LOGINPagsapit ng madaling-araw, nanatili pa rin si Bella sa tabi ng kama ni Jace.Ilang ulit na siyang pinapahinga nina Crissy at Donya Carmelita, ngunit tumanggi siyang umalis sa ICU. Hindi niya kayang ipikit ang mga mata habang hindi niya alam kung muli pa bang magigising ang lalaking minamahal.“Bella, kailangan mong magpahinga kahit sandali,” mahinang sabi ni Crissy. “Hindi makabubuti sa inyo ng baby ang sobrang pagod.”“Dito na lang ako,” sagot niya. “Kapag nagising siya, gusto kong ako ang una niyang makita.”Marahang pinisil ni Donya Carmelita ang kanyang balikat bago ito sumunod kay Crissy palabas. Naiwan si Bella sa tabi ni Jace, kasabay ng mahinang ugong ng mga makina.Hinawakan niya ang kamay nito.“Marami pa tayong kailangang ayusin,” bulong niya. “Kaya huwag mong isipin na sapat na ang pagsalo mo sa bala para mapatawad kita agad.”Huminga siya nang malalim upang pigilan ang panibagong pagdaloy ng kanyang mga luha.“Galit pa rin ako sa’yo. Nasasaktan pa rin ako. Kaya bumangon k
“Jace!”Napasigaw si Bella habang pilit na sinasalo ang katawan nitong unti-unting bumibigat sa kanyang mga bisig.Muling itinaas ni Maecy ang baril, ngunit bago pa nito maitutok sa kanila, sinunggaban ng security officer ang pulsuhan nito. Pumailanlang ang sigaw ng babae habang pilit na kumakawala.“Bitawan mo ako! Papatayin ko siya!”Mabilis na inagaw ng isa pang guwardiya ang baril bago pinadapa si Maecy sa semento at ipinosas. Patuloy ang pagsigaw at pagmumura nito, ngunit halos hindi na iyon marinig ni Bella.“Tumawag kayo ng ambulansiya!” sigaw niya. “Bilisan ninyo!”Marahang inihiga ni Bella si Jace sa semento. Nang makita niyang mabilis na kumakalat ang dugo sa suot nitong polo, hinubad niya ang kanyang jacket, itinupi iyon, at mariing idiniin sa sugat sa dibdib nito.Napangiwi si Jace.“Sorry… Kailangan kong pigilan ang pagdurugo.” Nanginginig ang kanyang mga kamay. “Jace, tumingin ka sa akin. Huwag mong ipikit ang mga mata mo.”Bahagyang gumalaw ang mga labi nito. “Ikaw… lig
Parang tumigil ang paligid ni Bella habang nakatitig sa mensaheng nasa monitor.Napalingon siya kay Jace. Namutla ito at mahigpit na nakakuyom ang isang kamay sa gilid ng mesa.“Si Maecy…” halos pabulong nitong sambit. “Siya ang mastermind sa tangkang pagkidnap at pagpatay sa’yo?”“Hindi pa natin siya kokomprontahin,” mariing sabi ng imbestigador. “Hindi rin muna dapat malaman ni Maecy na nakita natin ang mga mensaheng ito.”“Pero malinaw ang pangalan niya,” ani Jace.“Contact name lang iyan. Kailangan muna nating mapatunayan na sa kanya nakarehistro o konektado ang numerong ginamit. Kukunin din natin ang buong message history at call records. Kapag kumpleto na ang ebidensiya, saka tayo kikilos.”Huminga nang malalim si Bella. Kahit malinaw ang nabasa niya, alam niyang hindi maaaring emosyon lamang ang pairalin. Isang maling hakbang at maaaring makatakas sina Maecy at Jonathan.“Mahahanap ba ninyo si Jonathan gamit ang cellphone?” tanong niya.Tumingin ang imbestigador sa digital fore
“Ulitin mo,” ani Bella.Kahit natatakpan ng sombrero at face mask ang malaking bahagi ng mukha nito, may kung anong pamilyar sa mga mata at tindig nito.“Sabihin mo kung saan ko ihihinto.”“Diyan.”Pinindot nito ang pause nang bahagyang tumingala ang lalaki habang inaayos ang identification card na nakasabit sa dibdib. Pinalaki ni Anthony ang larawan.Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Bella. Malinaw na ngayon ang manipis na peklat sa gilid ng kaliwang kilay nito.“Si Jonathan nga.”“Gaano ka kasigurado?” tanong ni Anthony.“Siguradong-sigurado siya,” singit ni Jace. “Dating boyfriend niya ang lalaking ’yan.”Napalingon si Bella rito. Mabilis na napalitan ng inis ang takot na gumapang sa dibdib niya.“Talagang hanggang ngayon, pinaniniwalaan mo pa rin si Maecy?”Bahagyang kumunot ang noo ni Jace. “Hindi ba—”“Hindi ko naging boyfriend si Jonathan.” Hindi na niya napigilang tumaas ang boses. “Same school natin siya, kaya kilala ko siya. At nakita ko siyang kahalikan ni Maecy. Pati ang
Hindi nakaligtas sa paningin ni Bella ang biglang pagliwanag ng mukha ni Jace.“Kung totoo ang narinig ko,” sabi nito, hindi maitago ang pag-asang sumilay sa mga mata, “ibig sabihin, hindi kayo legal na mag-asawa.”“Jace, tunay man o hindi ang kasal, it does not matter.” Pinilit ni Bella na manatiling malamig ang boses. “Ang mahalaga, nagmamahalan kami.”Naging mapait ang kasinungalingan sa kanyang bibig, ngunit iyon lamang ang naisip niyang paraan upang pigilan ang pag-asang mabilis na nabubuo sa mukha nito. Hindi pa nga niya lubos na nauunawaan ang ginawa ni Matthew, sinusubukan na agad ni Jace na humanap ng puwang sa buhay niya.“Well, hindi naman siguro masamang isipin na may pag-asa pa ako sa’yo.”“Baliw ka ba?”Bahagyang ngumiti si Jace. “Oo. Baliw na baliw sa’yo.”Mabilis na umiwas ng tingin si Bella nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso. Hindi ito ang tamang panahon upang maapektuhan siya sa mga salitang matagal na niyang hinintay marinig noon.“Umalis ka na. May meeti
Naghintay si Fiona banggitin ni Matthew si Lyneth. Nais niyang bigyan ito ng pagkakataong magsabi ng totoo, ngunit nanatili lamang itong tahimik habang mariing nakatitig sa daan.“Wala akong relasyon sa babaeng nakita mo,” mariing sabi nito.Hindi na kumibo si Bella.Pagdating sa bahay, agad na pumarada si Matthew. Kakabukas pa lamang ni Bella ng seat belt nang huminto rin sa tapat ang kotseng kanina pa nakabuntot sa kanila.Bumukas ang pinto niyon at bumaba si Jace.Nanlaki ang mga mata ni Bella. “Jace, anong ginagawa mo rito?”Lumapit ito sa kanila, kalmado ngunit matigas ang mukha. “Gusto ko lang masigurong ligtas kang nakauwi.”Biglang isinara ni Matthew ang pinto ng sasakyan. “Gago ka talaga! She’s my wife! Huwag mo kaming guluhin!”“Matthew, huwag—”Hindi na siya nito pinakinggan. Mabilis nitong nilapitan si Jace at walang babalang nagpakawala ng suntok.Ngunit bago tumama ang kamao nito, sinalubong iyon ng kamay ni Jace—at sa unang pagkakataon, nakakita si Bella ng tunay na tak
Iniluwa ng pinto si Matthew. Mabuti na lamang at naghiwalay na ang labi nila Jace at Bella. Namula ang kanyang mukha. Hindi siya dapat nagpadala sa silakbo ng damdamin.Agad niyang nilapitan si Matthew. “Bakit ka nandito?”“Hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko kaya nag-alala ako.”“Ah, nagin
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong
“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siy
Kinabukasan ay nagkasabay sa pagpasok sila Bella at Jace. Humahabol si Maecy sa kanila. As usual, kita ang singit nito sa iksi ng skirt.“Jace, babe. Bakit hindi mo sinasagot ang chat at tawag ko?”“Tapos na tayo, Maecy,” malamig na sabi nin Jace habang naglalakad patungo sa elevator.Nagulantang si Ma







