Umiikot ang ceiling. Parang may tornado sa kaniyang tiyan at dibdib at anumang oras ay maduduwal siya. Sumusuntok sa kaniyang buong pagkatao ang sakit ng kaniyang ulo na waring pinukpok ng matigas na bagay.
Ilan lang iyan sa mga bagay na unang naramdaman ni Delaney ng imulat niya ang kaniyang mga mata sa sandaling magkaroon ito ng malay. Namamanhid ang kaniyang mga binti na nakadantay sa hita ng kaniyang katabi at mabigat ang bahagi ng kaniyang tiyan kung saan nakadantay ang mabigat na braso ng lalaki na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Nanghihina ang kaniyang katawan na waring hindi siya kumain at uminom ng tubig sa loob ng ilang araw. Pikit mata at pigil hininga ang ginawang pagkilos ni Delaney upang makawala mula sa pagkakayapos ng lalaki.
Noong mga sandaling iyon ay hindi pa masyadong nag-si-sink in sa utak ng dalaga ang mga pangyayari. Basta ang tanging ibinubulong sa kaniya ng kaniyang isip ay umalis sa lugar na iyon bago pa magising ang may-ari ng kwartong kaniyang kinalalagyan. Ni hindi na nga niya alam kung paano napunta sa kwartong iyon dahil sa labis na kalasingan.
Dahil sa nanlalambot niyang mga tuhod ay muntik pa siyang sumalampak sa matigas at malamig na sahig. Madali niyang hinanap ang kaniyang mga saplot nang mapagtantong hubo't hubad ang kaniyang katawan. Nagkalat ang mga damit at ilang gamit sa kwarto. Muntik pa niyang maapakan ang basag na vase sa sahig. The whole room was a mess. At sa kasamaang palad ay natatandaan pa niya kung bakit nabasag iyon—ng buhatin siya nito at ipatong sa mesa kung saan dati nakapatong ang vase. Sariwa pa sa kaniyang isip at alaala kung paano nila nasuyod ang buong silid habang inaangkin ang isa't isa.
Parang sakit na mabilis dumapo sa katawan ni Delaney ang kaba at nerbyos nang makita ang mahinhin na paggalaw ng lalaki sa higaan nito. Sa pag-aakalang nagising na ito ay agad siyang dumapa sa gilid ng kama at nagtago—takot na baka makita siya ng lalaki. Nang mapagtanto niya na lumipat lamang ito ng pwesto at muling bumalik sa pagtulog ay agad niyang hinila ang nakitang damit sa paanan ng kama at isinuot iyon. Her body and mind was already in an adrenaline rush and she didn't notice that the clothes she was wearing weren't hers.
Nakita niya ang wallet nito sa sahig at madaling dinampot iyon. Kumakalam na ang kaniyang tiyan at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera pambili ng pagkain para mairaos ang maghapon. Kagabi pa rin siya hindi kumakain at tanging alak lang ang nasa buong sistema niya. Hindi libre ang kaniyang katawan para ibigay kung kani-kanino lang, porke't tinulungan siya nito.
'Hindi naman siguro n'ya mahahalata na bumawas ako sa dami ng pera n'ya'. Isip-isip ni Delaney habang ibinabalik sa lapag ang wallet pagkakuha niya ng pera. Nasisiguro niya na hindi lamang 50 thousand ang blue bills na nakita niya bukod pa sa cards na parang bakod na nakahanay sa wallet nito.
Saglit siyang napahinto ng makita ang picture ng isang magandang babae. Malawak ang ngiti nito. Parang may kung anong kumislot sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang larawan. Paano nagagawang sumiping sa iba ng lalaking ito gayong meron na itong isang mala-anghel na kasintahan. Bago pa siya lamunin ng konsensya ay lumabas na siya sa silid ng walang kaingay-ingay tangay ang pera na kinuha niya sa pitaka ng lalaki kapalit ng pagpapaligaya niya rito sa isang buong magdamag. Hindi na rin naman siya lugi dahil gwapo ang lalaki, malinis sa katawan, at mayaman. Kesa naman sa matandang hukluban siya mapunta.
Bawat hakbang na kaniyang ginagawa ay siya ring pag-ngiwit ng kaniyang mukha. May nararamdaman siyang kakaibang hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita at maliwanag sa kaniyang isip ang puno't dulo nito.
Nang makalabas sa mala-mansyon na bahay, na muntik pa siyang maligaw, ay agad siyang tumawag ng tricycle at nagpahatid sa address na kaniyang sinabi. Noong una ay inayawan pa siya ng driver dahil masyado raw malayo ang lugar ngunit kalaunan ay pumayag din ito dahil sinabi niyang dodoblehin niya ang bayad. Desperado na siyang makaalis sa lugar na iyon.
"Aling Poning." Humihingal na sambit ng dalaga ng makapasok siya sa isang maliit na bahay.
"Nand'yan ka na pala, Delaney. Buti naman. Kagabi pa iyak nang iyak si Mikas." Tumayo si Aling Poning mula sa kaniyang pagkakaupo sa maliit at mababa nilang papag at iniabot kay Delaney ang batang lalaki na walang tigil sa pagpalahaw ng iyak. "Kagabi ka pa niya hinihintay," dagdag pa nito.
Agad namang ikinulong ni Delaney ang kaniyang kapatid sa kaniyang mga bisig at inalo ito.
"Sshh! Tahan na, baby. Nandito na si Ate. Sshh!" Pinunasan niya ang luha ng kapatid at ang pawis nitong namumuo sa noo. Namumugto ang mga mata ng bata at halos hindi na ito makahinga dahil sa sipon na humaharang sa ilong dala ng labis na pag-iyak. Gustong lumabas ng luha ni Delaney dahil sa kalagayan ng kapatid pero ayaw niyang umiyak sa harapan nito lalo na sa harap ng kaniyang kapitbahay kaya gayon na lamang ang pagpipigil niya habang pinapatahan pa rin ang kapatid.
"Aling Poning, maraming salamat po sa pagbabantay sa kapatid ko, ah. Pasensya na rin po kayo sa abala." Paghingi niya ng paumanhin sa Ginang. Ito ang nag-iisa niyang kapitbahay na nahihingan niya ng tulong sa pagbabantay sa kaniyang kapatid tuwing papasok siya sa eskwela o hahanap ng mapagkakakitaan. Katulad nila ay salat din ito sa buhay. Isang kahig, isang tuka. Ang pinagkaiba lang nila ay maraming anak si Aling Poning habang dalawa lang naman sila ng kaniyang kapatid ngunit wala ng magulang.
"'Wag mo ng intindihin iyon. Saan ka nga pala galing kagabi? Labis ang pag-aalala ko dahil baka may nangyaring masama sa 'yo."
Hindi agad nakasagot si Delaney sa tanong na iyon ng Ginang. Marahan siyang ngumiti at nagpakawala ng hangin bago ibinuka ang kaniyang bibig upang magsalita. "Naghanap po kasi ako ng p'wede kung pasukan na trabaho, medyo napalayo po ako at inabutan na rin ng dilim kaya naisip kung magpalipas muna ng gabi bago umuwi."
"Nakahanap ka naman ba ng trabaho?"
Marahan ang naging pag-iling ni Delaney upang sagutin ang tanong ng Ginang. Muli niyang naalala ang lalaki at ang hindi niya inaasahang pangyayari nang gabing iyon pero agad niyang ipinilig ang ulo at pinilit na alisin sa kaniyang isip ang bagay na iyon. Sa wakas ay huminto na rin sa pag-iyak ang kaniyang bunsong kapatid at tuluyan na rin itong nakatulog sa kaniyang balikat na ipinagpasalamat niya.
"Makakahanap ka rin ng trabaho basta 'wag kang susuko."
Nginitian niya ang ginang. "Wala naman po akong balak na sumuko. Mag-ta-try po ulit ako bukas."
"Pasensya ka na, ah. Wala akong maitutulong sa 'yo sa ngayon, pero 'wag kang mag-alala magtatanong-tanong ako sa mga kakilala ko kung may alam silang naghahanap ng mapapasukan. Sasabihan na lang kita kapag meron."
"Maraming salamat po talaga, Aling Poning."
"Magsabi ka lang kapag may kailangan ka lalo na kapag tungkol kay Mikas. Hangga't may maitutulong ako, tutulungan ko kayo."
Lubos ang pasasalamat ni Delaney sa kapitbahay niyang iyon. Napakabuti nito. Hindi sila nito kilala ni hindi sila nito kaano-ano, pero nagmamalasakit pa rin ito sa kanila.
Nagpaalam na si Delaney kay Aling Poning na uuwi na muna sa inuupahan nilang bahay. Nag-alok pa ito na doon na sila kumain ng almusal ngunit tumanggi si Delaney. Maraming anak ang babae at ang Asawa lang nito ang nagtatrabaho para sa kanila. Nakakahiya naman kung makikigulo pa siya sa mga ito. Doble-doble na ang hiyang nararamdaman niya para rito. Mukhang hindi pa ito nakapagpahinga ng maayos kagabi dahil sa pagbabantay sa kaniyang kapatid kaya ayaw na muna niya itong abalahin.
Masama rin kasi ang kaniyang pakiramdam—malanit ang kaniyang pagkababae at sumasakit ang kaniyang balakang na animo'y nabugbog at maliwanag sa isip niya ang dahilan ng lahat ng iyon.
Sinabi ni Delaney na nangutang siya ng pera sa isang kaibigan kaya may ipambibili sila ng pagkain sa araw na iyon. Hindi na rin naman kinuwestyon iyon ng Ginang at hinayaan na lamang siya sa kaniyang gusto. Maingat na inihiga ni Delaney sa banig ang kaniyang natutulog na kapatid bago siya nagtungo sa maliit nilang banyo at naligo. Pagkatapos ay saka siya nagtungo sa malapit na convenience store upang mamili ng pagkain, diaper, gatas at biscuits para sa kaniyang kapatid. Bumili na rin siya ng gamot at ilang gamit para sa kaniya. Matapos niyang magluto ng pagkain at maihanda ang gatas ni Mikas ay naisip niyang abalahin ang sarili sa paglilinis ng bahay habang hinihintay na magising ang kaniyang kapatid.
Ever since their parents left them, the house they live in wasn't the same anymore. Wala na iyong sigla at saya, na pakiramdam ni Delaney ay hindi na iyon maituturing na isang tahanan kung saan puwede siyang maging kampante.
Delaney isn't strong. She isn't brave enough to face every battle of life everyday. Isa lang din siyang anak na nangangailangan ng kalinga at gabay ng isang magulang ngunit ipinagkait iyon sa kaniya at sa kaniyang kapatid.
Hindi niya alam kung sino ang sisisihin sa nangyari o kung may kailangan bang sisihin.
Nabitawan ni Delaney ang walis na kaniyang hawak at agad na sinapo ang dibdib na nagsisimula na namang kumirot. Namuo ang luha sa kaniyang mata na hindi nagtagal ay sunod-sunod na ring pumatak pababa sa kaniyang pisngi hanggang sa mahulog sa sahig na kinaluluhuran niya. Gusto niyang sumigaw at ilabas lahat ng sakit, galit, hinanakit, at disappointment na ibinato sa kaniya ng buhay ngunit hindi niya magawa. Tanging pagtitiis at pananahimik na lamang.
"Iyak ikaw?"
Waring umurong ang mga luha ni Delaney ng marinig niya ang munting boses sa kaniyang tabi. Mabilis niyang pinunasan ang luha at ngumiti ng mapagtantong ang bunso niyang kapatid iyon.
Gising na pala ito.
"Bakit ikaw iyak?" Curious nitong tanong.
"Naumpog kasi si Ate habang naglilinis kanina." Hinawakan ni Delaney ang kaniyang noo at ngumuso—nagpapaawa sa bata.
"Wawa, Ate."
Napangiti na lamang si Delaney dahil sa tinuran ng kapatid. Pinahid niya ang luhang natira sa kaniyang mata saka binuhat ang bata.
"Nagugutom na ikaw? Gusto mo ng gatas? Ibinili ka ni Ate."
Ipinagtimpla niya ng gatas si Mikas saka niya inilapag sa harap nito. Nagsimula na rin siyang kumain dahil kagabi pa kumakalam ang kaniyang sikmura. Abala siya sa pagkain nang mapansin na hindi ginagalaw ng kapatid ang gatas na inihanda niya. Nakatitig lang ito na waring nagtataka sa kaniyang nakikita.
"Bakit, baby—" agad na humagalpak ng tawa si Delaney nang mapagtanto ang dahilan kung bakit hindi iniinom ng bata ang gatas.
"Ate, ate. Ba't—Ba't kulay puti?"
"Ha? Ibang version ng milo yan, baby. Naubusan kasi ng kulay brown si Manang Solita kaya puti na lang binili ko, pero Milo din iyan. Tikman mo, masarap." Kinuha ni Delaney ang gatas at ibinigay sa kapatid. Wala namang pag-aalinlangan na ininom iyon ni Mikas. Natatawa na lang si Delaney sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang kapatid. Kapag nauubusan ng budget si Delaney at hindi siya makabili ng gatas ni Khimo, nangungutang siya ng milo sa kapitbahay nilang may tindahan. Nasanay ang kapatid niya na Milo lagi ang iniinom kaya nagtaka ito ng makitang iba ang kulay ng inumin niya. Matapos kumain ay ipinagpatuloy niya ang paglilinis. Hinayaan naman niyang maglaro ang kaniyang kapatid.
Sa buong maghapon ay ininda niya ang nagmamalupit na hangover. Suka roon, suka rito. Gusto niyang matulog at ipahinga ang katawan at isip ngunit hindi niya magawa dahil sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata ay binubulabog siya ng alaala na gusto na niyang kalimutan. Hindi mawala sa kaniyang isip ang kanilang pagniniig na waring permanente nang nakaukit sa bungo ng kaniyang pagkatao. Ngunit sa kabila noon ay wala siyang naramdaman na konsensya at pagsisisi para sa sarili. Ang mahalaga ay nagkaroon siya ng pera para maitawid ang gutom ng nakababata niyang kapatid na wala pang muwang sa Mundo. Walang alam sa mga nangyayari. Ito na lamang ang meron siya at gagawin niya ang lahat para rito kahit maubos pa ang lahat sa kaniya.
Delaney's POV"One more time," utos ni Veron. Nakatayo siya sa gilid ko habang hawak ang isang magazine na kalaunan ay idinagdag niya rin sa dalawang magazine na nakapatong sa ulo ko. I tried my very best na hindi mahulog ang magazines sa ulo habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng living room ng bahay ni Lark.Magka-cross ang mga braso ni Veron habang bahagyang nakataas ang kaniyang kilay at kinikilatis ang bawat lakad at galaw ko. Isa iyong dahilan upang ma-conscious ang katawan ko. Pa-uga-uga ang katawan ko dahil sa taas ng heels na pinasuot niya sa akin. Malapit na ako sa may pader nang biglang mahulog ang magazine na kalalagay niya hanggang sa nahulog na rin ang dalawa pa. "I'm sorry," hingi ko agad ng paumanhin dahil baka magalit siya. Ako na mismo ang pumulot sa mga magazine at mabilis iyong ibinalik sa ulo ko. Akmang lalakad ulit ako nang magsalita siya. "We can do it again later . . . or tomorrow." Kinuha niya ang magazines sa akin at itinapon sa sofa. "Just keep pract
Delaney's POV Muling huminto ang kotse ni Lark sa tapat ng isang building. Akmang bubuksan ko na ang pinto para sana lumabas nang um-echo ang boses ni Lark sa loob ng sasakyan. "Stop!" Seryoso ang kaniyang boses. Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa pinto. "Okay?" Naunang bumaba si Lark at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya pa ang kaniyang kanang kamay at inalalayan ako na parang isang prinsesa. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng restaurant.Antique ang style ng restaurant. Sa labas pa lang ay malalaman mo na agad na mayayaman lang ang may afford na makakain sa ganitong klaseng kainan. Si Lark ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong pumasok bago siya sumunod. Amoy at lamig ng aircon ang unang bumati sa balat at ilong ko. Tuyong lavender ang halimuyak na kumakalat sa buong paligid. Halos bilang lang din ang mga taong naroon at halos lahat ay pawang magkasintahan, base na lang din sa kanilang kilos at kung paano sila ngumiti at
Delaney's POV"Good afternoon, Sir!" Bati ng dalawang saleslady nang makapasok kami sa loob ng isang boutique. Tango lang ang isinagot ni Lark."Good afternoon, ma'am!" Bati naman nila sa akin noong tumapat ako sa kanila. Hindi ko na sila nagawang batiin pabalik nang tuloy-tuloy akong hilahin ni Lark papasok. Kaya ngumiti na lang ako at bahagyang yumuko.Nagpumiglas ako kaya binitawan ni Lark ang kamay ko. Nangunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya. "P'wede bang kumalma ka? Ano bang pinagmamadali mo? May sale ba ngayon at takot kang maubusan ng mura?" "Funny, Delaney," sarcastic niyang saad."Buti naintindihan mo," pabulong kung saad. Ang perception ko kasi sa mga mayayaman at English speaking na katulad niya ay hindi nakakaintindi ng humour na pang-mahirap."I am Filipino. I can understand Tagalog.""E, iyong joke ko, naintindihan mo ba?""Of course—enough with the useless chitchats," saway niya sa akin kaya napaikot na lang ang mga mata ko. Naupo ako sa naroong single sofa a
Delaney's POV"Masarap ba?" Nakangiti kong tanong habang pinapanood si Mikas na kumakain sa harap ko."Sarap, Ate Nani! Hihi!" Tumawa pa siya sabay subo ng spaghetti. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang drumstick at kinakaway-kaway niya iyon. Gumagalaw-galaw pa ang kaniyang katawan na animo'y bulate—sa kaniyang kilos ay alam kong masaya siya at nag-eenjoy siya sa kinakain niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal habang pinapanood siya. Hindi ako malungkot. It was more like being emotional out of happiness. Bago rin ang kaniyang gupit. Noong huli kong bisita sa kaniya ay malago na ang kaniyang buhok. Palagi na rin siyang mabango at nakakakita ako ng damit na suot niya na wala naman siya dati. Mukhang binilhan siya ni Mother Eliza ng bagong mga damit at mukhang alagang-alaga talaga siya rito. Hindi katulad noong magkasama kami na palagi siyang amoy araw."Kelan mo ako sundo, Ate Nani?" Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ko ang cute niyang boses. Hindi siya nakati
Delaney's POV Pagkatapos kong basahin at pirmahan ang agreement na binigay sa akin ni Lark ay kumain na muna ako. Bigla akong nawalan ng gana, pero hindi ko matiis ang gutom na pilit pa ring sumasagi sa tiyan ko. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas. Wala roon ang kwarto ko. Ibibigay ko lang kay Lark ang papel. Nang makarating ako sa tapat ng kaniyang kwarto ay nagdalawang isip pa ako kung kakatok ba ako o bukas ko na lang iaabot sa kaniya dahil baka nagpapahinga na siya, pero naisip ko na baka hindi ko na naman siya maabutan bukas. Hindi pa lumalabas ang araw ay umaalis na siya at bumabalik kapag nakalubog na ang araw. Hindi ko alam kung may lahi bang bampira itong si Lark. Masyado siyang dedicated sa kanilang kompanya.Ilang beses akong kumatok, pero walang sumasagot. Tinapat ko sa pinto ang tenga ko at pinilit pakinggan sa loob, pero useless lang din dahil mukhang makapal ang kahoy na nagsisilbing pinto. Hindi ko rin alam kung bakit nanatili pa ako ng ilang minuto sa h
Delaney's POV Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa bahay ni Lark. All-in-one at all-around ako sa bahay niya dahil pagkadating na pagkadating ko roon ay pinaalis niya ang mga katulong niya. He literally fired all of them. Naghalo ang iba't ibang emosyon sa dibdib ko noong mga oras na iyon: nagalit ako sa kaniya, nainis, nairita. Gusto ko siyang pagsabihan, pero parang nagkaroon ng silencing spell ang bibig ko—hindi ko magawang magsalita at ipagtanggol ang mga dati niyang katulong. Na-guilty ako ng sobra. Inagawan ko sila ng trabaho. Pakiramdam ko ako mismo ang nagpalayas sa kanila. The elder woman even asked me for help para lang pabalikin sila o huwag ng paalisin, pero wala rin akong nagawa kahit umiiyak na siya sa harap ko. Hindi ko alam na ganoon pala siya kasama. He's a cold-hearted person who doesn't care about the feelings of others basta nakukuha at nagagawa niya ang mga gusto niya.Later that night, hindi pa man nagsisimula ang kal