Contracted to my twin's rival CEO

Contracted to my twin's rival CEO

last updateLast Updated : 2026-05-29
By:  GraciasCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
22Chapters
207views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Ellie Allys Joson, probinsyana mula Batangas, napilitang pumunta ng Manila para iligtas ang tatay niyang may kidney failure. 800k ang kailangan, pero 3,500 pesos lang ang dala niya. Napunta siya sa Smith Corp bilang PA ni Luke Smith—masungit, malamig, at CEO na parang galit sa mundo. Hindi niya alam, si Luke ang driver na bumangga sa tatay niya 10 years ago at tumakas. Tapos lumabas si Gab Smith, kambal ni Luke. Mas mabait, mas mapaglaro, at siya ang unang nagsabi kay Ellie ng totoo. Para manahimik si Ellie, inalok siya ni Luke ng contract marriage: 1 year, 800k kapalit. Pambayad sa operasyon ng tatay niya. Pero paano mo tatanggapin ang pera ng taong sinisisi mo sa pagdurusa ng pamilya mo? At paano kung unti-unti mo nang nakikita ang lalaking nasa likod ng pagiging masungit niya? Isang linggo lang dapat ang deal. Pero sa loob ng pitong araw na yun, mabubuksan ang lihim na magpapabago sa buhay nilang tatlo. Contract marriage. Family betrayal. Love na hindi dapat nangyari. Dahil sa Manila, walang libre. Lahat may kapalit. Kahit ang pag-ibig.

View More

Chapter 1

Chapter 1: "Hindi ako yaya ser" POV.Ellie

*[Manila, 7:00 AM. Terminal ng bus.]*

“Ellie! Ellie!”

Pagtalikod ko, si Ate Minda na. May dala siyang plastic na may pandesal at itlog, tapos basang-basa pa sa pawis. Halatang galing trabaho.

“Kain ka na muna. Mahigit 12 oras ka sa byahe, mukha ka nang zombie,” pabirong sabi niya habang sinasalpak sakin yung pagkain. “Hindi ka makikipaglaban sa Manila kung wala ka sa sikmura.”

Ngumiti ako kahit pagod na pagod na. “Salamat, Ate. Babayaran ko rin ‘to pag nakuha ko na sahod ko. Promise.”

“Huy,! wag mo ko utangan. Para sa’yo yan. Ayusin mo lang yung sa tatay  mo ha? Chat mo ko kung may kailangan ka. Kahit gabi, gising ako.”

Tumango ako. Hindi ko na pinigilan yung luha na kanina pa nagbabantang bumagsak. Hindi dahil sa pagod. Kundi dahil sa takot.

12 oras ang  byahe mula Batangas. Dala- dala ko yung 3,500 pesos na ipon ko, isang maleta na may butas sa gilid, at medical record ni Tatay na nakabalot sa plastic. Stage 3 kidney failure ang sakit ni tatay. Kailangan ng 800k para sa transplant. 

800k. Eh ako, 3,500 lang. 

Parang biro. Pero hindi.

“Ma’am, hiring po ba kayo ng kasambahay?” tanong ko sa babaeng may hawak na clipboard sa labas ng terminal. Halata na galing sa agency yun. May name tag pa na “Manila Home Care.”

Tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Parang binibigyan ako ng score.

“May experience ka ba?”

“Wala po, pero mabilis ako matuto. Masipag po ako at hindi po ako reklamador.”

“Hindi pwedeng basta masipag lang, kailangan may NBI, may recommendation, may barangay clearance. Bukas ka na lang bumalik kapag kumpleto na requirements mo."

Ayon! Reject #7 ngayong umaga. 

Napatayo ako sa gilid ng kalsada, hawak yung papel na may address ng hospital. Ospital ng Maynila. Dun daw may charity ward. Baka pumayag sila na installment. Baka pumayag sila na kahit konti lang muna. 

Pero paano kung hindi? Paano kung sabihin nila “wala nang slot”?

Hindi pwede.... Hindi pwede na ganun lang.

“Excuse me, miss. Naliligaw ka ba?”

Lumingon ako. Isang Lalaki. Naka-suit, naka-sunglasses kahit na umaga pa lang. Gwapo sya pero parang inis sa mundo. Mga 28 na siguro. May hawak na coffee, at amoy mamahaling pabango.

“Hindi po. Naghahanap lang ako ng trabaho,” sagot ko. Pinunasan ko muna bibig ko bago sumagot. Baka may mumo pa.

“Sa itsura mo, mukhang hindi ka fit magtrabaho sa corporate. Baka mas bagay sa’yo maging yaya.”

Aray. Diretso. Walang paligoy-ligoy. 

Ngumiti ako ng pilit. “Sorry po, hindi ako yaya. Pero kung kailangan niyo ng tao na maglilinis ng attitude niyo, pwede ako.”

Natigilan siya. Tapos biglang tumawa.Yung tawang pilit .

“Interesting. Ano pangalan mo?”

“Ellie Allys Joson po. Probinsyana po ako, pero hindi tanga.”

“Luke Smith.”

“Ah, okay. Mr. Smith. May trabaho po ba kayo for me?”

“Wala.”

Tumalikod na siya, na parang wala lang yung usapan namin.

“Pero may opening sa Smith Corp for utility staff. Bukas 8AM interview. Sabihin mo ikaw pinadala ni Luke Smith. Kung papasok ka, wag kang magpapalate. I hate late.”

Tinalikuran na talaga ako. Iniwan ako na may number sa papel. Sulat kamay. Walang pangalan. Basta number lang.

Grabe! Ang yabang. Pero bakit parang… kinilig ako konti? Yung tipong kinilig ka kasi may pag-asa?

Hinawakan ko ng  mahigpit yung papel. Ito na yun. Ito na yung first step.

---

*[Kinabukasan. Smith Corp Building. 35th floor. 7:58 AM.]*

Ang taas ng building. Ang kinis ng sahig. Ang bango ng aircon. 

Ako, heto.. pawis na pawis sa blouse na binili ko sa Divisoria kahapon. 120 pesos lang pero maganda naman. 

“Next! Ellie Allys Joson!”

Pumasok na ako. Tatlong tao lang ang nasa loob. Mahabang mesa, laptop, at papel na ang daming sulat. Yung nasa gitna, si Luke Smith ulit. Walang syang imik at pang boss talaga ang atake.

“Ser? Ikaw pala mag-iinterview?” tanong ko. Sinubukan ko maging friendly. Baka sakaling gumana.

“No.. ahhmm..  i'm the  CEO. Yung nasa kanan mo HR. Then dito ako , para mabantayan kita ,if ever na magnakaw ka" sabay ngiti nya ng nakakapanloko.

Ang bastos nya talaga. Wala bang filter to? bulong ko sa sarili ko.

“Ser, kung magnanakaw ako, hindi ako dito mag-aapply. Sa bangko ako pupunta, Dun malaki ang pera.”

Narinig ko yung HR na nag mura ng mahina. Parang “anak ng—”. Hindi na nya naituloy.

 Si Luke tumingin sakin ng matalim. Parang x-ray ako kung titigan. "Why do you want to work here?”

“Kailangan ko ng pera. Malaking pera.”

“why?”

“Personal.”

Tumayo siya. “Rejected.”

“Ha?! Wala pa nga akong sinasabi!”

“Sa interview, kapag sinabing ‘personal’, ibig sabihin may tinatago ka. Hindi ako kumuha ng liability.”

Tumayo rin ako. Hindi ako mag papatalo. “Fine.! Pero bago ako umalis, tanong ko lang. Kung tatay mo may sakit, at wala kang pera, anong gagawin mo?”

Tumahimik siya ng 5 segundo. Hindi siya kumurap. Parang binabasa niya ang mga mata ko.

“Magtatrabaho ako ng mas gago kaysa kahapon.”

“Edi yun din ginagawa ko. So bakit rejected?”

Nagkatinginan kami. Yung HR parang gusto na akong ilabas eh. Yung isa pang lalaki sa gilid, tahimik lang. Parang guard.

Umupo ulit si Luke “Utility staff. 18k monthly. 6 months probation. One mistake, out ka. At wag kang magpapahuli na umiiyak sa CR ko. Naiinis ako sa iyakin.”

“Deal.”

“Pero may condition,” dagdag niya. “Magiging personal assistant kita for 1 week. Kapag nagustuhan ko, mag i-stay ka. Kapag hindi, out kana agad with no salary.”

“Ano naman gagawin ko?”

“Magdadala ka ng kape. Mag-schedule ng meeting. Mag-print ng files. At wag kang magtanong kung bakit ako masungit. Ganun talaga ako.”

Nagulat ako. Personal assistant? 18k? Sa isang linggo? Eh utility staff lang sinabi niya kanina ah.

“Deal,” sabi ko ulit, mas mabilis na ang sagot ko. Baka kasi magbago pa ang isip niya.

Paglabas ko ng room, may tumawag sakin.

“Miss! Ikaw ba si Ellie?”

Lalaki sya, kamukhang kamukha ni Luke. Pero mas maluwag ang ngiti nya, mas malambot ang mga mata. Parang sunshine version sya ni Luke.

“Ako nga at  Ikaw sino?”

“Gab Smith,  Kakambal ni Luke.”

Oh....

Oh no!.

“Hi Gab,” ngiti ko sa kanya. Sinubukan kong maging kalmado kahit gulat nagulat ako. “Ang gwapo mo rin pala, parang mas mabait ka kay kuya mo.”

Tumawa siya ng malakas. “Kuya? So nakita mo na si Luke?”

“Opo eh,masungit siya. Pero okay lang. Kailangan ko kasi ng trabaho.”

Tinitigan ako ni Gab ng matagal. Parang may hinahanap sya sa mukha ko. Parang may pagka familiar.

“Ellie… matagal na kitang hinihintay.”

Huh? Anong ibig sabihin nun?

“Bago ka magtrabaho dito, pwede ba kitang yayain mag-dinner? May kailangan akong sabihin sa’yo.”

Kinabahan ako, Bakit parang kilala niya ako? Baka may kambal din ako na hindi ko alam?

“Sorry po, Gab. May tatay akong may sakit. H-hindi ako pwede mag-date ngayon.”

Namutla siya. “Date? Hindi ah, Kausap lang. Para sa’yo din to.”

Bago pa ako makasagot, lumabas si Luke sa room. Naka-cross arms sya at  mukhang hindi na maipinta ang hitsura.

“Gab! Bawal ka sa empleyado ko.”inis na saad ni luke sa kakambal.

“Empleyado mo? Kelan pa?” balik na tanong ni Gab. Parang trip lang  niya makipag-away eh.

“Mula ngayon.”  sagot ni luke sabay lingon sa akin. “Ellie. Office ko. Now.!” 

“Ser, wala pa akong first day ah.”

“Ngayon na first day mo. And Gab, lay off her. Hindi siya yung hinahanap mo.”

Pagtalikod ko, narinig ko si Gab na bumulong:

“Hindi siya yung hinahanap ko… pero...bakit parang siya na yun?”

---

*[1:30 PM. Pantry ng Smith Corp.]*

“Ellie! Dali! Dalhin mo to kay Sir sa meeting room 3B!”

“Opo Ate!”

Si Ate Liza, head ng utility. Mabait siya. Siya lang ata mabait sakin dito sa floor.

Pagpasok ko ng meeting room, 15 tao nakaupo. Lahat naka-suit. Lahat sila seryoso. 

Sa dulo, si Luke. Naka-lean back,  may hawak sya na pen. Parang bored na bored na eh.

“Coffee for Ser,” sabi ko. Inilagay ko sa harap niya.

Tiningnan niya ako. “Sugar?”

“Wala po ser...Sabi niyo black lang.”

“Good.. that you remember.”

Tapos biglang tumayo yung isang board member. 

“Mr. Smith, about the Batangas project…”

“Later,” putol ni Luke. “We have an issue with the report. Page 12. Who made this?”

Lahat sila tumingin sa akin. 

Ako lang naman kasi nag-print nun eh.

“Me po,” sabi ko. Mahina. “Ako po nag-print.”

“Why is the figure wrong?”

",ahh-ehh. kasi po baka napalitan. Ganyan po kasi galing sa email niyo ser".

“Then you should have checked,” sabi ni Luke. “Go back and redo it. Now.”

Napahiya ako sa harap ng lahat. 

Paglabas ko, hinabol ako ni Ate Liza.

“Wag mo pansinin yun. Ganyan talaga siya sa lahat. Kahit sa VP.”

“Pero Ate, wala naman akong ginawang mali! eh”

“Alam ko. Pero gusto niya makita kung paano ka mag-react pag napipitikan ka.”

Eh bakit ako? Hindi ako aso.

---

*[6:00 PM. Lobby.]*

Tapos na yung shift ko. 12 hours. Walang break. 

Paglabas ko, nandon si Luke sa labas. Naka-lean sa kotse niya. 

“Sumakay ka,” sabi niya.

“Bakit? Ihahatid mo ko?”

“No..May dadalhin ka sakin bukas. 6AM. Wag kang malilate.”

“Ser, tao po ako. Hindi robot.”

“Then act like one. 6AM.”

Umalis siya. Iniwan ako na hawak yung plastic ng pagkain ko. Wala man lang “good job”.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan, tumunog phone ko. Unknown number.

“Hello?”

“Ellie?” Boses babae. Pamilyar. 

“Mama?”

“Anak, si Tatay… nahilo siya kanina. Dinala namin sa ospital. Sabi ng doctor, kailangan dialysis ngayon din. 50k kailangan namin.”

50k. 

Ngayon din.

“Mama, wala akong—”

“Alam ko anak. Pero wala na akong ibang tatawagan.”

Pinatay ko call. Umupo ako sa gilid ng kalsada. 

Pero,Paano ko hahanapin yun sa isang gabi?

Tumunog ulit yung phone ko. Si Luke nagtatawag.

“Nasaan ka?”

“Sa labas po ng office niyo. Bakit po?”

“Mag-report ka bukas 6AM. Wag kang mahuhuli. Kapag late ka, wala ka nang trabaho.”

“Ser, tatay ko nasa ospital. Kailangan niya ng 50k ngayon din. Wala akong—”

“Address.”

“Ano po?”

“Saang ospital? Room number?”

Hindi ako sumagot agad. Bakit ko sasabihin? Baka pagtawanan niya lang ako.

“Ellie. Now.!”

May kung anong tono sa boses niya na napilitan akong sumagot.

“Ospital ng Maynila. ICU 3rd floor. Room 312.”

“Stay there. Don’t move.”

Pinatay na niya ang tawag.

“Baliw ba siya?” bulong ko. “Ano gagawin niya? Magbibigay ng pera?”

5 minutes later, tumunog ulit yung phone ko. May message.

_“Processed. Dialysis will start in 30 minutes. Don’t quit tomorrow.”_

Hindi ko alam kung maiiyak ako o magagalit.

*[Kinabukasan. 5:55 AM. Smith Corp.]*

Maaga akong nagising. 5 minutes early. 

Ayoko ng marinig yung “late ka” niya.

Pagpasok ko, nandon na siya. Naka-suit na naman. Hawak ay kape.

“You’re early,” sabi niya. Parang nagulat pa.

“Kasi kailangan ko magtrabaho,” sagot ko sa kanya. “Salamat pala sa kahapon. Babayaran ko yun.”

“Don’t.”

“Pero 50k yun, Ser!”

“Consider it your first week salary advance. Work for it.”

Tumango nalang  ako. Wala naman kasi akong magagawa.

“Today, you’ll meet the board. Be quiet. Don’t smile too much. Don’t cry. Got it?”

“Opo, Sir Robot.”

Tiningnan niya ako ng masama. 

“Don’t call me that.”

“Bakit? bagay naman ah..”

Hindi na siya sumagot. Pumasok na lang siya sa elevator.

Pagpasok ko ng board room, nandoon na si Gab. Naka-ngiti sakin.

“Morning, Ellie. Ready for round two?”

“Round two ng ano?”

“Round two ng paghihirap mo kay Kuya.”

Bago pa ako makasagot, nagsalita si Luke.

“Meeting starts now. And Gab, if you flirt with my PA again, you’re out of the project.”

“PA? Siya na pala PA mo?”

“Mula ngayon. Permanent.”

Tumitig sakin si Gab. Parang may gusto siyang sabihin pero pinigil niya.

Pagkatapos ng meeting, hinila ako ni Luke sa office niya.

“Sit.”

“Bakit?”

“Kasi may sasabihin ako. And you need to listen without interrupting.”

Umupo ako at  kinabahan ako bigla.

“Gab thinks you’re someone else. Someone from his past. Don’t encourage him. Don’t go to dinner with him. Don’t get involved.”

“Bakit? NagseSelos ka ba?”

“No. Protection.”

“Protection kanino?”

“Sa’yo.”

Tumayo ako. “Ser, hindi ko kailangan proteksyon mo. Kaya ko sarili ko.”

“Not from him,” sabi niya. “From me.”

Hindi ko alam anong ibig sabihin nun. 

Pero bago pa ako makatanong, nag-ring na yung phone niya.

“Luke Smith.” 

Tahimik siya at nakikinig lang. 

Tapos bigla syang tumayo . “I’m on my way.”

Tiningnan niya ako. 

“ Sa Hospital. Now!  Your Father"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

John Calvin Anzano Dagasdas
John Calvin Anzano Dagasdas
ganda nya...
2026-05-26 16:06:09
1
1
mailesz
mailesz
ganda ng storya, interesting basahin ...️
2026-05-26 16:04:31
1
1
22 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status