Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

last updateLast Updated : 2025-10-28
By:  MIKS DELOSOUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
10Chapters
22views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?

View More

Chapter 1

Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 1

“Ma, ayoko! Hindi ko siya mahal!”

Malakas ang boses ni Jason Curry, umalingawngaw sa buong mansyon ng mga Curry.

Napatigil si Pia, ang kanyang ina, habang hawak ang tasa ng kape. Nagtagpo ang tingin nila ni Amor Curry, ang mahigpit na ama ni Jason.

“Jason, hindi mo kailangang mahalin siya,” malamig na sabi ni Amor habang pinapatag ang tono ng boses. “Ang kailangan mo lang… ay pakasalan siya. Si Lorie Philip ang tanging tagapagmana ng Philip Empire. Kapag naganap ang kasal na ‘yan, maliligtas ang kumpanya natin sa pagkalugi.”

Napasinghap si Jason, galit at pagkadismaya ang gumuhit sa kanyang mukha.

“Hindi ako alipin ng negosyo n’yo, Dad! May buhay ako! May minamahal akong iba—si Necy!”

Napalingon si Pia. “Anak, please, huwag mo nang palalain pa. Alam mong gagawin natin ‘to para sa ikabubuti ng pamilya.”

“Pamilya?” mapait ang tawa ni Jason. “O para sa ikabubuti ng bulsa n’yo?”

Isang malakas na hampas sa mesa ang sagot ni Amor. “Isa pa at masasampal kita, Jason! Huwag mong kalilimutan kung sino ang nagpapakain sa’yo!”

Tahimik na tumayo si Jason, nanginginig sa galit. “Hindi ko kailangan ng pera kung kapalit naman niyan ang kalayaan ko.”

Pero sa labas ng pintuan, may dalawang mata ang tahimik na nakikinig—si Necy, ang sekretarya ni Jason. May halong ngiti sa kanyang labi.

"Di ako makakapayag, akin ka lang, Jason," mahinang bulong niya. "Walang pwedeng makakapag-agaw sayo mula sa akin kahit na sinong babae."

Samantala, sa kabilang panig ng siyudad, sa Philip Mansion, nakaupo si Franco Philip sa kanyang study room.

“Franco, bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong ng asawang si Jane, habang inilalapag ang tray ng cookies na gawa ng anak nilang si Lorie.

“May problema sa kompanya,” sagot ni Franco, hindi inaalis ang tingin sa laptop. “May anomalya sa account na hinahawakan ni Amor Curry. May nawawalang walong daang milyong piso.”

Napaawang ang bibig ni Jane. “Si Amor? Pero magkaibigan kayo. Hindi ba’t matagal na kayong magkasosyo?”

“Alam ko,” sagot ni Franco, mariin ang tinig. “Kaya gusto kong makasiguro. Magpapa-imbestiga ako. Hindi ko kayang paniwalaan hangga’t walang ebidensya.”

Sa sandaling iyon ay pumasok si Lorie, may dalang tray ng cookies.

“Mom, Dad! Tikman n’yo ‘to, ako mismo ang nag-bake!” masiglang sabi ng dalaga.

Napangiti si Jane. “Aba, mukhang masarap ‘to ah.”

“Tignan natin kung ganun nga,” biro ni Franco habang kumakagat. “Hmm… masarap. Lorie, kung ganyan lagi luto mo, baka ma-in love na sa’yo si Jason.”

Napangiti si Lorie, namula ang pisngi. “Dad naman… hindi pa nga kami nagkikita ulit, pinipilit n’yo na agad ako.”

Tahimik lang si Jane. Pero sa loob niya, may kaba. Pakiramdam niya, may paparating na unos.

Kinabukasan, maagang pumasok si Franco sa kompanya. Isang tawag mula sa kanyang finance head ang gumising sa kanya.

“Sir, nakuha na po namin ang mga dokumentong nagpapatunay. Si Amor Curry po talaga ang naglipat ng pondo sa offshore account.”

Namilog ang mga mata ni Franco. “Sigurado ka ba?”

“Opo, sir. Lahat po ng ebidensya ay nasa email n’yo na.”

“Salamat. Huwag mo munang ipagsabi kahit kanino,” mariing bilin ni Franco.

Pagkababa ng tawag, napatingin siya sa larawan ng pamilyang Curry sa mesa.

“Amor…” bulong niya. “Paano mo nagawa ‘to sa akin?”

Sa kabilang banda, sa mansyon ng mga Curry, kinakabahan at hindi mapakali si Amor.

"Sir, nag-imbestiga si Franco!" tarantang sabi ng isa sa mga tauhan niya sa telepono. "Mukhang may nakuha na silang ebidensya."

"Anong sabi ko sa'yo? Burahin mo lahat!" sigaw ni Amor. "Walang bakas na dapat makita nila!"

"Ginawa ko na, sir, pero may na-d******d na silang files bago ko na-delete ang iba."

"Shit!" napasuntok si Amor sa mesa. "Kung mabubuko tayo, tapos tayo!"

Tumalikod siya at tinawagan si Jason.

"Jason! Siguraduhin mong tuloy ang engagement n'yo ni Lorie. Walang atrasan! Kapag natuloy 'yon, kahit anong ebidensya, hindi tayo matitinag."

"Dad..." malamig na tugon ni Jason. "Ano bang kinalaman ni Lorie sa kalokohan mo?"

"Hindi mo kailangang maintindihan, anak. Gawin mo lang."

"Hindi ako tuta mo!" singhal ni Jason. "Hindi ko siya kayang lokohin-"

"Anak, gawin mo 'to para sa pamilya," sabat ni Pia, nanginginig ang tinig. "Para sa atin. Pag wala ka, mawawala lahat."

Tahimik si Jason. Napatingin siya sa litrato ni Necy na nasa kanyang desk.

"Pagkatapos nito..." bulong niya, "tayo pa rin, Necy. Walang makakapigil sa atin."

Linggo ng hapon.

Ang hangin ng Tagaytay ay malamig, ngunit mainit ang tensyong bumalot sa rest house kung saan nagkaharap sina Franco Philip at Amor Curry. Sa tabi ni Franco ay si Lorie, suot ang puting bestida, walang kamalay-malay sa unos na paparating.

“Amor,” bati ni Franco, malamig ngunit magalang. “Kailangan nating mag-usap  tungkol sa kompanya… at sa engagement nina Lorie at Jason.”

Napatawa si Amor, pilit at mapakla. “Pare, bakit parang ang bigat ng tono mo? May problema ba?”

Dahan-dahang tumayo si Franco, nakatitig sa kanya.

“Dahil may napatunayan na ako,” matigas ang boses nito. “Na ikaw… ang dahilan kung bakit nawalan ng pondo ang kumpanya ko.”

Parang natuyuan ng dugo si Amor. “Anong pinagsasabi mo, Franco? Wala akong alam diyan!”

“Wag mo akong gawing tanga, Amor!” Umalingawngaw ang sigaw ni Franco, at muntik nang mahulog ang basong hawak ni Lorie. “May hawak akong ebidensya! Mga dokumento, pirma mo, at mga account na naglilipat ng pera sa offshore bank. Lahat ng pinaghirapan ng Philip Empire nilustay mo!”

Napasinghap si Lorie. “Dad… what’s happening?”

Hindi siya pinansin ni Franco. Ang mga mata niya ay nakatuon lang kay Amor — puno ng galit, sakit, at pagtataksil.

“Tinanong kita noon kung totoo ang pagkakaibigan natin. Pero ngayon alam ko na ang sagot  pera lang pala ang halaga sa’yo.”

Tahimik si Amor, nanginginig ang mga daliri. Pilit niyang pinapakalma ang sarili.

“Pare… hayaan mong ipaliwanag ko”

“Wala ka nang ipapaliwanag!” singhal ni Franco, tumataas ang tinig. “Kanselado na ang engagement nina Lorie at Jason. Hindi ko ibibigay ang anak ko sa anak ng magnanakaw!”

Natigilan si Amor. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha — mula sa pagkabigla, naging malamig at mapanganib ang mga mata.

“Franco…” bulong niya, mabagal, halos pabulong. “Sigurado ka bang gusto mong kalabanin ako?”

“Wala akong kinatatakutan, Amor,” sagot ni Franco. “Lalo na kung katotohanan ang nasa panig ko.”

Humigpit ang kamao ni Amor. “Hindi mo alam kung anong binubuksan mong pintuan, Franco. Sa mundong ginagalawan natin… ang kabutihan ay madaling lamunin ng kapangyarihan.”

“Kung ‘yan ang mundo mo, Amor,” mariing tugon ni Franco, “hindi ako kabilang doon.”

Nanginginig ang labi ni Lorie. “Dad, let’s go na, please…” bulong niya, hinila ang kamay ng ama.

Ngunit bago sila umalis, lumapit si Amor, dahan-dahan, hanggang halos magdikit ang kanilang mukha.

“Alam mo, Franco,” sabi niya sa malamig na tinig, “minsan, ang sobrang tiwala yan ang pumapatay sa tao.”

Tinitigan siya ni Franco nang diretsahan. “At ang sobrang kasakiman yan ang unti-unting sumisira sa kaluluwa.”

Tahimik silang nagtitigan bago tuluyang lumakad si Franco palayo, kasama si Lorie.

Ngunit sa mga mata ni Amor, may apoy ng galit at pagnanasa sa paghihiganti.

Kinuha niya ang cellphone, nag-dial, at malamig na bulong ang lumabas sa kanyang bibig:

“Gawing aksidente. Siguraduhin mong wala ni isa sa kanila ang makakaligtas.”

Madaling araw.

Tahimik ang daan habang bumabaybay ang itim na kotse ng mga Philip sa kalsadang papunta sa Maynila. Nasa likod si Lorie, nakasandal sa balikat ng kanyang inang si Jane, habang si Franco ang nagmamaneho.

“Hon,” mahinang sabi ni Jane, “baka pagod ka na, ako na lang magmamaneho.”

Umiling si Franco. “Okay lang ako, malapit na tayo.”

Ngumiti siya sa rearview mirror. “Lorie, anak, pag-uwi natin, maghanda ka. We’ll have dinner with our board tomorrow. Gusto kong ipakilala ka bilang acting CEO.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Chelle
Good luck! Highly recommended story! 🫶🫶
2025-10-28 16:02:05
0
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status