“Paano mo nagawa sa akin ito, Stella!?” Galit na tanong ko kay Stella. Kasalukuyan siyang kausap sa cellphone. Batid ko na siya ang nagpakalat ng tungkol sa sekreto ko.
“Ako ang dapat na magtanong niyan sayo, Andrade! Pagkatapos ng mga ginawa kong sakropisyo sayo, ito pa ang iginanti mo sa akin!?
Tinanggap kita ng buo, kahit na alam kong may kulang sayo! Dinamayan kita sa bawat paghihinagpis mo noong nalaman mo na isa kang baôg! Ako! Ako lang ang nasa tabi mo, Andrade.
Tapos malalaman