Share

Kabanata 15

“Why didn’t you tell me?”

Napilitang umikot ng higa si Nicole pa harap kay Alexander nang mag tanong ito, ilang minuto na rin mula nang matapos ang mainit nilang tagpo kanina at piniling manahimik ni Nicole para sana mag isip.

Ngunit kahit anong pilit niyang mag isip pakiramdam niya pa rin ay niloloko niya lamang ang kanyang sarili, ano pa nga bang dapat isipin eh natapos na, na suko niya na ang bataan at ang masaklap pa doon ay sa boss niya pa na ibigay.

“Why didn’t you tell me that you were a virgin?”

Ulit na tanong sa kanya ni Alexander nang ilang minuto na ay nanatili pa rin siyang tahimik.

“H-hindi ko naman po kasi alam na kailangan niyo pa pong malaman ang tungkol doon.”

Sa wakas ay bulong ni Nicole, mahina man ang pagkaka sabi niya dito ay alam niya pa rin naman na narinig nito iyon, kita niya ang pag tagis ng bagang nito na siya namang nag pa lito sa kanya.

Gusto niyang mag tanong kung galit ba ito, at kung oo ang sagot gusto niyang malaman kung bakit, ngunit wala siyang lakas ng loob na mag tanong.

“Of course I need to know, you should have told me Nicole, damn it!”

Bakas ang inis sa boses na sabi ni Alexander, hindi naman malaman ni Nicole kung dapat ba siyang mag sorry dito, mag sorry dahil virgin siya? Tama ba iyon?

Inis na inihilamos ni Alexander ang mga palad sa mukha nito saka padabog pang tumayo mula sa pag kaka higa sa kama, nanakit naman ang katawan at ang maselang bahagi sa pagitan ng mga hita na pinilit ni Nicole ang kumilos para ma upo sa kama at sumandal sa headboard niyon.

“S-sorry…”

Tila wala sa sariling bulong niya, alam niyang kahit papano ay narinig pa rin naman iyon ng kanyang boss, agad na napa lingon ito sa kanya saka tila lumambot ang kanina ay inis na inis na ekspresyon ng mukha.

“Don’t say sorry, you shouldn’t be sorry Nicole.”

Masuyong sabi nito saka agad siyang nilapitan para halikan sa ulo, nangunot naman ang noo ni Nicole dahil sa pag ka lito, naguguluhan siya, kanina pa siya na guguluha dahil sa ikinikilos ng kanyang boss.

“P-pero galit ka at hin-“

“I wasn’t mad at you, I was mad at myself. I should’ve been careful, hindi sana kita nasaktan ng ganon, I was mad about the situation Nicole dahil hindi ko alam.”

Paliwanag nito, nanatili lamang namang tahimik si Nicole at tinitigan lamang ang binata.

Hindi naman kasi niya alam ang dapat na sabihin, ano nga ba?

“Thank you Nicole, thank you for this gift.”

Sincere na sabi pa nito, hindi naman malaman ni Nicole kung dapat ba siyang matuwa na iyon ang sinabi ng kanyang boss o dapat siyang malungkot dahil alam niyang hangang doon lamang iyon.

Hindi niya na napigilang maramdaman ang huli, bakit nga ba naman kasi nag pa ubaya siya ng ganon sa Alexander na ito eh kahit saang angulo tingnan ay boss niya pa rin ang lalaki at isa lamang siyang hamak na empleyado nito.

Dahil wala pa ring maisip na maisasagot kay Alexander ay nag pilit nalang ng ngiti si Nicole dito kasabay ng pag lapit ni Alexander at pag tangap niya sa malalim na halik nito.

Ilang minuto rin silang ganon at habang tumatagal ay mas lumalalim lamang ang lungkot na namumuo sa puso niya, masyado mang mabilis at masasabi na rin marahil na masyado siyang marupok ngunit iba na ang pakiramdam niya para sa kanyang boss, masyado mang mabilis na sabihin ngunit pakiramdam niya ay hindi na simpleng pag hanga lamang ang nararamdaman niya para rito, at alam niyang hindi iyon maganda para sa kanya.

Kung tatanongin kasi kung bakit nga ba basta na lang siyang nag padala sa agos ng karupokan, sa tawag ng ka pusukan ay hindi niya rin alam ang sagot.

“Take a rest Nicole, we will have a long day tomorrow.”

Bulong nito nang sa wakas ay iwan na rin nito ang kanyang mga labing nag hahanap, na kahit ilang beses pang halikan ng lalaking ito ay alam niyang hindi pa rin magiging sapat.

Muli siyang nag pilit ng ngiti dito nang alalayan pa siya nitong mahiga sa malambot na kama ng cottage na iyon.

“Ikaw din, mag pa hinga ka na.”

Mahina ang boses na sabi niya rito nang maayos ang pag kaka higa.

Muli pa siya nitong hinalikan sa noo saka siya nginitian.

Halos tumalon naman palabas ang kanyang puso dahil sa ngiting iyon, ngayon ang unang beses na ngumiti ito at pakiramdam niya ay lumulutang siya sa mga ulap sa isiping alam niyang para sa kanya ang matamis na ngiting iyon ng isang Alexander Montefalco.

“I will.”

Bulong pa nito saka agad na kumilos para lumapit sa kabilang bahagi ng kama saka na higa din doon, dahil rin marahil sa pagod ay agad na hinila siya ng antok. Hindi niya rin alam kung anong oras na ba ngunit alam niyang malalim na ang gabi.

Nanakit ang halos buong katawan na pinilit ni Nicole ang kumilos at patalikod na nahiga kay Alexander, naramdamaniya rin ang pag kilos ng kanyang boss at mayamaya pa ay ang malaki at matigas na braso naman nito ang pumulupot sa kanyang hubad na baywang na natatakpan lamang ng isang manipis na kumot.

Dahil din marahil sa antok kaya hindi na niya nabigyan pa ng pansin iyon lalo pa at agad din siyang naka tulog.

Nagising si Nicole dahil sa mabangong amoy ng tila bagong timplang kape, pilit siyang nag mulat ng mga mata para lamang muling mapa pikit dahil sa sinag ng araw na pumsok mula sa bintana ng cottage na kinaroroonan nila, mukhang mataas na ang sikat ng araw ngunit heto siya at gusto pang mag lagi ng ilang oras sa kama para muling matulog at balutin ng kumot ang buong katawan dahil sa lamig, hindi na rin naman nag taka pa si Nicole sa lamig ng umaga, nasa tabi sila ng napaka gandang lawa kaya alam niyang normal lamang na ganoon ka lamig ang simoy ng hangin, bukod pa doon ay buwan na ng sityembre.

Unti unting nag mulat siya muli ng mga mata para kahit papano ay maka adjust siya sa sinag ng araw, agad din siyang nag inat na sana pala ay hindi niya na lang ginawa, tila mas lalo kasing sumakit ang buo niyang katawan dahil doon.

“Aray, ang sakit ng katawan ko.”

May kalakasan ang boses na reklamo niya saka bahagyan hinilot nag sariling balikat, sa sakit kasi ng katawan niya ngayon ay daig niya pa ang naki pag laban sa isang mahabang marathon, o di kaya naman ay nag pa bugbog siya sa isang pang ma lupitang ehersisyo.

“You’re up, come have coffee. My business partners called to inform me that they will be late, they will probably arrive here by afternoon and I thought it was a good thing since we are both not ready to accommodate them.”

Agad na napa lingon si Nicole sa lamesang kinaroroonan ni Alexander, gusto naman niyang simangutan ito dahil bukod sa sobrang kaswal nito ngayon ay trabaho na agad ang sinabi sa kanya.

Well talaga namang trabaho ang ipinunta nila rito, ano naman ang inaasahan niyang sasabihin sa kanya ngayon ng abnormal na CEO?

Agad na kumilos si Nicole para sana bumangon na sa pag kaka higa nang maalalang wala nga pala siyang suot na damit at hubad ang buo niyang katawan na nababalutan ng puting kumot.

Agad ang pag ragasa ng pag ka taranta dahil hindi malaman ang gagawin na agad na inilibot ni Nicole ang tingin sa kabuoan ng napaka gandang cottage na iyon para hanapin ang suot niyang damit kagabi nang makitang maayos na naka tiklop sa may bandang paanan ng kama ang kanyang kulay pulang two piece.

Halos ma tampal pa niya ang nuo sa pangungunsumi sa kung ano na ang isusuot niya ngayon, nawala nga pala kagabi ang suot niyang dress.

Muling inilibot ni Nicole ang tingin at agad na napa ngiti nang makita ang naka sabit na kulay puting roba sa may bandang uluhan niya, katulad iyon ng suot ni Alexander.

Agad siyang kumilos para kunin iyon habang ingat na ingat na huwag mahulog ang naka balot na kumot sa hubad niyang katawan.

Naka upo pa rin naman siya sa kama kaya hindi naman naging ganon kahirap, isa pa mababa rin lang naman ang pag kaka sabit ng roba.

Nang ma kuha iyon at maka pag bihis ay mabilis na din siyang tumayo mula sa pag kaka upo sa malambot na kamang ngayon lamang niya naranasang tulugan.

“Ahh! Aray ko.”

Mahina niyang d***g nang makatayo at maramdaman ang pag ragasa ng hindi ma ipaliwanag na sakit sa kanyang hita at balakang higit sa kanyang pagka babae.

“What you’re feeling right now is normal after what happened last night.”

Kaswal na sabi pa ni Alexander na agad na lumapit sa kanya para tulungan siyang kumilos.

Nahihiya namang pilit tiniis ni Nicole ang kirot sa kanyang kaselanan saka umayos ng tayo at pilit na nag lakad hindi pa man tuluyang nakaka lapit sa kanya si Alexander.

“Come let’s have breakfast.”

Alok nito sa kanya na hindi na itinuloy ang balak na pag lapit nang makitang maayos na rin ang pag lalakad niya.

Agad niya ring natanaw ang maayos na naka ayos at tila masasarap na almusal sa lamesa.

“S-sana ginising niyo po ako sir, nakaka hiya po kayo pa ang nag handa nito.”

Nahihiyang sabi niya dito na agad namang ikina kunot ng noo nito, na tahimik naman si Nicole. Bumalik na ang dating masungit at palaging naka kunot ang noong CEO.

“Alexander Nicole, Call me by my name. There is no need to call me sir when it’s just the two of us. Isa pa, drop the po, you don’t need to be overly respectful and civil when no one is around.”

Kaswal na sabi nito habang matamang naka titig sa kanya, wala namang nasabi pa si Nicole kundi ang mapa tanga nalang dito.

‘Ano bang nangyayari?’

Naguguluhang tanong niya sa sarili.

“Hindi na kita ginising because I thought you were still very tired from last night, also thought maybe you still needed some more rest.”

Dagdag pang sabi nito na lalo lamang namang ikina tanga ni Nicole, bakit ba ganoon lamang ka dali at ka kaswal kung bangitin at pag usapan ni Alexander ang tungkol sa nangyari sa kanila kagabi samantalang siya ay heto at mamatay matay sa pag ka ilang at halos mag kulay kamatis na ang kanyang mukha sa pag ka pula at kahihiyan.

“M-maayos naman na po ako sir.”

“Alexander, and I said drop the po.”

Tila na pipikon nang paalala nito, napa pikit naman si Nicole saka paulit ulit na itinatak sa utak ang sinasabi ng kanyang boss, hindi naman kasi ganoon kadali para sa kanya na basta na lang itong tawagin sa pangalan, kahit ba naman may nangyari sa kanila at ito ang naka kuha ng iniingatan niyang dangal eh boss niya pa rin naman ito, bukod doon ay wala naman silang ibang relasyon kundi ang simpleng mag ka trabaho, EA siya at CEO si Alexader.

Nahihiya pa rin na nag pilit nalang tumango si Nicole at piniling huwag na lamang mag salita.

“Breakfast.”

Ma awtoridad na muling sabi nito, may kasungitan ang boses ngunit bakas pa rin ang pag aalala.

Kahit na hihirapan sa pag lalakad ay agad na kumilos si Nicole para lumapit sa lamesa kung nasaan ang naka handang pagkain saka na upos doon, hindi niya na rin binigyan pa ng pansin si Alexander na naka sunod lamang sa kanya at agad ding na upo sa katapat na silya.

Lubos ang pag ka ilang na pilit iniiwas ni Nicole ang mapa tingin sa kanyang boss na seryosong seryoso nanaman ang mukhang kinakalikot ang cellphone nito at piniling sa mga pagkain sa hapag na lang ituon ang pansin, una niyang dinampot ang mainit pang tasa ng kape saka humigop doon ng kaunti, napaka sarap niyon at tila ba amoy palang ay alam niya nang mamahalin.

“Eat some foods Nicole, hindi ka mabubusog sa kape.”

Halos mapa talon siya sa gulat nang biglang mag salita nanaman si Alexander, napilitan din siyang tingnan ito na mataman palang naka titig sa kanya, dahil sa pag ka ilang dito ay tanging pag iling na lang ang nagawa niyang isagot dito.

Ewan ba niya, kumakalam naman talaga ang kanyang sikmura ngunit wala siyang ganang kumain ng kahit na ano kahit pa ba napaka sasarap ng mga pagkaing naka hain sa lamesa.

Na lipat ang tingin ni Nicole sa pagkaing dinampot ni Alexander, ngani ngani niya pa itong pigilan nang ito na mismo ang mag lagay ng pagkain sa platong nasa tapat niya.

“Eat.”

Ma awtoridad na utos nito.

“W-wala po akong ganang kumain eh.”

Halos pa bulong na sabi niya rito, hindi naman ito nag salita at sinamaan lang siya ng tingin.

Napa simangot naman dito si Nicole saka dinampot ang kutsara at pinilit ang sariling kumain.

‘Hindi ba talaga ako mananalo sa ka sungitan ng lalaking ito?’

Bulong niya sa sarili saka pinili na lang na huwag nang pansinin ang kanyang boss na daig pa ang isang tatay na todo bantay sa anak na ayaw kainin ang naka haing gulay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status