로그인“Mama,” napalingon ako ng marinig ko ang boses ng batang cute na lalaki. Napatitig ako sa batang lalaki na ngayon ay tumawag sa akin ng ‘mama’ na basta na lang sumulpot sa kung saan sa harap ko. At ng titigan ko ito ay hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko ng makita na kahawig ito ni Magnus. Ang boss kong walang ibang ginawa kundi ang utusan ako sa lahat ng bagay. Pero teka! Sandali! Sa tagal kong nagtatrabaho bilang assistant ni Magnus ay kailan pa ito nagkaroon ng anak? At ang masaklap pa ay tila pinagsasama kami ng bata kung kailan balak ko ng umalis sa trabaho bilang assistant niya. Did this child play cupid between me and Magnus? And Magnus actually used the charm of his son to make me stay.
더 보기Bumaba ako ng kotse.
Nakahanda na para sa pakikipagkita ko sa kablind date na inayos pa nina mama para sa akin.
Wala akong balak makipag blind date ngunit hindi na daw mahintay nina mama at papa kung kailan ko daw balak pumasok sa isang relasyon. Magkaroon ng boyfriend na agad magpaplano ng kasal at bubuo agad ng isang pamilya.
Hindi ko naman sila mahindihan kaya kahit ayaw ko ay nagpunta pa rin ako dito sa restaurant kung saan naghihintay na sa akin ang lalaking napili nina papa para sa kablind date ko.
Papasok na ako ng restaurant ng makatanggap pa ako ng tawag mula sa boss ko.
Si Magnus Mondragon. Ang dakila kong boss na kung makapag utos ay para akong may malaking utang sa kanya na hindi ko pwedeng tanggihan. At hindi ko na matagalan ang kanyang pagkabossy, kaya aalis na ako sa trabaho ko.
At kaninang umaga ay nagpasa na ako ng resignation letter na inilagay ko sa ibabaw ng lamesa niya bago ako nagtungo sa restaurant na ito.
“Nasaan ka?”
Iyon ang agad na tanong niya sa akin hindi pa man ako nakakapaghello. At saka wala naman akong balak maghello, naunahan lang niya akong magtanong. Na ang tatanungin ko sana ay kung bakit siya napatawag gayong nagresign na ako kanina.
“Do I still need to answer that, Mr. Mondragon?” balik tanong ko sa kanya kaysa sagutin ang tanong niya sa akin. “I’ve already resigned.” taas noo ko pang sabi sa kanya na para bang nasa harap ko lang siya.
Nagpatuloy ako sa pagpasok habang kausap ko siya.
“And it’s my day off today. Besides that, I'm going on a blind date right now.”
“At kanino ka naman makikipag blind date? Sa Henry bang iyon? Sandali nga, you actually like him? Your taste is really terrible.”
“I've already handed in my resignation, mr. Mondragon. Kaya huwag mo na akong asahan na pumasok sa trabaho bukas.”
“No! No! My all-capable assistant, alam mong hindi ako tumatanggap ng resignation kung manggagaling sayo. Oh! Sandali, my motor broke down. Come and pick me up.”
“Sandali nga. Sinabi ko na…”
“Overtime pay, I will give you an extra double payment.”
At bago pa nga ako muling makapagreklamo, nakatanggap na ako ng bayad sa sinasabi niyang extra double pay.
“You…” napapailing na napatitig na lang ako sa screen ng phone ko habang binibilang ang zero ng pinasa niya sa aking pera.
Napangiti na lang ako. Kahit papano ay hindi naman madamot sa pasahod ang boss ko.
Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko at nagpatuloy sa pagpasok ng restaurant. Tinungo ang pribadong box kung saan naghihintay sa akin ang ka blind date ko.
“Hello, mr. Henry.” pagbati ko ng mabuksan ko ang pinto.
Tatayo na sana ang lalaki ngunit muli akong nagsalita.
“Sa susunod na lang tayong mag usap. Marami pa akong trabahong gagawin ngayon. See you next time.” sabi ko dito at bago pa nga ito makasagot ay agad din akong umalis.
Hindi ko na naisip kung ano ang magiging reaksyon nito sa aking pag alis.
…..
Mabilis na pinatakbo ko ang motor na sinasakyan ko.
Nakatanggap ako ng tawag mula sa HR department kanina at sinabing nagpasa nga ng resignation letter si Lucy. At ng tawagan ko ang mga magulang niya kung nasaan siya ay sinabi nga ng mga ito na nakipagblind date siya.
Kababata ko si Lucy, lumaki kaming magkasama, malapit noon sa isa’t isa ngunit sa paglipas ng mga taon habang nagkakaedad na kami ay nararamdaman ko na lumalayo na ang loob niya sa akin. Lagi na lang siyang umiiwas at ayaw niya na akong makasama pa tulad noon.
And I don’t like it. Hindi ko nagugustuhan ang paglayo niya sa akin. At higit sa lahat ay hindi ko lubos maisip na magkakaroon siya ng ibang makakasamang lalaki at magkaroon ng sariling pamilya habang ako ay minsan ng nangako na hindi ako magkakaroon ng asawa dahil ayaw kong malayo sa kanya.
But now, time can change. Everything has changed already.
Kaya ngayon, nagmamadali ako para puntahan siya. At dahil sa hindi ko na siya maabutan pa para pigilan ay kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya matuloy na makipagblind sa lalaking iyon.
Kaya ang naisip ko ay tawagan ko siya habang papunta ko kung nasaan siya. At tama lang ang oras ng pagtawag ko dahil halatang hindi pa sila nagkikita ng kanyang katagpo.
At kailangan kong magbigay ng dahilan para tuluyan siyang pigilan. Sinabi ko na nasira ang sasakyan ko at dapat niya akong sunduin. At bago pa siya makapagreklamo at makatanggi, I cut off the line.
Tama lang na narating ko ang labas ng restaurant kung saan siya makikipagkita sa lalaking iyon.
…..
Lihim akong napangiti dahil natanaw na siya ng mga mata ko na palabas na ng restaurant.
Tagumpay ang ginawa ko na hindi makipagkita sa lalaking iyon.
Ngunit kung gaano ako natuwa dahil hindi natuloy ang lakad niya ay ganun naman ang pagkakasalubong ng kanyang kilay ng masulyapan ako at ngayon ay palapit na siya sa akin.
“Hello!” kumaway pa ako sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.
Diretso siya sa motor ko at tinignan at inspeksyon in kung ano ba ang problema dahil sinabi kong sira iyon kanina.
Ilang sandali pa ay doon na niya ako binalingan.
“Mr. Mondragon, wala naman akong nakitang problema sa motor mo. Did you make this purpose again?”
“Nope. Ayaw ko lang sayangin ang oras mo sa mga walang kwentang tao. Sa tingin mo ba ay magiging kompatible kayo ng lalaking iyon sakaling nagpatuloy ka sa pakikipag kita sa kanya?”
“Problema ko na iyan, mr. Mondragon. Kung wala rin naman palang problema ang motor mo ay aalis na ako. I have to…”
“I will increase your salary,”
Patalikod na siya ng sabihin ko iyon. Natigil siya sa pagtalikod at muling humarap sa akin.
“What? Ayaw mo? Hindi ba ay malaking sahod lang naman ang hinahanap mo? Ayaw mo pa nun, you can do whatever you like when you are working with me and double your salary.”
Kunot na naman ang noo niya. Napailing na halatang hindi makapaniwala na nakatitig lang siya sa akin.
Ilang sandali pa ng kanyang papahimik ay nagpakawala siya ng buntong-hininga, saka niya tinapik ang motor ko.
“Then, what are you waiting for? You already paid for my day off today, let’s go back to work.”
Sa sinabi niya ay napangiti ako. Ngunit sa loob-loob ko ay naiinis pa rin ako dahil kung hindi dahil sa tinaas kong sahod niya ay siguradong hindi na siya magtatrabaho sa akin.
"Ako din, mi esposa. Hindi ko din kayang mawala sa atin si Sofia. At hindi ako titigil.. hindi kami titigil ni Kenneth na maghanap ng donor sa kanya. Mahaba pa ang pitong araw na sinabi sa atin ng doctor kaya magtiwala lamang tayo sa KANYA." sabi ko sa pilit pinapatatag ang sarili ko na huwag magpaapekto sa nakikita kong ayos niya ngayon dahil sa kalagayan ng anak namin."Aalis na muna ako, Dad, mom." napalingon kami kay Kenneth. "Ayaw kong magsayang ng oras ngayon. Kahit baliktarin ko pa ang mundo makahanap lamang ng donor para sa kanya ay gagawin ko."Pagtango ang naging sagot ko."Hijo. S-salamat, hijo."Maayos na nagpaalam ito sa amin. Dalawa na lang ulit kami ni Ellena ang naiwan. Ilang minuto din ang lumipas na wala halos kaming napag usapan ni Ellena."D-daddy."Mabilis ang naging pagtugon namin ng marinig namin ang boses niya. Halos hindi na din niya maimulat ang mga mata niya. Hindi na din maikilos ang ulo para lingunin kami pareho ng mommy niya."D-daddy." kinakapos na hinin
"Busy ako sa paghahanap ng donor para sayo, little Sofia. Nakadalaw lang ako ngayon dahil pinalitan ako ng daddy." sagot ko kahit na ang totoo ay halos araw araw akong bumibisita at inaalam ang kalagayan niya kaso nga lang ay lagi siyang tulog kapag dumadalaw ako,Kahit na saglit lang ang mga oras na nakikita ko siya ay okay na iyon sa akin basta makita ko siyang patuloy na lumalaban sa sakit niya ay hindi din ako mapapagod sa paghahanap ng donor para sa kanya."I-i told d-daddy not to hurry. I'm fine. D-don't worry." kahit na gusto niya sigurong ngumiti ay hindi na niya magawa. Wala na rin buhay ang kislap ng kanyang mga mata."Yes, you are little Sofia. I know. You are fine. Just fine enough for us not to worry." sagot ko at pilit na itinago ang pag aalala ko. Kahit na sobra kami sa pag aalala sa kanya ay kailangan naming itago iyon sa kanya dahil nakikita namin kung gaano siya katatag.Kahit na mahinang mahina na siya ay pilit na ipinapakita kung paano niya labanan ang sakit niya.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga ng marinig ko ang sinabi niya."Why?" hindi ko mapigilang tanong iyon sa kanya na hindi maitatago doon ang panunumbat kung bakit? Bakit hindi niya sinabi sa amin na matagal na pala siyang nakakaramdam ng paninikip sa dibdib."D-daddy. Are you mad at me?" mahinang boses na tanong din niya.Umiling ako. Hindi ako galit sa kanya. At kailanman ay hindi ako magagalit sa kanya kahit na makagawa pa siya ng kasalanan. Hinding hindi ako makakaramdam ng galit sa kanya pero sa pagkakataong ito... nakaramdam ng pagtatampo sa kanya dahil hindi niya sinabi sa amin ang nararamdaman niya. Kung sinabi niya noon pa ay baka hindi siya aabot sa puntong babalik ng tuluyan ang sakit niya sa puso kahit na ibang puso na ang tumitibok sa kanya.Sinabi ng doctor na rare ang naging kalagayan niya dahil bihira namang bumalik ang sakit niya pero may posibilidad paring humina iyon after 25 years pero bakit ang aga naman yatang humina ng puso niya.Everytime daw na may n
"Bakit hindi kayo nag iingat? Kailan pa? Bakit hindi niyo siya iningatan?" malakas na sumbat ni Lolo nang maipaliwanag ni daddy ang kalagayan niya."Lolo, calm down." si mommy ang pumigil kay Lolo dahil nakitaan ko si daddy na tila galit din sa naisumbat ni lolo. "Kami man ay humihinahon kahit na gusto kong manumbat sa kung sino ang nagkamali sa amin. Pero lolo, walang may gustong bumalik ang sakit ng anak ko. H-hindi.. h-hindi k-ko gu-gugustuhin n-na muling m-maranasan ng a-anak ko a-ang n-naranasan n-niya noon." tuluyan ng humagulgol ng iyak si mommy na agad dinaluhan ni daddy habang tahimik lang si lolo na alalang alala din.Kahit na pinipigilan ko ang luha ko ay hindi ko na mapigilan ang daluyan ng luha ang mga mata dahil ramdam ko kung gaano kabigat kay mommy ang sinabi niya.Ngayon ko tuluyang naramdaman kung gaano naghirap nuon si Sofia sa sakit niya sa puso. Iyong kahit wala ako noon ay nakikinita ko na kung paano siya pinahalagaan nina mommy at daddy nung baby pa lamang siya
Bumaba ako ng kotse.Nakahanda na para sa pakikipagkita ko sa kablind date na inayos pa nina mama para sa akin.Wala akong balak makipag blind date ngunit hindi na daw mahintay nina mama at papa kung kailan ko daw balak pumasok sa isang relasyon. Magkaroon ng boyfriend na agad magpaplano ng kasal a
Para akong mabibingi matapos kong makinig sa mahabang sermon sa akin ni Mama tungkol na naman sa mga balitang kumakalat sa social media. Na kung kani-kanino na lang daw sumasabit ang pangalan ko.Wala akong nagawa kundi ang tapusin ang mahaba nitong sermon bago ako umakyat at nagpasyang maligo na m
Pahagis na binitawan ko ang huling dokumento na pinirmahan ko. Nag inat pa dahil sa pangangalay ng kamay at likod ko sa dami ng pinirmahan ko at binisang mga dokumento.Iginala ko ang paningin sa paligid.Nawala si Lucy na kanina lang ay nasa lamesa nito.Hindi ko na napansin ang paglabas niya kani
Kinuha ko ang extra helmet sa topbox at binigay iyon sa kanya.Her helmet that I always prepare especially for her. I always carry it whenever I go using my big bike.Hindi na rin naman ito ang unang beses ko siyang naisakay sa motor ko.It’s been a long time since the last time.Isusuot na sana ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.