Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

last updateLast Updated : 2025-12-15
By:  raeniqueUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?

View More

Chapter 1

Kabanata 01

"Ugh..."

Bumukas ang pinto ng silid, at dalawang pigura ang halos sumubsob sa loob. Kapwa sila lasing, at nagsimulang maghalikan. Ang mga halinghing ay nagsimulang umalingawngaw sa silid.

"Ah!"

Napasinghap si Mallory nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Ang paa naman nito ay agad pumulupot sa bewang ng lalaki. Habang humigpit naman ang hawak nito sa bewang niya, hinila siya papalapit hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng dibdib nito.

Ibinagsak siya nito sa kama na parang wala itong pakialam kung maguluhan man ang kumot. At bago pa siya makabawi, pumaibabaw ang lalaki. Ang mga kamay ay nagsimulang maglakbay sa katawan ni Mallory.

Mapula ang mga mata ng lalaki. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pagnanasa. Iyon ay tingin ng isang lalaking matagal nang nagtitimpi at ngayong natanggal ang preno…wala na siyang balak huminto.

Mahigpit na kumapit si Mallory sa kumot, may sumilip na liwanag mula sa bintana, sumasayaw sa kanyang balat kasabay ng kanyang hininga, at ang kanyang mga mahihinang daing ang pumuno sa buong silid sa gabing iyon…

"Lori…Lor”

“Mallory Tuesday!”

Napabalikwas si Mallory, halos lumipad ang kamay niya sa dibdib. Basang-basa ng pawis ang leeg at sentido niya.

Tatlong buwan na ang lumipas, pero gabi-gabi pa rin siyang binabalik ng utak niya sa silid na iyon. Sa mga kamay na hindi niya kilala. Sa gabing iyon na dapat ay tinapon na niya sa limot, pero ayaw siyang tantanan.

Humugot siya ng malalim na hininga habang pinupunas ang pawis sa noo.

Ang mga pangyayaring iyon ay nananatili sa kanyang isip…. ang dilim ng silid, ang liwanag na sumasayaw mula sa bintana, ang kanyang mga mata na puno ng pagnanasa na para bang lalamunin siya nito.

Huminga si Mallory ng malalim at inalis ang mga buhok na nakatakip sa kaniyang mukha. Hindi niya pa rin matanggap na nagawa niya iyon.

Noong gabing iyon, kaarawan iyon ni Iñigo. Dala ang ngiti at walang kamalay-malay na puso, dumalo si Mallory, akala niya simpleng salu-salo lang. Pero hindi pala. Hindi lang siya ang inimbita, pati ang ibang estudyante sa parehong major, at kasama na roon si Julia, maganda, sikat, at halos likas sa kanya ang pagiging perpekto.

Marami sa mga kaklase nila ang tumingin kay Mallory, naghihintay sa kanyang magiging reaksyon. Hindi sila magkaklase ni Iñigo, pero alam ng lahat na may gusto siya rito sa loob ng dalawang taon. Kahit si Iñigo ay alam ito, pero hindi siya nito binabasted. Sa mga tingin ng mga kaklase niya, parang alam na nilang lahat na may relasyon si Julia at Iñigo.

Ang mas masakit, lahat alam na.

Lahat… maliban sa kanya.

Dalawang taon niyang gusto si Iñigo. Dalawang taon siyang nagtago, naghintay, umaasa.

At sa huli, siya pa ang napag-iiwanan.

Tinalikuran niya ang mga tingin ng mga kaklase niyang punong-puno ng awa, tsismis at pang-iinsulto. At napagtanto niya na….pinaglalaruan lang pala siya. Pinaniwala. Pinabitin. Tapos sa huli, iba ang pinili.

Ang mapanghusgang tingin ng mga kaklase niya ang sumugat sa kanyang puso, at doon niya napagdesisyunan na itigil na ang kakatwang paghanga na ito.

Hindi niya ito kinaya. Kumuha si Mallory ng bote ng alak at tinungga iyon, hanggang sa hindi niya na maaninag ang mukha ng mga tao sa paligid.

Nagpunta siya sa banyo para huminga sandali pero nang lumabas ito, nabangga niya ang isang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata…matitim, matalim, at may kakaibang liwanag na hindi niya maipaliwanag. Mas gwapo siya kay Iñigo, mas matipuno, at may dating.

Hindi niya alam kung saan nakuha ang lakas ng loob, pero bigla niyang hinila ang kwelyo niya at sinabi, "Do you want to sleep with me?”

Hindi siya nagsalita. Basta na lang niyang hinila nalang siya palapit sa kanya, at ang sumunod na nangyari ay naging malabo na.

Nang magising si Mallory kinabukasan, wala na siyang saplot at Isang mukha ng lalaki na nakahiga sa tabi niya ang bumungad sa kaniya. Ang kanyang puso ay tumigil sa pagtibok. Agad itong nagbihis at kumaripas ng takbo palabas sa silid na iyon.

Hindi niya na inabalang gisingin ito. Alam niyang mali ang ginawa niya, kaya hindi niya ito sinabi sa kahit sino, at hindi niya tinangkang alamin kung sino ang lalaking iyon.

"Lori! Kung hindi ka babangon ngayon, talagang ma-late tayo!"

Dahil sa sigaw ni Mimi, bumalik sa ulirat ang kanina pang nakatungangang Mallory. Dali-dali niyang inalis ang mga maiitim na imahe sa kanyang isip, at nagmadaling bumangon. Pagkatapos niyang maghilamos, nagmadali silang umalis ni Mimi.

"Ano ba, bakit ka nagmamadali?" hindi makasabay si Mallory sa kanyang kaibigan.

"Hindi mo ba naalala? May klase tayo sa Anatomy ngayon," sabi ni Mimi. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo, kaya nakakalimutan mo."

Doon lang naalala ni Mallory. Balita niya, kumuha ang unibersidad ng isang napakagaling na propesor sa Anatomy. Nagtapos ito sa St. Celestine Medical University, at ginawa agad itong propesor. Ito raw ang pinakabatang propesor sa College of Medicine.

Hindi agad makapunta ang propesor na iyon noong last semester, inurong ang klase nila sa Anatomy ng isang buwan. Ngayon, pagkatapos ng bakasyon ng National Day, ang unang klase nila ay sa propesor na iyon.

"Lori, alam mo ba, may mga estudyante nang nakakita sa kanya kaninang umaga," may kagalakang sambit pa ni Mimi.

"Balita ko, sobrang gwapo raw ng Professor na iyon! Kaya maraming estudyante ang nagsisisi na hindi nila kinuha ang klase na iyon," hinila ni Mimi ang kanyang kamay. "Bilisan mo! baka hindi na tayo magkasya sa auditorium!”

"OA naman," iyon na lang tanging nasabi ni Mallory. Third year na sila, at first class pa lang. Maraming estudyante ang hindi nakakagising nang maaga, kaya pinapapirmahan na lang nila ito sa kanilang mga kaibigan.

Pero nang makita ni Mallory ang sobrang daming tao sa harap ng kanilang auditorium, napanganga siya. Para may kandidatong na namimigay ng libreng bigas na pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Kapag guwapo na't galing pa sa isang prestihiyosong unibersidad, aba'y mas grabe pa 'to sa fan meeting teh!” Hinila siya ni Mimi papasok sa silid. "Excuse me, excuse me—kung hindi niyo subject ‘to, huwag kayong umupo sa upuan namin."

At nang makahanap sila ng mauupuan ay sumimangot naman si Mimi.

“Tssk”

“What?”

"Malas." reklamo ni Mimi.

Sinundan ni Mallory ang tingin nito, at nakita niya si Iñigo at Julia na nakaupo sa harap ng auditorium. Dahil malaking silid ito, may ibang klase ang pinagsasama-sama. Hindi niya inasahan na magkikita sila. Sobrang lapit nila sa isa't isa. May binulong si Iñigo kay Julia, dahilan upang tumawa ito.

Napansin ni Mimi na nakatingin ang kaibigan sa dalawa, "Okay lang na malungkot ka. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang taong gusto mo sa loob ng dalawang taon ay may iba na?"

Nagulat si Mallory. "Sila na ba?"

"Oo, noong birthday party ni Iñigo…bakit parang ngayon mo lang nalaman?"

Sumilay ang maliit n ngiti ni Mallory bago tumango sa kaibigan, "Ah…oo, ngayon ko lang nalaman."

"Kung ganun, sino ba ang gumugulo sa'yo nitong mga nakaraang araw? Bakit ganyan ang itsura mo?”

Umiling si Mallory at bahagyang ngumiti sa kaibigan. Ang kirot na akala niya ay nawala na ay biglang bumabalik. Iniwas niya ang tingin at ibinaling sa harap sa stage ng auditorium, hinihintay ang bago nilang Professor.

Nang biglang tumahimik ang auditorium.

Pumasok ang isang lalaki.

Napatigil si Mallory, biglang nanlamig ang kanyang mga kamay. Ang hininga niya'y halos huminto. Ang puso niya, parang gustong kumawala sa kanyang dibdib.

Hindi pwede….

Nakatayo siya sa harap ng klase, nakasuot ng puting polo at itim na pantalon, ang kanyang buhok ay maayos na nakasuklay. Inikot nito ang tingin sa lahat ng estudyante nandito sa auditorium, may ngiting sumilay.

Hindi pwede!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status