitan ng kalungkutan. Nakatitig siya sa gwapong mukha ni David. At wala siyang choice kundi ang hingan ito ng pabor. Alam niyang napaka-kapal na ng kanyang mukha para makiusap pa sa kanyang boss. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni David at sinalubong ang mala-asul nitong mga mata.

"Sir, David..., pwede ba akong umuwi sa probinsiya namin, kailangan ng nanay ang presensiya ko, please...," pakiusap ni Yana sabay yuko. Minsan kailangan niya ring magpakumbaba alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay. Ngunit, nabigo siya nang hindi man lamang niya narinig ang pagtugon ng binata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ni David. Tahimik siyang nanalangin sa Dios na sana pumayag man lamang ito, pero sa tingin niya mukhang malabo, lalo na at maraming pending na mga appointments si David kahapon dahil sa kapalpakan niya.

"I'll go with you," pagdaka'y sagot ni David.

At dahil sa labis na tuwang nadarama, wala sa sariling napayakap si Yana sa topless na binata. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya dito. Walang mapagsidlan ang kanyang kasiyahang nadarama. Pero agad din niyang na-realize ang kanilang posisyon. What the! Mabilis ang kilos ni Yana na lumayo sa malapad na dibdib ng binata. Ngunit mas maagap si David muli siya nitong hinila palapit sa matipunong katawan nito.

"Let me hug you for a while, I want to ease those worries," mahinang bulong ni David sa punong-tenga ng dalaga.

Nakagat ni Yana ang kanyang pang-ibabang labi sa sobrang kilig na nadarama. Kung pwede lang sana siyang sumigaw, sh-t lang! Aba, pagkakataon na niya itong muli, iba talaga ang kagandahan niyang taglay, jusko marimar! Sarap lang makulong sa matipunong bisig ng lalaking lihim niyang hinahangaan. Kung panaginip lang ito, ayaw na niyang magising pa, mahilig pa naman siyang mag-daydreaming. Palihim niyang kinurot ang kanyang pisngi na hindi naman nakaligtas sa paningin ni David.

"What was that for, bakit kailangan mo pang kurutin ang pisngi mo?" puno na kuryusidad na tanong ni David sa dalaga.

"Para malaman ko na hindi ito isang panaginip lang, na talagang niyakap mo ako at pumayag ka sa hinihingi kong pabor," sagot ni Yana sa binata, nanatili siyang nakangiti dito.

"I have my word, at sasamahan pa kita doon," simpleng sagot ni David.

"Totoo, sir. P-pero.., hindi kayo sanay sa buhay mahirap hindi ba, nakakahiya kong sasamahan niyo pa ako," ani Yana sa binata.

"Akala ko ba makapal ang mukha mo? Hindi ko akalain na may hiya ka pa palang natitira diyan sa seksi mong katawan," pasaring ni David sa dalaga sabay taas ng gilid ng kanyang labi.

"Ouch ha, masakit na 'yon. Okay lang, palalampasin ko 'yang mga sinasabi mo patungkol sa akin, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makasama ang aking pamilya. Pero sigurado ka ba talagang gusto mong sumama, sir? Paalala ko lang po, walang wifi doon. Wala kaming TV at nanonood lang kami sa kapitbahay naming may telebisyon, malayo ang tubig sa amin, saka kailangan wala akong maririnig na reklamo mula sa iyo, nasa probinsiya po ang sa amin," mahabang tugon ni Yana sa binata.

"Sanay ako sa buhay mahirap, hindi mo lang alam, don't underestimate my ability, woman!" seryosong sagot ni David kay Yana.

"Really?" tumaas ang isang kilay ni Yana habang nakayakap pa rin sa binata. Dahan-dahan siyang dumistansiya dito. Hindi makapaniwala sa sinasabi nito. Well, tingnan lang niya pagdating nila sa kanilang maliit na nayon sa Ticao, Masbate.

Hindi siya sinagot ni David, bagkus ay hinila na siya nito patungo sa living room. "Wait for me here, at aalis tayo na magkasama," ani David at mabilis na pumanhik sa taas ng grand staircase ng mansion.

Napasulyap si Yana sa ilang mga kawaksi na tila kanina pa nakasilip, wari ba ay kinikilig ang mga ito sa kanila ni David. Pero alam naman niyang imposibleng mangyari ang mga bagay na ninais niya, kuntento na siya na makasama at makausap ang naturang binata, dahil kung totohanan lang, malabo na magka-gusto sa kanya ang tulad ni David. She was no one. Ni wala siyang maipagmamalaki dito. Hindi siya nababagay sa isang langit na katulad niyang lupa.

"Let's go, come on."

Nakasunod lang si Yana kay David. "P-pero, kung sasama ka sa akin, papaano ang mga pending na mga appointments mo from your other clients and investors?" paalala ni Yana sa binata.

"I want to have some break, and I decided to be with you, at 'wag mong bigyan ng pakahulugan ang nais ko, Ms. Macaraeg," ani David kay Yana.

Okay na sana iyong 'I decided to be with you,' e. Bwisit talaga itong lalaking kausap niya. Napasimangot si Yana sa sinabi na iyon ni David. Namangha siya dahil hindi niya akalaing may elevator pala sa mansion ng binata. Grabe talaga.

Kapwa sila pumasok sa loob. Pinindot agad ni David ang eksaktong button patungo sa rooftop kung saan naroon ang naghihintay na chopper plane patungo sa lugar kung saan nakatira si Yana. Nang makarating sila sa rooftop agad na hinawakan ni Yana ang kanyang mahabang buhok na ngayo'y nakipag-sayaw sa malakas na hangin na dulot ng main rotor blade ng naturang chopper plane.

Isinuot ni David ang dalang leather black jacket sa balikat ni Yana. Sabay bulong sa dalaga since hindi sila magkakarinigan dahil sa ingay ng chopper plane. "Damn, you woman! Why didn't you wear any short or either some cycling?" iritadong saad ni David at mabilis na hinuli ang isang kamay ng dalaga patungo sa private part nito.

Nanlaki ang mga mata ni Yana. Kaya pala tumalikod ang dalawang lalaki, dahil nililipad ng hangin ang kanyang  suot na dress, mabuti na lamang at red lace panty ang suot niya. "Sorry, hindi ko napansin, tsaka, malay ko bang ngayon tayo aalis. Akala ko nga bukas pa, e. Makinis naman ang kutis ko kaya walang dapat na ipag-alala.

"Bullsh-t!" malutong na mura ni David nang marinig ang simpleng sagot ng dalaga. Gusto niyang tirisin ang babaeng kasama niya dahil sa gigil. Hinubad na lamang niya ang kanyang suot na jacket at inutusan ang dalaga na itali ito sa maliit na bewang nito para hindi na liparin ng hangin ang suot nitong dress at magsilbing cover ang makapal niyang jacket.

Walang nagawa si Yana kundi sundin ang nais ni David. Sh-t, hayan na naman ang kinikilig niyang puso. Pucha naman, oo! Kulang na lang mautot siya sa kilig. Well, kung umutot siya hindi naman maririnig ng mga ito dahil nga sa ingay ng naturang chopper plane. Nailing na lamang siya sa kalokohan na kanyang naisip. Halu-halo ang kanyang nadarama, excited na sobrang kinilig, dahil una sa lahat nakasama niya ang lalaking lihim niyang iniibig na talaga namang hindi niya inaasahan. Pagkakataon nga naman.

Inalalayan ni David si Yana na makasakay sa naturang chopper plane. Ibinigay agad sa kanila ng piloto ang dalawang headsets for them to protect their hearing and to be able to speak to one another and the pilot. Habang nasa flight the noise levels inside can range anywhere from 85db to 11db. The sound exposure maximum limit to prevent damage to hearing is 85db.

Nang tila komportable na ang dalaga. Sumenyas si David sa piloto na umalis na sila. Napasulyap si David sa makinis na binti ng dalaga. Siniko niya si Yana. Umirap na nakatingin lang ito sa kanya.

"Ano ba, ba't mo 'ko siniko, problema mo?" inis na saad ni Yana, palibahasa'y nag-enjoy kasi siya sa pagmamasid sa baba. Napakaganda naman kasi ng mga tanawin.

"Cover your damn, legs!" salubong ang kilay ni David.

"Grabe ka naman, daig mo pa ang possessive na asawa. Kinikilig tuloy ako sa mga concern mo, nagdududa na tuloy ako sa'yo," ngising aso na tugon ni Yana.

"For what?"

"Na may gusto ka sa akin, hindi mo lang maamin," sagot ni Yana sabay ngisi.

"Wow, paano nga ba kung gusto nga kita?" Sinabayan na lamang ni David ang pang-aasar ni Yana. Tingnan lang niya kung kakagat ito sa pang-aasar niya.

"Siyempre, hindi ako maniniwala noh, ikaw, magkakagusto sa isang hamak na tulad ko, gosh! Pero kung plano mo lang na jowain ako para ibigay ang nais ng katawan mo, ibang usapan na 'yan. Gusto ko iyong may love, yung may spark, tulad na lamang sa mga fairy tales, like Snow White, Cinderella, Sleeping Beauty and Belle," saad ni Yana na tila nangangarap.

Nagpakawala ng malutong na halakhak si David sa nakikitang reaksyon ng dalaga. Hindi niya akalain na halatang napaka-hopeless romantic pala ng babaeng kasama niya.

"Love? I don't believe in love," ani David.

Hinampas ni Yana ang binata sa kabilang braso nito. "Ano, gago ka pala, e. Hindi ba't love ang nagbuklod sa pamilyang Montenegro? Look at your mom and dad, sina tita Levi at tito Mike. Tapos, hindi ka naniniwala sa love?! Kaloka ka, sir David," palatak ni Yana na halatang hindi makapaniwala sa narinig mula sa binata.

"Just let's not talk about it, look, nandito na pala tayo," ani David.

Napatingin si Yana sa malawak na kapatagan. Dahan-dahan na bumaba ang kanilang chopper. Oo nga pala, pwedeng-pwede silang mag-landing doon. Ilang oras pa ang lalakbayin nila para makarating sa mismo nilang baryo. Inalalayan siya ni David na bumaba mula sa chopper plane. Nang tuluyan na silang bumaba, agad na nagpaalam ang naturang piloto sa binatang kasama niya. Saka sila sabay na naglakad patungo sa may kalsada na daanan ng ilang mga jeep at tricycle. Napakagandang lugar, sariwa ang hangin. Makikita ang ilang mga hayop, tulad na lamang ng mga kambing at kalabaw.

Ngunit nagulat na lamang si Yana nang may dumating na sasakyan sa harapan nila. Mula sa loob ng sasakyan may bumaba na isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na suit.

"Salamat, Felix," ani David sa naturang lalaki.

"Welcome sir," magalang na sagot naman ulit nito.

Saka tinungo ni David ang kotseng dala ni Felix. Sumunod lang sa kanya ang dalaga. Pumasok agad siya sa drivers seat, while Yana in the passenger seat. Nakaramdam ng sobrang pagod si David. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

"Nakakapagod din pala ang sumahimpapawid no? Hayaan mo pagdating natin ipagluluto kita ng sariwang manok," nakangiting saad ni Yana sa binata.

"Talaga lang ha?" nakangiting sagot ni David.

"Promise, pero tulungan mo muna akong hulihin ang manok, pahirapan kasi 'pag gusto mo ng sariwang manok, e," ani Yana.

"I can handle that," maagap na sagot ni David, at in-start na niya ang ignition ng kanilang kotse patungo sa bahay ng dalaga. He was enjoying this kind of life, a simple one.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aviana
Thankyou po sa update. Hihihihi kainis kinikilig ako more update pa po Ms. A 🩷🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 8

    "Yana, wait!" tawag ni David sa dalaga. Mabilis na nahagip ng kanyang kamay ang isang braso nito paharap sa kanya. Kinalma agad ni Yana ang sarili. Damn it! Nang makaharap na niya ang binata, agad na nagtagpo ang kanilang mga mata. "Is this all about the kissed?" matapang na tanong ni Yana sa binata. "Yes, gusto ko lang liwanagin sa iyo. I've kissed you because - I want to save you from that Phyton. Yes, may ahas kanina, iniiwasan kong makalikha ng ingay, dahil kung pinaalam ko sa'yo na may ahas sa tabi mo, I'm sure na mag-hesterikal ka, at baka ma-kagat ka pa ng ahas, did you get what I mean?" paliwanag ni David kay Yana. Biglang namatay ang kaninang kilig na nadarama sa puso ni Yana. Para siyang apoy na binugahan ng malamig na yelo ng isang Snow Dragon. Damn it! Sabi na e, paasa. Napasinghap si Yana. Damn. Ang sakit lang. Akala pa naman niya 'yon na iyon. "Ba't hindi ka tumakbo, sana hinayaan mo nalang akong makagat no'ng ahas," nakasimangot na sagot ni Yana sa binata. Biglang

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 7

    Napaka-sariwa ng hangin sa probinsiya. Mapapansin na lubak-lubak ang naturang daan, mabuti na lamang at Lamborghini for mountain driving ang ginamit nilang kotse. Lihim na kinabahan si Yana dahil sa alaalang kumusta na kaya ang kanyang ina. "Ihinto mo muna ang kotse, hindi ba't tumawag sa iyo ang kapatid ko, ibig sabihin wala sila sa bahay ngayon," ani Yana kay David. "Naka-uwi na ang inay mo, Felix told me. Dinala siya sa isang ospital nang eksaktong tumawag ang kapatid mo, at si Felix ang inutusan ko para um-assist sa kanila. You don't have to worry," seryoso ang mukha na sagot ni David sa dalaga. "Hindi ko alam kung paano kita mapasalamatan, sir, David. Pero, sobra-sobra na po ang tulong na inukol mo para sa amin," nahihiyang tugon ni Yana kay David. Napayuko siya, na-guilty siya dito. Palibhasa'y kung sagut-sagutin niya ito'y para lang ordinaryong tao. Nakagat niya ang pang-ibabang-labi. "Napapansin ko lang, tinatawag mo lang akong sir sa tuwing may nagawa akong kabutihan para

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 6

    Madaling araw na nang magising si David. Naalimpungatan siya, ngunit agad rin niyang naalala ang mga nangyari. Napasulyap siya sa katabing si Yana. Muntik na siyang mapamura ng malakas nang mahagip ng kanyang mga mata ang makinis nitong dibdib. What the f-ck! Hinila niya ang kumot at itinakip sa dibdib nito. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ng dalaga. Mabuti na lang at nagising siya dahil kung hindi ay baka mag-hesterikal ito bigla 'pag nalaman nitong magkatabi silang natutulog. Inaantok pa na umalis si David sa guest room na inokupa ng dalaga. Dumiretso agad siya sa kanyang kwarto at sumampa sa malambot niyang kama. Niyakap niya ang kanyang unan at muling pumikit.Nagising si Yana. Naalimpungatan siya. Medyo nagulat siya dahil hindi pamilyar sa kanya ang naturang lugar. Nasaan ba siya naroon? Napabalikwas siya ng bangon sa hinigaan niyang kama. Pilit niyang inaalala ang lahat ng nangyari kahapon. Napatakip siya sa kanyang bibig. Si David. Hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 5

    Nuan assist David and Yana. Tinawag niya ang isang waiter saka nakangiting nagpaalam sa dalawang sina David at Yana. Tumango lang si Yana, ramdam ang sariling kabiguan. Ang sakit palang harapan na nakikita mo ang taong mahal mo ay malagkit kung makatingin sa babaeng tinatangi ng puso nito.Napansin ni David ang tila matamlay na si Yana. Sinipa niya ito sa paa, what the heck! He forgot na may sugat pala ang mga paa nito. "Aray! damn it!" medyo malakas na mura ni Yana, pagdaka'y napatakip sa kanyang bibig. Pinukol niya ng matalim na tingin ang lalaking nasa harapan niya, walang iba kundi si David."I'll apologize, bigla ka kasing tumahimik at tila matamlay. That's why," depensa agad ni David sa sarili. Lumapit sa kanila ang waiter na dala ang menu. Magalang na bumati sa kanila sabay yuko."Is it right to kick me?" sarkastikong sagot ni Yana, saka ibinaling ang tingin sa menu. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang mahal ng mga pagkain. Napalunok siya."Come on, I'm starving. Huwag m

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 4

    Napangiwi si Yana sa hapdi ng kanyang mga sugat. Napasulyap siya sa malapad na likod ni David. Lumabas ng naturang clinic ang binata, lihim siyang nakaramdam ng panghihinayang. Iiwanan ba siya nito? Ngumuso siya, hindi iyon nakaligtas sa paningin ng doktora."May gusto ka ba kay sir, David?" puno ng kuryusidad na tanong ng doktora sa nakangusong pasyente."Doc naman, sino ba naman ang hindi magkaka-gusto sa ubod na gwapong CEO ng Montenegro Cars Inc. Abnormal po ang tawag sa babaeng hindi mahuhumaling sa taglay na ka-gwapuhan at ka-hotness ng lalaking 'yon, kahit pa nga may mga asawa na nagkakagusto pa rin sa lalaking 'yon," mahinang palatak ni Yana sabay ubo, tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang kamay.Mahinang tumawa ang doktora. "Sabagay, crush din nga siya ng ilang mga pamangkin kong mga nurses na nagtatrabaho ngayon sa Montenegro Hospitals. Hindi ba, dalawa na lang silang hindi pa nag-asawa?" "Dakilang chismosa ka rin pala doc, noh?" ani Yana sa magandang Ginang na doktor.

  • The CEO'S Secretary    Kabanata 3

    Kanina pa naiirita si Brenda sa bagong sekretarya ni David. Nasaan ba kasi si Leticia? She's wondering kung bakit biglang nagpalit ng sekretarya itong si David. Aaminin niya sa sarili na nakaramdam siya ng labis na insecurities ng makita ang sekretarya ni David. Pinasadahan niya ito ng tingin. Damn it! The woman is perfectly sexy and damn hot beautiful. Umirap siya rito. Gayundin ang ginawa nito sa kanya, inis na ibinaling niya ang tingin sa dala niyang Mac-book. "Thanks, very good, makakaalis ka na Ms. Macaraeg," seryoso ang awra na saad ni David sa kanyang pilyang sekretarya."Wait sir, I just want to remind you that you have 20 minutes left for your meeting with Mr. Lim," paalala ni Yana sa kanyang bugnuting boss. Ni hindi niya sinusulyapan ang gawi ni Brenda na kung mapapansin ay tila para itong Tigre na gusto siyang kalmutin. She flipped her hair and smile seductively with her boss na lubos namang kinagulat ni David.Muntik ng mahulog ang panga ni David sa ginawang pagngiti sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status