Happy reading po! Thanks for the support. 😘
NAPATIGIL si Laura mula sa paglalakad nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha naman niya iyon sa bulsa sa suot na pantalon para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. At hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang mabasa at makita kung sino ang tumatawag.Si Draco. Saglit siyang napatitig sa cellphone na hawak hanggang sa sagutin niya ang tawag nito. "Hello?" "Laura." Kinagat niya ang ibabang labi ng marinig niya ang baritonong boses nito mula sa kabilang linya. "Bakit?" tanong niya. "I'm outside the mansion," he told her. "Come here.""Ngayon na?" "Yes," sagot nito. Pagkatapos niyon ay ibinaba na nito ang tawag.Wala namang ideya si Laura kung bakit siya nito pinapatawag. At para naman masagot ang tanong kung bakit siya nito pinatawag ay pinuntahan niya ito. Humakbang siya palabas ng mansion. Agad naman niyang nakita si Draco na nakatayo sa harap ng kotse. Nagpatuloy siya sa paglalakad. At mukhang naramdaman
KUMABOG ang dibdib ni Laura nang pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na sumalubong sa kanya ang nakapikit na mukha ni Draco. Napansin nga din niya na nakapulupot ang mga braso nito sa katawan niya. Ibinalik niya ang atensiyon sa mukha nito. Ang himbing ng tulog nito at napansin din niya ang maaliwalas na mukha nito na para bang ang sarap-sarap ng tulog nito. Na para bang may napapanaginipan itong maganda. Sa totoo lang, aaminin ni Laura ang sarap din ng tulog niya kagabi. Hindi niya alam kung dala ba sa lamig o sa bisig ni Draco na nakalupot sa katawan niya. Pero mukhang dahil iyon kay Draco dahil gustong-gusto niya ang hatid ng init na katawan nito. Sa totoo lang din ay naguguluhan si Laura sa nararamdaman niya para kay Draco, lalo na ang nararamdaman ng puso niya pagdating dito. Kung i-a-analyze kasi niya ang nararamdaman, ang pagbilis ng tibok ng puso kapag malapit ang lalaki, iyong nakaramdam ng kirot ang puso nang may yumakap at humalik na ibang babae dito. At ang kasag
GANOON na lang ang gulat ni Laura ng paglabas niya ng banyo ay agad niyang nakita si Draco na nakasampa na sa kama, nakasandal ang likod nito sa headrest niyo.At mukhang hinihintay nito ang paglabas niya ng banyo dahil agad na nagtama ang mga mata nila, nakatingin na din kasi ang lalaki sa dereksiyon niya. Kasabay ng sunod-sunod niyang paglunok ay ang paghawak niya sa buhol ng tuwalyang tanging tumatakip sa kahubadan niya. Napansin nga ni Laura ang pag-angat ng isang kilay ni Draco nang makita nito ang ginawa niya. "What?" he asked, amusement gleaming in his eyes as he stared at her. "Huwag kang mag-alala, Laura. Hindi naman kita huhubaran ng walang pahintulot mo," sagot nito sa kanya. "I told you, I'll make you believe I like you," dagdag pa na wika nito. Hindi naman napigilan ni Laura ang mapakurap-kurap ng mga mata habang nakatitig siya kay Draco. Hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang nakatitig siya dito. "Because I like you, Laura. I know you
PANSIN ni Laura ang gulat na bumalatay sa mukha ni Lyka nang marinig nito ang sinabi ni Draco na asawa siya nito. At mula din sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagkuyom ng mga kamao ni Jake. At mukhang hindi din nito nagustuhan ang pag-amin na iyon ni Draco. At napansin nga din niya ang pagsilip nina Aine sa kinaroroonan ng mga ito. Mukhang nakikiusyo din ang mga ito sa nangyayari sa loob ng dining table. "W-what?" mayamaya ay wika ni Lyka nang nakabawi ito mula sa pagkabigla. "Are...you joking, Draco?" tanong nitong, mukhang hindi ito makapaniwala sa narinig. "Do you think I am joking, Lyka?" tanong nito, bakas sa boses ang kaseryosohan. At nang sulyapan niya ito ay napansin niya din niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. Walang halong pagbibiro sa mukha nito. At kailan naman nagbibiro si Draco? He never jokes. "But...why?" "Do I need to explain why I am married, Lyka?" tanong ulit ni Draco sa babae sa seryoso pero malamig pa ding boses. Bumuka-sara na
"GOOD morning, Senyorito Draco." Natigilan si Laura nang marinig niya ang pangalan na binanggit nina Aine. At sa halip na lumingon siya s kanyang likod para batiin din ang lalaki ay nanatili siyang nakatalikod at kunwari ay abala sa ginagawa. Kinagat nga din ni Laura ang ibabang labi ng maramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya. At kahit na hindi siya lumingon sa kanyang likod ay alam niya kung sino ang nakatitig sa kanya. Sa bigat ng titig lang nito ay alam na niya kung sino iyon. Si Draco. Kilalang-kilala kasi niya ang titig nito. Ang titig lang ni Draco ang nakakapagpataas ng balahibo niya sa katawan, ang tanging titig lang nito sa kanya ay nagpaparamdam ng kakaiba sa kanya. "Laura-- "Good morning, Draco." Hindi na natapos ni Draco ang ibang sasabihin nito sa kanya ng marinig niya ang boses na iyon ni Lyka. Wala naman siyang narinig mula kay Draco bilang pagbati din sa girlfriend nito. Lyka was still there at the Mansion. Bisita ito ng Hacienda Abriogo. At lahat nam
HINDI maintidhan ni Laura ang nararamdaman, lalo na ang sariling puso kung bakit nakaramdam iyon ng bahagyang kirot nang masaksihan niya ang ginawang paghalik ng babae kay Draco. Napansin naman ni Laura ang bahagyang pagkagulat ni Draco pero nang makabawi mula sa pagkabigla ay agad nitong itinulak ang babae palayo, muntik pa ngang nawalan ng balanse ang babae dahil hindi nito inaasahan ang pagtulak ni Draco. Napansin nga din niya ang pagsulyap ni Draco sa gawi niya. Napansin niya ang panlalaki ng mga mata nito nang makitang nakatingin siya sa mga ito. Iniwas na lang naman ni Laura ang tingin kay Draco dahil ayaw niyang makita nito ang sakit na bumalatay sa mga mata niya. "Lau-- Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ito dahil nagpatuloy na siya sa paghakbang. "What the hell are you doing here, Lyka?" narinig niyang tanong ni Draco sa babae. So, Lyka ang pangalan ng babae. At sino kaya ang babaeng iyon sa buhay ni Draco. Girlfriend ba? Malamang girlfriend dahil hindi nam