Share

Kabanata 575

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-04 21:23:31

Alam ni Kent masyado nang kabisado ang mga sensitibong parte ni Ashley. Madali niyang napapa-react ang katawan nito. Ramdam na ramdam ni Ashley ang pagbabagong nangyayari sa sarili niya kaya agad niya itong itinulak.

Hinugot ni Kent ang mga labi at dila niya mula rito, pinagdikit ang mga kamay sa itaas ng ulo ni Ashley at ipinatong ang noo sa noo nito. Magkasabay ang kanilang hinga, at sa mababa at paos na boses, nakiusap siya, “Pag-isipan mo na lang ‘to bilang hiwalayan na natin, pwede ba?”

“Kent, kulang ka ba talaga sa babae?” balik tanong ni Ashley.

Mapait ang ngiti ni Kent. “Saksi ang Diyos, mula nang pakasalan kita, wala akong ibang hinawakan.”

Tinitigan lang siya ni Ashley nang walang imik. Inakala ni Kent na iyon na ang pagpayag nito kaya muli niya itong hinalikan.

Siguro dahil iyon na ang huling pagkakataon bago ang diborsyo, todo si Kent sa pagkakataong iyon. Hindi dahil marahas siya—kabliktaran pa nga. Ngayon, mas lalo siyang maingat at mahinahon, lahat ng kilos naka-ayon s
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Annabelle Lim
tapusin muna ang story mo wag munang patagalin pa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 577

    “Pero kung aaminin mo ngayon, wala rin tayong mapapala!” kinakabahan na sabi ni Betty.“Hindi ko hinahabol ang benepisyo. Ang gusto ko lang ay ang apo ko. Anak siya ng kapatid mo. Kailangan niyang bumalik sa pamilya natin at gamitin ang apelyido n’yo,” matatag na sagot ng ginang.Bago pa siya mapigilan ni Betty, kinuha na nito ang cellphone at umalis. Agad naman siyang sinundan ni Betty.Hindi dumiretso Mrs. Sanchez kay Kent; sa halip, nagtungo siya sa mansion ng pamilya Saavedra para kausapin ang lolo at ang mga magulang ni Kent.Hindi kailanman pinagdudahan ng pamilya Saavedra ang pinagmulan ni Ken; ang alam nila, anak siya ni Kent. Kaya nang malaman nilang anak pala ito nina Lin Dong at Carla, nagulat sila.“Mr. Chariman, Mr. and Mrs. Saavedra, wala akong ibang hinihingi kundi bumalik si Ken sa Sanchez Family, kilalanin ang kanyang ugat at palitan ang apelyido niya bilang Sanchez,” mariing pakiusap ni Mrs. Sanchez habang umiiyak. “Alam kong mabubuti kayong tao. Namatay ang anak ko

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 576

    “Kung gusto mong magwala, bahala ka na. Hindi ko na kailangang mag-alala pa.”Matigas ang mukha ni Kent nang sabihin niya ito kay Carla bago niya kunin ang cellphone at tumawag.Mabilis nasagot ang tawag at mariin niyang inutusan ang nasa kabilang linya: “Mag-ayos ka ng dalawang taong mapagkakatiwalaan. Ihatid n’yo si Carla sa New Zealand ngayong araw. Simula ngayon, bawal na bawal siyang tumapak muli nang wala ang pahintulot ko.”Napatingin si Carla sa kanya, nanlaki ang mga mata habang pinakikinggan ang mga sinabi niya.“Hindi, Kent! Paano mo nagagawa ‘to sa akin? Girlfriend ako ng kaibigan mo at ina ni Ken!” pasigaw niyang sabi, puno ng takot.Ibinitin ni Kent ang tawag at tiningnan siya na parang demonyo. “Carla, ilang beses na kitang binigyan ng pagkakataon. Gusto mong magwala? Sige, pagbibigyan kita.”“Hindi—!” sigaw ni Carla. “Hindi mo puwedeng gawin ‘to sa akin!”Wala nang pakialam si Kent. Tumayo siya at kinuha ang kamay ni Ashley, saka malumanay na sinabi rito, “Tara na.”Na

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 575

    Alam ni Kent masyado nang kabisado ang mga sensitibong parte ni Ashley. Madali niyang napapa-react ang katawan nito. Ramdam na ramdam ni Ashley ang pagbabagong nangyayari sa sarili niya kaya agad niya itong itinulak.Hinugot ni Kent ang mga labi at dila niya mula rito, pinagdikit ang mga kamay sa itaas ng ulo ni Ashley at ipinatong ang noo sa noo nito. Magkasabay ang kanilang hinga, at sa mababa at paos na boses, nakiusap siya, “Pag-isipan mo na lang ‘to bilang hiwalayan na natin, pwede ba?”“Kent, kulang ka ba talaga sa babae?” balik tanong ni Ashley.Mapait ang ngiti ni Kent. “Saksi ang Diyos, mula nang pakasalan kita, wala akong ibang hinawakan.”Tinitigan lang siya ni Ashley nang walang imik. Inakala ni Kent na iyon na ang pagpayag nito kaya muli niya itong hinalikan.Siguro dahil iyon na ang huling pagkakataon bago ang diborsyo, todo si Kent sa pagkakataong iyon. Hindi dahil marahas siya—kabliktaran pa nga. Ngayon, mas lalo siyang maingat at mahinahon, lahat ng kilos naka-ayon s

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 574

    Tatlong buwan ding nasa labas si Ashley bago siya nakabalik ng matapos ang shooting ng bago niyang pelikula.Pagbalik niya, hindi siya umuwi sa Jiangnan Mansion. Sa halip, tumuloy siya sa bahay.Dahil nasa teritoryo ni Dianne, wala talagang magawang mali si Kent.Pero kinagabihan din, dumating pa rin si Kent dala si Ken.Inutusan ni Ashley ang manager ng apartment na siya na lang ang mag-akyat kay Ken, pero tumanggi siyang humarap kay Kent.Noong gabing iyon tatlong buwan na ang nakararaan, naaksidente si Carla at naparalisa mula baywang pababa. Simula noon, naka-wheelchair na lang siya.Paralisado na nga ang kalahati ng katawan niya, kaya natural lang na hindi niya pababayaan na maging madali ang buhay nina Ashley at Kent.Nagpadala siya ng mensahe kay Ashley—diretsong pagbabanta na kapag hindi siya nakipaghiwalay kay Kent pag-expire ng tatlong taong kasunduan, sisirain niya ang reputasyon nila.Pinakamasama na ro’n ay kamatayan.Hindi naman dahil natatakot si Ashley sa kanya, kundi

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 573

    Para maihatid si Ashley sa airport, maagang umuwi mula sa trabaho si Kent, kaya’t nakapagsalo silang tatlo ng maagang hapunan.Hindi inasahan ni Ashley na ipipilit ni Kent at ni Ken na samahan siyang magpa-airport. Kahit ilang beses niyang tinanggihan, hindi siya tinigilan ng dalawa. Wala na siyang nagawa kundi pumayag.Pagdating nila sa airport, parehong nagpumilit ang mag-ama na ihatid siya hanggang sa security check. Malapit nang mag-alas otso at naalala ni Ashley ang usapan nila ni Carla sa Starbucks, kaya pinilit niyang pauwiin na ang mag-ama at siya na lang ang papasok mag-isa.“Mom, please, samahan ka na ulit namin ni Dad.” Naka-wheelchair si Ken, nakatingin kay Ashley na parang nagmamakaawa.“Hindi sa ayaw ni Mommy na ihatid ako ninyo,” mahinahon niyang sagot, sabay haplos sa maliit na kamay ng anak, “pero may kausap akong kaibigan dito sa airport.”Lumuhod siya para mas makumbinsi ang bata. “Kailangan kong makipagkita ngayon, kaya kayo na muna ni Dad ang umuwi, okay?”“Eh Mom

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 572

    “Kent, anong ibig mong sabihin? Ayaw mo na bang tanggapin?”Walang nagawa si Kent kundi buntong-hininga. “Si Ken may ama at ina na. Masaya na siya sa piling namin ni Ashley, pero pinilit mong makasama siya. Kaya wala na akong magagawa kundi isauli sa’yo ang guardianship at custody ni Ken. Simula ngayon, ako, ang pamilya Saavedra, at si Ashley, hindi na makikialam sa mga bagay tungkol kay Ken.”“Hindi, hindi, hindi!” Nataranta si Carla. “Kent, hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. Ayokong kunin si Ken palayo sa’yo. Anak mo si Ken.”Biglang lumamig ang ekspresyon ni Kent, halatang may halong galit. “Carla, anong kalokohan ‘yang sinasabi mo? Anak ko ba si Ken? May mas nakakaalam pa ba kaysa sa’yo?”Natigilan si Carla nang makita ang anyo at marinig ang tinig nito.“Kung kukunin mo si Ken, magkakaanak din kami ni Ashley. At hindi na kami magkakaroon ng anumang pagsisisi.” Mataman ang tingin ni Kent sa kanya habang inuulit ang sinabi.Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagbabago ng emosyon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status