Share

Chapter 7

TAHIMIK na nasa loob ng kotse si Caroline at Luna matapos nilang umalis sa restaurant. Ihahatid nalamang ni Luna si Caroline sa bahay nito at siya ay uuwi na. Hanggang ngayon ay mabilis pa ‘rin ang tibok ng kaniyang puso.

Ang daming pumasok na mga eksena sa kaniyang isip. Paano kung malaman nito na may anak sila at kunin ng lalaki ang kaniyang anak? Hindi niya kaya. Hindi niya kaya na mawalan ng anak. Mas lalong hindi nga niya alam kung tatanggapin ba nito si Celine.

Samantalang si Caroline naman ay gustong-gustong kausapin si Luna pero sa nakikita niyang seryosong muka nito habang nag da-drive ay mas pinili niyang manahimik na muna.

Based sa naging reaction ng kaniyang amo ay magkakakilala ang mga ito, kaya ang malaking tanong ay paano? Nang pina-ayos ni Luna ang meeting na iyon ay wala naman itong nabanggit na kilala niya si Mr.Anderson.

Sa gitna ng kanilang katahimikan ay biglang nag ring ang cellphone ni Luna. Gamit ang earpiece na suot ay sinagot niya ito habang focus pa ‘rin sa pag da-drive.

“Hello, this is Luna Fernandez. What can I do for you?” magiliw niyang tanong sa kabilang linya.

Kahit na marami siyang iniisip ngayon ay hindi dapat ma-apektuhan ang kaniyang trabaho lalo na para sa kumpanya ng magulang niya.

“Luna! It’s me, Rocky!”

Natigilan sandali si Luna dahil sa narinig ngunit agad ‘ding ipinilig ang ulo. Nasa daan sila ngayon hindi siya pwedeng magpalutang-lutang.

“R-rocky! Bakit napatawag ka?” pilit siglang tanong niya.

Bakit nga ba nakalimutan niya na may numero ang lalaki ng number niya dahil nga magkakaibigan sila sa Canada?

“About sa meeting, bakit ka biglang umalis? Kung nag-aalala kang hindi tatanggapin nitong si Ian ang proposal mo ako ang bahala!”

Umiling si Luna kahit na alam niyang hindi siya nakikita ng lalaki. Habang si Caroline naman ay agad na nakuha na ang lalaki kaninang kasama ni Mr.Anderson ang kausap ni Luna.

“No need na Rocky.”

“No need? Nabanggit saakin ni Riri nito lang na palubog na ang kumpanya niyo hindi ba? Si Ian ang makakatulong sa’yo Luna!”

Napahigpit ang kapit ni Luna sa manibela dahil doon. Kinalma niya ang kaniyang sarili at huminga ng malalim. Ayaw niyang madamay ang ibang tao sa sitwasyon niya ngayon kaya kinakalma niya ang sarili.

“Please Rocky, sinabi ko ng hindi na kailangan I mean it. Thank you sa pagtawag saakin, bye.”

Binaba na niya ang tawag at napabuntong hininga.

“M-ms Luna?”

Napalingon si Luna ng magsalita si Caroline sa kaniyang tabi. Ngunit sandali lang ‘yun dahil ibinalik na niya ang tingin sa daan.

“Yes, Caroline? Don’t worry ihahatid kita sa bahay niyo. Kapag bumalik na sa dati ang lahat bibigyan kita ng kotse from the company para hindi ka na mag co-comute.”

Nagulat si Caroline dahil sa kaniyang narinig at nanlaki ang mata. Hindi niya akalain na sa ganoong tagpo siya magkaka-kotse lalo na buong buhay niya ay commute lang ang kaniyang ginagawa.

“T-talaga po?! Maraming salamat Ms.Luna!”

Napangiti si Luna dahil doon.

“Hindi lang ‘yun ang benefits na dapat makuha mo Caroline. Isa ka sa pinakang tapat na employee ng kumpanya at ikaw ‘din ang umaasikaso at sumasalo sa lahat ng problema nito. Don’t worry, hinding-hindi ko kakalimutan ang mga benefits mo.”

Sandali muling lumingon si Luna sa katabi habang nakangiti. Si Caroline ay napangiti pabalik sa amo. Na-eexcite siya sa mga sinasabi nito pero hindi niya pwedeng ipagpaliban ang sasabihin dito.

“Uhmm… kasi Ms.Luna, alam ko po na wala akong karapatan mangialam pero bakit po kayo umatras sa meeting? N-nakita ko naman po na kakilala niyo sila. Sila lang po ang pinakang malaking pag-asa natin! Siguradong makakahinga ng maluwag ang mga kapwa ko employee sa oras na malaman nilang malakas ang kapit natin sa business industry.”

Natahimik si Luna dahil sa sinabi ni Caroline. Hindi tuloy mapakali ang si Caroline sa kinauupuan niya kakaisip na baka nagalit niya ang amo o na-offend niya.

Kaya matapos ang halos isang minutong katahimikan ay agad na umimik si Caroline.

“W-wag niyo na pong pansinin ang sinabi ko! Sorry po!” yuko nitong sabi at tahimik na tinapik ang kaniyang ulo.

“No, it’s okay Caroline.” Ngiting linggon na sabi ni Luna sandali dahilan para kahit papaano ay makampante si Caroline.

Hanggang sa maihatid ni Luna si Caroline sa bahay nito ay hindi na siya nagsalita. Napabuntong hininga nalang ang secretary niya at naisip na hihingi nalang siya ng tawad dito kinabukasan.

Samantalang si Luna naman ay natahimik dahil tumatak sa kaniya ang sinabi ni Caroline. Tama ito, siguradong matutuwa ang mga employees siya sa oras na malaman na ka-partner nila sa negosyo ang isang Sebastian Anderson.

Hindi muna umuwi si Luna sa kanilang bahay bagkus dumaan pa siya sa isang convenience store at bumili ng in can na alak. Gusto niya lang muna uminom dahil ang dami niyang isipin.

Pumunta siya sa pinakang malapit na burol na meron doon kung saan kita ang city lights ng kanilang lugar. Ang tahimik doon at walang ibang tao. Noon pa niya alam ang lugar na iyon dahil nga doon siya lumaki.

Hindi niya akalain na walang nakakadiskurbe ng lugar na iyon.

Naka-tatlong in can na siya ng beer ng magpasya siyang umuwi na. Sapat na sa kaniya ang isang oras na pagtambay doon at pakikinig lang sa tahimik na lugar.

Hindi naman siya tinamaan sa kaniyang ininom ngunit sapat na iyon para siya ay tamaan ng antok.

Pagod ‘din siya maghapon dahil sa mga naka-meeting niya kaya deserve niya ng medyo mahabang pagtulog.

Patay na nag ilaw sa paligid at tanging dim light nalamang ang bukas. Nasisigurado niya na tulog na ang anak.

May ilang kasambahay naman na kasama si Celine sa kanilang bahay kaya kampante siya na mayroong mag-aalaga sa kaniyang anak. Mapapagkatiwalaan naman ang mga ito dahil bata palang siya ay nag tatrabaho na ang mga ito doon.

Lalo na mas mapapagkatiwalaan sila sa sikretong mayroon na siyang anak.

Aakyat na sana siya sa kanilang kwarto ng biglang mag ring ang kaniyang cellphone.

Si Riri.

“Hello, Riri?”

“Luna! Thank God gising ka pa!”

Hindi pa ‘rin talaga nagbabago ang kaniyang kaibigan dahil ang sakit pa ‘rin sa tenga ng boses nito. Na tila nakalunok ng mikropono at naka-laklak ng maraming energy drink.

“Yeah. Ikaw gabi na ang hyper mo pa ‘rin.” Natatawa niyang sabi dito.

“Whatever Luna! Tumawag ako kasi kakakausap ko lang kay Rocky at nalaman ko ang nangyari! Bakit ka naman umatras?! Si Ian na ang sagot sa problema mo Luna!”

Muli ay natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Bakit nga ba hindi niya naisip na mag susumbong si Rocky sa kaibigan niya?

Napahilot siya sa kaniyang sentido dahil doon.

“Riri, don’t worry, nakapag desisyon na ako. Ipapa-reschedule ko kay Caroline ang meeting namin.”

Sa katunayan ay tinawagan na niya si Caroline bago pa siya umalis sa burol kanina. Patulog na sana ang secretary niya mabuti at naabutan pa niya itong gising at tuwang-tuwa sa balitang nakuha mula sa kaniya.

“Hay mabuti naman! Akala ko pipilitin pa kita eh hahahha!”

Napailing nalang siya dahil sa sinabi ng kaibigan.

“Sige na Riri, gusto ko na ‘rin magpahinga.” Paalam niya sa kaibigan.

“Wait! Bakit muna para kang nakakita ng multo ng makita si Ian? ‘Yan ang sabi saakin ni Rocky kanina eh.”

Natahimik si Luna dahil doon. Sasabihin niya ba sa kaibigan? Hindi niya nasama sa isipin niya kanina ang bagay na ito. Ang umamin siya kay Riri. Tanging tungkol sa kumpanya at paraan kung paano maitatago ang anak kay Sebastian ang iniisip niya kanina.

Kung itatago niya ito kay Riri, baka sa iba pa nito malaman katulad ng pag iimbestiga nito sa taong nanloko sa magulang niya. At ayaw niyang maulit pa iyon. Matalik na matalik na kaibigan at parang kapatid na niya si Riri.

Ito ‘rin ang kasama niya simula ng siya ay mabuntis, maglihi, manganak at magpalaki kay Celine kaya naisip niya na may karapatan itong malaman ang totoo.

“Huy anteng Luna! Tulog ka na ata jan eh!”

Sigurado siya na umiirap na ang kaibigan sa kabilang linya.

Napabuntong hininga nalamang siya at nagsalita.

“Ang kaibigan ng boyfriend mo, si Sebastian Anderson… siya ang ama ni Celine.”

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Sigurado siya na nag po-process pa sa utak ni Riri ang sinabi niya.

“Whattt?!”

Nailayo niya ang cellphone sa kaniyang tenga dahil sa biglang pagsigaw nito.

“Sige na Riri bukas nalang tayo usap, I miss you babye! I love you muwah!”

“Wait! Luna bruha ka—!”

Napabuntong hininga si Luna ng patayin na niya ang tawag. Alam niyang tatawag muli ang kaibigan kaya pinatay niya muna at cellphone at iiling-iling na umakyat sa taas.

‘Bahala na bukas’ tanging banggit niya sa kaniyang isipan.

Comments (11)
goodnovel comment avatar
Aaliyah Toralde
bakit di mabuksan
goodnovel comment avatar
Renee Crizaldo Ariate
nice story
goodnovel comment avatar
Benny Eresmas Ralla
next po author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status