登入Limang taon niyang minahal si Gino, ibinigay ang lahat para sa lalaki, at naniwalang sa kasal nila magsisimula ang pinapangarap nilang buhay. Pero sa mismong araw ng kanilang kasal, nalaman ni Kassandra na wala pala siyang halaga sa lalaking pinagkatiwalaan niya. Ginamit lang siya para sa pera at negosyo, habang lihim itong may ibang babae. Ang mas masakit, pinalayas pa siya sa simbahan na suot ang wedding gown niya. Wala nang natira kay Kassandra kundi galit at pagnanais na makabawi. Hanggang sa dumating si Alejandro Villavicencio, isang bilyonaryong may kapangyarihang baguhin ang takbo ng buhay niya. May sarili rin itong dahilan para pabagsakin si Gino, kaya nag-alok siya ng kasal na nakabatay sa kontrata. Pumayag si Kassandra. Kung kailangan niyang maging asawa ng isang bilyonaryo para mabawi ang lahat, gagawin niya. Pero habang magkasama silang humaharap sa mga taong sumira sa kanila, nagsisimulang lumabo ang hangganan ng pagpapanggap at totoong damdamin. Paano kung ang lalaking pinili niyang gamitin para sa paghihiganti ang siya ring lalaking hindi niya kayang mawala?
查看更多Kassandra Valdemor POV
Halos hindi ko na maamoy ang fresh eucalyptus at white roses sa paligid dahil sa sobrang kaba ko habang nakatayo sa labas ng pintuan ng San Alfonso Chapel. Katabi ko ang coordinator na kanina pa paulit-ulit na inaayos ang belo ko.
Finally. After five years of paghihintay, pagtitiis, at pagsasakripisyo, ikakasal na rin ako kay Gino.
Lahat ng kinikita ko bilang art restorer sa isang kilalang gallery sa Escolta, pati na ang mga sideline commissions ko tuwing weekend, diretso sa kanya. Sabi niya, para raw sa future namin ang lahat ng iyon. Kailangan niyang mapalago ang Imperial Tech Solutions, kaya tiniis ko ang lahat para matulungan siyang maabot ang pangarap niya.
Kahit madalas de-latang sardinas o instant noodles lang ang kinakain ko sa maliit kong apartment habang siya naman ay abala sa mga business meeting, hindi ako nagreklamo. Mahal ko si Gino. Siya na lang ang natitira kong pamilya mula nang pumanaw ang mga magulang ko.
"Kass, ikaw na. Ready ka na?" tanong ng coordinator, nakangiti sa akin.
Tumango ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Pinihit niya ang malalaking pintuang kahoy, at dahan-dahang bumukas ang mga iyon.
Halos lahat ng bisita ay napatingin sa akin. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng mamahaling damit at alahas. Mga alta-sosyedad, investors, at business partners ni Gino. Habang naglalakad ako sa red carpet, naririnig ko ang mahihinang bulungan nila.
“Ganda sana ni Kassandra, eh. Kaso mukha pa ring cheap kahit anong ayos sa kanya.”
“True. Buti nga pinakasalan pa ni Gino. Dugyot naman ang pamilya niyan.”
Narinig ko ang bawat salita, pero pinili kong huwag silang pansinin. Hindi ko gustong masira ang araw na matagal ko nang pinapangarap dahil lang sa mga taong walang ibang ginawa kundi husgahan ako.
Ang tanging gusto kong makita ay si Gino sa dulo ng altar.
Ang gwapo niya sa custom-tailored Tom Ford tuxedo niya. Ilang beses kong pinangarap ang araw na ito, at ngayon, ilang hakbang na lang ang layo ko sa lalaking gusto kong makasama habang buhay.
Pero habang papalapit ako, may napansin akong kakaiba sa mukha niya.
Wala ang ngiting lagi kong nakikita kapag magkasama kami. Hindi rin siya mukhang masaya. Seryoso ang mukha niya, at halatang may bumabagabag sa isip niya.
Napansin ko rin na wala si Sabrina Alvarez sa unahan. Best friend ko siya at dapat ay maid of honor ko ngayon. Siya rin ang nag-sponsor ng mamahaling bridal makeup ko. Pero mula nang matapos niya akong ayusan sa dressing room, hindi ko na siya nakita.
Nasaan na kaya si Sabrina?
Hindi ko na iyon masyadong pinag-isipan. Baka may inaasikaso lang siya bago magsimula ang seremonya.
Nang makarating ako sa altar, hinintay kong abutin ni Gino ang kamay ko gaya ng napag-usapan namin. Pero hindi siya gumalaw. Nakatayo lang siya sa harap ko habang nakatitig sa akin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan.
"Gino?" mahina kong tawag.
Hindi siya sumagot. Sa halip, lumingon siya sa malaking LED screen sa gilid ng altar na nakalaan sana para sa AVP namin.
"Ituloy na natin ang palabas," malamig niyang sabi.
Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Biglang nag-dim ang mga ilaw sa loob ng simbahan.
Akala ko, magsisimula nang ipalabas ang childhood photos namin o ang pre-nup video namin sa Batanes. Pero nang bumukas ang LED screen, isang high-definition CCTV footage ang lumabas.
Isang mamahaling hotel room ang bumungad sa lahat.
At sa loob nito, magkasama sina Gino at Sabrina.
Naramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang malinaw nilang mga boses mula sa speakers.
“Sure ka bang hindi maghihinala si Kassandra?” tanong ni Sabrina habang nakayakap kay Gino na walang suot na pang-itaas.
“Huwag kang mag-alala diyan,” sagot ni Gino na may kasamang tawa. “Uto-uto 'yon. Lahat ng pera niya, nakuha ko na para sa kumpanya. Tapos na ang pakikipag-plastikan ko sa babaeng 'yon. Si Sab, mayaman, may-ari ng kalahati ng BGC real estate. Si Kass? Isang hampaslupa lang na marunong magbabad sa lumang pintura.”
Parang biglang gumuho ang lahat sa paligid ko.
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung saan ako titingin o kung paano ako hihinga. Rinig ko ang mga bulungan at tawanan ng mga bisita, pero parang unti-unti akong nawawalan ng kakayahang intindihin ang mga nangyayari.
Ginamit niya lang ako.
Lahat ng overtime ko sa gallery, lahat ng sideline commissions na tinanggap ko kahit pagod na pagod na ako, at lahat ng gabing tiniis kong matulog nang walang laman ang tiyan, para saan?
Para lang pala maibigay ko sa kanya ang lahat ng kailangan niya bago niya ako itapon.
Maging ang lumang relo ni Mama, na isa sa mga natitirang alaala ko mula sa kanya, ay ibinenta ko para may maipang-down si Gino sa mga server ng kumpanya niya.
At ngayon, nalaman kong wala lang pala sa kanya ang lahat ng ginawa ko.
Bago pa ako makapagsalita, may lumitaw mula sa gilid ng altar.
Si Sabrina.
Suot niya ang isang mamahaling designer dress habang diretsong naglalakad papunta kay Gino. Pagdating sa tabi nito, hinalikan niya ito sa pisngi na para bang wala silang ginagawang mali.
Sa harap ko. Sa araw ng kasal ko.
At sa harap ng lahat ng taong inimbitahan namin.
Nagtawanan ang ilan sa mga bisita, lalo na ang mga kaibigan ni Gino. Para bang isa lang akong palabas na dapat nilang panoorin at pagtawanan.
"Surprise, Kass!" nakangising bati ni Sabrina.
Wala man lang bahid ng hiya o pagsisisi sa mukha niya. Para bang wala siyang ginawang masama sa babaeng tinawag niyang best friend sa loob ng maraming taon.
"Thank you sa pag-aalaga kay Gino, ha? Pero alam mo naman, sa high society, kailangan mo ng kapantay. Hindi ng isang alalay."
Parang may kung anong pumutok sa loob ko.
Ang sakit ng pagtataksil nila, pero mas masakit malaman na habang pinaghihirapan kong buuin ang future namin ni Gino, sila naman pala ang nagtatawanan sa likod ko.
Nawala ang panghihina ko. Napalitan iyon ng galit na ilang segundo ko lang namang napigilang ilabas.
Mabilis akong lumapit kay Gino at itinaas ang kamay ko para sampalin siya. Pero bago pa ako makaganti, malakas niya akong itinulak palayo.
Hindi ako nakapaghanda.
Bumagsak ako sa sahig at sumadsad ang tuhod ko sa matigas na marmol. Nadumihan ang mamahaling tela ng wedding gown ko, pero wala na akong pakialam doon.
"Huwag mo akong hawakan, Kassandra!" sigaw ni Gino habang nakatingin sa akin na para bang isa akong maruming bagay na ayaw niyang madikitan.
"Wala ka nang karapatan! Ang kumpanya ko, ang pera mo, akin na lahat! Tapos na ang palabas, kaya puwede ba? Umalis ka na rito bago pa kita ipakaladkad sa mga security!"
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
Ang lalaking ilang taon kong ipinaglaban, ang lalaking pinili kong pagkatiwalaan kahit wala na akong ibang mapagkakatiwalaan, siya mismo ang taong sumira sa buhay ko.
"Gino, hayop ka!" sigaw ko habang tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko.
"Ibinigay ko sa'yo ang lahat! Ako ang nagpakain sa'yo noong wala kang-wala! Ako ang tumulong sa'yo noong wala ka pang sariling kumpanya! Paano mo nagawang gawin sa akin 'to?"
"Yun ay dahil tanga ka!" singit ni Sabrina, sabay taas ng boses.
"Guwardya! Palayasin niyo nga ang baliw na 'to! Nasasira ang araw namin!"
Dalawang malalaking security guard ang agad na lumapit sa akin. Hinawakan nila nang mahigpit ang mga braso ko at hinila ako palayo sa altar.
"Bitawan niyo ako!" pagpupumiglas ko. "Wala akong ginawang masama! Gino, tingnan mo ako! Kahit konting hiya naman!"
Patuloy akong pumalag habang hinihila nila ako papunta sa malaking pintuan ng simbahan. Nagmamakaawa ako, umaasang baka sakaling matauhan si Gino o kahit si Sabrina man lang ay makaramdam ng konsensya.
Pero walang nangyari.
Wala silang pakialam sa mga luha ko. Wala silang pakialam sa sakit na nararamdaman ko.
Sa huli, itinapon nila ako palabas ng simbahan.
Bumagsak ako sa sementadong sahig sa labas. Kasabay niyon, bumuhos ang malakas na ulan na para bang hinihintay lang nitong samahan ang pagguho ng buhay ko.
Basang-basa ang wedding gown ko. Dumidikit ang tela sa balat ko, at hindi ko na malaman kung alin sa mga luhang umaagos sa mukha ko ang galing sa sakit at alin ang galing sa ulan.
Dahan-dahan akong tumayo kahit nanginginig ang mga binti ko.
Wala akong kotse. Naiwan ko ang cellphone ko sa dressing room. Halos wala na akong ipon dahil ibinigay ko ang lahat kay Gino.
Wala na akong mapupuntahan.
Sa loob lang ng ilang minuto, nawala sa akin ang lalaking minahal ko, ang perang pinaghirapan ko, at ang dignidad na pilit kong pinanghawakan sa loob ng limang taon.
Ang natitira na lang sa akin ay ang basang wedding gown na suot ko at ang galit na unti-unting pumapalit sa sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta ngayong wala na akong halos kahit ano.
Pero may isang bagay akong siguradong hindi ko hahayaang mawala.
Ang sarili ko.
Hindi ko hahayaang matapos ang lahat sa ganito. Hindi pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin.
Gino, Sabrina... babayaran niyo ang bawat luha ko.
Kassandra Valdemor POVBiglang natahimik ang buong ballroom nang ipakilala ako ni Alejandro bilang asawa niya. Halos hindi makapaniwala sina Gino at Sabrina sa narinig nila. Nanlaki ang mga mata nila at halatang hindi alam kung paano magre-react habang pilit na pinapanatili ang composure sa harap ng mga bisitang nakatingin sa amin."A-Alejandro? Kassandra?" nauutal na tanong ni Gino. Halatang hirap siyang itago ang galit at pagkabigla sa mukha niya. "Paano nangyari 'to? Paanong naging asawa mo siya?"Hindi ako agad sumagot. Sa halip, sinipat ko silang dalawa mula ulo hanggang paa, saka bahagyang ngumiti. Kung dati, ako ang babaeng yumuyuko at umiiyak sa gilid ng daan habang tinatanggap ang lahat ng pang-aapi nila, ngayon ay wala na akong balak na magpakita ng kahinaan sa harap nila.Ako na si Kassandra Villavicencio, at hindi na nila ako basta-basta kayang tapakan."Bakit, Gino? May problema ba kung nagpakasal ako sa isang lalaking marunong rumespeto sa akin?" malamig kong tanong. Sin
Kassandra Valdemor POV"Pirmahan mo na, Kassandra." Naputol ang katahimikan sa loob ng malawak na penthouse nang magsalita si Alejandro. Malamig at diretso ang tono niya, halatang naghihintay na lang siya sa desisyon ko.Nakatitig ako sa itim na folder at sa gintong pen na nakapatong sa lamesa. Ilang segundo akong nagdalawang-isip bago ko inangat ang tingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya, walang bahid ng biro, at halatang sigurado sa alok niya.Kanina lang, ako ang babaeng basang-basa sa ulan, pinalayas sa labas ng simbahan, at walang matakbuhan. Pero ngayon, nasa harap ko ang pagkakataong bawiin ang lahat ng nawala sa akin.Wala na akong mawawala pa.Kinuha ko ang pen at walang pag-aalinlangan na pinirmahan ang kontrata ng kasal namin. Isang taon. Isang taon ng pagpapanggap kapalit ng proteksyon, kapangyarihan, at pagkakataong iparamdam sa mga taong umapak sa pagkatao ko kung ano ang ginawa nila sa akin.Pagkababa ko ng pen, kumilos na agad si Alejandro. Hindi niya ako pinaghintay
Kassandra Valdemor POVUnti-unti akong nagising nang maramdaman ko ang lambot ng hinihigaan ko. Hindi ito ang sementadong kalsada kung saan ako huling bumagsak habang malakas ang ulan at umaagos ang dugo mula sa noo ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang mataas na kisame na may modernong crystal chandelier ang bumungad sa akin. Naamoy ko rin ang lavender scent mula sa mamahaling room diffuser sa loob ng kuwarto.Nasaan ako? Patay na ba ako?"Gising na siya, Sir Alejandro," narinig kong sabi ng isang babae mula sa hindi kalayuan.Napabalikwas ako ng bangon kahit kumirot ang buong katawan ko, lalo na ang ulo kong may plaster na ngayon. Nang tingnan ko ang sarili ko, napansin kong wala na sa akin ang basang wedding gown na suot ko kanina. Napalitan na iyon ng malambot at puting silk bathrobe.Saan nila dinala ang damit ko?Napalingon ako sa malawak na kuwarto at doon ko napansin ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng malaking glass window. Nakatalikod siya sa akin habang na
Kassandra Valdemor POVNanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad palayo sa San Alfonso Chapel. Mabigat ang bawat hakbang ko, at pakiramdam ko, pasan ko ang lahat ng problema sa mundo. Basang-basa na ang wedding gown ko, at halos nakaladkad ko na ito sa putik habang patuloy akong naglalakad.Wala akong payong, walang pamasahe, at higit sa lahat, wala na akong matakbuhan. Ang tanging nararamdaman ko ay ang malamig na ulan na humahalo sa mga luhang hindi ko mapigilang tumulo.Paano ko haharapin ang bukas? Paano ko sisimulan ulit ang buhay ko kung wala na akong kahit ano?Halos isang oras din akong naglakad bago ko marating ang lumang apartment building namin sa Mandaluyong. Kahit papaano, may maliit pa rin akong pag-asang baka nagkamali lang si Gino. Baka sakaling may natitira pa siyang konsensya at bigyan man lang niya ako ng pagkakataong magpaliwanag.Pero pagdating ko pa lang sa bukana ng gusali, nakita ko na agad si Mang Kanor, ang landlord namin. May dala siyang padlock at






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.