Hindi muna siya kumibo. Maging ang buo niyang desisyon kanina ay pinag-iisipan niyang maigi ngayon. Would everything be fine if she would break ties with Clayton?her first priority is Rence.
Ngayong nasaktan at napahamak na anak niya dahil sa pagsasama nila ng asawa, kailangan niyang gumawa ng hakbang para protektahan ang anak. Kaya niyang tiisin ang lahat pero ang bottom line niya ay ang anak. Lahat ng makakasakit kay Rence, siya ang makakalaban kahit pa si Clayton ang taong iyon.
"...I will ask for Rence’s opinion. Pero gusto ko nang hiwalayan ang Kuya mo, Clarisse."
Clarisse didn’t utter a word for a couple of seconds. Nang magsalita itong uli, nagulat si Ann sa lumabas sa bibig nito.
"I always tell Kuya that he fell in love with you but he’s still hellbent on chasing his childhood sweetheart, even now. Ayaw niyang makinig sa akin na itigil na ang pagbabali
Kabanata 8 BUHAT-BUHAT ni Ann ang anak na si Rence habang tinatanaw nila ang labas ng bakuran kung nakauwi na ba si Clayton. Panay kasi ang iyak ng bata at hinahanap ang ama nito kaya huminto sila sa may pintuan upang hintayin si Clayton. Alam kasi ni Rence ang oras ng uwi ni Clayton sa hindi malamang kadahilanan. Kaya kapag nahuhuli ng uwi si Clayton, iiyak o may tantrums na si Rence. Kakaisang taon pa lang ng anak nila pero nagugulat si Ann dahil parang matured ang anak sa mga inaakto nito. Must be the genes, ayon sa mother-in-law ni Ann. Mana raw si Rence kay Clayton na kinatuwa niya. Mula sa itsura hanggang sa ugali, kuha lahat sa ama nito. Sabagay, kay Clayton ba naman siya naglihi noong buntis siya sa anak nila. Nagising sa sandaling pagkatulala si Ann noong halos tumalon si Rence mula sa pagk
Kahit na desidido na siyang hiwalayan si Clayton ngayon, gusto niya pa ring malaman kung anong magiging sagot ni Clarisse sa kanya. Siguro, para maipanatag ang loob niya na kahit paano ay may kampi pa rin sa kanya. Sumimangot si Clarisse. "Ikaw ang sister-in-law ko kaya bakit ko iisipin si Rosanne? Hangga’t hindi pa talaga kayo naghihiwalay ni Kuya, ikaw ang kikilalanin kong sister-in-law," anito at may binulong pa. "And Rosanne? She’s not compatible to Kuya. She’s too meek." Ngumiti na lang si Ann bilang sagot kay Clarisse. "Now that you know my answer, kumain ka na. Anong oras na, Angie." Umupo nga siya sa tabi ni Clarisse at kumain silang dalawa. Nakakatatlong subo na ng fried rice si Ann noong bumukas ang pinto at niluwa noon si Clayton. Sandaling natigilan si Ann ngunit umakto siyang hindi ito nakita. Bumalik siya sa pagkain at sand
Kabanata 9 "HAPPY BIRTHDAY TO YOU! Happy birthday to you!" Kinakantahan nila si Rence na may kaarawan ngayon habang pinapalakpak ang mga kamay nila. Three years old na si Rence at nakikita ni Ann ang tuwa sa mukha ng bata. Buhat ito ni Clayton ngayon at pati si Rence, pumapaklakpak din kasabay nila. Nakatingin ito sa chocolate cake na may sinding kandila. "... Happy birthday to you! Blow your candle na, Baby Rence!" ani Clarisse habang vini-video nito ang pamangkin. Tumabi naman si Ann kay Clayton na buhat ang anak at inalalayan ito noong sinubukan ni Rence na abutin ang cake. Natawa si Clayton sa anak at bahagya nitong nilayo si Rence sa cake. "Mapaso ka, Rence. Just blow the candle, ha? Like this. I will show you." Lumapit si Clayton sa cake at mahina itong hinipan ng hangin. Sumayaw ang apoy s
EKSAKTONG DUMATING si Clarisse kaya dito nila iniwanan si Rence. Nakarating sa fire exit si Ann at Clayton dahil doon nila napiling mag-usap. Noong pakiramdam ni Ann na wala nang taong makakarinig sa usapan nilang dalawa ni Clayton ay hinarap niya ang lalaki. Nakamasid naman ito sa kanya at mukhang hinihintay siyang magsalita. "...Kaya kita kinakausap ngayon ay dahil lang kay Rence," panimula niya. Hindi naman kumikibo si Clayton at hinahayaan siya nito. "Gusto ko nang makipaghiwalay." Nangunot ang noo ni Clayton at tinangka nitong lapitan si Ann ngunit tinaas niya ang kamay para pigilan ito. "Ann, I’m really sorry. I know that this is so late to say this to you and it would be a lie if I say that I didn’t mean what I did because I do. I did. Gusto kitang saktan—" Napasinghap si Ann at pinikit ang mga mata. Pinaglapat niya ang mga nanginginig
Kabanata 10 KANINA PA naghihintay si Ann kay Clayton dahil lagpas na ang oras sa dapat uwi nito. Panay na rin siya silip sa labas dahil baka nakaparke na pala ang sasakyan sa labas tapos ay wala pala siyang kaalam-alam. Ngunit noong siliping muli ni Ann ang labas ng bakuran nila, tahimik na kalsada at tanging ilaw mula sa street lights ang nakita niya. Wala pa rin si Clayton. Bumuntonghininga si Ann at nilingon si Rence na kahit inaantok na ay pinipilit pa ring buksan ang mga mata at naglalaro para aliwin ang sarili upang labanan ang antok. Lumapit si Ann sa anak at lumuhod para silipin ito. "’Nak, gabi na. Tulog ka na, ha? 9 in the evening na. Dapat kaninang 8 o'clock ka pa tulog." Binaba ni Rence ang hawak na dinosaur figure at kinusot-kusot ang mga mata. H
HINDI PA RIN maalis sa isip ni Ann ang kakaibang kilos ni Clayton noong kinuha nito ang cellphone na tumutunog kanina at mabilis na patayin ang tawag ngunit pinilit niyang isawalang bahala iyon dahil baka nag-o-ovethink lang siya. Isa pa, may usapan na sila ni Clayton na aayusin ang relasyon para kay Rence. Nag-ayos na lang siya ng gamit ng anak dahil nang tanungin nila ang doktor kung maaari na bang iuwi si Rence, pumayag na ang mga ito. Ayon sa kanila, pwede nang makauwi ang bata at ibalik na lang sa next schedule nito para alisin ang benda at tahi sa ulo nito. Panay ang silip ni Ann kay Clayton at Rence na naglalaro pa habang siya ay nagtitiklop ng mga pinagbihisan nang makita niyang tumayo si Clayton at pinatong ang cellphone sa side table bago dumiretso sa common bathroom ng private room kung nasaan sila ngayon. Muli na namang tumunog ang cellphone na nakakuha ng atensyon ni An
Pagkatapos nilang mainom ang kape na galing sa vending machine, dumiretso na sila Ann sa private room ni Rence. Pagpasok nila ay nakapatong na sa ibabaw ng kama ang mga dala-dalahan. Buhat ni Clayton si Rence na nakatulog na sa balikat nito. "The doctor already give the discharge slip to me. We could go home now," ani Clayton nang makita silang pumasok. Tinitigan lang ito nang masama ni Clarisse at nagtungo ang kapatid ni Clayton sa mga bag para buhatin ang ilan doon. Ganoon din ang ginawa ni Ann at maging ang discharge slip ay kinuha na rin niya. "Mama told me na sa main house daw tayo dumiretso dahil may thanksgiving party para sa discharge ni baby Rence." After hearing this, Clayton looked at Ann as if asking her if they’re going there or not. Alam naman kasi nito na hindi siya gusto ng ina nito. Tumango naman siya bilang pagpayag kaya tumango rin pabalik si Clay
Kabanata 11 CLAYTON reached his hand towards Rence and caressed his hair. Tulog na ang bata at halata pa rin ang pag-iyak na ginawa nito noong napalo niya kanina ang kamay dahil sa pagguhit nito ng mga linya sa importanteng mga papeles. May tuyong luha sa pisngi ng bata at marahan niyang pinunasan iyon. Bahagyang gumalaw ang talukap ng mga mata ni Rence kaya mabilis na inangat ni Clayton ang kamay paalis doon dahil baka magising ang bata. Hindi niya sinasadya ang pagpalo rito kanina. Damn. He’s not into physical discipline when it comes to educating children. Hindi niya rin alam kung ano ang pumasok sa isipan niya. Rence is a good boy. Maganda ang palaki nila sa bata. He’s sweet, kind and thoughtful. Lagi nga siyang nawiwili sa bata at pakiramdam niya, tanggal ang lahat ng pagod niya ngitian lang siya nito. &