My Hired Boyfriend is a CEO

My Hired Boyfriend is a CEO

last updateLast Updated : 2025-12-30
By:  ZANEUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
73Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Riza Gomez only wanted one thing, to shut up her ex and her evil stepsister. Ang plano? Mag-hire ng fake boyfriend na may konting porma at swag — para lang ipakitang she’s totally moved on. Then nakilala niya itong si Kenneth Sy, a mysterious “mechanic” na may ngiting nakakainis pero strangely attractive. Mabilis ang usapan, one thousand five hundred pesos per month. No feelings involved. No strings attached. Simple, ‘di ba? Well... not when your “mechanic bf” suddenly shows up in a luxury car, wearing a suit, and being called “Sir Kenneth” by hotel managers. Turns out, she didn’t just hire a fake boyfriend — she accidentally signed up for the most complicated love contract ever... with a billionaire in disguise. Now Riza must survive pretending in front of her ex, her family, and the whole city. She only wanted a drama-free act, but love had other plans and this time, there’s no “cut” or “take 2.” "When the contract ends, will their love expire too?”

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

Simple lang si Riza — nakaipit sa likod ang buhok, may lumang headband, at tanging ngiti lang ang kayamanang hindi niya kailangang bilhin. Sa murang edad, siya na ang tumayong haligi’t ilaw ng tahanan. Dahil matapos mamatay ng kanyang ina, siya na lang at ang kanyang Tatay Mario ang naiwan. Ngunit simula nang dumating si Veronica, ang bagong asawa ng kanyang ama, naging parang ulila uli si Riza. Kung ano ang meron siya, madalas ay si Tanya — anak ni Veronica ang nakikinabang.

“Babe, bayaran mo na muna yung kuryente ha? Naputulan na naman ako eh…”

Malambing na mensahe ni Nikko, ang boyfriend niyang tatlong taon na niyang sinusuportahan — emotionally at financially. “ Sige na love. Ibibigay ko mamaya pag sweldo ko.”

Naiiling siyang napakamot ng ulo dahil alam ni Riza, hindi naman ito nagtatrabaho si Nikko. Sa totoo lang, mas madalas itong nasa gym kaysa sa trabaho. At kahit alam niyang babaero ito, pinipili pa rin niyang maniwala.

“Baka magbago naman siya,” bulong niya sa sarili.

______

Linggo ng hapon, maagang natapos si Riza sa karinderya. Balak niyang sorpresahin si Nikko sa apartment nito, dala niya pa nga ang paboritong ulam ng lalaki, adobong baboy. Pagpasok niya, napansin niyang nakasara ang ilaw, pero bukas ang pintuan ng kwarto. Tahimik siya. Pumapasok. Hanggang sa marinig niya ang halakhakan.

“Ahhh Nikko… baka dumating si Riza…”

“Eh ‘di sasabihin kong mas magaling ka kaysa sa kanya, Tanya!”

Tumigil ang mundo ni Riza. Parang may sumabog na dinamita sa dibdib niya.

Hindi na niya kailangang makita pa, pero naririnig niya. Doon mismo sa kama ni Nikko — ang boyfriend niyang pinagkatiwalaan, at ang stepsister niyang si Tanya, magkapatong, magkahalikan, at walang saplot. Nalaglag ang dala niyang adobo.

“Ganito ba talaga ako ka-tanga?” bulong niya habang tumutulo ang luha.

Nagulat sina Tanya at Nikko sa lagabog ng kaldero.

“Riza! Hindi ‘yan ‘yung iniisip mo—”

Si Tanya naman, kalmado pa rin kahit nakahiga at nakangisi, parang siya pa ang may karapatan magalit.

“Ha? Hindi ‘yung iniisip ko?” nanginginig na sagot ni Riza habang tinuturo ang kama.

“Eh ano ‘to, miracle healing session?! Gabi-gabi mo bang dinadasalan si Tanya nang hubo’t hubad?!”

“Wait, babe—”

“‘Babe’ mo mukha mo! Hindi mo nga ako tinutulungan sa upa tapos dito ka pala nagbabayad ng utang gamit katawan mo!”

Tiningnan ni Tanya si Riza mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay.

“Alam mo Sis, siguro kung marunong ka lang mag-ayos, hindi ka iiwan ni Nikko. Para ka kasing walking laundry shop—  pagod at pawis parati!”

“Ah ganun ba, Tanya?” natawa si Riza pero halatang nagpipigil ng luha. “Ako kasi nagtatrabaho, hindi umaasa sa sustento ng tatay ko!”

Napailing si Tanya at nagkunwaring naiirita. “Excuse me, hindi ako umaasa. Minamahal ako!”

“Minamahal ka nga— pero ni Nikko? Congratulations, papalitan ka rin ng gunggong na to!”

“Riza, please naman,” sabat ni Nikko habang tumatayo at nagsusuot ng pantalon. “Walang nangyari, promise. Natutulog lang kami!”

Hinablot ni Riza ang bag niya, pero hinawakan siya ni Nikko sa braso.

“Love, sorry na. Don’t do this. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko.”

Natawa si Riza, ‘yung tawang may kasamang punit ang puso. "Ah, ako lang? Eh kanina lang, siya ang nasa kama mo! Paano ‘yun? Buy one take one na ang pagmamahal mo ngayon?”

“Riza!”

“Wag mo na akong tawagin! Sa totoo lang, dapat matagal na kitang hiniwalayan, Nikko! Kung pogi lang ang puhunan mo, aba, hindi ‘yan pambayad ng bills! Hindi ka na magiging pogi pag nagutom ka.

“Hoy,” biglang singit ni Tanya, “wag mong insultuhin ang boyfriend ko!”

“Boyfriend mo na pala? Wow, bilis ng transfer of ownership! May resibo ba ‘yan?”

Namula si Tanya sa inis. “Inggit ka lang kasi wala ka nang lalaki!”

Ngumisi si Riza, itinaas ang kilay at tumayo nang matuwid. “Wala na akong lalaki, oo — pero hindi siya kawalan. Ikaw nga itong dapat kabahan.”

“Bakit ako kakabahan?” asar na balik ni Tanya.

“Dahil kahit bukas,” sagot ni Riza,“ papalitan ko si Nikko ng mas gwapo… at mas mayaman!”

Sabay sabog ng tawa ni Tanya. “Mas gwapo? Mas mayaman? Hala, Riza! Baka mayaman sa hangin!”

“Edi wait and see!” sabay hampas ni Riza ng pinto at lumabas nang may pride, kahit nanginginig ang tuhod.

______

Basang-basa si Riza, naglalakad sa bangketa na parang eksena sa teleserye.  May luha sa mata, pero pilit pa ring nakatawa.

“Wow, congrats Riza,” bulong niya sa sarili. “Broken ka na nga, uulan pa. Complete package! May promo ba sa malas ngayon?”

Bigla, narinig niya ang tunog ng paparating na mga sasakyan. Napaangat ang ulo niya. Tatlong magkakasunod na itim na mamahaling SUV ang papalapit. May mga motor pa sa unahan, halatang convoy ng isang bigatin. Napalingon ang mga tao sa paligid, lahat ay agad tumabi sa gilid ng kalsada.

Ngunit bago pa siya makalayo —

Diretsong tinamaan si Riza ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa.

“AY SUSMARYOSEP!!!” sigaw niya.

Ang buhok niyang kanina ay nakaipit, ngayo’y parang ginawang instant shampoo commercial gone wrong. Ang uniporme niya ay basang-basa. At ang mukha niya— puno ng sabaw ng baha! Tiningnan niya ang paalis na convoy, nanlilisik ang mga mata.

“WOW! GRABE NAMAN ‘YUNG MAMANG YUN! Hindi man lang huminto?!” Itinaas niya ang kamay at sumigaw,

“KUYA! MAYAMAN KA NGA, PERO WALANG KANG MODO!!!”

Nagtawanan ang mga tao sa paligid, pero si Riza, hindi papatalo. Sinundan niya ng tingin ang convoy na papunta sa kanto.

Habang nagsasalita siya, hindi niya alam — mula sa loob ng huling sasakyan sa convoy, may lalaking nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng tinted na bintana. Tahimik. Nakakunot ang noo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

ZANE
ZANE
Maraming salamat po sa lahat.. paki follow na din po ako
2025-12-07 11:14:49
0
0
Love Reinn
Love Reinn
nice story <333
2025-12-02 11:47:05
0
0
Nicole Sucia
Nicole Sucia
maganda ang storya
2025-11-18 14:25:53
0
0
73 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status