TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness

TEB #2: Reborn Secretary: His Only Weakness

last updateLast Updated : 2026-11-16
By:  hancelindistressUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
8Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matapos pagtaksilan ng kanyang nobyo at matalik na kaibigan, at madawit sa isang iskandalo sa kumpanya, namatay si Zoe Enid Laxamana sa isang planadong aksidente. Bago siya tuluyang pumikit, ipinagtapat ng malamig niyang boss na si Froilan Gideon del Fierro ang matagal nitong lihim na pagmamahal sa kanya. Ngunit nagising siyang muli isang taon bago ang kanyang kamatayan, dala ang lahat ng alaala ng nakaraan. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magpapaloko. Handa siyang maghiganti, ilantad ang mga taong nagtaksil sa kanya, at tuklasin ang katotohanan sa likod ng sabwatang sumira sa kanyang buhay. Pero habang binabago ni Zoe ang kanyang kapalaran, unti-unti namang nahuhulog sa kanya ang lalaking minsang umamin ng pagmamahal nang huli na ang lahat. Sa bagong buhay na ito, may pagkakataon pa kaya silang mahalin ang isa't isa?

View More

Chapter 1

The Beginning of The End

Zoe's POV

“Ms. Laxamana, the chairman is asking for the revised acquisition report.”

Napatingin ako sa wall clock bago muling ibinalik ang atensyon sa computer. Alas-nuwebe pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko ay kalahati na ng araw ang lumipas sa dami ng trabahong naghihintay sa akin.

“Tell him I'll send it in five minutes.”

Mabilis kong inayos ang huling bahagi ng report bago ito muling sinuri. Bilang executive secretary ni Froilan Gideon del Fierro, chairman at CEO ng del Fierro Technologies, bahagi na ng araw-araw kong trabaho ang humabol sa mahihigpit niyang deadline.

Hindi madaling maging secretary ng isang lalaking kilala sa pagiging istrikto. Isang maliit na pagkakamali lang ay hindi makaliligtas sa kaniyang paningin.

Tatlong taon na akong nagtatrabaho sa ilalim niya. Sa panahong iyon, natutunan ko nang ayusin ang schedule niya, ihanda ang mga dokumentong kailangan niya, at kilalanin kung kailan siya dapat lapitan at kung kailan mas mabuting manahimik na lang.

“Still alive?”

Napangiti ako nang marinig ang pamilyar na boses. Paglingon ko, nakita ko si Yvette Salazar na may dalang dalawang paper cup ng kape.

“Barely,” sagot ko.

Inilapag niya ang isang baso sa tabi ng keyboard ko. Napahawak ako roon at agad na uminom.

“Para sa 'yo. Baka sakaling bumalik ang buhay mo sa katawan mo.”

“Thank you. Ikaw talaga ang savior ko.”

Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ng desk ko. Sanay na akong makita siya sa umaga dahil madalas kaming magkasabay mag-breakfast o mag-lunch.

“By the way, may dinner tayo this Friday. Huwag mong sabihing may trabaho ka na naman.”

Napatawa ako habang inaayos ang mga papel sa mesa. “I'll try. Alam mo naman si Mr. del Fierro.”

“Three years ka na riyan. Hindi ka pa rin ba sanay?” pabiro niyang tanong.

“Hindi ako ang may problema. Ang boss ko,” nakangiti kong sabi.

Napailing siya bago natawa. Maya-maya, bahagya siyang yumuko palapit sa akin.

“Speaking of your boss, single pa rin ba siya?”

Napataas ang kilay ko. “Bakit mo tinatanong?”

“Curiosity.” Ngumisi siya. “He's handsome, rich, and successful. Parang kumpleto na ang package.”

“Then apply ka bilang secretary niya.”

Agad siyang napailing na para bang nakakatakot ang naisip ko.

“Pass. I don't think I can survive working with that man.”

Muli kaming natawa bago siya tumayo.

“Anyway, kumusta na kayo ni Adrian?”

“Okay naman. Busy lang siya lately sa work.”

“Busy again?”

Tumango ako. Hindi ko naman gustong magreklamo dahil alam kong pareho kaming may mga responsibilidad.

“Just make sure you don't forget yourself while taking care of that relationship,” paalala niya.

Napangiti ako at tumango. “I know.”

Pagkaalis niya, bumalik ako sa ginagawa ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natapos ang report at ipinadala iyon sa opisina ng chairman.

***

“Come in.”

Pumasok ako sa private office ni Froilan dala ang isang folder. Nakaupo siya sa likod ng malaking desk, nakatutok ang mga mata sa tablet.

“Your revised report, sir.” Inilapag ko iyon sa harap niya. Binuksan niya ang folder at tahimik na sinuri ang mga pahina.

“Did you verify the updated acquisition figures?” tanong niya habang sinusuri ang papel.

“Yes, sir. I coordinated with the Finance Department yesterday.”

Tumingin siya sa akin. “Why wasn't it included in the initial report?”

“May late adjustment po sa valuation. I requested an updated copy before finalizing everything.”

Bahagya siyang tumango at muling ibinalik ang tingin sa dokumento.

“Next time, make sure every revision is properly documented.”

“Yes, sir.”

Akmang aalis na ako nang muli siyang nagsalita.

“Have you eaten?”

Napahinto ako sa may pintuan. “Not yet, sir.”

Tiningnan niya ang oras sa kaniyang relo. “It's almost ten. Don't skip your meals because of work.”

Bahagya akong nagulat sa paalala niya. Hindi ko inaasahang mapapansin niya iyon sa dami ng kailangan niyang asikasuhin.

“I won't, sir.”

Tumango siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Lumabas ako ng opisina na may bahagyang ngiti sa labi.

Mahirap man siyang pakisamahan, hindi naman siya kasing sama ng iniisip ng karamihan.

***

Pagsapit ng tanghali, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Adrian.

Adrian: Have you eaten?

Me: Not yet. I just finished some work.

Adrian: Don't skip lunch again. I'll pick you up later. Dinner?

Napangiti ako habang binabasa ang mensahe.

Me: Sure. I miss you.

Ilang sandali kong tinitigan ang screen bago ibinaba ang cellphone. Halos dalawang taon na kami ni Adrian Flores. Isa siya sa mga taong pinangarap kong makasama sa hinaharap.

Hindi naman perpekto ang relasyon namin. May mga pagkakataong hindi kami nagkakaintindihan, lalo na kapag pareho kaming abala. Pero naniniwala akong normal lang iyon sa isang relasyon.

“Someone's smiling,” panunukso ng kilalang kilala kong boses.

Napalingon ako at nakita si Nica na kararating lang dala ang lunch box niya.

“Adrian?” tanong niya habang itinuturo ang cellphone ko.

Tumango ako at itinabi iyon.

“Good for you. At least may dahilan ka para ngumiti kahit tambak ang trabaho mo.”

“Mag boyfriend kana kasi,”

Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang baon niya.

“Just don't forget yourself, Zoe. Hindi lahat ng oras trabaho at boyfriend ang iisipin mo.”

Napangiti ako. “I know, Nica.”

Alam kong nag-aalala lang siya. Ganoon talaga si Nica—diretsahan magsalita, pero palaging may mabuting intensiyon.

Pagkatapos naming kumain, bumalik ako sa pag-aayos ng mga dokumento para sa afternoon meeting.

Habang sinusuri ko ang acquisition report, may napansin akong hindi tugma sa mga numero. Binuksan ko ang naunang bersyon at pinagtabi ang dalawang dokumento.

Kumunot ang noo ko.

May binagong halaga bago pa man maisumite ang opisyal na revision request.

Agad kong binuksan ang document history. May isang account na nakalista sa access records na hindi ko pamilyar.

Muli kong sinuri ang oras ng pag-access.

Tatlong oras bago pa opisyal na inilabas ang dokumento.

“Is something wrong?”

Napatingin ako kay Yvette na muling lumapit sa desk ko.

“I'm checking something in the acquisition report. Someone accessed the file before it was officially released.”

Bahagya siyang yumuko para tingnan ang screen. Saglit siyang natahimik bago ngumiti.

“Maybe Finance was just checking the figures.”

“That's what I thought, too. But the account isn't registered under their department.”

“Then ask Document Control. I'm sure they can explain it.”

Tumango ako at isinara ang access details.

“I'll send them an inquiry.”

“Good. Anyway, Adrian asked me if you're free this Friday.”

Napatingin ako sa kaniya. “He did?”

“Yeah. He was asking about your schedule.”

Napangiti ako. “Maybe he has something planned.”

“Maybe. You should enjoy your time together.”

Tumango ako habang pinagmamasdan siyang umalis.

Pagkatapos, ipinadala ko ang inquiry sa Document Control at ipinagpatuloy ang trabaho.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi mawala sa isip ko ang kakaibang access history na nakita ko.

Marahil ay simpleng pagkakamali lang iyon.

Iyon ang pinili kong isipin.

Nang matapos ang araw, nagpaalam ako sa opisina ng chairman bago tuluyang umuwi.

“Good evening, sir.”

Hindi siya agad tumingin mula sa hawak na dokumento.

“Good evening, Zoe. Get some rest.”

Bahagya akong napangiti bago isinara ang p***o.

Hindi ko alam na ang maliit na bagay na napansin ko noong araw na iyon ang magiging simula ng lahat.

Sa ngayon, isa lang akong babaeng naniniwalang maayos ang kaniyang trabaho, may nagmamahal na boyfriend, at may mga kaibigang mapagkakatiwalaan.

Hindi ko pa alam kung gaano kadaling mawala ang lahat ng iyon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

MsJayella
MsJayella
highly recommend
2026-11-16 12:57:53
1
0
Senyorita
Senyorita
highly recommended
2026-11-16 12:43:23
1
0
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status