KABANATA III
THIRD POV
“How’s the investigation? Do you get any clue?” sambit na tanong ni Kurt.
Nagsama-sama sila ngayon sa kanilang secret hideout na silang lima lamang ang may alam. Walang ibang nakakapasok dito, dahil sa higpit ng sekyuridad nito. Kung titignan sa labas ay para lamang itong simpleng kubong bahay, pero sa loob nito ay kabaligtaran.
“Not yet,” sagot sa kaniya ni James.
Sa kanilang lima, si James ang angat ang kaalaman pagdating sa technology – Techie kung kilalanin. Nagtitipa siya sa kaniyang kompyuter at mabusising pinapasok ang website na kanilang kailangan.
“Himala tumagal ka ng kalahating oras diyan sa computer mo,” komento ni Steve na nasa gilid na pinapaikot sa kaniyang mga daliri ang dagger na kaniyang pagmamay-ari.
Si Steve naman ang magaling humawak ng mga matatalim na bagay sa kanilang lima. Pakiramdam niya kasi ay doon siya komportable, makakita lamang ito ng matulis na bagay ay tila kumikislap ang kaniyang mga mata.
“Manahimik ka nga, ikaw na lang kaya gumawa?”
“Chill pare, alam mo naman ikaw lang magaling diyan.” Usal ni Steve sa kaniya.
“Wait…May sumusubok na i-block ang system ko.”
Tahimik lang na nakatingin sa ginagawa niya ang apat at hinihintay ang mangyayari. Palipat-lipat ang paningin niya sa kaniyang dalawang monitor at maiging nagtitipa ng mga numero at letra.
Tahimik lang din nagmamasid ang kanilang leader na si Kurt, tiwala ito sa kaniya na magagawa niya 'to.
“Yes!” halos malaglag si James sa kaniyang kinauupuan ng matagumpay niyang mapasok ang website.
Ang website na ito ay hindi basta-basta lamang, isa itong website na kung saan iilan lamang ang nakakagawang mag log-in dahil ito ay illegal. Dito makikita ang iba’t-ibang tagong personalidad at mga gawaing illegal din.
“Good job, man,” tapik braso na bati sa kaniya ni Kurt.
“Nice one, man!”
“Galing, ah. Ikaw na talaga pare.”
“Iba talaga utak at galamay mo, man. Hands down!”
Galak na bati sa kaniya ng apat na miyembro, ngunit saglit lang ito dahil kailangan muling magtipa ni James sa kaniyang kompyuter. May oras lamang ang pag-access dito at pag hindi mo agad na-sign out ay bigla na lamang mamamatay ang kompyuter na gamit mo at hindi na muling mabubuksan.
“Patingin nga ulit ako ng drawing mo,” saad ni James kay Kevin.
Agad namang inabot nito ang kaniyang ginuhit na imahe na binanggit sa kaniya ng isang estudyante na nakapansin sa tattoo na nangsisimbolo o logo ng isang grupo tulad na lamang ng sumugod sa eskwelahan nila. Ilang araw din silang abala sa paghahanap ng kahit isang ebidensya para malaman kung sino ang mga iyon.
Buti na lamang si Kevin ang marunong gumuhit sa kanila. Inilarawan lamang sa kaniya ng estudyante ang nakita nitong markang bungo na may patalim na nakatarak sa kabilang ulo nito.
“Ang may-ari ng logo na ‘yan, kilala sila sa grupong butcher,” nanlalaking mata na saad ni James.
“Teka, parang namumukhaan ko ‘yang logo na ‘yan,” sabat ni Romnic dito na tila ba may inaalala.
“Naalala ko na, saglit may kukunin lang ako.”
Pinagmamasdan lang siya ng kaniyang miyembro, maya-maya lamang ay may inilabas itong bala ng baril.
“Ito, may nakaukit din dito na katulad niyang drawing. Nakuha ko ito no’ng isang araw na naglalakad ako sa park, may biglang bumaril sa direksyon ko,” tuloy na kwento nito sa apat.
“Why didn’t you tell us, what happened that day?” magkasunod na tanong ni Kurt sa kaniya na nakakunot-noo.
“Kalma pare, isang beses lang naman ‘yan. At ang akala ko naligaw na bala lang,” pagdepensa niya sa kaniyang sarili.
“Tanga mo pare. Sa park? May maliligaw na bala? Okay ka lang ba? Mamamatay kang walang alam, lintek ka. Mabuti na lang pala matalas ang pakiramdam mo,” sarkastikong sabi sa kaniya ni Kevin.
Sa kanila kasing lima, si Romnic naman ang may mabilis na reflexes, bukod sa talas nitong makaramdam. Mabilis itong kumilos, animo’y tila lang ito nakikipagsayaw sa hangin kapag may laban o gulo silang napapasukan.
“That’s enough,” pag-awat sa kanilang dalawa ni Kurt ng akmang sasagot pa sana si Romnic.
“I know them. They are paid to kill someone, like – us. That’s why they call them as a butcher,” pagpapaliwanag ni Kurt sa kanila.
“So, ibigsabihin ‘yong pagbaril kay Romnic ay isang warning lang para sa ‘tin?” saad ni James.
“That’s right. Pinili nila talagang targetin si Romnic because of his reflexes,” dugtong na sabi pa ni Kurt.
“Ibigsabihin, alam nila ang tungkol sa atin?”
“I don’t know. But, after this happened? I think they know something about us,”
“Kailangan natin mag doble ingat pa lalo,” paalala sa kanila ni Romnic.
“Yes. And, by the way, what happened to your investigation about who cleaned up their mess?” tanong ni Kurt kay James.
“Iyon ba? Hanggang ngayon wala pa din akong alam, e. Malinis masyado at walang bakas,” usal ni James na napapahawak sa kaniyang baba.
Sa kabilang banda naman ay tahimik na kumakain si Venuz at Angelica sa field. Pinagmamasdan ni Angelica ang pinsalang gawa ng pagsabog kailan lamang.
“Sis, paano mo pala nagawa ng ganoon kabilis iyon?” nagtatakhang tanong ni Venuz sa kaniya.
“Hindi lang naman ako ang gumawa no’n,”
“So, sino pa?”
“The fury,” maikling sagot ni Angelica sa kaniya.
Napanganga si Venuz sa sagot niya kaya naman bigla nitong nailunok ang kinakain niyang biscuit.
“Seryoso ka ba diyan?”
“Kailan ba ako nagbiro? Sa katunayan nga, andito lang sila sa eskwelahan natin,” naka-ngisi na sabi sa kaniya ni Angelica na lalo pang nakapagpagulat sa kaniya.
“Hala ka! Bakit hindi mo sa akin sinabi? Kainis ka naman e,” nakangusong sabi ni Venuz.
Iniidolo niya kasi ang mga ito kahit na hindi niya nakikita ang mga mukha nito dahil sa maskarang nakaharang sa mukha. Pinakilala ni Angelica sa kaniya ang grupo ng mga Fury at minsan na rin sa kaniyang ipinakita kung paano ito kumilos. Talagang namangha ito sa linis at bilis nitong kumilos. Si Angelica ang gumawa sa grupo na ‘to at binansagan niyang Fury.
“Hindi man lang ako nakapagpa-autograph sa kanila,” pagtatampo pa niya dito.
“Hayaan muna, ako na lang ang hihingi para sa iyo.”
Tila lumawak naman ang ngiti niya sa kaniyang narinig at napayakap ng mahigpit sa kaibigan.
“Yey! Thank you, sis.”
Agad itong bumitaw ng yakap nang sumenyas ng pekeng ubo si Angelica, nakalimutan niya saglit na ayaw ng kaniyang kaibigan na niyayakap siya.
“Sorry,” sabi niya at alanganing tawa pa ni Venuz dito.
“Oo nga pala, ‘yong grupo ng Vermin. Mukhang nagi-iimbestiga sa nangyari.”
“Hayaan mo sila, wala naman silang makukuhang impormasyon sa akin. Tinulungan ko naman sila,”
“Hala, paano?”
“I just gave the clue they want,”
Siya ang nag-utos sa estudyanteng nakausap ni Kevin tungkol sa markang nakita sa braso nito. Si Angelica rin ang nagsabi sa estudyante ng marking nakita sa braso na malabong makita ng iba. Naka-leather long sleeve kasi ang mga ito na kulay itim. Nakita niya lamang ito ng kunin niya ang isa sa mga buhay pang miyembro.
Tinanong niya ito ng mga impormasyon, ngunit wala naman siyang napala dahil sa katapatan nito. Kahit na pahirapan niya pa ng unti-unti ito. Ang tanging alam niya lamang ay ang grupong Vermin ang pakay ng mga ito.
“May alam ka ba sa grupong Vermin?” walang paligoy na tanong ni Angelica sa kaniyang kaibigan.
“Meron, pero kaunti lang,”
Sa ibang impormasyon ay may napapala din si Angelica sa kaniya dahil sa pagiging madaldal at tsismosa rin nito.
“Ano?”
“Wow sis, chismosa ka na rin?” natatawang sabi ni Venuz na binigyan lang ng matalim na tingin ni Angelica, “Kalma, nag jo-joke lang. Ito naman!” dugtong nito ng marealize niyang wala sa mood makipagbiruan ang kaibigan niya.
“Ito na nga. Ang nasagap ko lang na chika, e ‘yong grupong ‘yon daw ay isang gangster,”
“Hmm…”
“Ang alam ko, isa yata sila sa malakas sa underground. Marami na rin nagtangka sa kanila,”
“Paano mo naman nalaman iyan?” angat kilay na tanong ni Angelica sa kaniya.
“Ah, iyon ba? Kasi… Wag kang maingay, ha?” Sumenyas pa ito ng paglapat ng hintuturo niyang daliri sa kaniyang labi na tinangohan lamang ni Angelica.
“Hinack ko website ng underground.”
Napaangat lamang ang sulok ng labi ni Angelica sa sinabi nito, tila nagagalak itong malaman sa kaniyang kaibigan. Iniisip niyang maaasahan din talaga sa impormasyon ang kaibigan niya, alam niya rin kasi na pagna-curious ito sa isang bagay ay hindi ito matatahimik hanggat hindi niya nalalaman. Ganoon na lamang ang galak niya sa pagka-tsismosa nito.
“Akalain mo ‘yon, pinagana mo naman utak mo ng maayos,” maikling tawa pa na sagot ni Angelica.
“Grabe ka naman sis, oo naman,”
“Ano pa nalaman mo?”
“Malaki ang patong sa ulo ng mga ‘yon pag napatay mo isa sa kanila. Isa yata sila sa threat ng underground. Grabe sa gwapo ng mga iyon, mga halimaw pala. Ika nga ng iba, looks can be deceiving,”
“Yep,”
“Parang i…” hindi na natuloy ni Venuz ang sasabihin niya ng matalim na naman siyang tinignan ni Angelica. “Wala pa, ito naman,” dugtong pa nito at alanganing tumawa.
“Alam ko na tabas ng dila mo, kaya wag mo nang subukan.”
Natahimik tuloy siya at uminom na lang ng tubig, kahit kaibigan niya kasi ito ay matindi ang takot niya kay Angelica. Hindi pa niya ito nakitang magalit, pero wala rin siyang balak na galitin pa ito.
“Tara na,” aya sa kaniya ni Angelica.
“So…kayo pala ang target ng butcher ngayon, Vermin,” usal ni Angelica sa kaniyang isipan.
Hindi alam ni Venuz ang grupong sumugod sa eskwelahan nila, at wala na rin siyang balak pang sabihin ito dahil mas maigi na isarili na lamang niya ang nalaman niyang impormasyon.
“Buti na lamang at wala na siyang ibang nalaman sa website,” usal muli ni Angelica sa kaniyang isipan.
Si Angelica ang tumutulong din kay Venuz kung bakit siya nakakapasok sa mga delikadong website kagaya na lamang ang website ng underground, naka-limit lang din ang makikita dito ni Venuz dahil sa kaniyang ginawang pagkontrolado sa ibang impormasyon.
Hello ka-Nerdys, Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat, Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
ANG PAGTATATAPOS5 years later ..."Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama.Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro."Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga."Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya.""Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama."Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Angelica's POVWala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin."Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono."I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito."Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi."Okay, baby. Take care!"
Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n."May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie."Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila."Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid."Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya."Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic."Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic."Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang