Share

Chapter 1: THE FALL OF SYLVERSTEIN

AN/ Unang una hindi ko po isinulat ang storyang ito upang makilala ng karamihan. This story is clearly made to open our eyes into reality, that we should not trust anybody easily cause regrets always tends to happen at last. Again, please don’t expect too much angels HUHU. BTW I am new to this genre pero susugal tayo diyan welchians. Happy Reading!

“Dapat hindi mo hinahayaang palaging nakatali ang mahahaba at malalambot mong mga buhok baka masira iyan sa kakatali. At gusto ko sa darating na ika-pito mong kaarawan ay naka ayos ito ng mabuti dahil gusto ko palaging maganda ang prinsesa ko. Naaalala ko tuloy ang kabataan ko sayu anak noong mga--” 

“Sugod!” Mga sigawan sa labas na aming narinig na biglang nagpa bahala sa akin at sa aking mahal na inang reyna na siyang nagpa hinto sa aming malumanay na usapan

“Kamahalan, may mga Assassin na sumugod sa atin, kailangan nyung maka ligtas at maka layo sa lugar na ito” nauutal na sabi ng matandang baabeng taga silbi. Agad kaming lumabas ng palankwin kasama ang matandang baabeng taga silbi, ngunit di kalayuan mula sa aming palangkwin ay tinamaan ng palaso sa leeg ang matandang babaeng taga silbi at agad itong binawian ng buhay.

Pabilis ng pabilis ang aming pagtakbo habang hawak hawak niya ng mahigpit ang aking kaliwang braso. Halos lumilipad na ako sa bilis ng pagkaka hila sa akin ng aking Ina. 

“Ayon! Magtago tayo sa malaking puno na iyon” nanginginig na pagkasabi ng aking Ina na ramdam na ramdam ko ang takot at kaba sa kanyang mala-yelong lamig na kamay.

Mabilis kaming nagtungo doon ngunit di pa man kami nakaka lapit sa malaking puno na yon ay tinamaan ng palaso ang aking pinakaamamahal na inang Reyna sa kaniyang kaliwang binti ngunit patuloy parin ito sa pag takbo hanggang bigla nalang itong nadapa akala ko ay dahil sa kanyang sugat sa binti, ngunit nakitang kong may bago na naman sIyang tama, at sa bandang kaliwa ito ng kanyang dibdib na kung aking susukatin ay sa kanyang puso ito tumama.

“Ina! Ina tumayo po kayo, tatakas tayo ng sabay Ina!” naluluha kong sigaw habang hinihila patayo ang aking mahal na Ina.

Tumingin ako sa may bandang likod ko at nakita ko ang babaeng assassin na naka kabayong palapit na sa amin. Tumakbo ako ng walang alin langan hanggang sa aking mapagtanto na nasa dulo na pala ako ng mataas na talon, liningon kong muli ang nakahandusay na bangkay ng pinakamamahal kong babae sa ibabaw ng mundo habang patuloy na pinag sasaksak ng babaeng Assassin na may lilang laso--

“Kamahalan!” bigla akong nagising sa malumanay na tawag ng aking tagapag lingkod mula sa labas ng aking silid.

“Kamahalan, oras na po upang magtungo sa silid bulwagan.

Biglang dumapo sa aking isipan na ngayon pala ang araw ng pagtitipon ukol sa magaganap na kasunduan sa pagitan ng aming kaharian ang Sylverstein Kingdom at ng Shein Empire. 

Nagmamadali kong pinatawag ang aking mga taga bihis. Maingat at nagmamadali nilang isunuut sa akin ang kulay rosas na mahabang sutla habang inaayos ang mala gintong-kulay na sinturon na siyang mas lalong nagpa tingkad ng aking kasuutan habang ipinamamalas ang mala-perfectong hubog ng aking katawan na siyang pinaka ayaw kong nangyayare, ngunit dahil sa espesyal ang araw na ito ay kailangan ko itong isuot alinsunod sa utos ng aking mahal na Amang hari at sya naring pag papakitang respeto sa Prinsepe ng Shein Empire na kahapon pa naririto sa palasyo.

“Itali niyo ang aking buhok” pa utos kung bigkas

“Ngunit mahal na Prinsesa, dalaga ka pa baka mapagkamalan ka pang biyuda sa gagawin mong ito” ani ng aking nakatatandang tagabihis na si Lady Matti, siya ang tagabihis ng aking mahal na Ina at matapos ng pamamaalam niya ay pinilit kong sa akin nalang siya manungkulan dahil napakabait niya, halos araw-araw ko nga silang naaabutan na nangongolekta ng magagandang bulaklak kasama ng aking Ina kung kaya’t napakagaan ng aking pakiramdam sa kaniya.

“Itali niyo na, mas mabuti na nga iyon dahil wala naman akong balak mag asawa” sagot ko habang naka titig sa labas ng bintana.

Naririnig kong natatawa sila sa sinabi ko ngunit hindi kona yon pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag lalagay ng katamtamang pulbo sa aking pisngi.

-Queen Qiana’s point of view

“Kamahalan, narito po ang mahal na Reyna Qiana” marahang sambit ng matandang lalaking tagasilbi.

“Sige pa pasukin mo” tugon ni Haring Christopher

Pumasok ako at tumambad sa akin ang nag aalinlangang mukha ng aking mahal na asawa

“Kamahalan, tayo na’t magtungo sa silid bulwagan” Panimula kong sambit at matapos ay siya ring agad na tumayo ang Hari mula sa kanyang upuan.

--

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng silid at tanging ang mga mata ng bawat naroroon ang siyang tanging gumagalaw. Nahawi ng aking paningin ang Prinsipeng kanina pa naka titig sa akin na para bang gandang-ganda sa‘kin, aba! Sino ba naman ako para di kagiliwan napangiwi nalang ako sa aking guni-guni.

“Hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa mahal na Haring Christopher, ang pakay ko lamang dito ay upang iparating sa inyo ang kasunduang nais na maganap ng aking mahal na Amang Emperador sa pagitan ng Sylverstein at Shein” Madaldal na sabi ng Prinsipeng ito na masasabi kong napaka taas ng tingin sa sarili.

“Kung gayon, isang magandang balita yan, ngunit naniniwala ako na sa bawat hakbang na ginagawa ng Shein ay palaging may kapalit, dahil gaya ng nakararami ayaw niyo ring malugi tama ba ako Prinsipe Wynn?” patawang tanong ng aking Amang hari.

“Hahahahaha totoo nga ang sabi-sabing nalalanghap ko na napaka talino ng Hari ng Sylverstein, ngunit wag kang mag-alala kamahalan sapagkat isa lang naman ang hinihinging kapalit ng aking Ama, yon ay ang pakikipag isang dibdib ng iyong napaka gandang anak sa akin kapalit niyon ay hindi na sasakupin ng Shein ang inyong kaharian hangga’t ako at ang aking ama ang siyang namumuno, at gayundin ang pakikipag kalakal, malaya kayong makaka paglabas pasok sa aming Emperyo” nakaka iritang mahabang pahayag nito.

“Ipag paumanhin mo Prinsipe Wynn ngunit ang hinihingi niyong kapalit ay hindi basta-basta, siya ang panganay na Prinsesa ng kahariang ito at siya ang inaasahang susunod na mamumuno rito” ika ng mahal na Reyna Qiana ang ikatlong asawa ng aking Ama.

“Ngunit mahal na Reyna hindi rin basta-basta ang matatanggap niyong tulong at kapangyarihan mula sa amin kung kaya’t masasab--” 

“Walang magaganap na kasalan” Malamig na sabi ng aking Amang hari.

“Hindi siya makikipag isang dibdib sa’yo, at walang magaganap na kasunduan sa pagitan ng Sylverstein at Shein, hindi kami uurong sa labanan hangga’t merong natitirang hininga sa amin iparating mo iyan kay Emperador Tsui bastos na Prinsipe” pasigaw na dagdag ng aking Ama.

“Huh, pagsisisihan niyong hindi tinanggap ang kasunduang ito” nanlilisik na sambit ng prinsepe at padabog na lumabas ng silid.

Naglalakad ako pauwi galing templo kasama ang sampung babaeng tagapagsilbi at anim na personal kong guwardiya na syang babae rin.

Dalawang araw na ang nakalipas ngunit di parin mawala sa aking isipan ang naging sagutan sa pagitan ng aking Ama at ng prinsIpe ng Shein. Gulonggulo na’ko. Pababa na kami ng mataas na hagdanang ito ng makitang kong patakbong lumapit sa amin si Zacc.

"Mahal kong Prinsesa nabalitaan muna ba ang nakaka kilabot na balita!?" nahihingal nitong sabi.

Siya pala si Zacc Chesther Hugh ang apo ng Punong Minestro, sya ang kaisa isa kong kababata. Siya ang naka tagpo sakin mula sa pagkakalunod sa talon. Sabay kaming pumasok sa pag iinsayo. At halos lahat ng mga sikreto namin sa isa't isa ay alam na namin, ganun kami kalapit.

"At ano na namang pekeng balita ang iyong naimbento ginoong Zacc?" pataray kong tugon habang naka tingin sa aking mga makikintab na kuko.

"Ano kaba naman Sapphire, ay! Ibig kong sabihin kamahalan. Hindi na ito peke, siguradong-sigurado na’ko ngayon dahil narinig ko mismong nag-uusap si Lolo at ni Ama na sasama daw ang mahal na Hari sa digmaan, at kasalukuyan na silang naghahanda!" mabilis nitong ulat na halos di ko na maintindihan.

"Ano!? Kinakailangan kong sumama, hindi ko hahayaang malagay sa alanganin ang mahal na Hari." patakbo akong bumaba ng hagdanan habang bitbit ang mahahaba kong dilaw na sutlang kasuutan. 

-Lady Halen’s point of view

"Siguraduhin mong hindi ka papalpak ngayon Tyrone, isa lang ang pagpipilian mo, buhay ng iyong Ina o buhay ng Hari, at alam kong hindi mo matitiis na nakikitang nagdurusa ang pinaka mamahal mong Ina"  marahang sabi ng babaeng nakaitim na damit at naka sombrero na mayroong itim na kulambong naka palibot dito. ‘Di ko man sila nakita at tanging anino lang nila ang siyang aking napapagmasdan mula sa loob ng aking silid, ngunit pamilyar sa akin ang boses ng babae.

"Hindi ko kayu bibiguin mahal na Reyna" pabulong na sabi ng lalaking ninja na siyang namang itinango na babaeng nakaitim.

Nanginginig kong niyakap ang aking sarili, "Kailangang malaman ito ng mahal na Hari" bulong ko sa sarili ko habang nagmamadaling tumayo mula sa aking higaan matapos kung mapag tanto na umalis na ang dalawang taong nag uusap sa labas ng aking silid.

"Kamahalan, bakit po kayo lumabas? Kumuha lang po ako ng iyong gamot sandali, hali na po kayo sa loob ng iyong silid". Ika ng matandang babaeng tagapagsilbi

"Hindi, kailangan kong makita ang mahal na Hari" nanginginig kong sabi

"Ngunit kamahalan--" 

Hindi kona pinatapos sa pagsasalita ang babaeng tagapagsilbi at agad agad akong tumakbo palabas upang balaan ang mahal na Hari sa masamang balak ni Reyna Qiana.

"Ano pang tinatayo-tayo niyo riyan? habulin nyu si Lady Halen, baka kung anong mangyari sa kanya!" rinig kong sigaw na utus ng matandang tagasilbi sa mga kawal.

--

"Handa na ang lahat kamahalan. Nasa labas na ng palasyo ang ating hukbo. Nagpa dala rin ng karagdagang liman-libong kawal si Gobernador Sergio" ulat ni Heneral Cognan.

"Kung gayon tayo na, hah-- hah--" mabilis naming pinatakbo ang aming kabayo.

--

Patakbo akong pumasok sa silid sandatahan at tanging matandang Asero nalang ang aking naabutan doon.

"Nasaan na ang mga kawal at ang mahal na Hari" nagmamadali kong tanong ko sa matandang Asero.

"Umalis na po sila kani-kanina lang mahal na Prinsesa"

Walang pagdadalawang-isip at kumuha agad ako ng espada at pana, at nagmamadaling isinuot ko ang baluting pang kawal. Mayroon akong sariling baluti na pinayari ng aking Ama mula sa bakal at pilak, ngunit wala na akong oras upang bumalik pa sa aking silid at isuot iyon kaya ito nalang muna ang pansamantalang gagamitin ko.

"Ang bilis mo naman, halos paliparin muna ang kabayo mo" hinihingal na sambit ni Zacc, sabay ngiti sakin. Iyong mga ngiti na masasabi kong mas lalong nagpapa guwapo sa tangang ito. Para talaga itong bulati na bigla nalang sumusulpot kahit saan saan.

"Tama na ang talumpati ginoong bulati, kumuha kana ng sandata mo ng maabutan natin sila"

Nagmamadali na naming nilisan ang silid sandatahan matapos naming isuot ang aming mga baluti ng makita ko si Lady Halen na parang wala sa sariling tumatakbo. Bumaba ako ng kabayo upang lapitan siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status