Share

Chapter 2: DEATH OF KING CHRISTOPHER

"Lady Halen, ang lamig ng mga kamay mo at namumutla ka, bakit ka lumabas ng iyong silid?" malumanay kong tanong.

"Kailangan kong balaan ang mahal na Hari, nasa matinding piligro ang kanyang buhay" naiiyak nitong sabi.

Siya si Lady Halen ang pangalawang asawa ng aking Ama. Malapit silang magkaibigan ng aking Ina. Galing sya sa katamtamang angkan, ngunit mahal na mahal siya ng aking Ina at ang kanilang pagkakaibigan ay hindi naputol hanggang sa sumakabilang buhay si Ina. Kaya noong nalaman kong nais siyang pakasalan ni Ama ay hindi nako nagmatigas dahil kailanman ay hindi ko ito nakitang nagpamalas ng sama at galit sa akin man o sa kahit sino man. Makalipas ang isang taong pagsasama ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng aking Ama, at isinilang ang nakababata kong kapatid ma si Louvier Morissette Sylverstein.

"Wag po kayong mabahala Lady Halen, sasamahan po namin ang mahal na Hari" saad ni Zacc sa komportable nitong tono.

"Ano ba kayo, hindi iyon ang tinutukoy ko, Si---Rey--Reyna Qi-ana may-" hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla itong hinimatay buti nalang at mabilis siyang nasalo ni Zacc.

"Malubha na talaga ang kaniyang karamdaman" ika ko. Sa di kalayuan ay nakita namin ang tagasilbi at kawal na nagbabantay kay Lady Halen kaya dinala na namin siya doon upang maihatid siyang muli sa kanyang silid.

--

"Sugoooood!" Sigaw ng Heneral ng Shein.

Naghahanda na kami sa kanilang pagsalakay. Nasa unahan namin ang mga kawal na may malalaking kalasag habang naka pulupot ang kanilang mahahabang sibat upang harangan ang mga kalaban.

Nakikita ko ang takot at galit sa mga mata ng mahal na Hari habang matinik na naka tingin sa papalapit na kalaban.

"Mamamana mag handa! Isa---dalawa---tatlooooo! Ngayun na" pautos na sigaw ng mahal na Hari at sabay sabay na nagpakawala ng libo-libong palaso na may nakasinding apoy dahilan upang libo-libong kawal din ng Shein ang nasawi. Sa di kalayuan ay na nagpa ulan din ng palaso ang mga kalaban, at halos maubus ang mga kawal na nasa bandang harap namin.

Ilang metro nalang at malapit na sa amin ang mga kalaban kung kaya't nag bigay na ng hudyat ang Hari

“Heneral Cognan tayo na!” sigaw nito sa’kin at sabay sabay kaming sumugod sa mga kalaban.

Habang nakikipag labanan sa mga hukbo ng Shein, sa di kalayuan ay nakita ko si Tyrone na hinahatak ang kaniyang pana habang naka punto sa kinaroroonan ng mahal na Haring Christopher.

--

Nagmamadali na kaming umalis  ng palasyo ni Zacc matapos naming maihatid si Lady Halen sa kaniyang tagasilbi. Muling sumagi sa aking isipan ang sinabi ni Lady Halen, bakit kaya niya sinambit ang pangalan ng Reyna?

"Tumigil ka nga diyan sa kakaputak mo, daig mo pa ang manok na nangingitlog" pasigaw ko kay Zacc habang mabilis naming pinapatakbo ang aming mga kabayo.

"Hindi ka naman maka-usap, daig mo pa ang tigreng naagawan ng karne HAHAHAHA" natatawang sigaw ni Zacc.

"Huh! Ano? ‘Di kita marinig, may sinasabi kaba?" nagbi bingi-bingihan kong sagot sa kanya

"Sapphire, pagkatapos nito magpapakasal na’ko at dadalhin ko sa malayong lugar ang aking asawa’t anak. namumula nitong saad.

"HAHAHAHAHA, kahit kailan abnormal ka talaga Zacc, nasa gitna tayo ng digmaan tapos kung ano-anong salita ang lumalabas diyan sa bibig m---" Di na ako nakatapos sa pagsasalita ng makita ko sa di-kalayuan ang walang-awang patayan sa pagitan ng aming kaharian at ng hukbo ng Shein. 

"Hah-- hah-- bilisan mo riyan Zacc mukhang nahuli na ata tayo" pasigaw kong sabi sa kanya.

--

"Kamahalan!" Sigaw ni Heneral Cognan sa’kin, at nahawi ng aking paningin si Tyrone habang hinahatak ang pana nito sa aking direksiyon at agad itong nagpakawala ng palaso mabuti't agad akong nakaiwas dito at sa kaliwang braso ko lamang ito tumama.

"Amaaaaa!" Naririnig kong sigaw ng aking Prinsesa mula sa aking likuran.

"Sapphire! Gulat na sigaw ng aking Ama ng makita ako nito, at sya ring aking ikina-bigla ng makitang may tama sya sa kaniyang kaliwang braso.

Agad kong pinatakbo ang aking kabayo patungo sa kaniyang kinaroroonan ng biglang tinamaan ng nag aapoy na palaso ang aking kabayo.

Nagmamadali akong tumayo at nagpa tuloy sa pagtakbo sa direksiyon ng aking Ama ng biglang may tumamang palaso sa kanIyang dibdib, dahilan upang mahulog siya mula sa kanIyang puting kabayo. 

"Amaaaaa!" patakbo kong sigaw habang patuloy sa pagtulo ang nag uumapaw kong mga luha. Sa muling pagkakataon ay naramdaman ko ulit ang sakit at pighating naranasan ko labing-apat na taon ng nakalipas, noong mawalay sakin ang babaeng sobra kong pinaka mamahal. Ang mga sugat na matagal ng naghilom ay muling natitilad. Gumuho ang mundo kong matagal ng sira at walang silbi, ngunit dahil sa kaniya’y sumigla at tumingkad itong muli. Aat ngayon ang lalaking siyang hindi napagod na mahalin, alagaan at protektahan ako ay agawbuhay ng nakahandusay sa maputik na lupa. 

"Amaaaa!" pasigaw kong sambit at isinasandal ang kaniyang ulo sa aking dalawang paa.

Inganat ko ang aking ulo upang hanapin kong sino ang may responsabli sa kahindikhindik na krimeng ito, at di ko inaasahang galing pala kay Tyrone. Ang mga palasong ito at may nakapintang parang berdeng langis na sa aking pagta tanto ay isa itong lason.

Kung gayon, ito pala ang nais iparating sa amin ni Lady Halen kung kaya’t nabanggit niya ang pangalan na babaeng anakondang ‘yon! At nagawa niya pang utusan ang kaniyang mismong sariling kawal upang kitilan ng buhay ang mahal na Hari na kahit ni minsan ay hindi siya minaltrato kahit hindi niya pa ito nabigyan ng kahit ni isang anak.

Patayo na sana ako upang sugurin siya ng makita ko itong agad na sinunggaban ng espada ni Heneral Cognan. Maya-maya pa ay nakita ko nang tumilapon ng malayo ang ulo ni Tyrone mula sa katawan nito. 

“Anak, tuma-ka-s ka-kana-! W-wag na w-ag kang ba-balik sa pa-las--yo-, hindi na ligtas ang lu--gar na iyon para sa iyo ma-ha-l kong Prin-se-sa.” naluluhang sambit ng aking Ama, habang hawak hawak ang pisngi ko at pinupunasan ang aking mga luhang kanina pa walang tigil sa pagpatak.

“Amaaa! hindi kita iiwanan, diba pangako mong pasasayahin mo ako? Paano pa’ko sasaya kung wala na kayo ni Ina? Diba sabi mo pa nga na gusto mong makitang umupo ako sa trono kasama ang lalaking mahal ko. Amaaaa!” napipiyok kung saad habang patuloy na nakatitig sa aking Ama na unti unti ng sinasara ang kaniyang malaabong kulay na mga mata.

Halos mamatay ako sa kinauupuan ko ng bumitaw na sa pagkakahawak sa akin ang mahal kong Ama. Gusto kong lamunin na ako ng lupa ng buo, ano pa ang silbi ng aking buhay ngayon?

“Sapphire, halika na umalis na tayo dito” pasigaw na sabi ni Zacc habang hinihila ako patayo.

“Zacc, kahit ngayon lang pwede ba magpakatino ka at sundin mo ang iuutos ko.” ika ko sa nanginginig na tono.

“Ano iyon Sapphire?” Nalilitong tanong sakin ni Zacc.

“Dalhin mo ang bangkay ni Ama pabalik sa palasyo at siguraduhin mong maililibing siya sa ta--tabi ng-- a--king I-na” pumipiyok kong sambit habang sinasakay sa kabayo ang bangkay ng aking Ama.

“Sabay tayong babalik doon Sapphire! Walang maiiwan!” galit na sambit ni Zacc.

“Wala na akong babalikang tahanan Zacc” Naluluha kong sagot habang hinahalikan ang noo ng aking nakahandusay na Ama, at kinuha ko mula sa kamay niya ang singsing na bigay sa kaniya ni Ina. Tanda ng kanilang tapat na pagmamahalan ay hindi niya parin ito inalis sa kamay niya kahit wala na ang aking Ina.

“Ano bang kahibangan yan Sapphire?”

“Saka ko nalang ipapaliwanag Zacc, sige na!” saka ko pinalo ang kabayo dahilan upang tumakbo ito ng mabilis. 

“Kamahalan, sakay na!” sigaw sa’kin ni Heneral Cognan mula sa taas ng kabayo. Agad akong sumakay sa kabayo ng aking Ama at mabilis na nilisan ang digmaan.

--

“Kamahalan, narito po si Prinsesa Louvier” malumanay na pahiwatig ng tagapagsilbi ng aking Ina.

“Sige, patuluyin mo” Dinig kong tugun ng aking Ina galing sa kaniyang silid, saka ako pinagbuksan ng dalawang guwardiyang nakatayo sa harap kaniyang ng pintuan.

“Oh! Ina ‘di muna kailangan pang bumangon. Magpahinga nalang po kayo. Bakit niyo po ba ako pinatawag ang lalim na ng gabi Ina? At ayon sa iyong manggagamot ay umalis daw kayo ng iyong silid, maaari ko bang malaman ang dahilan aking Ina?” magalang kong tanong.

“Hindi na tayo ligtas sa palasyong ito Anak, dahil pag nagkataong magtagumpay nga ang Reyna sa kaniyang maitim na balak ay katapusan na natin at ng iyong kapatid na si Sapphire- uho! Uho!”

“Ha? Anong iyong ibig sabihin Ina? At saan niyo narinig ang ganyang klaseng usap-usapan?

--

Magha hatinggabi na at patuloy parin ang aming pag takbo sa ilalim ng kagubatan at tanging aninag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag dito.

“Kamahalan, magpahinga muna tayo” hinihingal na saad ni Heneral Cognan. Bumaba kami ng kabayo at saka ito sumenyas sa aming mga sampong kasamahan.

“Heneral, saan ba tayo magtutungo?” pangunguna kong imik habang nakaupo kaming nakapalibot sa apoy habang tina-tapa ang karneng usa na nahuli ng mga kasamahan naming kawal.

“Maaari tayung mag tungo sa pinaka dulong bahagi ng Ashcroft malapit ito sa dating Emperyo ng  Knightwalker, sigurado ang kaligtasan niyo doon dahil matalik na magkaibigan ang iyong ama at ng yumaong Emperador ng Knightwalker”. Salaysay ni Heneral Cognan.

“Kung gayon, bukas na bukas ay magtutungo agad tayo doon” masigla kong tugon.

“Doon kayo maghanap, at dito naman kami” Sabay kaming nagkatitigan ni Heneral Cognan sa aming narinig.

“Patayin nyo ang apoy, aalis tayo dito ngayon din” pabulong na utos ni Heneral Cognan.

“Hindi na tayo gagamit ng kabayo, mag iingay lang ito pag pinatakbo natin” mabilis kong dagdag

“Tama ang prinsesa, tayo na dali!”

Nagmamadali kaming tumakbo ng hindi nagpapamalas ng ingay upang ‘di mabisto ng mga kalaban na narito kami. 

“May natagpuan kami dito, narito din ang kanilang mga kabayo. Siguradong nasa malapit lang sila.”

“Tayo na! bilis halughugin niyo ang buong kagubatan” Naririnig ko ang kanilang mga usapan dahil hindi pa masyadong malayo ang aming natatakbo.

Sa di kalayuan ay mayroon akong natatanaw na mataas na bakod na gawa sa semento halos kasing taas nito ang puno ng niyog. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status