Share

Chapter 14

Tahimik ang buong bahay ng pumasok siya dahil na rin sa likod siya dumaan. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ng ina at laking pasasalamat nito na mayroon itong kausap sa telepono.

“Celine! Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo! Saan ka ba nanggaling?”

Nagulat siya ng makasalubong niya ang isa sa kasambahay.

Naloko na, hinahanap na siya ng ina!

“Naglaro lang po! Akyat na po ako!”

Dali-dali niyang sabi at umakyat na sa kanilang kwarto. Nang maisarado ang pinto ay abot-abot ang kaniyang kaba. Akala niya ay mahuhuli na siya ng ina! Madali lang naman ang magpalusot sa kaniya kaya magagawan niya ng paraan ang kaniyang idadahilan.

Napatingin siya sa kaniyang kamay na mayroong benda. Napangiti siya dahil naalala niya na ang ama ang may gawa nito sa kamay niya. Ngunit biglang nanlaki ang mata niya kasabay ng pagkaka-alala sa daddy niya.

“Baka alamin niya kung sino ako!”

Sigurado siya na nanghihinala na ito kanina dahil binanggit nito na kamuka niya ang ina. Kailangan niyang gumawa ng paraan!
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Wafiyyah Mcd-g
thank you Sa nice story...
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A sa update keep safe always God bless you
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status