Share

CHAPTER 9 - Past Event

"M-Mr. Atanante!" Napabalikwas ako sa gulat nang makita s'ya at dahil hindi ko suot ang salamin ko ay nahilo ako't nawalan ng balanse. Agad naman n'ya akong nahawakan at inalalayan.

Nagkatitigan kaming dalawa at kahit malabo ang paningin ko ay alam kong malamig siyang nakatingin sa 'kin.

Bigla akong na-conscious nang maalalang basâ nga pala ang mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin at kumawala sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi niya ako pinakawalan. Sa halip, bigla niyang hinawakan ang mukha ko't iniharap iyon sa kanya at muli kaming nagkatitigan.

Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ako makatagal at parang akong napapaso sa mga titig niya. Nararamdaman ko na rin kasi ang pag-init ng mukha ko.

"M-Mr. Atanante..." Tinangka kong tanggalin ang malalaki niyang kamay sa mukha ko.

"Be still." Natigilan ako sa pagpipiglas at muling napatitig sa kanya.

Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa 'kin. Magtititigan na lang ba kaming dalawa? Ano ba'ng gusto n'ya? Hindi kaya...
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ayan Marigold maiingit na Naman SI Vivian sa iyo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status