"Lapastangan! Tumigil ka, hindi lang ito tungkol sa sarili mo. Ang kinabukasan ng ating kaharian at ng bawat mamamayan ng Sylverstein ang nakataya dito Saphhire!" Mariiing sabi ng kasalukuyang Reyna.
Sa loob ng tatlong decada malayang namumuhay at nakakapag labas pasok ang mga mamamayan sa iba't-ibang kaharian sa pamumuno ng Knightwalker Empire. Ngunit sa ka timogang dako ay ang lugar na tagpuan kung saan nagpapalakas at nagpaparami ang mga tulisan at traydor sa lipunan, at di rin nagtagal ay sinalakay nito ang Knightwalker Empire sa araw mismo ng pag pasa ng korona sa bagong nakababatang hari ng Knightwalker. Dahil sa biglaang paglusob ay di nakapag handa ang karamihan, libo-libong buhay ang nasawi at halos bumaha ng dugo sa araw na iyon. Sa di inaasahang pangyayari, namatay ang kasalukuyang emperador ng Knightwalker na si Emperador Vladimeer Paxton Knightwalker, at hindi ein nilang inaasahan na di narin matagpuan ang bangkay ng kaniyang panganay na anak na inaasahang magpapatuloy na mamumuno sa kanilang Emperyo.
Matapos ang nakaka kilabot na pangyayari ay naitatatag na ang Shein Empire sa pamumuno ng dating punong minestro ng Knightwalker Empire, siya si Emperador Tsui David Shein. At mula noon ay isa isa na niyang sinalakay ang mga maliliit na pitong kaharian na ayaw pumanig sa kaniya hangga't sa dalawa nalang ang natira, at iyon ay ang Aerosmith kingdom sa hilagang-kanluran at ang aming kaharian na Sylversein.
"Nauubusan na tayo ng hukbo na pinapadala sa South border upang harangan ang mga guwardiya ng Shein para hindi malusob ang ating kaharian, kinakailangan na nating makipag tulungan sa mga Aerosmith, dahil sa taglay na dami ng kanilang hukbong sandatahan at mga armas ay siguradong hindi tayo basta-basta malulupig ng mga Shein" dagdag ni punong minestro Hugh na mas lalong nagpa sama ng itsura ni Ama. Iba talaga ang problema ng Hari, lahat lahat na.
"At sa palagay mo basta basta na lang papayag at makikipag ugnayan sa atin ang mga Aerosmith gayong wala silang makukuha ni isang musing sa atin" tanong ni Heneral Cognan.
"Kung makakasal ang Prinsipe ng Aerosmith at ni Prinsesa Sapphire, paniguradong mas lalong titibay pa ang koneksiyon ng dalawang kaharian" paliwanag ni Punong Ministro Hugh.
Nanginginig at tulala akong nakatayo sa tabi ng aking nakababatang kapatid na si Louvier.
"Ganyan ba mag-isip ang Punong ministro ng Sylverstein?" Mataas na boses kong tugon sa kanila. "At sa tingin niyo ba basta-basta magbibigay ng libo-libong hukbo ang Aerosmith? Huh! Kakailanganin nila rin ang kanilang hukbong sandatahan upang magtanggol sa kanilang kaharian. At ukol sa sinasabi niyong kasalan? Anong akala niyo sa akin? Isang laruan para ipamigay nalang kahit kanino? Kung totoo ngang tutulungan tayo ng Aerosmith ay hindi na kinakailangang may kasalang magaganap, sapat nang halimbawa ang pag-iisang d****b ni Ama at ni Reyna Qiana. Pero ano? Diba wala paring nangyari?" nahihingal kong bigkas dahil sa galit na nag uumapaw sa aking d****b.
"Manahimik ka! Baka nakakalimutan mo prinsesa Sapphire na wala na tayong ibang pagpipilian, dahil tanging tayo nalang at ang Aerosmith ang siyang natitirang kaharian, at kung hindi tayo magsasanib puwersa ano nalang ang kababagsakan nating lahat? Mamulubi" pataray na ika ng mahal na reyna Qiana.
"Paumanhin kamahalan, ngunit mukhang kalabisan na ang iyong naiisip, hindi natatangi sa isang may mataas na katungkulan ang mag isip ng nakapa negatibo lalo't alam mo na sa bawat katagang iyong nasasambit ay syang nagiging gabay ng karamihan na sya ring sinusunod" sagot ko sa pangangaral na tono.
"At ano ang nais mong ipahiwatig, prinsesa Sapphire? Na ako'y tanga!?" nanlilisik nitong sigaw.
Siya si Reyna Qiana Seigel Sylverstein ang pangatlong asawa ng aking ama, sya ay kapatid ng kasalukuyang hari ng Aerosmith na si Haring McGuire Braxton Aerosmith, ito marahil ang dahilan kung bakit gigil na gigil ito na maipakasal ako sa anak ng kanyang kapatid. Isa lang ang nasisiguro kong dahilan, gusto niyang mas lumakas pa ang impluwensya ng mga Aerosmith.
"Manahimik kayo!" halos mapalundag ako sa pasigaw na sabi ng aking amang hari na siyang nagpa hinto sa mga bulung bulungan ng mga ministro.
"Walang kasunduan o kasalan na magaganap, hangga't ako ang namumuno at naka upo sa tronong ito!" pagalit na sabi ng mahal kong ama habang nanlalaki ang mga mata ng mga Minestro.
Halos hindi ako makapaniwala na sinabi yon ng aking ama. Pero di ko siya masisisi dahil isa sa pangakong binanggit niya sa burol ng yumao kong ina ay hindi niya ako pababayaan at lahat ng ikakasaya ko ay ibibigay niya.
"Ngunit kamahalan, hindi kakayanin ng ating hukbo ang mga Shein, at maliban duun kulang narin ang naiaangkat nating mga pagkain at produkto galing sa mga karatig na bayan" maluha-luhang sambit ni minestro Fearnley.
"At kamahalan, kulang narin ang tubig na ating nakukuha mula sa sapa ng Edsel dahil napapaligiran na ang kabilang dako neto ng mga guwardiya ng Shein" pahabol na dagdag ni minestro Shaw
Ramdam ko ang problemang dala ng aking ama, dahil nakikita ko sa di mapalagay na mga daliri niya na gulong gulo ang kanyang pag-iisip.
"Hindi magbabago ang aking pasya! Makikipag digmaan tayo sa Shein kung kinakailangan, mas mabuting mamatay na lumalaban kaysa mamatay sa takbuhan. At alam ko! Na pare-pareho nating gustong maging ligtas at mamuhay ng malaya, at mangyayari lang yon kung sama-sama tayong lalaban. malamig na sabi ng mahal na hari.
Matapos niyon ay inutusan ng mahal na hari si Heneral Cognan upang magpadala ng karagdagang kawal sa South border. At agad na tinapos ang pag pupulong.
Kitang-kita ang pagka dismaya sa mukha ng mga naglalabasang Minestro at iba pang mga matataas na angkan sa aming kaharian hakbang patuloy na nagbubulungan.
Hindi pa nakakalabas ang karamihan ng mga minestro ay may dumating na isang Kawal na may dalang sulat na nakatali sa isang duguang palaso. Agad itong lumuhod sa harapan ng mahal na hari upang ipag bigay alam ang kanyang dalang ulat, saktong magsasalita na sana ang guwardiyang ito ay siya ring lakas ng ingay ng mga guwardiya sa labas ng himpilan at ang ingay ng takbo ng mga kabayo ay dinig namin malayo palang.
Sa aming sorpresa bumulantad sa labas ng silid na aming kinaroroonan ang isang matipuno, matangkad at singkit na lalaki, kasama neto ang humigit sampong guwardiya na syang naka sakay rin sa kani-kanilang kabayo.
Halos mapuno ng alikabok ang silid na pinag pupulungan dahil sa takbo doon takbo dito ng mga guwardiyang agad na humarang sa mga lalaking ito. Gayunpaman patuloy parin ito sa pag usad hanggang sa bumaba sa kanyang kabayo ang lalaki na kung pagbabasihan sa kanyang kasuutan ay isang Prinsepe.
Lumingon ako sa mahal na Reyna at maputlang nakatitig lang ito sa lalaking iyon, marahil ay kilala niya kung sino ito, habang gulong gulo na ang aking isipan. Mahigpit na napakapit sakit si Louvier, tiningnan ko ito upang tanungin ngunit base sa kanyang histura ay di niya rin ito kilala. Hanggang sa marinig ko ang bulungan ng dalawang minestro,
"Siya si Prinsepe Wynn Euodios--"
--
Welch Phyxion
AN/ Unang una hindi ko po isinulat ang storyang ito upang makilala ng karamihan. This story is clearly made to open our eyes into reality, that we should not trust anybody easily cause regrets always tends to happen at last. Again, please don’t expect too much angels HUHU. BTW I am new to this genre pero susugal tayo diyan welchians. Happy Reading! “Dapat hindi mo hinahayaang palaging nakatali ang mahahaba at malalambot mong mga buhok baka masira iyan sa kakatali. At gusto ko sa darating na ika-pito mong kaarawan ay naka ayos ito ng mabuti dahil gusto ko palaging maganda ang prinsesa ko. Naaalala ko tuloy ang kabataan ko sayu anak noong mga--” “Sugod!” Mga sigawan sa labas na aming narinig na biglang nagpa bahala sa akin at sa aking mahal na inang reyna na siyang nagpa hinto sa aming malumanay na usapan “Kamahalan, may mga Assassin na sumugod sa atin, kailangan nyung maka ligtas at maka layo sa lugar na ito” nauutal na sabi ng matandang baabeng taga sil
"Lady Halen, ang lamig ng mga kamay mo at namumutla ka, bakit ka lumabas ng iyong silid?" malumanay kong tanong. "Kailangan kong balaan ang mahal na Hari, nasa matinding piligro ang kanyang buhay" naiiyak nitong sabi. Siya si Lady Halen ang pangalawang asawa ng aking Ama. Malapit silang magkaibigan ng aking Ina. Galing sya sa katamtamang angkan, ngunit mahal na mahal siya ng aking Ina at ang kanilang pagkakaibigan ay hindi naputol hanggang sa sumakabilang buhay si Ina. Kaya noong nalaman kong nais siyang pakasalan ni Ama ay hindi nako nagmatigas dahil kailanman ay hindi ko ito nakitang nagpamalas ng sama at galit sa akin man o sa kahit sino man. Makalipas ang isang taong pagsasama ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng aking Ama, at isinilang ang nakababata kong kapatid ma si Louvier Morissette Sylverstein. "Wag po kayong mabahala Lady Halen, sasamahan po namin ang mahal na Hari" saad ni Zacc sa komportable nitong tono. "Ano ba kayo, hindi iyon ang
"Ah,! Ah!" Sunod sunod na nagbagsakan ang aming mga kasamahan matapos tamaan ng mga palaso. "Sandali, hindi galing sa likuran ang mga tama nila kundi galing sa ating unahan" pabulong kong hudyat habang naka taas ng bahagya ang kanan kong kamay upang pahintuin ang aming mga kasamahan. "Tama ka prinsesa, at kilala ko ang mga palasong ito. Galing ito sa mga kawal ng Sylverstein, malamang ay inutusan sila ng Reyna upang ipapaslang ka mahal na Prinsesa" ika ni Heneral Cognan Umupo muna kami upang magtago sa matatayog na damo. "Mahal na prinsesa napapa ligiran tayo ng mga kawal ng Shein at Sylverstein. Kailangan nating maghiwa hiwalay upang linlangin sila. Tiyak pag nagkasalubong ang mga kawal ng Shein at Sylverstein ay magpapatayan din ito" Paliwanag ni Heneral Cognan. "At paano iyon mangyayari?" maikli kong tanong "Paumanhin mahal na prinsesa ngunit kailangan mong maka l
"Woaaaahhh! Ano 'to?""Napaka yaman naman ng kaharian ni haring Walter, napaka liwanag ng kanilang siyudad" bulong ko habang nasa tuktok na ako ng bakod na ito.-Greyson's PoVUmiinom ako ng beer habang naka titig sa mga kumikinang na bituin sa langit ng marinig kong may tumatawag saking cellphone.Binuksan ko ang pinto ng kotse ko upang abutin ang cellphone kong kanina pa nagba-vibrate."Hello Tracy" Oh bakit na naman?" nakasimangot kong tanong kay Tracy mula sa kabilang linya."When are you going to return huh? Kanina pa kami nangangawit ni Harris kakatayo dito sa tapat ng gate mo! We've been here for almost 2 hours."Sige pauwi nako." malimit kong sagot"Hurry! And grab some beer on your way home, don't worry babayaran kita Mister kuripot" maarte netong sagot tapos ay pumsok nako sa sasakyan at pina andar na ito.--"Uhuu! Ano 'yon!? Aba! Sobra sobra naman ang yaman ni haring Walter pati pagong niya nag
Sapphire’s PoV Lagpas hatinggabi na hindi parin ako makatulog. Iniisip ko kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa masungit na lalaking iyon, at hanggan ngayon wala parin akong nararamdamang kaba o takot sa aking dibdib kahit na alam kong kaming dalawa nalang ang narito sa malaki niyang bahay. "Hays! Tumigil ka nga diyan Sapphire kung ano-ano ang pumapasok sa kukuti mo babae ka" pabulong kong sabi habang marahang sinasampal ang sarili ko. At ng tumingin ako sa itaas nikita kong nakatitig lang sakin ang lalaking masungit na ‘yon ng wala man lang ka emo-emosyon. Naglakad ito pababa habang naka bulsa sa kaniyang pajama ang kanyang dalawang kamay. "Wala ka bang balak hubarin yang coat ko?" malamig nitong bigkas habang nagsasalin ng tubig sa baso. Aba! May pagka manyakis din pala ang sungit na to! Huh! Baka akalain niya maghuhubad ako dahil lang sa pinatira niya ako dito sa bahay niya. *Huh! Asa ka! "Hindi! Bakit may problema ka ba!?"
“Yes, sweety I’m back!” nakangisi nitong sagot habang mariing naka titig sa akin. Mahigpit akong hinawakan ni Harris sa kaliwa kong kamay, dahilan upang mas manlisik ang mga mata ni Vincent. “Tara na!” sigaw ni Harris at nagmamadali ako nitong hinila patakbo sa kotse ng may apat na lalaking naka itim na biglang humarang sa kotse ni Harris. “Not so fast Doctor, walang lalabas dito ng buhay not unless sasabihin niyo sakin kong nasaan si Greyson” ika ni Vincent habang hinihipan ang kanyang itim na salamin. Pareho kaming nagkatinginan ni Harris. Nag back to back kami habang binibilang ang aming mga kalaban. “4 from the back” bulong ni Harris “dalawa sa unahan” pabulong kong sagot. Haaah!!---- -Princess louvier’s PoV “Kamahalan narito na po ang manggamot” mungkahi ng matandang kong taga silbi. “Tayo na” malimit kong tugon sabay na tumayo at lumabas ng aking silid. Nag-utos ako upang hanapin ang
Magtatakip-silim na hindi parin umuuwi si ginoong sungit, nangangalay nako sa kakalakad, tayo at upo. Nasanay na akong napapaligiran ng maraming tagasilbi kung kaya't ganito nalang ang nararamdaman kong lungkot."Ano kaya magagawa ko? Maghugas ng pinggan? wala namang maruming pinggan, tapos ko na rin diniligan ang mga halaman ni ginoong sungit, aba suwerte ng mga halaman na 'yon prinsesa pa talaga ang nagdilig sa kanila. Ano kaya kong linisin ko ang maruming silid na napasukan ko kagabi? *na siya ring sinang-ayunan ng aking isipan.Dahan dahan akong pumasok sa silid na ito, ang daming bahay ng gagamba, halata talagang wala ng gumagamit ng silid na ito. Habang isa isang tinatanggal ang mga bahay ng gagamba sa bintana naamani ang aking atensiyon ng isang kumikinang na bagay mula sa madilim na sulok matapos kong buksan ang bintana."Ano kaya iyon" tanong koNilapitan ko ito at nakitang isang malaking kahon gaya ng sa kaharian namin. Nakakandado ito per
Paika ika akong naglalakad sa madilim at makipot na lansangan upang maghanap ng malinis at ligtas na lugar kung saan ako makakatulog. “Kailangan mo ba ng tulong binibini? Mukhang may problema ka atah sa binti mo.” sita sa akin ng isang lalaki habang nakikipag inuman sa iba pang apat na mga lalaki. “Baka kailangan mong mag exercise miss, Hahahaha” natatawang sabi ng isa “Hahahaha mukha ata pare, wag kang mag alala binibini hindi ka naman namin papagurin diba mga pare? Hahahahah” ika ng isa pa saka ito sabay sabay na nagtawanan. Kung hindi lang ako napilayan kanina ko pa binali ang mga buto sa iyong mga katawan *sambit ko sa aking isipan. Pero sa kalagayan ko ngayon mukhang pagtakbo lang ata ang makakatulong sa akin. At isa pa, lima sila kaya mahihirapan lang ako pag kinalaban ko pa sila. Binilisan ko ang aking paglalakad upang makalayo na sa kanila. “Oyyy! Sandali lan